"Well, hindi na bata si Miguel, pa. Nasa tamang edad na siya. Hayaan na lang natin siya sa mga gusto niya. At isa pa, mabuting babae si Camila. Mas maganda kung kumain na lang tayo," sagot ni Kuya Ricky. Pagkatapos ay kumuha siya ng kanin at ulam at agad na kinain.
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming lumabas ni Miguel ng bahay at pumunta sa kuwadra ng kabayo. Namasyal kami ni Miguel sa buong Hacienda ng Acosta.
Napangiti ako ng walang kapantay nang makita ko ang mga kabayo sa kanilang kuwadra; nakatali pa sila ng mga lubid. Kinuha agad ni Miguel ang puti at kayumangging kabayo sa kanilang mga lalagyan at ibinigay sa akin ang puting kabayo. Nanginginig ang mga kamay ko nang inilapit ito ni Miguel sa akin.
"Ayos ka lang ba, Me?" tanong nito ng makita ang panginginig ng mga kamay ko.
"Yeah, I'm fine, Miguel. Sorry, first time kong humawak ng kabayo kaya natatakot ako," sagot ko. Tumingin siya sa akin, saka kinuha ang isang kamay at inilapit sa kabayo at hinaplos.
"Huwag kang matakot, Me. Ang pangalan niya ay Snowhite, isa sa mga paborito kong kabayo. Mula ngayon, pagmamay-ari mo na si Snowhite."
"Ha? Talaga, ibibigay mo sa akin itong kabayo, Meg? Hindi ka ba talaga nagbibiro?"
"Oo, Kaya simula ngayon, kailangan mong sanayin si Snowhite para mapalapit sa'yo."
“Thank you, Meg,” nakangiting sabi ko at agad siyang niyakap ng mahigpit saka hinalikan sa labi na agad naman nitong kinagat.
“Aray, ang sakit sa mata, bro,” pabirong sabi ni Kuya Ricky na biglang sumulpot sa aming harapan.
"Ang swerte mo sa asawa mo, bro. I also hope to find a girl like Camila: malambing at mabait, maganda pa."
"Oh! Bakit maganda naman, mabait, at sexy si Samantha. Bakit ayaw mo pang pakasalan si Samantha para magkaroon ka ng sarili mong pamilya?" sagot ni Miguel sa kapatid. At pagkatapos, sumakay sa puting kabayo at iniabot ang kanyang kamay sa akin. Inabot ko agad ang kamay ko sa kanya. Pagkatapos, hinila niya ako pasakay sa puting kabayo at mabilis na tumakbo palabas ng kuwadra. Sinundan naman kami ni Kuya Ricky. mabilis na tumakbo ang mga kabayong sinasakyan namin sa daan hanggang sa marating namin ang malalawak na pananim nila.
"Ang ganda dito, Meg. Ang sariwa ng hangin, ang sarap sa pakiramdam," mahinang sabi ko na may malawak na ngiti sa aking labi habang inililibot ko naman ang paningin sa paligid.
"Hindi boring dito kahit walang gadgets gaya ng cellphone. Sa ganda ng tanawin, makakalimutan mo ang mga problema mo."
Bumaba agad si Miguel sa kabayo at saka ako inalalayan pababa. Pagkatapos, itinali niya ang kabayo sa isang malaking puno.
"Halika ka, me, may ipapakita ako sayo," sabi niya sabay hawak sa isang kamay ko. Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa ilog. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang magandang talon habang bumubulusok ang tubig mula sa tuktok ng malaking bato.
"Wow, ang ganda dito, pwede ba akong maliligo?" Diretsong sabi ko. Agad naman siyang tumango kaya mabilis kong hinubad ang pulang Bistida na suot ko at inilagay sa malaking bato. Agad akong lumusong sa tubig, ilang sandali pa ay sumunod naman si Miguel sa paglusong sa tubig.
"Salamat, Meg ha. Alam mo ba na sa buong buhay ko, ngayon ko lang ito naranasan," sabi ko.
"I love you and I will do everything for you, me. By the way, kailan mo ba ako balak ipakilala sa parents mo? Ilang taon na tayong magkasama, pero kahit isa sa mga pamilya mo wala akong nakita," ani Miguel.
Bumuntong hininga ako, saka tumingin sa kanya nang diretso at nagsalita,
"Wala na akong pamilya, Meg. Nakalimutan mo na ba? Sabi ko naman sayo noon, matagal na silang namatay.
Sorry Me, pero don't worry, I'm here hindi kita iiwan. Mahal kita higit pa sa buhay ko, kaya bilisan natin magkaroon ng sariling anak para maging kumpleto tayo," sabi niya at saka hinawakan ang ibabang labi ko at hinalikan, na agad ko naman iyon ginantihan.
Habang naghahalikan kaming dalawa, napatigil ako nang makita kong nakatingin sa amin si kuya Ricky.
"Anong problema, Me?" tanong ni Miguel.
"Wala Meg, nandiyan lang naman 'yong kapatid mo pinagmamasdan tayo," diretso kong sagot.
Tumikhim naman agad si kuya Ricky at saka ito nagpalakad palapit sa amin habang nakatingin sa akin.
Pakiramdam ko ang mga titig niya tumatagos sa aking kaluluwa. Mabilis akong umahon mula sa tubig at nagmamadaling kinuha ang aking pulang bistida na nakapatong sa malaking bato."
"Nice figure," bulong niya nang dumaan ako sa gilid niya.
Salamat, pabalik kung sagot, kahit ang totoo, mismong puso ko ang tumitibok, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Oh! Akala ko ba hindi ka susunod dito. Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Sabi ni Miguel sa kapatid nito.
Naisipan ko lang sumunod dito sa ilog. Bukas ay aalis ka papuntang ibang lugar, so ano ang plano mo kay Camila? Iuuwi mo ba siya sa Manila?
Yan din ang gusto ko bro pero naisip ko lang na mas maganda kung dito muna sa bahay si Camila. Ilang months lang naman ako doon, siguro hindi aabutin ng isang buwan ay uuwi din ako. Susubukan kong tapusin agad ang trabaho ko doon.
Bro, may request sana ako. Pwede bang bantayan mo ang asawa ko habang wala ako, protektahan mo siya kay papa. Ikaw lang ang inaasahan ko sa kanya, pakiusap ni Miguel sa kapatid nito.
Agad akong nilingon ni Kuya Ricky na may malawak na ngiti sa labi bago sumagot.
Wag kang mag-alala kay Camila, hindi ko siya pababayaan dito, bro.
"Salamat bro. Maaasahan talaga kita," ani Miguel sabay lagay ng isang kamay niya sa balikat ni Kuya Ricky. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, agad silang kumuha ng kahoy, pinahasa, saka nangisda. Napangiti naman ako habang pinapanood silang nanghuhuli ng mga isda.
"Halika dito, me," sambit Miguel. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at lumapit sa kanya, kaagad niyang ibinigay sa akin ang kahoy na hawak niya.
"Anong gagawin ko dito, Meg?" tanong ko habang pinagmamasdan ito.
"Huliin mo 'yong isda na 'yan, me," sagot nito sabay itinuro ang isda na nagtatago sa mga bato.
"Pero Miguel, wala akong alam sa panghuhuli ng mga isda," sagot ko sabay kamot sa ulo ko.
"Halika nga dito," aniya sabay hawak sa magkabilang bewang ko.
"Ano'ng ginagawa mo, Miguel. Nakakahiya ka sa kapatid mo. Baka kung ano pa ang sabihin niya sa atin," tumawa lang siya nang malakas at saka siniil ang halik sa leeg ko.
"Let it be me, okay? Saka wala namang masama kung hahalikan kita. Asawa mo ako at mahal kita"
"Kayong dalawa, tama na 'yan. Nagseselos na ako sa ginagawa niyo. Kung alam ko lang sana nagdala na din ako ng babae ko para hindi ako magbulag-bulagan sa ginagawa niyong dalawa," sabi ni Kuya Ricky at kaagad naman itong bumalik sa panghuhuli ng mga isda.
Pagkatapos ng aming ginawa, dumiretso na kami sa maliit na kubo at saka niluto ang mga isda na kinuha namin. Kumuha din kami ng mga prutas at gulay sa paligid.
Habang kumakain kami, hindi ko mailunok ang inihaw na isda na kinakain ko nang makita ko ang paraan ng pagtitig ni Kuya Ricky sa akin.
"Okay ka lang, Me? May problema ba?" Sunod-sunod na tanong ni Miguel.
"Ha! Wala naman, Meg. Siguro napagod lang ako," sagot ko.
"Mabuti pa pagkatapos nating kumain, magpahinga muna tayo," sabi naman ni Kuya Ricky.
"Tikman mo itong mais, ang sarap," ani Miguel sabay isinubo sa akin ang nilagang mais. Kinain ko naman agad ito.
"Oh! Ano, masarap ba?"
"Hmm, isang lagok lang ang sagot ko habang puno ng mais ang bibig ko.