Sumama ako kay Yana sa bahay nila at doon na ako natulog. Humiling rin ako pansamantala na makikituloy sa kanila hangga't hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Ngunit nang magising ako ay napabalikwas ako nang bangon nwng makita ko ang isang pamilyar na kwarto. At napagtanto kong nasa loob ako ng kwarto ni Blake ngayon. Mabilis kong hinanap ang cellphone ko at tinawagan si Yana. Natataranta ako sa bawat tunog na naririnig ko sa kabilang linya at hindi makapaghintay na sagutin niya. "Hello?" sagot ng kaibigan sa kanilang linya. "Yana, paano ako na punta rito sa loob ng kwarto ni Blake?" mahina kong tanong sa kaniya habang natatarantang tinatakpan ang aking bibig. Hindi ko na nagawang bumati pa sa kaniya at sinadyang ibulong ang boses para hindi ako marinig ni Blake. "Sorry Amarah, ka