Joyce's POV
Dito ako natutulog sa silid ng mga anak ni Sir Hugo, dito rin ako naliligo dahil wala namang magbabantay sa mga bata kung sa maid's quarter ko ako maliligo. Nagdadala na lang ako ng gamit ko dito at lahat ng marumi ko ay tinitiklop ko at inilalagay ko sa bag na dala ko. Tulog naman ang mga bata, inilock ko na rin ang pintuan dahil maliligo na ako. Mag-aalas nueve na ng gabi at kailangan ko na din namang matulog. Pumasok na ako sa banyo at makalipas ng dalawampong minuto ay lumabas na din ako ng nakatapis lang ng tuwalya ng bigla akong napatili ng makita ko si Sir Hugo na nakatayo sa kuna at nakatitig sa akin.
Dinampot ko ang mga damit ko na nasa gilid ng kama at nagtatakbo akong bumalik ng banyo pero shemay naman, nahulog pa yata ang panty ko sa sahig. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, talagang makalaglag panty ang amo kong ito na kahit hindi ko pa suot ay nahuhulog na ng kusa. Huminga ako ng malalim, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bubuksan ko ba ang pintuan ng banyo o maghihintay ako dito ng matagal hanggang sa makaalis ang amo ko. Idinikit ko ang aking tainga sa pintuan pero wala naman akong naririnig. Napahawak ako sa dibdib ko, ang kabog nito ay hindi ko na maunawaan. 'Oh my god ang tanga-tanga ko talaga!'
Okay, kailangan ko talagang magbihis at nilalamig na si nene ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, nakita ko si Sir Hugo na nakaupo sa gilid ng kama at tila nakayuko paharap sa kuna ng mga anak niya. Dahan-dahan akong tumingkayad upang hanapin ang panty ko na nahulog pero bakit hindi ko naman makita. Nasaan ba kasi 'yon? Muli akong tumingin kay Sir Hugo at hindi pa rin nagbabago ang pagkakaupo niya kaya sumilip ako sa ilalim ng kama. Wala pa rin, nasaan ba talaga ang panty ko?
Dahan-dahan akong tumayo pero ganuon na lamang ang gulat ko ng magtama ang mga mata namin ng amo ko at nakatitig lamang siya sa mukha ko.
Napaatras ako ng ilang hakbang, hindi naman siya humakbang palapit, nakatayo pa rin siya at napatingin ako sa kamay niya at ganuon na lamang ang gulat ko ng makita ko kung ano ang hawak niya.
"Sir panty ko po 'yan!" ani ko sabay takip ng kamay ko sa aking bibig.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya itong amuyin at dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya sa takot ko ay napatakbo ako pabalik ng banyo at isinara ko agad ang pintuan nito.
Dumadagundong ang t***k ng puso ko sa sobrang bilis nito, pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso kapag nagpatuloy ang malakas na pagtibok nito.
"Kung gusto mong makuha ang panty mo, lumabas ka ng banyo, kung inaakala mo na aalis ako dito ay nagkakamali ka. Mananatili ako dito hangga't hindi ka lumalabas diyan." wika niya ng malakas kaya dinig na dinig ko ang sinabi niya.
Bumuga ako ng hangin at binuksan ko ang pintuan ng banyo. Nakita ko siya na nakahiga sa kama na nakaunan ang dalawang kamay niya at nakakrus ang dalawang paa nito.
"S-sir, ang pa-panty ko po. Nilalamig na po kasi ako." wika ko at tinignan naman niya ako. Hindi siya kumibo kaya muli kong inulit ang sinabi ko. Tumingin ulit siya sa akin at pinaupo ako sa gilid ng kama. Hindi naman ako kumikilos at nakatayo lang ako at hinihintay kong ibigay niya sa akin ang panty ko.
"Kung gusto mong makuha ay umupo ka diyan sa gilid ng kama at ibibigay ko sa iyo." ani niya habang nakapikit na ang kanyang mga mata. Nanginginig ang mga binti ko na naglakad papalapit sa gilid ng kama at bahagya akong naupo upang anuman ang gawin niya ay makakatayo agad ako at makakatakbo pabalik ng banyo.
Bigla niyang hinablot ang palapulsuhan ko pahila palapit sa kanya kaya naman nanlaban ako. Napahiga na ako habang siya naman ay unti-unting nauupo sa kama na nakasandal ang likod sa headboard ng kama.
"Sir bitawan po ninyo ako." ani ko na naiiyak na. Nakakatakot naman itong amo ko at mukhang may pagkamanyakis pa yata.
"Kuhanin mo ang panty mo, nasa loob ng pantalon ko." wika niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Bastos! Ibigay na ninyo sa akin ang panty ko!" galit ko ng ani. Hindi na nakakatuwa ang amo kong ito. Tumawa lamang siya at binitawan ang kamay ko kaya sa taranta ko ay mabilis kong narating ang pintuan ng silid at pinihit ang seradura pero bakit hindi ko ito mabuksan? Napalingon ako sa amo ko at ipinakita niya sa akin ang hawak niyang susi kaya napatingin ako sa isang susian na mabubuksan mo lang ang pinto kung maa unlock mo ito ng susi.
"Dito ako matutulog, ibig sabihin hanggang bukas kang walang suot na panty, kung hindi mo kukuhanin ang panty mo sa loob ng pantalon ko ay hindi ako aalis dito at hindi mo mabubuksan ang pintuang 'yan." ani niya. Humugot ako ng malalim na hininga. Lumapit ako sa kanya at naupo ako sa gilid ng kama. Inalis ko ang pagkakasinturon ng pantalon niya at binuksan ko ang zipper at saka ko tinignan ang panty ko pero wala, hindi ko nakita. Tumingin ako sa suot niyang boxer at sa sobrang umbok nito ay alam ko na nanduruon ang panty ko kaya pikit mata kong dinukot ang loob ng boxer niya at ganuon na lamang ang gulat ko ng ang mahawakan ko ay naninigas niyang alaga kaya napatili ako ng impit upang hindi magising ang mga anak niya at mabilis kong inalis ang kamay ko.
"Sabi ko na nga ba at may pagnanasa ka sa akin." ani niya sabay kuha ng panty ko na itinago pala niya sa ilalim ng unan at pahagis itong ibinalibag sa mukha ko.
"Kung inaakala mo na mase-seduce mo ako ay nagkakamali ka. Hindi ang isang katulad mo ang papatulan ko. Huwag kang umasa na matitipuhan kita dahil kahit nakapikit ang mga mata ko ay hindi ko masisikmurang sumiping sa iyo." wika niya at mabilis na niya akong iniwanan pagkasuot niyang muli ng sinturon niya. Napaiyak naman ako sa sinabi niya. Wala naman akong balak na akitin siya, nahulog lang naman talaga ang panty ko at hindi ko 'yon sinasadya. Bakit naman ganuon ang mga sinabi niya sa akin? Mukha ba na inaakit ko siya? Siya nga itong inamoy pa kanina ang panty ko, siya ang nagtago ng panty ko at sabi niya ay nasa loob ito ng kanyang pantalon. Sinunod ko lang naman ang sinabi niya kaya nagawa ko 'yon tapos ngayon ako pa ang may kasalanan at inaakit ko pa daw siya kahit hindi naman totoo.
Nagbihis ako at habang nagbibihis ako ay walang patid akong umiiyak. Ayoko na yata dito, gusto ko na yatang sumuko. Pero ayoko namang isipin niya na kaya aalis ako ay dahil totoo ang ipinaparatang niya sa akin.
Pagkabihis ko ay nahiga ako sa kama, isinubsob ko ang mukha ko sa unan at duon ko na ibinuhos ang aking mga luha. Oo at mahirap lang ako pero hindi ako ang klase ng babae na gagamitin ko ang katawan ko para lamang makasungkit ng mayamang lalake. Hindi ako ganuong klase ng babae. Ang liit naman ng tingin niya sa mahihirap na katulad ko.
Iyak lamang ako ng iyak, gusto kong sabihin sa kanya na mali siya ng iniisip niya pero ano ba ang karapatan ko at ano naman ang pakialam niya kung nagsasabi man ako ng totoo o hindi?
Naupo ako sa gilid ng kama, pinagmasdan ko ang mga anak ng amo ko at kahit umiiyak ako at nahihirapan akong magsalita ay nagawa kong kausapin ang mga walang muwang na bata.
"Ang sama naman ng ugali ng tatay ninyo? Mabuti na lang kayo mga anghel na napakababait. Naiinis ako sa tatay ninyo dahil ang sakit niyang magsalita. Wala naman akong ginagawang masama, ang gusto ko lang naman ay ang makapagtapos ng pag-aaral ang kapatid ko kaya nagpapakahirap ako sa pagtatrabaho tapos paparatangan niya ako ng masasakit na salita. Mali naman 'yon." umiiyak kong bulong sa kanila. Pinatay ko ang ilaw at pagkatapos ay muli akong nahiga sa kama. Tinitigan ko ang kamay ko na pinangdakma ko sa alaga niya, ipinikit ko ang mga mata ko at inalala kung gaano kalaki ito. Naidilat ko ang mga mata ko at napatakip ako ng kamay sa bibig ko.
'Mawawasak pala ang pechay ko sa kanya.' ani ng isipan ko. Bakit naman ganuon kalaki 'yon? Akala ko nga kanina binilot na panty ko 'yon, 'yun pala alaga niya 'yon. Nakakatakot naman pala ang laki ng ipinagmamalaki niya.
Umayos ako ng pagkakahiga ko at kahit anong gawin ko ngayon ay hindi na tuloy mawala sa isipan ko ang nahawakan ko kanina.
Tinakpan ko ng unan ang aking mukha, hinayaan ko lang ang unan na nakataklob dahil gusto ko ng makatulog at kalimutan ang mga sinabing masasakit sa akin ng aking amo kanina.
Hindi nga nagtagal ay unti-unti ng namimigat ang talukap ng aking mga mata.