TRIDA's POV
NAMIMILI na ako ng pagkain sa mga naka-display sa mahabang salamin.
"Gusto mo nito?" tanong ko kay Ivy sabay turo sa pagkain na napili ko.
Tumango naman siya.
Kumuha ako ng bottled juice sa ref na katabi namin. "How about this one?"
Tango lang ulit ang isinagot niya sa 'kin.
Wala ba siyang dila?
Pagkatapos namin magbayad, nagpunta na kami sa bakanteng mesa. Magsisimula na sana akong kumain ngunit bigla akong na-curious kay Ivy, so I studied her face. "Bakit Tourism ang kinuha mong course?"
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at medyo matagal bago siya sumagot. "Gusto kong maging flight attendant at makapag-travel sa iba't-ibang bansa."
"Nah, you're not qualified." Pinag-ekis ko pa ang dalawang kamay ko. "Flight attendant must have a good communication skills and interpersonal skills. Pero ikaw, halos 'di ka nagsasalita. Parang takot kang makipag-usap. Tango ka lang nang tango!" Napailing ako habang nakatingin sa kaniya. And again, 'di pa rin siya kumibo. Nakatingin lang siya sa 'kin. Mukhang disappointed sa sinabi ko. "A flight attendant's primary job is keeping airline passengers and crew safe. They respond to any emergencies that occur on the aircraft and make sure everyone follows FAA regulations," I added. "Pa'no kapag naging flight attendant ka at isa ako sa mga passengers n'yo? Tapos biglang magca-crash na pala 'yung eroplano? Baka kapag tinanong kita kung katapusan ko na ba...baka tanguan mo lang ako!" singhal ko sa kaniya.
"Grabe ka naman! Hindi lang kasi ako sanay makipag-usap kapag hindi ko pa gaanong kilala," dipensa niya. Nagpatuloy na ulit kaming kumain pero maya-maya, siya naman ang nagtanong sa 'kin. "Eh, ikaw? Bakit ka nag-Tourism?" she asked curiously.
"Wala. Trip ko lang. Magaganda kasi at sexy 'yung mga flight attendant kaya feeling ko, doon ako nababagay. I also want to ride the pilot— I mean, airplane." I laughed a little. "At saka gusto ko rin ma-experience 'yung hihinto ang eroplano sa taas para magpa-gas!" I joked.
"Wala naman gasoline station do'n sa taas."
"Mayro'n. May cr nga rin, eh. Kaya kapag naiihi ka at occupied 'yung cr sa eroplano, sabihan mo lang 'yung piloto na ihinto ka sa gasoline station, iihi ka lang kamo."
Her eyes turned sullen, and pity appeared in her eyes. "Hindi ko alam kung ano'ng dahilan ng paghihiwalay n'yo ni Haze. Pero . . . okay lang 'yan. Magiging okay ka rin, soon. Pakatatag ka." Iyong tono niya, para bang pinapalabas niyang may mental disorder ako.
Pero sa halip na mainis, natawa pa ako sa kaniya. "Ayan! Gan'yan nga! Matuto kang sumagot!"
Napailing na lang siya at nagsimula na ulit kaming kumain. "Matagal mo na ba silang kilala?" tanong niya nang mabaling ang tingin niya sa pwesto ni Matthew at Zee.
"Ah, sila ba? Hmm. Well. Si Zee, best friend ko. Si Matthew naman nakilala ko lang dahil tropa s'ya ni Zee. Since last year dito na sila naka-dorm kaya kahit papa'no close ko na sila."
"Anong year na sila?"
"Si Matthew at Zee, third year college. Si Kayden at Haze naman, fourth year, graduating na. Lahat sila Business Administration ang course, kaya sa kabilang department sila," paliwanag ko. Tumango naman siya habang ngumunguya. At pansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya kay Matthew. "Bakit? May bet ka ba sa kanila?"
Nasamid siya bigla sa tanong ko kaya naibuga niya sa 'kin ang nasa bibig niya. Na naging dahilan para matulala ako. Parang gusto ko tuloy siyang kaldabugin.
"Sorry..." agad siyang dumukwang para tanggalin ang ilang butil ng kanin na tumalsik sa mukha ko.
"Masyado yata akong naging mabait sa'yo, Ivy, kaya inaabuso mo 'ko." Dinampot ko ang tissue sa tabi ko at pinunasan ang mukha ko. Ewww! Gross!
* * *
Noong matapos ang klase ay agad akong nagyaya sa dorm. Alas dose ng tanghali na. Pang-umaga ang schedule namin kaya ang pasok namin ay magsisimula ng 7:00 a.m to 12:00 noon. May ibang araw naman na may hanggang 9:00 a.m lang kami at may isang subject kami na pang 5:00 p m-6:00 p.m, pero every friday lang.
"Matulog ka pag-uwi natin sa dorm," sabi ni Ivy nang makita niyang naghikab ako. Gagawin ko naman talaga 'yon kahit hindi niya sabihin. Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa paghihilik niya at kung mamayang gabi hindi na naman ako makakatulog, baka bukas makalawa mamatay na lang ako bigla.
Pagpasok namin sa kwarto, hinagis ko agad sa paanan ng kama ang bag ko at saka ako nahiga. Feeling ko wala na akong lakas tumayo at kumain ng lunch dahil sa sobrang antok.
"Tulog muna 'ko. Gisingin mo 'ko bandang 6:00 p.m para makapagluto tayo ng dinner," I said and immediately closed my eyes without waiting for her answer.
IVY's POV
Habang tulog si Trida, kinuha ko ang cell phone ko at sinubukan kong tingnan kung may social media account siya. Nakita ko ang apelyido niya kanina sa suot niyang ID noong nasa classroom kami kaya sinubukan kong i-search ang pangalan niya. At agad ko naman 'yon nakita.
Trida Montana.
Marami siyang followers sa social media at active rin siya sa pag-posting.
Habang ini-stalk ko ang profile niya, may nakita akong family picture nila. Pero 'yung date ay two years ago pa. Apat sila sa picture at sa tingin ko kapatid niya iyong isang lalaki na mukhang mas matanda sa kaniya. Napansin ko rin sa mga pictures niyang naka-post na halatang anak mayaman siya. Kaya siguro maraming nakakakilala sa kaniya sa school.
TRIDA's POV
Nagising ako sa pagtapik ni Ivy sa braso ko. "Ano'ng oras na?" I asked. Halatang kaliligo niya dahil basa pa ang buhok niya.
"Six."
I got up and made my way to the bathroom. I brushed my teeth and washed my face.
"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko sa kaniya paglabas ko.
"Kung ano'ng meron. 'Di naman ako maarte sa pagkain."
Nagpunas ako ng mukha at nagsuklay. "Sa susunod na mag-grocery ako, mag-share na tayo sa budget since magkasama naman tayong kumakain."
"Sige," tipid niyang sagot at saka na kami lumabas sa kwarto para bumaba sa kusina.
Papalapit pa lang kami, nakarinig na kami ng ingay. Ingay nila Matthew, Haze, Zee at Kayden. Pagdating namin do'n, naabutan namin silang nagbabato-bato-pick.
"Ano'ng ginagawa n'yo?" usisa ko sa kanila.
Bumaling naman sa akin si Matthew. "Yung talo, magluluto."
Napailing ako sa sagot niya. Ang tatamad talaga!
Binuksan ko na ang refrigerator at naghanap na ako ng p'wedeng iluto. Maya-maya pa, nagsigawan sila dahil sa pagkatalo ni Kayden. Lumingon ako sa kanila at nakita kong nakangiti si Kayden pero halatang dissapointed sa pagkatalo niya.
"Sarapan mo, ah!" natatawang sabi ni Haze sa kaniya.
"Tawagin mo na lang kami kapag kakain na," dagdag naman ni Zee 'tsaka na sila umalis sa kusina, habang si Kayden ang naiwan para magluto.
* * *
Kasalukuyan na kaming kumakain ni Ivy. Mukhang nagustuhan naman niya ang niluto kong corned beef na may patatas.
Si Kayden naman, sinigang ang iniluto. Sobrang asim no'n at hindi namin bet ni Ivy kaya kahit inalok niya kami, hindi kami kumuha.
"Not bad for the first timer," plain na sabi ni Zee nang tikman niya ang niluto ni Kayden. Mahilig kasi si Zee sa maasim kaya siguro nagustuhan niya.
"Walang'ya! Ang asim ng sabaw! Parang pinaghugasan ng kili-kili!" komento naman ni Matthew at sinabayan pa ng tawa. 'Yung sinigang kasi ni Kayden, kasing asim ng paksiw.
"Hmm, Trida?" tawag sa 'kin ni Ivy habang kumakain kami kaya binalingan ko siya. "Bakit ka nag-do-dorm? Malayo ba 'yyng bahay n'yo rito sa school?" Natigilan ako sa tanong niya.
Binitawan ko ang hawak kong kutsara't tinidor dahil bigla akong nawalan ng gana. I looked up at her, and she's waiting for my answer. I let out a deep sigh before answering. "Naglayas ako sa 'min."