Chapter 7 -Bumigay na si Joyce-

2166 Words
Joyce's POV Isang linggo na mula ng mangyari ang ginawa sa akin ni Sir Hugo. Mula nuon ay umiiwas na ako sa kanya kapag napapadalaw sila dito sa mansion niya. Hindi na lang ako lumalabas at nagkukulong na lamang ako sa silid ng mga anak niya. Ipinapasok ko na rin ang susi sa loob at binubuksan ko lang ang pintuan kapag may kumakatok. Hindi ako makatulog, halos alas dose na ng hating-gabi pero hindi ako makatulog. May kung anong bumabagabag sa kalooban ko na hindi ko maunawaan. Mabilis kong tinawagan ang kapatid ko upang makasiguro ako na maayos lang siya. "Ate alas dose na natutulog na ako, maaga pa pasok ko bukas." ani niya na halatang nagising ko siya sa pagtawag. "Sorry Ces, sige na matulog ka na. I love you." wika ko at pagkatapos niyang mag I love you back sa akin ay pinatay ko na ang telepono ko. Bumaba ako upang kumuha ng maiinom dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang aking lalamunan. Nakarinig ako ng malakas na sigawan at mga taong nagmamadali papalabas ng mansion kaya napatakbo din ako sa may pintuan at laking gulat ko ng makita ko si Sir Marcus na buhat-buhat si Sir Hugo sa kanyang balikat at duguan ito. Halos himatayin ako habang pinagmamasdan ko ang lalaking walang malay na duguan. Ang puso ko ay hindi ko na maunawaan sa sobrang bilis ng pagtibok nito. "A-ano po ang nangyari sa kanya?" tanong ko sa isang tauhan nila habang naipasok na nila si Sir Hugo sa loob ng silid sa unang palapag. Mabilis ding pumasok ang kararating lamang na doktor sa silid kung saan nila ipinasok si Sir Hugo. "Tinamaan sa labanan." sagot niya at pumuwesto na sila sa labas at nag-bantay. Napatingin ako sa nakapinid na silid. Gustong-gusto kong pumasok sa loob ngunit alam kong hindi nila ako pahihintulutan. Matinding takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa loob. Natatakot ako, ayokong mawala si Sir Hugo. Ilang oras sila sa loob ng muling bumukas ang pintuan ng silid. Bigla akong napatayo at hinintay kong lumabas ang taong nagbukas nito. Unang lumabas si Sir Marcus kasunod ang mga kaibigan niya at ang doktor. "Kayo na muna ang bahala dito, ligtas na si Hugo, natanggal na rin ang bala at wala namang natamaang maselang bahagi ng katawan niya. Bukas ay siguradong magigising na din siya. Bukas kami babalik dito kasama ko sila Calix." wika ni Sir Marcus at napatingin siya sa kinatatayuan ko. "Matulog ka na at bantayan mo ang mga anak ni Hugo. Maayos na ang kalagayan niya kaya wala ng dapat ipangamba." ani niya sa akin at tumango lamang ako. Tumalikod ako at pinahid ko ang luhang lumandas sa aking mukha. Pagharap kong muli ay nagmamadali na akong umakyat sa silid ng mga bata. Sobrang takot ang naramdaman ko kanina dahil akala ko ay napuruhan si Sir Hugo. Napatingin ako sa mga batang natutulog. Lumapit ako sa kanila at hinimas ko ang kanilang gwapong mukha. "Okay na ang daddy ninyo, natakot ako kanina akala ko ay mawawala na siya sa atin." bulong ko at pagkatapos ay nahiga na ako sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko pero hindi naman ako makatulog. Pabaling-baling lang ako ng higa at hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Ngayon ay nakakasiguro na ako na hindi pangkaraniwang tao ang mga amo ko, maaaring isa silang sindikato o kalaban sa batas. Hindi ko alam pero ang alam ko lang, sa kabila ng mga naiisip ko na hindi mabuting tao si Sir Hugo ay mahal ko pa rin ito. Pagmamahal na hindi pwede dahil nilinaw na niya sa akin na hindi niya ako gusto at katawan ko lang ang nais niya. Dahil sa nangyari sa kanya kanina ay mas napapatunayan ko lang sa aking sarili na mas matimbang nga ang pagtingin ko sa kanya kaysa sa galit na nararamdaman ko para sa kanya. ……✎ NAGISING ako ng may kumakatok sa silid ng mga bata. Napabangon akong bigla at ganon na lang ang gulat ko na mag-aalas otso na pala ng umaga. Tulog pa rin ang mga bata kaya maingat akong tumayo, binuksan ko ang pintuan at nakangiting dalawang yaya ang humarap sa akin. "Sorry kung nagising ka namin, kailangan na kasing kumain ng mga bata. Bakit ang daming bantay sa ibaba, anong nangyayari?" ani ng isang yaya na naging kaibigan ko na dito. "Hindi ko alam eh. Kagigising ko lang kasi." pagsisinungaling ko. Ayoko naman silang takutin at baka layasan pa kami dito at mas mahirapan pa ako sa pag-aalaga ng tatlong bata. "Kasi nga mayaman ang amo natin kaya kapag nandito sila kailangan nila ng mga bodyguards, ganuon kasi mga napapanuod ko sa mga palabas na movie kapag bilyonaryo ang amo nila." wika naman ng isa na nginitian ko na lamang. Ginising nila ang tatlong bata at isa-isa namin silang kinuha para palitan ng diapers. Pagkabihis ng mga bata ay dumiretso na kami ng kusina at laking gulat namin ng pumapasok si Sir Marcus na may kasamang apat na mga nag-gagwapuhang mga nilalang. "Mga laway ninyo baka tumulo sa sahig at magkalat pa kayo dito, nakakahiya kayo." ani ni Nanay Ester. Kaya napalingon kami sa kanya. Mabilis naman siyang nilapitan ni Emma, ang isa sa yaya ng anak ni Sir Hugo. "Nanay Ester sino po ang mga 'yon? Dyosko ang gagwapo naman nila, para silang inihulog mula sa langit at tumayo sa harapan ko." kinikilig na ani ni Emma. Natatawa na lamang kami sa kanya. Si Emma ay may anak na din, isa lang ang anak niya, sabi niya ay naanakan siya ng dati niyang kasintahan na matapos makuha ang gusto sa kaniya ay ibang babae ang pinakasalan. Isang bagay na ayokong mangyari sa akin. "Naku Emma, huwag mong sabihin na hindi ka pa rin nadadala sa nangyari sa iyo ha! Naku ikaw talagang bata ka! Tahiin mo nga lang 'yang panty mo para hindi kung kani-kanino nalalaglag 'yan." ani ni Nanay Ester na ikinatawa na naming tatlo. Lumapit sa amin ang isa sa kaibigan ni Sir Hugo, si Sir Josh, na lagi siyang nakangiti at litaw na litaw parati ang mapuputi niyang mga ngipin na mas lalong bumabagay sa napakagwapo niyang mukha. Nag-utos siya kay Nanay Ester na magluto ng agahan dahil sa dumating na apat na bisita, narinig ko din ng sinabi niya sa mayordoma ni sir na gising na si Sir Hugo at naghahanap din daw ng makakain. Napahugot ako ng malalim na hininga na sa wakas ay nasa maayos na nga talaga siyang kalagayan. "Saan ba galing ang mga nilalang na 'yan at ganyan kagagwapo?" bulong sa akin ni Sonia, ang isa sa yaya ng triplets. Si Sonia naman ay may asawa na at may dalawang anak, mabait siya pero mas nakasundo ko si Emma at masasabi ko na mas close kami ni Emma na parang mag best friend na. "Sa tiyan ng nanay nila?" pagbibiro kong sagot na ikinatawa niya at hinampas pa ako sa braso ko. Napabungisngis naman kami ng mahina kaya napalingon sa amin si Sir Josh at ngumiti lang siya sa amin. Shemay ang gwapo talaga niya pero wala ng mas gagwapo pa kay Sir Hugo. "Joyce, pinapatawag ka ni Hugo." ani ni Sir Josh na ikinagulat ko at nagkatinginan pa kaming lahat na nasa kusina. Kinuha naman ng isang kasambahay ang hawak kong anak ni sir at siya na raw ang magpapakain dito. "Ako ho? Bakit daw po? Uhm wala naman po akong ginagawang masama." kinakabahan kong ani. Tinatakot na ako ni Emma na patatalsikin na daw ako dahil late akong nagising ngayon. Nakakaramdam ako ng pangamba, hindi kaya paaalisin na talaga ako ni Sir Hugo? "Nanay Ester, kailangan ko po ang trabahong ito para sa kapatid ko." naiiyak kong ani. Natawa naman si Sir Josh at sinabi niya na uutusan lamang ako kaya nakahinga ako ng maluwag at pinagtatawanan na nila ako. Pagpasok ko sa guest room kung saan nanduruon ngayon si Sir Hugo ay nagulat pa ako dahil umuulan ng mga gwapong nilalang sa silid na ito. Bigla namang naglabasan sila Sir Marcus kasama ang mga gwapong lalaki at iniwanan kaming dalawa ni Sir Hugo. Isinara nila ang pintuan kaya napalingon ako dito. Tinapik naman ni Sir Hugo ang gilid ng kama at pinapaupo niya ako sa kama pero hindi ako kumikilos. Inalalayan niya ang sarili niya para makasandal siya headboard at hindi pa rin ako kumikilos at hindi ko rin siya tinutulungan. "Halika dito." ani niya kaya lalong bumilis ang t***k ng aking puso. Matinding takot ang nararamdaman ko kahit hindi ko naman alam kung bakit. Wala naman akong nagawa kung hindi ang lumapit at baka sesantihin pa ako kung magmamatigas ako. Nakatayo