Hugo's POV Nandito ako ngayon sa aking opisina dahil magkikita kami ni Nato. May pag-uusapan kaming negosyo na bagong bubuksan namin kaya hinihintay ko siya ngayon. Bumalik na ang mga ala-ala ni Nato maliban na lamang sa mga ala-ala niya sa loob ng dalawang taon. Hindi nga ako makapaniwala na maraming klase pala ang isang sakit na amnesia. Akala ko kapag amnesia ay amnesia lang pero ngayon ko lang nalaman na napakarami palang uri ng amnesia. Napatingin ako sa aking orasang pambisig. Alas tres na ng hapon, mayamaya ay nandirito na rin ang lalaking 'yon kaya inihanda ko na ang mga dokumentong kailangan namin. Hindi naman ako mapakali dahil batid kong nasaktan si Joyce sa mga nasabi ko sa kanya kaninang umaga. Galit ako dahil sa mga narinig ko, para sa akin ay walang makakapalit kay Chante