Hugo's POV
Nakabukas lang ang pintuan ng banyo ko. Sa laki ng loob nito ay hindi niya ako makikita, at wala naman siyang dapat gawin sa banyo ko kaya alam kong hindi siya papasok dito sa loob. Narinig ko ang pag click ng seradura ng pintuan ng silid ko kaya napangiti ako, narinig ko pa siyang umaawit ng mahina na walang letra at mas lalo akong napangiti. Narinig ko ang pag slide ng malaking mirror door ng aking walk in closet kaya naghintay lang muna ako ng ilang minuto. Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at ikinandado ko ang pintuan ng silid ko. Binuksan ko ang pintuan ng walk in closet ko at gulat na gulat na Joyce ang humarap sa akin habang hawak niya ang ilang naka-fold na damit ko.
"Sir, ano po ang ginagawa ninyo dito?" tanong niya at nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata.
"Why not? Silid ko ito hindi ba?" ani ko sabay ngisi ko sa kanya. Nakikita ko ang pangamba sa kanyang mga mata pero alam ko na nagpapanggap lang siya, diyan naman sila magagaling ang magpanggap.
Sa harapan niya ay hinubad ko ang pang itaas ko, inihagis ko sa sahig ang hinubad kong t-shirt at tinanggal ko naman ang pagkakakabit ng sinturon ko. Inalis ko ang butones ng pantalon ko at dahan-dahan kong ibinababa ang zipper ko habang titig na titig ako sa kanya. Nakita ko ang biglang panginginig niya at napaatras siya palayo sa akin.
"S-sir, la-lalabas na po ako." bulong niya habang binibitawan niya ang mga damit ko at nagsimulang maglakad sa gilid. Hinubad ko ang pantalon ko at boxer brief na lamang ang natitira kong suot na hapit na hapit sa aking pagkalalake kaya kitang-kita niya ang malaking umbok ng hinaharap ko.
Mabilis siyang tumakbo upang lumabas kaya agad kong iniharang ang isa kong braso kaya napayakap siya sa braso ko ng bigla siyang tumama dito. Hinapit ko agad siya at binuhat at pahagis ko siyang ibinaba sa malapad kong kama. Bigla naman siyang bumangon at halos lundagin na ang kama ko pababa pero mabilis ang naging pagkilos ko. Gusto ko lang siyang takutin para malaman niya na pangit talaga ang ugali ko.
Hinablot ko siya sa kanyang braso at niyakap ko siya ng mahigpit sabay bagsak naming dalawa sa aking kama kaya nagsisisigaw siya.
"Bitawan mo ako! Sir bitawan mo ako!" ani niya at nakita ko ang pagsungaw ng kaniyang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
"Gusto kitang tikman, pagbigyan mo na ako." ani ko sa kanya. Gusto ko lang talaga siyang takutin pero isang suntok ang tumama sa mukha ko.
Napahawak ako sa pisngi ko at tumitig ako sa mukha niya. Ewan ko ba kung bakit bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi at hindi naman siya nanlaban. Gumapang ang kamay ko sa kanyang dibdib habang nakatitig lamang siya sa akin at may luha. Habang nakadagan ako sa kanya ay unti-unti kong itinataas ang pang itaas niya. Humantad sa akin ang katawan niya at ang dibdib niya na natatakpan ng suot niyang bra.
"Joyce," bulong ko ng may maramdaman akong bigla sa aking puso ng hindi ko maipaliwanag.
"Fuuuck, bakit ganito ang nararamdaman ko para sa iyo?" bulong ko sa kaniya habang kagat ko ang bra niya, at ang isang kamay ko ay nasa likod niya. Mabilis kong na unhook ang suot niyang bra at hinagis ko ang bra niya sa kung saan.
"Anong nangyayari sa akin? Bakit nagkakaganito ako sa iyo Joyce?" bulong ko sa kanya habang nanginginig na ang kamay ko. Ngayon ko lamang ito naramdaman at hindi ko alam kung bakit. Ngayon lamang nanginig ang kalamnan ko sa pagnanais na maangkin ang katawan niya. Kaylanman ay hindi ko ito naramdaman kahit kay Maria man nuon.
Parang gusto ko na siyang angkinin ng tuluyan pero may takot akong nararamdaman na hindi ko naman maunawaan. May kung anong pananabik akong nararamdaman na hindi ko talaga maipaliwanag.
"Fuuuck! Bakit ganito kasabik ang katawan ko sayo?" bulong ko sa kanya na hindi pa rin siya kumikibo at umiiyak lamang. Napatigil ako sa ginagawa ko, napasubsub ang mukha ko sa dibdib niya at huminga ako ng malalim.
"Gustong-gusto kitang angkinin ngayon pero may kung anong pumipigil sa akin na hindi ko maunawaan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, naguguluhan ako." ani ko sa kanya at hindi ko alam kung pinapakinggan ba niya ako o namumuhi na siya sa akin. May kung ano akong naramdamang takot na ayokong may maramdaman siyang galit sa akin.
"I'm sorry Joyce, please forgive me," bulong ko na kaylanman ay hindi ako humingi ng despensa sa isang babae pero ngayon ay ginagawa ko.
Hinalikan ko ang dibdib niya pataas sa kaniyang leeg hanggang sa narating ko ang labi niya. Siniil ko siya ng halik, halik na may ingat at halik na may pagpapahalaga. Hindi ko alam pero 'yun ang nararamdaman ko.
"Magbihis ka na, sa susunod kung gusto mong matuloy ito, pumasok ka dito sa silid ko at mahiga ka sa kamang ito. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo." bulong ko sa kanya at dahan-dahan na akong tumayo. Ang gago ko talaga, hindi ko dapat ito ginawa. Hindi ko siya dapat tinakot. Pagkatayo ko ay napatitig ako sa katawan niyang nakataas ang pang-itaas na hindi naman niya tinatakpan. Nakatihaya pa rin siya habang nakatitig sa akin at may luha kaya nakaramdam ako ng guilt.
"Hindi lahat ng mahirap ay pera ang hangad sa mayayaman, wala akong kasalanan sa inyo at kaylanman ay hindi ako tumingin ng higit pa sa ipinapasweldo mo sa akin." wika niya habang umiiyak.
"Gusto mong angkinin ang katawan ko? Sige gawin mo para naman maging masaya ka na! Wala akong kasalanan sa iyo, ang kasalanan ko lang ay nangangarap ako ng maganda para sa kapatid ko pero hindi ko 'yun kukuhanin sa paraang iniisip mo dahil bawat sentimo na gagastusin ko sa kapatid ko ay paghihirapan ko." wika niya na hindi ako nakapagsalita. Kinuha ko ang blanket at itinakip ko sa katawan niya at naupo ako sa gilid ng kama.
"I'm sorry Joyce, sige na magbihis ka na. Alam kong gusto mo ako, alam kong may pagtingin ka sa akin pero hindi ko kayang suklian ang pagtingin mong 'yan. Katawan lang ang gusto ko sa iyo at kung handa kang ibigay sa akin 'yan ay dito ka pumunta sa silid na ito." wika ko sa kanya. Hinimas ko ang kaniyang pisngi at hinalikan ko ito hanggang marating ko ang labi niya at siniil ko siya ng halik.
"Nababaliw ako sa katawan mo Joyce, sana pag-isipan mo ang sinabi ko sa iyo. Alam kong mahal mo ako, nakikita ko sa mga mata mo. Bibigyan kita ng pagkakataon na kusa mong ibibigay sa akin ang katawan mo, gusto kong marinig ang mga ungol mo hindi ang paghikbi mo." wika ko at tuluyan na akong tumayo at nagpunta ako sa loob ng walk-in closet ko. Napaupo ako sa sofa at nasapo ko ang mukha ko habang nakayuko ako at nakatukod ang dalawang siko ko sa coffee table na nasa harapan ng sofang inuupuan ko.
Napatingin ako sa mga damit kong nakatiklop at kinuha ko ito at ako na mismo ang naglagay sa loob ng maleta ko. Nagbihis na rin ako at pagkatapos ay nahiga ako dito sa sofa. Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinatong ko ang isang braso ko sa aking mukha at nakiramdam lamang ako. Narinig ko ang mga yabag na papalapit pero hindi ko siya tinitignan. Narinig ko ang pagkaluskos ng mga hanger ng damitan ko at ang pagsara ng maleta ko.
"Pag-iisipan ko ang sinabi mo." wika niya na ikinagulat ko at napatingin ako sa kanya na nakatayo lamang at nakabihis na.
"Hindi ko ipinagkakaila na gusto kita, walang masama duon. Hayaan mong pag-isipan ko ang katangahang sinabi mo at pag nakapag-isip na ako at mas matimbang ka sa puso ko, ibibigay ko sa iyo ang sarili ko ng walang kapalit at pagkatapos nuon ay hindi mo na ako makikita pa." wika niya sabay lakad palabas.
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko pero may isang salita siya sa akin na tumimo sa isipan ko. Anong ibig niyang sabihin na hindi ko na siya makikita pa? Lalayo ba siya at hindi na magpapakita sa akin? Bakit para akong nalungkot sa sinabi niyang 'yon?
"Fuuuck! Huwag kang gago Hugo! Hindi mo siya gusto kaya umayos ka!" sigaw ko sa aking sarili. Pabagsak akong napaupo sa aking sofa, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi niyang paglayo. Bakit binabagabag ako ng salita niyang 'yon? Bakit ganito ang nararamdaman ko?