lamang ako sa gilid ng kama pero kinuha niya ang kamay ko at bigla akong hinila kaya halos mahalikan ko na ang dibdib niya ng bumagsak ako. "S-Sorry po." ani ko na gulat na gulat dahil sa ginawa niya. Bigla na lang niya akong hinalikan sa aking labi na ikinagulat ko at isa niyang kamay na malaya ay humimas bigla sa dibdib ko ng malaya niyang naipasok ang kamay niya sa maluwag kong t-shirt kaya tatayo sana ako pero ang kamay niyang nakahimas sa dibdib ko ay iniyakap niya sa baywang ko. "Muntik na akong mamatay kakaisip ko sa katawan mo." bulong niya na ikinagulat ko. Huwag niyang sabihin na ako ang sinisisi niya dahil sa kamanyakan niya? Eh nababaliw na talaga siya! "Pagbigyan mo na ako, delikado ako lagi kaya bago man lang ako tuluyang pumanaw dahil sa pakikipaglaban ay matikman naman kita." bulong niyang muli kaya sa sobrang pagkabigla ko ay naitulak ko siya at nakita ko ang pagngiwi niya at napahawak ang isa niyang kamay sa may tagiliran niya. "So-s-s-sorry po," nagkakandautal kong wika sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko, nakatingin lamang ako pero bigla niyang idinaiti ang kamay ko sa pagitan ng hita niya at duon ko lamang napagtanto na naka boxer lang pala siya, katulad nuong gabi na muntik na niya akong manyakin. 'Yung nakapanglalaway na boxer na suot niya na hapit sa kanya at makalaglag panty ang pigura niya. Bigla kong binawi ang kamay ko pero dahil malakas siya ay hindi ko nagawa at ipinasok niya ito sa loob ng boxer niya at damang-dama ko ang katigasan nito. "Hawakan mo lang, gusto ko lang maramdaman ang kamay mo." bulong niya sa akin. Ang dibdib ko ay parang sasabog sa matinding pagkabog nito. Hindi ko alam ang gagawin ko kung pilit kong aalisin ang kamay ko o hahawakan ko nga ito. Bigla niya akong hinalikan sa aking labi pababa sa aking leeg kaya aaminin kong unti-unti akong nadadala. Hinagod niya ang dibdib ko at ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay gumagapang na sa katawan ko. Kakaibang sensasyon ang ipinaparanas sa akin ng amo ko kaya napapikit na ako at napadakot ako sa kanyang alaga na ikinaungol niya habang ang t-shirt ko ay kusa na niyang itinaas at inilabas niya ang kaliwa kong dibdib mula sa suot kong bra at sinipsip niya ang korona ko. Bigla na lamang kumilos ang isa kong kamay at kumapit sa ulo ng amo ko habang nakatingala na ako at nakapikit dahil sa sarap na ipinaparanas niya sa katawan ko. Bigla siyang tumigil sa ginagawa niya kaya naman para akong natauhan sa mga nangyayari at mabilis kong nahugot ang kamay ko mula sa kanyang boxer. Isang ngisi ang ibinigay niya sa akin at hinawakan ako sa aking baba. Mabilis ko namang inayos ang t-shirt at bra ko at halos hindi na ako makatingin pa sa kanya. "Flesh wounds lang ito at madaling gumaling, hihintayin ko ang pagpasok mo sa silid ko oras na tuluyan ng matuyo ang sugat ko. Hindi na ako makapaghintay na makita kang kumikilos sa ibabaw ko habang ang mga kamay ko ay nilalaro ang iyong dibdib." ani niya sa akin na nagpamula ng mukha ko. Sa simpleng sinasabi niya ay aaminin ko na napapainit niya ang imahinasyon ko. Parang kay sarap nga na umupo sa ibabaw niya at ako ang kikilos para sa kanya. Bigla ko na lamang naipikit ang mga mata ko at napailing pa ako ng bahagya. Bakit kung ano-ano ang naiisip ko? Napatingin ako kay Sir Hugo at nakangisi lamang ito sa akin sabay dila sa pang-ibaba niyang labi. Muli niya akong hinapit at itinaas ang suot kong t-shirt at itinaas din ang aking bra. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa ng muli niyang isubo ang aking dibdib at sinipsip ang korona ko. May mumunting ungol ang kumawala sa aking labi at 'yon na ang naging hudyat na alam na ng amo ko na pumapayag na ako sa gusto niyang mangyari. "Very good, aasahan kita sa silid ko few weeks from now." bulong niya at muli na naman niyang sinipsip ang korona ng aking bundok. Sobrang sarap, mga bagay na siya lamang ang nagpaparanas sa akin at aaminin kong isang linggo ko na itong hinahanap-hanap mula ng muntikan ng may mangyari sa amin sa silid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD