Joyce POV Maaga pa lang ay nandito na ako sa mansion na pag-aari ni Sir Hugo. Maaga akong umalis ng bahay dahil maagang aalis ang amo ko ngayon dahil maaga daw ang trabaho nito sa opisina. Pagkarating ko ng mansion ay sinalubong agad ako ni Nanay Ester. "Ineng puntahan mo nga 'yong mga kasama mong yaya at hirap na hirap sa pag-aalaga sa triplets, iyak ng iyak ayaw magsitahan at ikaw ang hinahanap ng mga bata." wika niya kaya naman nagmamadali akong pumasok sa loob ng mansion at dumiretso na agad ako sa itaas. Pagkapasok ko sa silid ay napatingin agad sa akin ang dalawa kong kaibigang yaya at nakikita ko sa kanilang mukha na nag-aalala sila dahil iyak lamang ng iyak ang mga bata. Paglapit ko ay napatingin sa akin ang mga bata at natahimik agad sila na ikinagulat ng dalawa. "Ikaw lang n