IVY's POV
Naunang umakyat si Trida sa kwarto. Ako naman ang naiwan para maghugas nang pinagkainan namin. Wala na rin sa kusina 'yung apat dahil umakyat na rin sila kanina pa.
Pagkatapos kong maghugas, agad na rin akong sumunod sa taas. Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si Trida, gumagawa ng assignment.
"Patapos na ‘ko, kopyahin mo na lang ‘tong sa ‘kin,” sabi niya habang nilalabas ko ang notebook ko sa bag. Gagawa na rin kasi sana ako.
"Baka mahalata ni ma'am na nagkopyahan tayo kapag magkamukha ang sagot natin,” sagot ko naman sa kaniya.
"Hindi ‘yan! At saka isa pa, kung gusto ni ma'am nang magkakaibang sagot . . . sana nagbigay s'ya ng magkakaibang tanong!”
Napaisip naman ako ro'n. May point din siya kaya tumango na lang ako. Pagkatapos niyang gawin ang assignment niya, ipinasa niya sa akin ang notebook at kinopya ko naman ‘yon without reviewing her answers. Mukha naman siyang matalino kaya tiwala ako sa sagot niya.
* * *
Pareho na kaming nakapantulog ni Trida. Pero bago ako mahiga, bigla niya ‘
akong hinamon maglaro ng bato-bato-pick.
"Para saan?" taka tanong ko sa kaniya.
"Kung sino ang matatalo, matutulog dapat nang naka-tape ang bibig,” nakangiti niyang sabi. Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil do'n. "Sige na kasi! Dali na!"
"Kailangan pa ba 'yon?" alangan kong tanong. Di ko kasi maintindihan kung bakit kailangan i-tape pa ang bibig.
"Sige na, dali na!” Pinilit niyang itaas ang kamay ko kaya wala na rin akong nagawa kun’di ang sakyan ang trip niya sa buhay. Umayos na kami at pumosisyon. "Bato-bato-pick!" Sabay kaming nagbitaw ng kamay at agad kong kinuha ang packing tape na nasa bed niya.
"T-Teka, Ivy..." Umatras siya sa akin habang nakatitig sa tape na hawak ko. Nagbato kasi siya at nagpapel naman ako kaya siya ang talo.
"Hindi ba sabi mo kailangan teypan ang bibig ng matatalo?" natatawa kong sabi sa kaniya.
"Oo nga. Pero . . . just let this slide. Pinakopya naman kita sa assignment, eh!"
TRIDA's POV
Pareho na kaming nakahiga ni Ivy. Buti na lang talaga ay pumayag siyang huwag na lang teypan ang bibig ko. Naisip ko kasi na tape ang sagot sa paghihilik niya. Akala ko rin matatalo ko siya kaya ang lakas ng loob kong maghamon. I underestimated her.
Hindi pa ako inaantok kaya bumaling ako kay Ivy. "Ikaw, bakit ka nga pala nag-dorm? Malayo rin ba ang bahay n'yo?" tanong ko sa kaniya habang busy sa hawak niyang cell phone.
"Oo."
"May family ka ba rito? Or any relatives?" tanong ko ulit, pero umiling siya. “Pareho pala tayo.
* * *
MAKALIPAS ang halos isang linggo — mas naging close pa kami ni Ivy. Hindi na siya 'yung tipo na mahilig tumango. Nakikipag-communicate na siya sa ‘kin nang maayos. Nakikisakay na rin siya sa biro at pati na rin do'n sa apat kapag nagkakasabay-sabay kami sa kusina.
Nag-a-apply ako nang kaunting makeup, habang si Ivy naman ay inaayos ang mga gamit niya sa bag. Nakagayak na kami pareho para pumasok.
"Hindi ka man lang ba mag-aayos?" tanong ko sa kaniya. Nagpulbos lang kasi siya at liptint, saka nagsuklay.
"Okay na ‘to. 'Di naman ako mahilig mag-ayos. Saka ‘di ako gaanong marunong."
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Halika nga rito, maupo ka." Tumayo ako sa upuan ko at inoffer ko ‘yon sa kaniya. Sumunod naman siya sa ‘kin at naupo nga. "Ako ang mag-aayos sayo." Sa tingin ko ay okay lang 'yon sa kaniya dahil hindi naman siya umangal. "We need to wear make up in order for us to look good and presentable,” sabi ko habang inaaplayan siya ng foundation.
"Mmm…” she hummed as a response.
"And we need to look presentable because of the field we are going to take in the future." Pinatungan ko 'yon ng powder at kasunod ang blush-on.
"Sige. Turuan mo ‘ko minsan kung paano mag-ayos. 'Wag mo kapalan ang blush-on ko, ha? Baka naman mamaya magmukha akong clown?"
"Hindi ‘yan. Basta magtiwala ka lang sa ‘kin,” I reassured her.
"Lalagyan mo ba ‘ko ng eyeshadow?" tanong niya habang pinapantay ko ang blush-on sa pisngi niya. Tumango naman ako. "Sige. Gusto ko 'yung eskimo eyes."
Nagsalubong ang kilay ko. "You mean, smoky eyes?"
"Ah, smoky ba? Akala ko eskimo, magkatunog kasi."
Pagkatapos ko siyang ayusan, lumabas na kami sa kwarto. Hawak niya ang compact mirror niya at tinitingnan niya ang sarili sa salamin. Halatang nagustuhan niya ang ayos ko sa kaniya.
Noong nasa lobby na kami, huminto siya. "Bakit?" I asked.
Tumingin siya sa ‘kin at tiningnan ang kilay ko. "Bakit hindi mo inayos ang kilay ko? Kilayan mo rin ako."
"Male-late na kasi tayo. Bukas ko na lang aahitin ‘yang kilay mo."
"Ngayon na!" Napabuntong-hininga ako bago ko kinuha sa bag ang pang-ahit ko ng kilay, nasa makeup pouch ko iyon.
Sinumulan ko nang ayusin ang kilay niya. "Pumikit ka, baka malagyan ng buhok ang mata mo.”
Agad naman siyang sumunod. Habang inaahit ko ang kilay niya, narinig ko ang boses ni Matthew at Zee. Pababa sila sa hagdan at parang nagkakaladyaan.
"Late na kayo!" biro sa amin ni Matthew noong natanaw niya kami ni Ivy sa lobby, pero hindi namin sila pinansin dahil busy ako sa kilay ni Ivy.
Natapos na ako sa isa kaya lumipat ako sa kabila. Pumasan naman si Zee kay Matthew noong nasa tapat na namin sila at na-out balance si Matthew, dahilan para madanggis niya ako.
"Ano ba naman ‘yan!" baling ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang nag-sorry at tumakbo palabas ng dorm. Nang humarap na ulit ako kay Ivy para tapusin ang kilay niya— feeling ko katapusan ko na. Napalunok ako sa nakita ko.
Naahit 'yung mahigit kalahati ng kilay niya sa kanan. As in 1/4 lang no'n ang natira. Patay!
"Bakit?" inosente niyang tanong sa 'kin. "Dalian mo na, tapusin mo na, baka ma-late pa tayo!”
Kinuha ko agad ang eyebrow pencil ko sa bag para gawan ng paraan ang disaster na nangyari sa kilay niya. Wala siyang kaalam-alam do'n kaya hindi ko na lang din binanggit para hindi siya magalit.
"Okay na," sabi ko nang titigan ko ang kilay niya na mukhang normal na ulit dahil sa nilagay kong eyebrow pencil. Basta huwag lang siyang maghihilamos.
"Tingnan ko nga." Kinuha niya sa bulsa ng palda niya ang compact mirror niya pero bigla ko 'yon inagaw noong itatapat na niya sa mukha niya.
"Male-late na tayo! Mamaya ka na magsalamin!" Hinila ko na siya palabas ng dorm.
Pagdating namin sa school, sa cafeteria agad ang diretso namin para mag-almusal muna. Maaga pa naman kaya siguradong wala pa ang teacher namin sa room.
Habang kumakain kami, nabaling ang tingin ko sa mesa nila Haze, Kayden, Zee at Matthew. Magkakasama din silang kumakain. Ilang table lang ang pagitan nila sa amin, mga lima.
"Mukhang tahimik lang si Matthew, 'no?" sabi ni Ivy na hindi ko namalayang nakatingin na rin pala sa direksyon ng apat. "Parang gusto ko silang makilala. Feeling ko mababait sila."
Natawa ako nang bahagya sa sinabi niya saka ako umiling. "Sige. Ipakikilala ko sila sa'yo base sa kung paano ko sila nakilala. Pero huhulaan mo kung sino ang tinutukoy ko."
"Sure," sagot niya sa 'kin, mukhang excited.
"The playboy who loves to flirt with every girl he finds cute and charming. The mababaw ang kaligayan. Mabilis matawa sa mga jokes. The childish. Extraverted. Warm and loving naman kahit papa'no. Strong-minded, and known for being charismatic," litanya ko.
Umarko naman ang kilay niya bago sumagot. "Haze?"
"Wrong. Matthew De Belen." Bahagya siyang nagulat pero agad din nakabawi. "Okay. Next is . . . he can befriend anyone very easily. He doesn't hesitate to go to the person he wants to be friends with and start a talk. He loves hanging out with people and socializing, he is a naive and carefree guy who likes to do what he likes to do without worrying. Can be serious but he likes to keep things light and connects with people through laughter and fun! Also, the pro gamer. The one who spent TOO MUCH money on the game."
"Si . . . Kayden?"
I shook my head no. "Nope. My bestfriend na yayamanin— Zee Kleivn Trevena!" nakangiti kong sabi sabay sulyap sa mesa ng apat. "Okay. Next. The outgoing. Very sociable. The funny type of guy who loves making jokes, kaya magkasundo sila ni Matthew. His popular because of his killer smile."
Napaisip naman siya sabay baling ulit sa gawi ng apat. "Killer smile? I think si . . . Kayden?"
Umiling ulit ako sabay sabing, "Haze Cartajena." Lumingon ako sa gawi nila para sulyapan si Kayden na huli kong babanggitin. "And the varsity. Can also be noticeably quiet when in a large group of people. Loves being by himself. Hangout only with his friends. And can be a savage sometimes. No other than . . . Kayden Razon." Binaba ko ang tingin ko sa pagkain at muling sumubo. "Matatalino silang apat. Hindi lang halata kapag gumawa na ng kalokohan. Lalo na si Matthew at Haze, sila kasi ang tandem pagdating sa bardagulan!" dagdag ko pa, which is totoo naman. “Now, let me ask you . . . sino'ng bet mo sa kanila?"
She stared at me for a moment. "Hmm. Si Matthew. Lagi kasi s'yang nakangiti. Tapos kapag ngumiti s'ya sobrang charming." Napangiti pa siya, halatang kinikilig. Napabuntong-hininga naman ako dahil may pagka-flirt si Matthew, and I don’t like him for that.
Pagkatapos ng klase, nagdesisyon agad kami na umuwi sa dorm. Naglalakad kami sa sidewalk nang biglang may lumabas na aso sa isang gate na nakabukas.
"Ivy, takbooo!” Hinatak ko agad si Ivy dahil bigla ‘yon tumakbo palapit sa amin. Nagsimula na rin ‘yon tumahol nang malakas.
Utang na loob! Hindi pa ‘ko nakakagat ng aso sa buong buhay ko, ‘wag naman sana!
“Aray! Tangina, sandali!” reklamo ni Ivy dahil hila-hila ko pa rin siya. Gusto ko sanang mag-react dahil ngayon ko lang siya narinig magmura, pero wala na akong oras para ro'n.
Napasigaw na kami pareho dahil sobrang lapit na sa amin ng bwisit na aso.
“Saklolo! Saklolo! Put@ng ina!” parang tangang sigaw si Ivy. Ano ‘to? Sunog?
Malapit na kami sa dorm namin at may natanaw akong magarang sasakyan na nakaparada sa harap. Tinted ang mga salamin no’n at parang walang tao dahil patay ang makina.
“Ivy, akyat! Bilis!” Bago pa maabot ng aso ang binti ko, agad akong sumampa sa hood ng kotse. Para namang tanga si Ivy dahil hirap makasampa kaya agad kong inabot ang kamay niya bago pa siya mahabhab ng aso.
“Sssh! Alis!” pagtataboy niya ro’n dahil tahol pa rin ito nang tahol sa amin. Pero hindi na niya kami maabot dahil nakasampa na kami sa harap ng kotse.
Habang busy si Ivy sa pagtataboy sa aso, nilinga ko naman ang tingin ko sa sasakyan na mukhang bago pa at halatang hindi biro ang halaga.
“Kanino ‘to?” Hindi ako pinansin ni Ivy dahil pilit niyang pinapaalis ang aso. Inikot ko ang katawan ko para tingnan kung may tao sa loob no’n. Tinted ang salamin kaya sinubukan kong ilapit nang husto ang mukha ko, as in nakadikit na ang noo ko sa windshield, para lang makita ko ang loob no’n. Pero kahit ano’ng gawin ko, hindi ko pa rin makita. Maya-maya pa, may lumapit sa amin na lalaki, mukhang siya ang may-ari ng aso dahil agad lumapit ‘yon sa kaniya noong makita siya.
“Pasensya na kayo. Naiwan kasing nakabukas ang gate,” sabi nito sa amin.
“Sa susunod kuya, pakitali. Muntik na ‘ko mamatay!” seryosong sagot ni Ivy sa kaniya.
Nagpaalam na sa amin ‘yung lalaki at hawak na rin niya ang kadena ng aso kaya niyaya ko na si Ivy na bumaba.
“Tara na.” Uusad pa lang sana kami pababa nang biglang mag-start ang sasakyan. “May tao,” baling ko kay Ivy. Nagkatinginan kami at kasabay no'n ang pagsigaw ko. “Punyemas!” Dahil umandar 'yon nang hindi man lang kami hinayaang makababa.
“Trida! Aaaah!” Kumapit sa ‘kin si Ivy nang mahigpit, pero ako, hindi ko alam kung saan ako kakapit. “Malalaglag tayo!”
Agad akong bumaling sa windshield at pinaghahampas ‘yon. “Stop! Tumigil ka! Ihinto mo! Punyeta!” Ayaw pa rin niyang ihinto. At ang ginawa pa, pinag-left, right, left, right niya ang pagda-drive. Para kaming nagdadaan sa bitukang manok.
“Tridaaaa!” Napahiyaw na rin si Ivy dahil gumegewang na ang mga katawan namin at isang maling kilos o biglaang pag-preno lang ay malalaglag na kami.
Lakas loob naman akong bumaling sa windshield. “Ihinto mo! Babaliin ko ‘tong wiper!” Hindi ko alam kung narinig ako ng tao sa loob. Pero akmang hahawakan ko na ang isang wiper niya, bigla siyang nag-preno nang malakas, na naging dahilan para masubsob kami ni Ivy sa windshield. Buti hindi kami nalaglag.
Hindi agad ako nakababa dahil sa hilo na nararamdaman ko, at gano’n din si Ivy. Daig pa namin ang lantang gulay.
Bigla naman bumukas ang pinto ng driver’s seat at iniluwa no’n ang isang—demonyong nagkatawang anghel.
Shet! Ang g’wapo!