Joyce's POV
Ilang araw na akong nagtatrabaho dito bilang yaya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang ama ng mga batang inaalagaan namin na umuuwi dito at tila ba wala namang pakialam sa mga anak niya.
"Linisin ninyo ang silid ni Sir Hugo ninyo dahil darating siya ngayon." ani ni Nanay Ester kaya napalingon ako sa kanya at ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng kasabikan na makita ang amo ko samantalang hindi ko pa naman talaga siya nakikilala ng personal.
"Darating po ang ama ng triplets?" gulat na ani ko. Kung darating siya ay baka makilala niya ako. Sobrang sungit at ang yabang niya pero shemay makalaglag panty talaga ang amo ko.
"Oo tumawag siya kanina na uuwi siya dito mamaya, baka nga papunta na 'yon dito kasama ang mga kaibigan niya at ang pinsan niyang si Marcus. Namimiss na raw niya ang mga anak niya. Dito daw sila matutulog kaya pinapahanda ang kaniyang silid." ani ni Nanay Ester.
Nakaramdam tuloy ako ng pangamba, baka kung ano pa ang isipin niya dahil narinig ko kung ano ang sinabi niya sa mga kasamahan niya ng aksidente ko siyang mabunggo sa mall. Hindi lahat ng babae ay katulad ng sinasabi niya, wala akong pakialam sa pera niya at hindi ko rin sinadya na mabunggo siya para mang hook ng mayayaman. Bwisit siya! Okay na sana ang gwapo-gwapo niya pero ang ugali naman pangit. Pero gayunpaman tinamaan yata ako ni kupido nuong magtama ang aming paningin.
"K-kung gusto po ninyo ay ako na lamang ang maglilinis, tulog naman po ang mga bata." ani ko.
"Naku ineng, may nakatalagang tagapag linis ng silid si Sir Hugo. Ayaw na ayaw niya na kung sino-sino ang pumapasok sa silid niya. Iyang si Selay ang naglilinis ng silid ng amo natin. Napatingin naman ako kay Nana Selay. Ngumiti lamang siya sa akin at umakyat na sa itaas.
"Nanay Ester, may bagong kasintahan ho ba ngayon si Sir Hugo? Natanong ko lang ho dahil mukhang hindi siya madalas umuwi dito." ani ko.
"Hindi ko alam ineng, mayordoma lang ako dito at hindi ako nangingialam ng buhay nila. Kung mayroon man ay wala akong kaalam-alam." ani niya. Medyo napahiya naman ako. Napaka pakialamera ko naman kasi.
Hindi na ako kumibo pa, pumunta na lang ako ng kusina at uminom ng tubig. Pakiramdam ko kasi ay biglang nanuyo ang lalamunan ko. Nang makita ko si Sir Hugo ay may mga kasama itong mga babae at para silang mga modelo na nag-gagandahan, Marahil ay isa sa kanila ang kasintahan ng amo ko. Nakaramdam tuloy ako ng selos na hindi ko maipaliwanag.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pumasok sa isipan ko na isa sa babaeng 'yon ay kahalikan niya. Bigla ko na lamang naidilat ang mga mata ko at ipinilig ko ang aking ulo.
"Ayy! Erase! Erase! Ayokong isipin!" bulalas ko na hindi ko na alintana na nasa bahay ako mismo ng amo ko.
"Alin ang erase ineng? Ano ba ang nangyayari sa iyo at nagkakaganyan ka ha?" ani ni Nanay Ester ng inabutan ako sa kusina na pumapadyak at hinahampas-hampas ko pa ang ulo ko.
Napangisi na lamang ako at nag-peace sign pa ako kay Nanay Ester at nagpaalam na ako na pupuntahan ko na ang mga alaga ko.
'Ano ka ba naman Joyce, nakakahiya ka talaga! Muntik ka pa tuloy marinig ni Nanay Ester.' bulong ko sa aking sarili habang patungo ako sa silid ng mga bata.
Umalis na ang dalawang katuwang ko sa pag-aalaga ng mga bata, pagdating kasi ng alas-sais ng gabi ay nag-papaalam na sila at ako na ang umaako sa pag-aalaga ng mga bata. Mababait naman ang triplets ni Sir Hugo. Kabaligtaran ang ugali nila sa kanilang ama.
'Darating daw ang daddy ninyo, si Mister. Sungit na nakakainis.' bulong ko habang natutulog ang mga bata.
"Sino ang Mister. Sungit na nakakainis?" isang baritonong boses ang gumulantang sa akin na nagsalita sa likuran ko. Nanginig yata ang mga tuhod ko ng muli kong marinig ang boses niya. Napakaganda at napakasarap pakingggan ng boses niya pero nakakatakot naman ang ugali niya.
"Wa-wala po." ani ko ng humarap ako sa kanya ng nakayuko.
"Eyes on me kapag kinakausap kita!" malakas niyang ani na ikinakabog ng dibdib ko.
'Inhale... Exhale...' bulong ko sa sarili ko na hindi pa rin ako tumitingin sa mukha niya. Natatakot kasi ako na makilala niya dahil kahapon lamang nangyari ang pagkakabanggaan namin sa mall.
"Eyes on me!" malakas niyang ani kaya napatayo ako ng tuwid at napatitig ako sa mukha niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang tinititigan ang mukha ko.
"Do I know you?" tanong niya at umiling agad ako. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag ng hindi niya ako nakilala.
Hindi na siya kumibo at nilagpasan lamang ako at nilapitan na ang kanyang mga anak.
"My angels, daddy's home." malambing niyang bulong sa mga anak niya. Marunong naman palang magsalita ng mahinahon ay Mister. Sungit na ito.
Lumabas na agad ako ng silid at hindi ko na hinintay pa na ipagtabuyan ako palabas ng amo ko. Mukha pa naman itong pinaglihi sa gwapong demonyo.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan, tinungo ko agad ang maid's quarters bago pa ako mapansin ng mga kasamahan niya. Sigurado naman ako na makikilala nila ako.
Pagkapasok ko sa aking silid ay napasapo ako sa aking dibdib at napangiti. Mayamaya ay nagtatalon ako at kinikilig akong namimilipit dahil sobrang gwapo talaga ng amo ko.
"Oh my goddddddd! Ang gwapo talaga ng amo ko." halos patili ko ng sinabi habang nakatakip naman ang dalawang kamay ko sa aking bibig. Kailangan ko talagang gamitan ng sinturon ang panty ko dahil baka hindi ako makapag pigil ay kusa itong malaglag sa harapan niya. Humiga ako sa single bed ko, niyakap ko ang aking unan at itinakip ko sa aking mukha.
"Ang gwapooooooo!" tili ko habang halos isaksak ko na sa mukha ko ang unang yakap ko.
Mayamaya ay katok sa pinto ang nagpalingon sa akin. Bigla akong napatayo at humarap ako sa salamin upang makasiguro na wala na sa mukha ko ang kilig moment ko. Nagpractice akong magtaas ng kilay, pagkatapos naman ay sumibangot ako. Shemay mukhang mahirap tanggalin ang ngiti ko.
"Ineng pinapatawag ka ni Sir. Hugo." ani ni Nanay Ester habang kumakatok kaya nanlaki mata sa narinig ko. Oh my god anong gagawin ko?
Mabilis kong binuksan ang pintuan at salubong na kilay ni Nanay Ester ang tumambad sa akin.
"Bakit ba napakatagal mong buksan ng pintuan mo ha? Pinapatawag ka ng amo natin, nanduon siya sa salas kasama ang mga kaibigan niya. Baka sasabihin sa iyo ang mga bawal sa mga anak niya." wika ni Nanay Ester. Tumango lamang ako sa kanya at mabilis ko ng tinungo ang salas kung saan sila naroroon.
Nanginginig ang mga tuhod ko, nanlalamig ang mga kamay ko ng lahat sila ay halos sabay-sabay akong nilingon. Huminga ako ng malalim, pumikit ako ng bahagya at muling idinilat ko ang aking mga mata. Nakatitig lamang ako sa kanila, ang mga kilay naman ng amo ko ay salubong na nakatitig sa akin.
'Shemay, baka nagagandahan na siya sa akin.' halos mapangiti ako sa naiisip ko ng bigla siyang sumigaw.
"Tatayo ka na lang ba diyan at ngingiti ha! Lumapit ka dito!" sigaw niya na ikinagulat ko. Narinig ko naman ang mahihinang tawa ng mga kasama niya.
Dahil sa pagkabigla ko ay napatakbo ako palapit sa kanila.
"Hey, I know you from yesterday at the mall. Yeah, that was you.!" wika ng isang gwapong lalaki na kasama nila. Biglang kumabog ang dibdib ko ng malakas kaya napayuko ako ng aking ulo.
"Sabi ko na nga ba at nakikilala kita pero pinagkaila mo. Kung inaakala mo na magugustuhan kita ay nagkakamali ka, hindi ang katulad mo ang pinag-aaksayahan ko ng aking oras." ani niya. Ouch naman! Grabe naman itong magsalita sa akin.
"S-sir, wala naman po a-akong ginagawang masama, ang nangyari po kahapon ay isang aksidente po lamang at humihingi po ako ng pasensya sa inyo." wika ko sabay yuko ng aking ulo. Ang sakit naman magsalita ng hinayupak na 'to. Akala mo kung sinong gwapo pero shemay gwapo naman kasi talaga. Napahagikgik pa ako ng hindi ko namamalayan kaya isang kamay ang humablot sa aking braso na ikinagulat ko.
"Pinagtatawanan mo ba ako ha?" sigaw niya sa akin. Sa sobrang takot ko ay napaluha akong bigla.
Umiling ako ng umiling pero isang kamay ang nag-alis sa kamay ng amo ko sa mahigpit na pagkakahawak sa braso ko.
"Umayos ka Hugo, wala siyang ginagawang masama." ani ng isang lalake na may pagkakahawig sa kanya. Siguro ay kapatid niya ito. Tinitigan ako ng amo ko ng matalim at pagkatapos ay pinabalik ako sa silid ng mga anak niya at tinawag pa akong stupida sa harapan ng mga kaibigan niya.
Pagpasok ko sa silid ng mga alaga ko ay napaiyak na ako ng tuluyan at hinimas ko ang braso ko na mahigpit niyang hawak kanina na halos palipitin na niya dahil sa galit. Hinimas ko ang namumulang bahagi nito at sigurado akong mamaya lamang ay pasa na ang mga ito. Napaka pangit naman ng ugali ng amo ko, pero bakit hindi ko magawang magalit sa kanya?