TRIDA's POV
He took his sunglasses off, and his sharp defined eyes met mine.
“Aren’t you going to get off?” His slanted nose looks great, accompanied with his wide and plump lips. His hairline is tough, and it outlines his forehead very pleasantly. “Or do you want another ride?” He is extremely well-proportioned. His shoulders are wider than his hips, he has lean and toned arms. His chest is wide and masculine. He has amazing legs—
“Baba na tayo!” Ivy snapped me out of my thought.
“Nasa’n na tayo?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong medyo napalayo ulit kami sa dorm dahil nga pala sa pag-andar ng sasakyan. Binalik ko naman ang tingin ko sa lalaking may-ari no'n at halatang badtrip siya habang nakatitig sa mga gasgas na dulot namin ni Ivy sa ibabaw sasakyan niya. "Don't worry. Babayaran kita sa mga gasgas na 'yan. Para 'yan lang, eh!" Napairap pa ako sabay tanong, "Magkano ba?"
Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa amin ni Ivy nang may pagdududa. "One thousand—"
"Sus! One thousand lang pal—"
"Dollar," he continued. Narinig ko naman si Ivy na nagco-compute, kino-convert niya 'yon sa peso.
"Magkano?" baling ko sa kaniya.
"Fifty thousand. More or less."
Napaawang nang bahagya ang bibig ko sabay baling sa lalaking nasa harap namin. Pinilit kong tumawa nang bahagya. "Char lang. Wala akong pera. P'wedeng utang muna?"
May dinukot siya sa bulsa niya. Isang wallet. Binuksan niya 'yon at may inilabas na maliit na papel, na sa tingin ko ay calling card. Palihim akong napangiti bago niya 'yon iabot sa 'kin.
"You better pay me," malamig niyang sabi at mabilis na pumasok sa loob ng kotse niya saka na umalis.
Ibinaba ko naman ang tingin sa card na hawak ko at nagsalubong ang kilay ko nang makita ko 'yon. "Scammeeeer!"
"Bakit?" tanong ni Ivy sa 'kin. Nainis ako kaya sa halip na sagutin siya, inabot ko na lang sa kaniya ang card na hawak ko. Card na may bank account number ng lalaki 'yon.
Akala ko pa naman calling card. Bwisit!
Binasa naman ni Ivy ang pangalan na nakalagay ro'n. "Kierzyuwi Yanzon."
* * *
Habang naglalakad kami papalapit sa dorm, tumama ang mata namin ni Ivy sa nakaparadang sasakyan sa harap no'n.
Bakit naroon na naman ang sasakyang 'yon? Hindi kaya ka-dorm namin siya? Pero hindi naman siya pamilyar. Ngayon ko lang siya nakita.
"Nakikita mo ba 'yung nakikita ko?" tanong ko Ivy habang nakatanaw pa rin ako sa sasakyan na tinungtungan namin kanina.
"Oo. Kitang-kita ko 'yung gasgas kahit malayo pa tayo. Ikaw? Naaamoy mo ba 'yung naaamoy ko?"
"Oo. Nangangamoy utang na tayo." Dali-dali na kaming pumasok sa gate ni Ivy. Sa lobby pa lang ay iginala ko na agad ang paningin ko dahil baka narito sa loob 'yung lalaking 'yon.
Pero hindi naman namin siya nakita kaya dumiretso na kaming umakyat sa hagdan.
"Saan tayo kukuha ng perang pambayad sa lalaking 'yon?" tanong ni Ivy habang patuloy kami sa pag-akyat sa hagdan papunta sa third floor.
May natapakan akong maumbok kaya huminto ako. Inalis ko ang paa ko para tingnan 'yon. At nagulat ako nang makitang wallet na itim ang natapakan ko. Agad ko 'yon dinampot. Ang bilis sagutin ng langit ang problema namin.
"Dito. Dito tayo kukuha!" nakangisi kong sabi kay Ivy. Binuksan ko ang wallet para tingnan ang laman, pero nagulat ako nang mabungaran ko ang one by one picture na nasa harap. At 'yung lalaking nasa picture ay walang iba kun'di ang lalaking kausap namin kanina.
"Bakit? Kanino 'yan? Patingin nga." Kinuha niya sa akn 'yon at siya ang nag-check ng laman. "Seven hundred lang 'yung cash n'ya. Ibalik natin, kawawa naman." Kinalkal niya pa 'yung laman no'n at may hinugot siyang isang itim na card. "Ano 'to?" tanong niya pero sa card pa rin nakatingin.
"Patingin." Kiuha ko naman 'yon sa kaniya para tingnan. And again, napaawang na naman ang bibig ko sa gulat.
"Bakit?" takang tanong ni Ivy na mukhang pinanganak na walang kamalay-malay sa mundo.
"This is not an ordinary card . . ." mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang itim na hawak ko. "World elite black card 'to," baling ko kay Ivy. "Exclusive lang 'to sa mga taong sobrang yaman. Ang alam ko ten million ang kailangan mo na minimum balance para magkaroon ka nito," I explained and her eyes widened.
At lalo pa kaming nagulat noong bigla naming narinig ang boses ng lalaki kanina mula sa aming likuran.
"Give me that. It's mine."