5 | Changed

1214 Words
"Kaibigan lang ba iyong hinihintay siya tuwing hapon para ihatid sa kanila? Kaibigan lang ba iyong sabay silang kakain ng lunch sa tuwing may pagkakataon? Sino'ng niloko niya?" "Oo nga, baka nilandi niya si Kane Madrigal kaya nahulog sa kaniya." "Ano pa nga ba? Diskarte iyan ng mga may itsurang babae pero walang pera. Nowadays, they are called the gold diggers." Nagtawanan ang grupo ng mga babaeng ka-klase ni Dreya matapos ang sunud-sunod na panlilibak ng mga ito sa kaniya, siyempre sa pamumuno ni Mimi. Nagkumpul-kumpol ang mga ito sa upuan ni Mimi at sinusulyapan siya sa likod habang nagbubulungan na tila sinasadya namang iparinig sa kaniya.  Breaktime noon at lumabas ang guro nila kaya malaya ang mga itong nakakapag-tsismisan. But Dreya was not fazed at all. Umiikot lang ang mga mata niya sa mga naririnig. Hindi siya papa-apekto sa mga sinasabi ng mga ito dahil alam niyang wala siyang ginagawang masama at hindi totoo ang mga iniisip ng mga ito tungkol sa kaniya. It has been two weeks since she and Kane have sealed friendship. And since then, ay madalas na sila nitong magkita o magkasama sa loob at labas man ng CSC.  Kapag nasa campus sila ay sadya nitong hinihintay ang oras na bakante na siya para mag-lunch. And they would normally eat at the rooftop of the college building. Ang sabi ni Kane ay ayaw nito sa canteen dahil ayaw nito sa maiingay na lugar, kaya doon sila sa rooftop kung saan tahimik at solo nila ang lugar. During those times, he would also teach her advance lessons to prepare her for college. At namamangha siya sa lawak ng kaalaman nito. She appreciated his help and assistance and she's learning to love him more and more.  Kung sana ay kaya niyang sabihin dito ang totoo niyang nararamdaman...  Sometimes, she would look at him and wonder if there's chance that they'd end up together. Bakit niya naisip iyon? Dahil ilang beses na rin niyang nahuhuli itong nakatitig sa kaniya ng matagal— as if there was something he wanted to say but decided not to. At sa tuwing iniisip niya ang posibilidad na magkagusto rin ito sa kaniya ay hindi niya maiwasang lihim na pagtawanan ang sarili.  Why would someone like Kane Madrigal fall for her? She's not the prettiest in the campus. She's not the sexiest and neither the smartest. There's nothing unusual about her. Nagkataon lang na naroon siya sa lugar at oras na kailangan ni Kane ng kasama at mapaghihingan ng sama ng loob, dahilan upang magkalapit sila nito. Lihim siyang napapangiti sa tuwing naaalala ang burol kung saan sila umpisang naging malapit ni Kane sa isa't isa.  Sa maraming pagkakataon sa loob ng dalawang linggo simula nang maging malapit silang magkaibigan ay madalas nang pumupunta si Kane sa burol na iyon malapit sa kanila. And she would often go there to meet him, spend an hour talking about many things, and then she would go home. Hindi niya magawang imbitahan ito sa tinutuluyan dahil ayaw niyang isipin ng Tiyang Remi niya na lalaki ang inaatupag niya sa unibersidad. At ayaw niyang dumating sa puntong pagbawalan siya nitong makipagkita o makipagkaibigan kay Kane.  At nitong mga nakaraang araw ay napagtanto niyang hindi na crush ang nararamdaman niya para kay Kane Madrigal. She feels something deeper than that. Something more like... hope. A hopeful love. Iyong pakiramdam na naiisip pa lang niya si Kane ay nakikinita na niya ang buhay na puno ng pag-asa.  Dati, noong wala pa si Kane ay para siyang robot na naka-program na gawin ang mga bagay-bagay na paulit-ulti sa araw-araw— gigising sa umaga, gagawin ang trabaho sa bahay ng tiyahin niya, papasok sa campus, mag-aaral at magta-trabaho, at uuwi sa kanila para magtrabahong muli bago matulog. At kinabukasan, pag-gising niya, ang una niyang naiisip ay kung gaano na naman siya mapapagod sa araw na iyon.  She has no life. But she does have a dream.  A dream to have a happy, peaceful life of her own. A dream to move out from that place and find peace somewhere else. A dream to find herself. Her true purpose.  Until she met Kane. And that's when she's started to look forward to waking up each day. To tomorrow.  Sa tuwing gabi, bago matulog, ay hindi na siya makapag-hintay para sa susunod na araw. Hindi na siya makapag-hintay na magkita sila nito sa campus, kumain ng sabay sa roof top tuwing lunch time niya at pag-usapan ang panibagong topic, tungkol man sa eskwela o sa kani-kanilang buhay. Kane has so many things to tell and she was there to listen to him with a smile on her face. She loves it. Gusto niyang pinagkakatiwalaan siya nito sa mga sikreto nito, sa mga pangarap nito, sa lahat ng bagay. She loves it when he shares his thoughts and fears, too.  Ayon kay Kane, ay takot itong mag-isa. Takot itong masira ang pamilya— pero hindi alam kung papaanong tutulungan ang mga magulang na mag-ayos. He said he wants to have a family of his own in the future. A happy family, living a peaceful life.  And she would also share her dreams to him. She would tell him how she wanted to be free from all the dramas in her life. Sinabi niya ritong wala siyang kinakatakutan sa buhay, dahil alam niyang ang lahat ng problema ay nagagawan ng paraan at nahahanapan ng solusyon. Sinabi niya ritong nais niya ring magkaroon ng sariling pamilya sa kinabukasan at mamuhay ng masaya at tahimik, katulad nito.  And during that time, Kane said something that made her awake the whole night; "Gusto mo ba'ng tayo na lang?"  She was left speechless when he said that. Hindi siya kaagad nakasagot noon at nanatili lang nakakatitig dito hanggang sa tumawa ito ng malakas at iniba ang usapan. Oh, sana totohanin nito ang sinabi!  At sana ay kaya niyang sabihin dito ang totoo niyang nararamdaman. It's only been two weeks and Kane has already been part of her system—of her life. Hiling niya ay sana magawa niyang sabihin dito kung gaano ito ka-espesyal para sa kaniya. Pero natatakot ding siyang baka layuan siya nito kapag ginawa niya iyon.  Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa maling diskarte niya.  "So, magkaibigan lang ba talaga kayo o may iba nang nangyayari, Dreya?" Nagising siya sa malalim na pag-iisip nangmarinig ang tinig ni Mimi. Umangat ang tingin niya rito na kasalukuyan nang nakatayo sa harapan ng desk niya. Sa likuran nito ay ang iba pa nilang mga ka-klaseng babae na nakataas din ang mga kilay, naghihintay ng tamang sagot galing sa kaniya. Tinaasan niya rin ng kilay ang mga ito. Sumandal siya sa upuan niya at saka humalukipkip. "Alin sa dalawa ang nais mong marinig na isagot ko, Mimi?" "Iyong totoo." She shrugged nonchalantly. "What do you care about the truth? Kaano-ano mo ba si Kane Madrigal para pakealaman siya— kami— sa kung anong relasyon ang mayroon kami?" Nakita niya ang bahagyang pag-atras nito at tila pagkalito.  Dreya smiled widely. "See? You are just a curious nobody. So, stop asking questions and study more. Dalawang subjects mo ang bagsak ngayon sem, 'yon ang pagtuunan mo ng pansin at hindi ang relasyong namumuo sa dalawang taong hindi mo naman kaano-ano at walang pake sa'yo." "Oh, you—" ang akmang pagbubunganga sa kaniya ni Mimi ay napigil nang pumasok na ang kanilang guro sa loob ng classroom at pina-upo ang lahat.  Bago tumalikod ay tinapunan muna siya ni Mimi ng masamang tingin na sinagot lang niya ng ngisi.  *****                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD