Chapter 18

2097 Words

Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nagpresinta na magligpit at maghugas ng pinggan. Ibang-iba siya sa dating Blake na kakilala ko. Inaasikaso na niya ako kahit hindi naman kailangan. Nakakalungkot lang dahil ngayon niya lang ito ginawa kung kailan wala na ang anak namin. Hinatid niya muna ako sa kwarto at pinahiga ako sa kama bago niya binalikan ang pagliligpit. Masaya ang kaniyang mukha at bumalik kaagad sa kwarto matapos ang lahat ng kan'yang gawain. Ngumiti siya sa akin at ang kaniyang kasiyahan ay nababatid kong totoo dahil umabot ito sa kaniyang mga mata. Nagpaalam siya sa akin na maliligo muna siya sa banyo. Tumango lang ako bilang tugon. Matapos niyang maligo at magbihis ay lumapit na siya sa akin. "Gusto mong manood nang TV?" malambing niyang tanong sa akin. Sinubuka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD