Nakaupo ako ngayon sa harap ng malaking mesa habang umiinom ng kape.
"Hi, magandang umaga Camila," gising ka na? Alas-singko pa lang ng umaga at mukhang hindi ka yata nakatulog ng maayos kagabi," diretsong sabi ni Kuya Ricky sabay upo sa tabi ko.
"Baka nanibago lang ako Kuya, nasanay lang kasi ako na lagi nandito si Miguel sa tabi ko," sagot ko saka humigop ng mainit na kape.
"Sanga pala, Camila, pasama sana ako sa iyo sa bayan. I need to register with the COMELEC to run for mayor of Isidro town," napalingon agad ako bigla sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya.
"You're running for mayor, Kuya? Tama ba ang narinig ko?" mahinang sambit ko.
"Oo, Camila, tatakbo ako bilang mayor. O, ano, sasamahan mo ba ako?"
"Sige, Kuya, samahan na kita sa bayan. Mas maganda 'yun, at least nakakagala ako kahit paminsan-minsan lang," sagot ko.
Matapos ang pag-uusap namin ni Kuya Ricky, agad akong tumayo at tinungo ang ikalawang palapag ng bahay para magbihis.
Pagdating ko sa kwarto ko, binuksan ko ang malaking cabinet at kumuha ako ng blue jeans, puting t-shirt, at saka Skechers na puting sapatos. Matapos kong maisuot ang damit ko, inayos ko na naman ang sarili, ngunit napahinto nang makita ko ang itim kong bag.
Kinuha ko agad ito sa cabinet at binuksan, kaagad ko namang kinuha ang cellphone ko, at inilagay sa charger. Sigurado akong may signal doon sa bayan, makikisagap ako ng balita kay Kim kung ano na ang mga nangyayari sa kumpanya. Makalipas ang kalahating oras o higit pa,
"Camila, ready ka na ba? Tara na, male-late na tayo sa lakad natin," sabi ni Kuya Ricky habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at pinagbuksan siya ng pinto.
"Handa na ako, kuya," sabi ko pagkabukas ko ng pinto. Agad siyang tumingin sa akin ng diretso at saka nagsalita,
"Wow, Sobrang ganda mo, Camila. Bagay sa'yo ang suot mong damit," sabi niya bago ako tinalikuran. Agad ko naman siyang sinundan pababa ng hagdan. Habang pababa kami ng hagdan, napahinto kami nang makita namin ang tatay ni Kuya Ricky na nakatayo kasama ang isang magandang babae.
Agad naman kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kinatatayuan nila.
"Sam, kailan ka pa dumating?" tanong ni Kuya Ricky sa magandang babae.
"Kahapon lang, Ricky, tinawagan ako ni Papa kaya nandito ako.
"Pa, gumagawa ka na naman ng sarili mong desisyon na hindi mo ipinaalam sa akin."
"Aba, bakit, nagrereklamo ka pa? Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil tinawagan ko ang asawa mo."
"Pa, alam mo namang nagbabakasyon si Sam kasama ang buong pamilya niya."
"Ricky, I'm fine. Wag mo nang sisihin si papa. I heard from papa that you will run in the upcoming elections, kaya umuwi ako kaagad para tumulong dito."
Napansin ko agad ang pagdilim ng mukha ni Kuya Ricky, at parang hindi siya masaya na nandito ang asawa niya na si Samantha.
Maganda naman si Samantha; maputi, mahaba ang buhok at para siyang Kuriana, singkit ang mga mata nito at may magandang katawan.
"Camila, ipaghanda mo na kami ng almusal," diretsong utos ng ama ni Kuya Ricky. Agad akong tumalikod at naghanda sa paghakbang, ngunit napatigil ako nang hawakan ni Kuya Ricky ang isang braso ko.
"You don't have to do that, Camila. You are my brother's wife," diretsong sabi niya.
"Pa, utusan mo na lang ang mga kasambahay na gawin 'yan. Hindi katulong si Camila dito; asawa siya ni Miguel."
"Ganun ba ang tingin mo sa kanya, ha, Ricky? Asawa siya ng kapatid mo," diretsong sagot ng ama ni Kuya Ricky.
"Okay lang, Kuya," sabi ko at agad na tumalikod sa kanila, pumunta sa kusina, at naghanda ng pagkain para sa kanila.
Habang nagluluto ako ng pagkain sa kusina,
"Ms. Camila, kami na po ang bahala dito," sabi ng isa nilang kasambahay na si Manang Tisay.
"Ayos lang po ako Manang. Pwede mo ba akong tulungang maghiwa ng gulay," pakiusap ko sa kanya.
"Of course, Ms. Camila," sagot niya at saka hiniwa ang mga gulay na gagamitin sa nilutong kung chop suey.
"Manang, may itatanong lang sana ako sa iyo. Bakit hindi dito sa bahay nakatira ang asawa ni Kuya Ricky?" Tumingin siya sa akin ng diretso saka tumingin sa paligid bago nagsalita.
"Mahabang kuwento, Ms. Camila. Ang totoo, dito talaga nakatira ang asawa Senyorito ni Ricky noon."
"Ha, bakit? Anong nangyari, Manang?" Bakit siya umalis?
"Hay, ang hirap magsalita Ms. Camila. Kung ako sayo, layuan mo si Senyorito Ricky, umalis ka dito sa bahay, Ms. Camila, kung maaari."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Manang Tisay; parang may ibig sabihin. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya, at patuloy siyang lumilingon sa paligid habang nagsasalita sa harapan ko.
"Ms. Camila, umalis ka sa bahay na ito. Hindi ka dapat magtagal dito lalo na't wala si Senyorito Miguel."
"Manang, hindi ko po kayo maintindihan. Can you tell me why you are so afraid of them?"
"Masamang tao si Don Badong, Ms. Camila. Kung marami kang alam na sikreto nila, baka hindi ka na makaalis dito habang buhay."
"Teka lang Manang. Kinakabahan ako sa'yo. What do you mean?"
"Ms. Camila, mas mabuti kung wala kang alam tungkol sa kanila. Kung ano man ang makita mo sa bahay na ito, pumikit ka at itikom mo ang iyong bibig." Tumango na lang ako sa kanya, kahit hindi ko pa rin maintindihan ang ibig sabihin ni Manang Tisay.
Anong sikreto ang sinasabi ni Manang Tisay? Hindi kaya may ginagawang milagro ang ama ni Miguel? Tanong ko sa sarili ko. Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses niya na nagmumula sa likuran ko.
"Camila, ayos ka lang ba? Bakit nakatulala ka lang diyan?" sabi ni Kuya Ricky na agad namang akong naibalik sa aking kahelidad.
"Oo, ayos lang ako kuya. Naiisip ko lang si Miguel. Kumusta na kaya siya doon? Wala ka bang natanggap na sulat mula sa kanya kuya?" diretsong tanong ko.
"Wala, Camila. I think your husband is doing well in another country. Better yet, tutulungan kitang magluto ng pagkain para makaalis na tayo."
Ay, oo nga pala, may lakad pa pala kami ni Kuya Ricky, nakalimutan ko tuloy, saad ko sa sarili ko habang tinitingnan siyang nakatayo sa harap ko. Agad niyang kinuha ang isang tray na puno ng pagkain na nakapatong sa maliit na mesa at dinala sa malaking lamesa kung saan naghihintay si Samantha at ang kanyang ama. Pagkalapag ng pagkain sa mesa, agad na nagpaalam si Kuya Ricky na aalis na.
Oh! Bakit kasama si Camila sa pag-alis mo, Ricky? Hindi ba dapat ang isasama mo sa mga lakad mo ay ang asawa mo, hindi yong asawa ng kapatid mo?
Pa, wala namang masama kung isasama ko si Camila. Puwede namang sumama si Sam kung gusto niya.
Ricky, asawa mo si Sam, bakit ganyan ang trato mo sa kanya?
Puwede ba, Pa, ikaw lang naman ang may gusto at hindi ako.
"It's okay, Pa. Sanay na ako sa ugali ng asawa ko," diretsong sagot ni Sam at agad tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang kanyang bag.
"Let's go, aalis na tayo," diretsong sabi nito.
Napasunod na lamang ako sa kanila palabas ng bahay, at tinungo ang garahe kung saan nakaparada ang kotse ni Kuya Ricky. Agad kaming pumasok sa loob ng kotse at saka nagsimulang pinatakbo ang sasakyan patungo sa Bayan.