4 | Friends

1751 Words
Sasayangin ko ba ang pagkakataon? May dahilan kung bakit pinagku-krus ng tadhana ang landas namin ni Kane nitong mga nakaraang araw... Sa nakalipas na mga araw ay madalas nang nagku-krus ang landas nila ni Kane at naniniwala siyang may ibig sabihin iyon. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "You look and sound troubled. May problema ka ba sa inyo?" Wow, ang tapang mo, Dreya ha? aniya sa sarili. Feeling close?! Nakita niya ang sandaling pag-alinlangan ni Kane bago ito pilit na ngumiti saka tumalikod at muling tumingin sa ilalim ng burol kung saan matatanaw sa hindi kalayuan ang bayan.  Kadalasan, ang lugar na pinaradahan ni Kane ng kotse nito ay emergency parking lang ng mga biyaherong nasiraan sa daan sa parteng iyon ng bayan. Sa gilid noon ay naroon naman ang malaking box na gawa sa kahoy na tapunan ng basura sa baryo nila.  Sa katunayan ay lumabas lang siya at nagpaalam sa Tiyang Remi niya na itatapon ang basura dahil hindi pa siya makatulog sa ingay doon sa kanila. Birthday ng Tito Al niya kaya may mga manginginom na bisita, puro na mga lasing at nagka-karaoke. Ang Tiyang Remi niya ay naroon at nakabantay sa asawa habang ang mga anak ay maagang nagkulong sa kwarto. At dahil tapos na ang obligasyon niya sa mga ito sa gabing iyon ay hindi siya hahanapin ng mga ito.  Naglakad siya palapit kay Kane at buong tapang na tumabi rito. "How long have you been living here?" anito makalipas ang ilang sandali. Tiningala niya ito at wala sa sariling sumagot, "Almost two years." Niyuko siya ni Kane at nagtama ang mga mata nila. "Really? Saan ka dati nakatira?" "Sa malayong bayan," aniya, hindi magawang bawiin ang mga mata mula rito. "I was... born and raised in a town five hours away from here." Kahit si Kane ay hindi rin binawi ang tingin mula sa kaniya. They were just staring at each other as they talk, which she found fascinating but awkward, too. Kasi, kung mag-usap sila, parang matagal na silang magka-kilala. Samantalang noong nakaraan Byernes lang naman sila nito pormal na nag-usap. "Are you with your family?" Umiling siya, subalit ang mga mata'y hindi pa rin humihiwalay rito. "You live alone?" Muli ay umiling lang siya.  Something is wrong with her. At ganoon din kay Kane dahil hindi rin nito inaalis ang tingin sa kaniya.  "Are you going to sleep already?" Sa tanong nitong iyon siya kinunutan ng noo. "Not yet. Why?" "Is it alright if you stay with me here for a few minutes?" Dahan-dahan niyang pinakawalan ang paghinga.  It's my privilege... "No problem. Hindi pa naman ako inaantok." Ngumiti ito at inabot ang kamay sa kaniya na tinitigan niya lang nang may kunot sa noo.  Holding hands agad? Baka gusto mo munang manligaw? Lihim siyang natawa sa mga iniisip. Nanginginig ang kamay na inabot niya iyon rito at halos manlambot ang mga tuhod niya nang maramdaman ang palad nito sa palad niya.  Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Bakit parang bigla silang naging magkaibigan kanina tapos ngayon ay more than friends na? Pero ang akala niyang holding hands ay hindi pala. Dahil hinila lang nito ang kamay niya at inakay siya patungo sa hood ng kotse. She was about to say something to him when she felt his hands went down to her hips and she shrieked when he pulled her up to the hood. Awtomatikong napahawak ang mga kamay niya sa balikat nito kasabay ng mariin niyang pagpikit ng mga mata. She could smell his perfume again, and it relaxes her mind. At habang nakapikit siya ay nararamdaman niya ang pananamantala ng mga kamay niya sa balikat nito.  Oh Lord, he felt so tough and strong... Nanatili pa rin siyang nakapikit. Hindi niya gustong magmulat dahil baka kapag ginawa niya iyon ay bigla na lang siyang magising at mapagtantong panaginip lang ang lahat. Na wala naman pala talaga roon si Kane at hindi niya nakausap. Pero hindi rin... Dahil ramdam niyang totoong-totoo ang mga kamay nitong nakahawak pa rin sa baywang niya at ang halimuyak ng pabango nito. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahang nagmulat— para mapasinghap ng malakas nang muling magtama ang mga mata nila ng binata. Ang mukha nito'y ilang pulgada na lang ang layo sa mukha niya.  Bigla siyang natilihan nang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Parang napasong bumitiw siya at umiwas ng tingin.  Hindi por que nagkakagusto na ako sa'yo ay papayagan na kitang gawin lahat ng nais mo sa akin ha? It'll take time, Kane Madrigal. Maybe a day or two. Lihim siyang napangisi sa naisip.  Si Kane ay dahan-dahang inalis ang mga kamay sa baywang niya at balewalang sumampa rin sa hood. Itinutok nito ang pansin sa ilalim ng burol at matagal na pinagmasdan ang bayan na hanggang sa mga oras na iyon ay abala pa rin base sa mga establisiyementong nakabukas pa rin at umiilaw, at mga sasakyang nakapaligid doon. Hindi alam ni Dreya kung gaano sila ka-tagal na naroon sa ibabaw ng hood ng kotse, sa ilalim ng buwan at mga bituin, over-looking the whole town. Basta ang mahalaga sa kaniya sa mga oras na iyon ay kasama niya at katabi ang lalaking ilang buwan na niyang pinagtutuunan ng pansin. Nilingon niya ito at lihim na sinuri. Kane was looking so tired and worried, kung ano man ang problema nito ay sana maayos nito. Akma na niyang ibabalik ang tingin sa ibaba ng burol nang makitang itinaas nito ang kamay at tinanggal ang salamin.  And she melted.  Iyon ang unang pagkakataong nakita niya itong walang suot na salamin at para siyang nauupos na kandila sa kinauupuan. Napapiksi siya nang lingunin siya nito at ngitian.  "I'm starting to feel better now, thank you for staying here with me." Kunot-noong nagtanong siya, "Gusto mo bang ilabas at i-kwento sa akin ang problema mo?" Wow, sino ka ba, Dreya? tuya niya sa sarili. Kane shrugged and looked up to the sky. "Just my parents." "What about them?" Huminga ito ng malalim, "They fight a lot. They were so loud in the house that I just decided to leave and let them scream at each other until they pass out." "Kaya ka narito?" Tumango ito at muli siyang nilingon. "I'm sorry if I lied earlier." Hindi alam ni Dreya kung ano ang nagtulak sa kaniyang hawakan ito sa braso at pisilin iyon, letting him know that he's not alone. "Did you try to talk to your parents about it? Sinabi mo bang naaapektuhan ka sa mga ginagawa nila and that you're losing focus? They should know about this, para mapag-usapan nila ng maayos ang problema at hindi na lalong lumalim pa. Dapat nilang malaman na ikaw ang naaa-pektuhan sa mga ginagawa nila." "Easier said than done." "I know, pero kailangan mong subukan." Kane gave her a smile that warmth her heart.  Hindi niya inaasahan ang pagkakalapit nilang iyon ni Kane, buti na lang at naisipan niyang lumabas muna sa maingay niyang tinitirhan at pumunta sa lugar na iyon.  Bakit kaya inilalapit sila ngayon ng tadhana? May plano ba ang Diyos para sa kanilang dalawa? Keep dreaming, Dreya. "Thank you, Dreya," ani Kane makalipas ang ilang sandali. "Gumaan na ang pakiramdam ko." Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa braso nito at umayos ng upo. Nagkunwari siyang ibinalik ang pansin sa ilalim ng burol upang kunwari ay pagmasdan ang bayan.  Hindi niya kayang titigan ng matagal si Kane, nawawala siya sa huwisyo kapag ginagawa iyon. "How about you? Where are you parents at sino ang kasama mo sa tinitirhan mo ngayon?"  Nagkibit-balikat siya sa tanong nito sa kaniya, saka sa marahang tinig ay sumagot. "My father died when I was fifteen. My mother re-married and I moved out. I'm living with my Aunt and her family now." "I see. Are they good to you?" Malungkot siyang ngumiti sa tanong nito. "Pinapakain nila ako at pinapatulog sa maayos na higaan. I think that's enough to say that they are good to me." Hindi sumagot si Kane sa sinabi niya subalit ramdam ni Dreya ang mariing pagkakatitig nito sa kaniya. He was staring at her as if he was waiting for her to say more. Or maybe he was just examining her face? Naiilang na nilingon niya ito at muling nagtama ang mga mata nila. "W—Why?" Matagal lang na nakatitig sa kaniya si Kane bago ito nagsalitang muli, "What is your dream, Dreya?" Umiwas siya ng tingin at nag-isip. "To have a normal, peaceful life, maybe?"  Si Kane ay ibinalik din ang pansin sa ilalim ng burol at matagal na nag-isip bago muling nagsalita. "Me, too. I just want peace and serenity in life." Nilingon siya nitong muli, "I think we'll get along." Nanlalaki ang mga matang nilingon niya ito. "W—What?" "Do you have any friends?" Umiling siya.  "Then, can we be friends?" Natulos siya sa kinauupuan. Friends? Kane Madrigal and her?  Napalunok siya at wala sa sariling tumango. Nang makita ang pagpayag niya ay lumapad ang ngiti si Kane, causing her to suck her breath in. Seeing him smile at her makes her feel like she was floating in the air.  How can a smile bring so much happiness to her heart? "Why would you.... want someone like me to be a friend?" Hindi niya alam kung bakit niya naitanong iyon. Bigla na lang lumabas iyon sa kaniyang bibig bago pa niya napigilan ang sarili. Kane frowned at her question. "Someone like you? Ano ba ang tingin mo sa sarili mo?" Yumuko siya at nilaru-laro ang mga daliri. "Well... for starters, I am just a working student. I am a pauper and —" "Does that make you less human?" Sa sinabi nito'y muli siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata. Nakikita niya ang kalituhan sa guwapong mukha ng kaharap. She forced a smile, "I'm just worried that people starts laughing at you because you have a friend who cleans the school toilets and—" "Cleaning toilet is a decent and honorable job, bakit nila pagtatawanan iyon?" Naguguluhan pa ring tanong nito. "And who cares, anyway? Kapag may narinig akong tatawa sa pagkakaibigan natin, I will be the one to shut their mouth." Huminga ito ng malalim saka muling tumingin sa malayo. "I used to have friends before but we got seperated when they moved to the States. At dahil puro pag-aaral na lang ang inaatupag ko at madalas na nasa library lang ako, ay hindi ko gaanong nakakasalamuha ang ilang mga estudyante sa CSC. I am close with my classmates, but it's different to have a close friend you could run to and cry on." Doon ay muli siya nitong nilingon at nginitian. "And I guess you are the perfect fit for that." "Someone to run to and cry on?" Tumango ito. Matagal niya itong tinitigan at hinanap sa mga mata nito ang sinseridad sa mga sinabi. At makalipas ang ilang sandali'y nauwi siya sa pag-ngiti. "Well, sa tingin ko ay kailangan ko rin ng kaibigan." Napangiti ito at muling inabot sa kanya ang palad. "Friends, then?" She took his hand and smiled, "Friends." *****                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD