3 | Secretly

1953 Words
Nahinto si Kane sa pagpasok sa kaniyang silid nang may marinig na kalabog sa silid ng mga magulang. Napatingin siya roon at sandaling huminto sa harap ng kaniyang kwarto hanggang sa marinig ang pagtatalo ng mga ito.  He took a deep breath and entered his room.  It was just another night of their lives in that house. Magtatalo na naman ang mga magulang niya sa gabing iyon dahil sa pagkahumaling ng daddy niya sa casino at ang laging pag-alis ng mommy niya. It's going to be another hour of endless arguments, hanggang sa ang isa sa mga ito ay lalabas ng silid at lilipat sa guest room sa ibaba para doon magpalipas ng gabi.  Kinabukasan ay siguradong parang wala na namang nangyari. His mother would help the maids make breakfast and serve her husband and son. Magpapanggap na naman ang mga itong maayos at masaya sa harap niya.  Ganoong-ganoon lagi ang sistema nila sa umaga at gabi. It's been going for months now and he's getting tired of it. Pagpasok sa kaniyang silid ay ibinato niya ang backpack sa ibabaw ng kaniyang kama saka ibinagsak ang sarili roon. Napatitig siya sa kisame at itinanong sa isip kung bakit nauwi sa ganoon ang pamilya nila. They used to be happy. His parents used to love each other. Whatever happened to that? Nasa ganoon siyang kaisipan nang marinig ang malakas na sigaw ng mommy niya sa hallway.  "You are a dumb, useless husband, Dan!"  "And you're a slut, Katrina!" pasigaw ding sagot ng daddy niya bago bumagsak pasara ang pinto ng silid ng mga ito. Bumangon siya at mabilis na tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon at sumilip, upang makita ang pagbaba ng mommy niya sa hagdan. Muli niyang isinara ang pinto saka sumandal doon.  Bumibigat nang bumibigat ang loob niya sa bawat araw na dumaraan at hindi niya alam kung hanggang kailan ganoon ang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na mas higit siyang naaapektuhan sa pagtatalo ng mga ito, higit kanino man.  Huminga siya ng malalim bago humakbang patungo sa kama at kinuha roon ang bag, saka lumapit sa study table at naupo sa harap niyon. Binuksan niya ang laptop at kinuha ang mga takdang aralin. Mas maiging ibuhos na lamang niya ang pansin sa pag-aaral— sa ganoong paraan ay hindi siya nakakapag-isip ng kung anong problema tungkol sa pamilya nila.  Makalipas ang ilang sandali ay muli niyang narinig ang tinig ng ina sa hallway at ang pagkalabog nito sa pinto ng silid nila. Nahinto siya sa pagsusulat ng sagot sa notepad niya nang marinig ang ingay na iyon.  "Open this damn door, I need my car key!" his mom said. Ilang sandali pa'y narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang sigaw ng daddy niya. "You are not using your car, I am selling it tomorrow!" "You can't do that, Dan! I bought it with my own money!" "Money from whom? From your boyfriend?" Inihilamos ni Kane ang mga palad sa mukha saka tinakpan ang mga tenga. His parents argue about everything nonstop and it's already getting into his nerves. Tumayo siya at ipinasok lahat ng mga notebooks sa bag bago binitbit iyon at lumabas ng silid. Paglabas niya ay lalong lumakas sa kaniyang pandinig ang muling pagtatalo ng mga magulang na ngayon ay nasa loob na ulit ng silid ng mga ito.  Walang lingon-likod siyang bumaba ng hagdan at sa malalaking mga hakbang ay lumabas siya ng bahay nila at tinungo ang kotseng nakaparada sa garahe, katabi ng tatlo pang kotse ng mga magulang niya. Kinuha niya ang susi sa loob ng bag saka mabilis na binuksan ang sasakyan. He threw his bad at the back seat and pushed the key to its hole.  Ilang sandali pa'y paarangkada niyang inilabas ang sasakyan sa garahe nila.  He drove his car blindly. Laging ganoon ang ginagawa niya kapag napapagod siyang makinig sa mga walang kabuluhang pagtatalo ng mga ito. At kahit nakapikit ay alam niya kung saan dadalhin ang sarili.  Makalipas ang mahigit sampung minuto ay narating niya ang pakay. Sa bayan nila ay mayroong burol, over-looking the whole city. Ang burol na iyon ay nasa gilid lang ng highway patungo sa kabilang bayan, at sa paligid niyon ay mayroong ilang kabahayan. Lumabas siya sa sasakyan at bitbit ang bag ay umupo sa ibabaw ng hood saka tahimik na tinanaw ang siyudad sa hindi kalayuan. Mula roon ay natatanaw din niya ang CSC.  Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata. Buti pa roon— maliban sa ilang mga sasakyang dumaraan ay wala siyang naririnig na ingay na masakit sa tenga. Ingay katulad ng pagtatalo ng mga magulang niya— throwing stones at each other. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na naroon lang sa ibabaw ng hood ng kotse niya, feeling the evening breeze and listening to the sound of the cars passing the road, when he heard someone speak from behind.  "Kane Madrigal?" ***** Kunot-noong nilingon niya ang pinanggilangan ng tinig na iyon. And then, there he saw that pretty lady with hazelnut curly hair standing at the back of his car, holding a trash bag.  Walang araw na hindi niya ito nakikitang walang dalang basura.  Adrianna Lam... Hindi siya makapaniwalang sa dinami-rami ng taong maaaring makita sa lugar na iyon, ay si Adrianna pa.  Andrianna was an eighteen-year-old senior high student at CSC. One of the few working students and also a university scholar. Una niyang nakita ang dalaga noong unang araw na ma-assign ito sa library, twenty-one months ago.  Yes. Twenty-one months ago. Ganoon na niya katagal itong kilala at tahimik na ino-obserbahan sa tuwing nasa library ito. Isang beses sa isang linggo lang niya itong nakikita roon pero walang Lunes na hindi siya nasasabik na pumunta sa library upang makita ito at tahimik na pagmasdan.  He heard she works at the canteen every Tuesday, pero hindi siya pumupunta roon dahil ayaw niya ng maiingay na lugar. Buong buhay niya sa CSC ay sa library siya kumakain ng lunch na binibili niya sa madaanang fast food chain o restaurant. He's never visited the canteen even once since he started studying at CSC. Sa maraming pagkakataon ay ninais niya itong lapitan upang magpakilala subalit si Adrianna ay isa lamang sa mga estudyante sa CSC na hindi nagpapakita ng interes sa mga lalaki. He heard that she distance herself from men, which he appreciated and understood. Nakikita niya ang dedikasyon nito na ibuhos ang lahat ng atensyon sa pag-aaral, kaya lalo niya itong hinangaan. Pero dahil din doon ay hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ito at magpakilala. He respected the boundary she created and he wouldn't cross that line until she's ready. Kaya sa mahabang panahon— sa loob ng dalawampu't isang buwan, he just secretly admired her from the distance. At hindi niya alam kung gaano niya ka-tagal iyong gagawin. Maybe when Adrianna's ready to accept suitors? Or when she graduates from senior high? Or college? He didn't know.  But he really liked her and he would love her to be his someday. He didn't actually know what hit him the day he first saw her at the library. He was silently reading a book at that time when she entered the room and introduced herself to the librarian. Noong araw na iyon ay sinundan niya ito ng tingin— and he was mezmerized. She was smiling the whole time. Ang bawat estudyanteng pumapasok ay binabati nito nang may ngiti sa mga labi, kahit nagwawalis ng sahig o mag-ayos ng mga libro sa mga shelves ay nakangiti pa rin. Kahit may mga pagkakataong nakikita niya itong inaantok at nakakatulog sa likod ng counter ng library, he couldn't help himself but just stare at her.  And it has become a habit. Hanggang sa tuluyan siyang nahulog.  Plus— Adrianna Lam has a very pretty face. She didn't wear any makeup nor fixed her long, curly hair, but she has a beauty to die for. At maliban pa doon, she looked so tough.  A strong, independent woman that she was. Iyon ang nakikita niya rito— matapang at malakas ang loob. And he liked that in women.  Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing napapasulyap siya kay Adrianna ay para itong apoy na lumalagablab. She has that fire in her that he liked so much, that he's willing to get burn just to be close to her. At noong Byernes lang, nang mag-krus ang landas nila sa hagdan, ay hindi niya napigilang tawirin ang pader sa pagitan nila. He didn't want to distract her serenity, all he wanted was to let her know of his presence. That's all.  Sa katunayan, ay alam niya kung saan ang silid-aralan ni Mr. Rodriguez. Hindi lang niya napigilan ang sariling kausapin ito noong araw na iyon. Pero hindi rin niya inaasahang magkikita pa silang muli nito sa restroom. Hindi niya inaasahang naroon ito. And had she let him take that bag of trash, he would have offered her a ride home.  Oh well. He gets his chance now...  "Kane Madrigal? Is that really you?"  Nakita niya ang pagkagulat sa maganda nitong mukha. Somehow, his stress has lowered down after seeing her. "Hey," sagot niya rito bago tumalon pababa ng hood. Isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon saka hinarap ito. "I didn't expect to see you here." Nakita niya ang sandaling pag-ilap ng mga mata nito saka ang biglang pag-atras.  Doon niya ito sinuyod ng tingin. She was wearing a black leggings and a white V-neck shirt. Sa paa nito'y flip-flops. He frowned. "Oh, do you live here?" aniya saka sinuyod ng tingin ang paligid. Sa tawid ng kalsada at mayroong makitid na footwalk paakyat sa mababang burol kung saan may nakita siyang mga kabahayan.  "Yes..." mahinang sagot ni Dreya saka itinaas ang hawak na trash bag. "Lumabas lang ako para itapon ito." Humakbang ito sa bandang gilid kung saan may malaking box na gawa sa kahoy. Ipinasok nito ang dalang trash bag doon, pinagpagan ang mga kamay saka muli siyang hinarap. "Maaga pa kasi bukas ang daan ng basura kaya..." huminto ito at kunot noong muli siyang sinipat ng tingin. "Are you still wearing your uniform? Hindi ka pa umuuwi sa inyo?" Nang maalala ang tungkol sa mga magulang ay nawala ang ngiti niya. He exhaled and looked away. "I just don't feel like going home." "Why?" Ibinalik niya ang pansin sa mukha nito at nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito. He smiled at her again and saw how she gasped. He smiled all the more.  Mukhang may pag-asa siya kay Dreya...  "My parents are not home at wala akong kasama kaya wala pa akong ganang umuwi," pagsisinungaling niya. "Madalas ako dito kapag gusto kong mapag-isa at tanawin ang buong bayan. I didn't know you live nearby." "Oh," mahina nitong tugon bago sinulyapana ang kotse niya. "How long are you going to stay here?" tanong nito makaraan ang ilang sandali.  He shrugged, "For as long as I want." She nodded and looked away. And he took that chance to stare at her charming face.  Ang ilaw mula sa poste sa hindi kalayuan at ang buwan ang nagbibigay liwanag sa paligid upang maaninag niya ang magandang mukha nito. Adrianna may not be as beautiful as the other ladies he had met before, but she's pretty nonetheless. But her strong personality was what drew him to her. Oh, I hope someday you would be mine... If only she would open her heart to men, he would surely be the first in line. And he would end it there, not letting any other men have her. If only Adrianna would let him, she will surely be the light to his messed-up life. *****                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD