Hugo's POV Mahigit dalawang linggo na ang nakaraan, magaling na din ang sugat ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya na magaling na ang sugat ko. Nakakatawa dahil hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit hindi ako masaya na gumaling na ang sugat ko. Nandito ako ngayon sa opisina ko, ka meeting ko si Hanz at ang daddy ni Hanz na tiyuhin ko. May pinag-uusapan kaming proyekto na gusto ko sanang simulan kasama sila kaya inihanda ko talaga ang araw na ito para sa meeting na ito. Sa susunod kasing araw ay tutuloy naman ako sa Pangasinan dahil may susugurin kaming kuta ng mga kalaban. Nasa Pangasinan na silang lahat at ako na lamang at ilang tauhan ko ang nandirito sa Manila dahil may mga importante pa akong trabaho na dapat kong tapusin. Medyo matagal din kasi akong napahinga da