Hindi pa tuluyang nakakapasok si Dreya sa maliit na bahay nang may sumalubong na sa kaniyang lumilipad na stainless pot. Kung hindi pa siya mabilis na napayuko ay baka tumama ang bagay na iyon sa mukha niya. Napatingin siya sa pinanggalingan niyon at nakita ang naka-pamaywang na Tita Remi niya, nakasuot ng pulang duster at ang buhok ay naka-curlers. Nakasimangot ito at namumula ang mukha sa galit.
"Kanina pa mainit ang ulo sa'yo ni Nanay, Dreya," sabi naman ni Jose, ang batugan niyang pinsan na isang taon lang ang tanda sa kaniya at hindi na nag-aaral. Nakahiga ito sa sofa na gawa sa kawayan at naglalaro ng games sa mumurahing touch screen phone.
Sa single sofa naman ay naroon ang bunsong kapatid nito na si Jenna at nag-lalagay ng pulang nail polish sa mahabang kuko. Bata lang ito ng isang taon sa kaniya at tulad ni Jose ay tamad na rin itong mag-aral.
Sabi na nga ba at ganoong eksena ang daratnan niya. Araw-aaw at gabi-gabi ay ganoon lagi ang eksena sa bahay ng mga ito.
"Ano'ng oras na, Adrianna?!" singhal ng Tita Remi niya.
Isinara na muna niya ako pinto saka dinampot ang stainless pot na ibinato nito sa kaniya bago sumagot. "Marami po kasing gawain sa—"
"Wala akong pake sa gawain mo sa unibersidad! Kapag oras na ng uwi mo ay umuwi ka!"
Itinikom niya ang bibig at hindi na sumagot.
Si Remi ay nakatatandang kapatid ng papa niya at siyang kumupkop sa kaniya matapos niyang iwan ang ina. At magda-dalawang taon na simula nang lisanin niya ang bahay nila dahil sa napaka-maraming rason.
Three years ago, her father died due to an accident. At wala pang anim na buwan ay muling nag-asawa ang mama niya. She despised the idea of her mother marrying and loving another man, pero inintindi niya dahil ayaw niya itong malungkot. Kaya kahit masakit ay tinanggap niya iyon. Subalit ilang buwan pa lang nakatira sa kanila ang lalaki ay nakitaan na niya ito ng bastos na ugali. He would often peek at her whenever she was bathing, or stare at her legs whenever she was wearing a short a little over her knee. At ang pinaka-masaklap pa sa lahat at siyang nagtulak sa kaniyang lisanin ang bahay nila ay ang pagpasok nito isang beses sa kwarto niya at ang pag-gapang nito sa kaniya.
She screamed and fought him, dahilan upang magising ang mama niya at ang ilan pa nilang mga kapitbahay. Pero anong sakit ng pakiramdam niya nang hindi siya paniwalaan ng mama niya at pinili nitong paniwalaan ang walang'yang bagong asawa. Na kesyo lasing daw at nagkamali lang ng kwartong pinasukan.
She didn't know what her mother has become, dahil hindi naman ito dating ganoon. Siguro ay nabulag lang sa pighating naramdaman noong mamatay ang ama niya o dahil nauuto ng bagong asawa? But whatever the reason was, she decided to just leave. Hindi dahil baka tuluyan siyang magahasa ng asawa ng ina kung hindi dahil baka makapatay siya ng manyak na lalaki nang wala sa oras.
Because she knew that she would fight for herself. Papatay siya para sa p********e niya. Hindi siya papayag na ma-agrabyado ng kahit na sino.
Kaya matapos ang nangyaring iyon ay nagpaalam siya sa ina na lilipat sa bahay ng natitirang kamag-anak ng papa niya — ang ate nito, si Remi— na ang pamilya ay nakatira sa pinakamalaking bayan sa rehiyon nila at malapit sa may pinakamalaki at pinaka-magandang unibersidad doon, ang CSC. Limang oras ang biyahe niyon mula sa kanila kaya alam niyang hindi siya magugulo o masusundan roon ng kamanyakan ng bagong asawa ng mama niya.
Noong una ay mabait ang Tiya Remi niya sa kaniya. Ito pa nga mismo ang tumulong sa kaniyang mag-apply ng scholarship sa CSC at nag-rekomenda sa kaibigang teacher doon na tanggapin siya bilang isa sa mga working students ng highschool dept. Pero kalaunan, matapos ang isang taong pananatili niya roon, ay naging salbahe na ito sa kaniya. Madalas siya nitong sermonan at sigawan— sa harap man ng marami o sila lang.
Pero ito lang naman ang salbahe sa kaniya. Dahil ang dalawa nitong anak na sina Jose at Jenna, ay okay naman sa kaniya. Tamad lang. At ang asawa naman nito'y mabait din sa kaniya— lasenggero lang.
"Ano na naman iyan, Remi? Nasa gate pa lang ako eh boses mo na ang naririnig ko."
Nilingon ni Dreya ang bumukas na pinto at nakita ang Tito Al niya, asawa ng Tita Remi niya, na pumasok at mukhang naka-inom na naman.
"Dahil iyang sa Dreya ay lumampas sa oras ng pag-uwi! Hala, magluto ka na roon ng hapunan, Dreya!"
Payuko siyang naglakad patungo sa kusina.
Oh well... Matagal na niyang tanggap na alipin din siya sa pamamahay na iyon. Dahil iyon naman talaga ang naisip niyang paraan kapalit ng libreng matitirhan at pagkain. Pero ang hindi lang niya inasahan sa Tiya Remi niya ay ang pangit nitong ugali pagdating sa kaniya.
Isang buwan na lang at magtatapos na siya sa senior high. Sa susunod na school year ay magka-college na siya at doon pa rin sa CSC kung makakapasang muli ng scholarship. Pero aalis na siya sa poder ng Tiya Remi niya pagdating niya sa kolehiyo. Ngayong magdi-disi-otso na siya ay maaari na siyang maghanap ng matinong sideline para matustusan ang mga pangangailangan at pagkain. Pwede na rin siyang maghanap ng murang boarding house.
Kaya kaunting tiis na lang, Dreya... Isang buwan na lang at matatapos na ang kalbaryo mo... bulong niya sa isip.
Pagdating niya sa kusina ay kaagad siyang nag-saing. Hindi pa siya nakakapag-hubad ng school shoes ay heto at pagkain na ng mga 'amo' ang inaatupag niya. Mamaya pagkatapos kumain ay sa kaniya rin ang mga hugasin at hating gabi na naman siya sigurado makakapag-review ng mga lessons niya.
"Dreya,"
Napa-piksi siya nang marinig ang mahinang pagbulong sa kaniya ng Tito Al niya. Palihim itong nag-abot sa kaniya ng dalawang daan. "Itago mo iyan at pandagdag mo sa mga gastusin mo. At pagpasensyahan mo na ang Tiyang Remi mo."
Sinulyapan muna niya ang pinto ng kusina bago inabot ang pera. "Salamat po, Tito Al."
Ngumiti ito saka hinawakan siya sa balikat at pinisil iyon, bago muling tumalikod at lumabas ng kusina.
Napatingin siya sa balikat na pinisil nito.
Red flag?
*****
"Adrianna Lam. You have a pretty name."
Napa-pitlag si Dreya mula sa pagre-review ng lesson sa likod ng counter sa library nang marinig ang baritonong tinig na iyon sa kaniyang harapan.
Lunch time at Lunes, naroon na naman siya sa library para sa Monday assignment niya bilang working student. Iyon ang oras na pinapalitan niya ang school librarian para makapag-lunch ito.
Kapag ganoong oras din kasi ay marami pa ring mga estudyante ang naroon sa library upang mag-aral or just to kill time. At isa sa mga estudyanteng iyon si Kane Madrigal.
Napakurap siya nang bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Kane. Inabot nito ang record book na nakalapag sa harapan niya at nag-log in doon.
Para siyang tuod na natigilan lang at napatingin dito habang isinusulat nito ang pangalan sa record book. Iyon ang unang beses na mas nauna siyang dumating dito. Madalas kasi ay naroon na ito sa tuwing papalitan niya sa pwesto ang librarian.
Hindi pa rin nawala sa isip niya ang interaksyon nila nito noong Biyernes lang. It made her look forward to Monday, at heto na nga.
Pilit siyang ngumiti nang matapos ito sa pagsusulat at muli siyang harapin.
"So, Adrianna is your real name and 'Dreya' is just a short for it?" anito.
Tumango siya. "Noong... bata pa kasi ako ay nabubulol ako na sabihin ang buo kong pangalan. Kaya, Dreya ang... bulol version ng Adrianna."
Bahagya itong natawa sa kwento niya dahilan upang umiwas siya ng tingin.
She could not take it. Her eyes could not take the gorgeousness in front of her— baka himatayin siya.
"I like Dreya, it sounds cute," sabi pa nito makalipas ang ilang sandali.
Naramdaman niya ang pag-init ng magkabilang pisngi niya na lalong ikina-lapad ng ngiti nito. Marahil ay nakita ni Kane kung papaano namula ng husto ang mukha niya.
Yumuko siya at nagkunwaring ibinalik ang pansin sa nire-review na takdang aralin. "Enjoy reading," aniya rito.
"Thanks," anito bago tumalikod.
Napapikit siya at huminga ng malalim. Simula noong Biyernes nang mag-krus ang landas nila at magsimula silang mag-usap nito ay tumindi nang tumindi ang pakiramdam niya. Palagay niya ay tama ang hinala niya sa sarili— nagkakagusto na siya rito.
Itinaas niya ang isang kamay sa dibdib at dinama ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Noong una ay nai-intriga at nai-impress lang talaga siya sa school genius na si Kane. Hindi niya inakala na mauuwi iyon sa kakaibang damdamin.
Pero... okay lang bang magkagusto ako kay Kane Madrigal? bulong niya sa isip. Magkaiba kami ng lebel, napakalayo ng mundong ginagalawan namin. Okay lang bang magkagusto ako sa kaniya nang walang ibang taong huhusga?
Huminga siya ng malalim at sinagot sa isip ang sariling katanungan.
Well, walang huhusga kung walang makakaalam. So, just keep your feelings to yourself, Adrianna Lam. Have a shame!
Tinapunan niya ng tingin si Kane na umikot sa History books section at tila may hinahanap. Sandali niya itong pinagmasdan bago bumuntong hininga saka akmang babawiin ang tingin nang mapatingin din ito sa direksyon niya. Nang mahuli nito ang mga mata niya ay nginitian siya nito.
Biglang umalpas ang puso niya at muli siyang napayuko.
Be still, my heart! H'wag padalusdalos!
Pilit siyang huminahon at ibinalik ang pansin sa notepad niya. Umiba siya ng direksyon sa pag-upo upang hindi kaagad si Kane ang makita sa tuwing aangat ang tingin.
You are a beautiful sight I cannot get distracted with, Kane Madrigal...
*****