1 | The Genius and The Pauper

2704 Words
Four weeks before the incident... "DREYA, hindi ba at kailangan mo pang linisan ang ladies room ngayon?" Mula sa pag-aayos ng mga gamit sa bag ay umangat ang tingin ni Dreya sa nagsalita. Nakatayo sa harap ng desk niya ang trio na sina Mimi, Alesha at Jada— kilalang mga bully sa classroom nila. Lagi siya ng mga itong pinag-ti-tripan dahil dini-diskartehan siya ng ka-klase nilang heartthrob ng highschool department— si Nikko. Tinaasan niya ng kilay si Mimi na siyang nagsalita kanina. Mahaba ang tuwid nitong buhok na naka-pusod nang mahigpit. Mimi had chinky eyes, upturned nose, and small, pouting lips. Para sa kaniya ay attractive ito pero dahil maldita ay hindi nagugustuhan ng mga lalaki. "Yes, tama ka Mimi. Maglilinis pa ako ng ladies room ngayong uwian dahil parte iyon ng gawain ko rito bilang working student. Gusto mong ipag-sigawan ko pa?" sagot niya bago ibinalik ang pansin sa ginagawa. Naiinis siya sa tuwing minamaliit ng mga ito ang ginagawa niya. Oh well, masisisi ba niya ang mga ito? Seventy percent of the students in CSC were born with a silver spoon in their mouth. Kung hindi anak ng mga kilalang negosyante, politiko, at hotellier ay mga anak ng celebrity at mayayamang foreigners ang nag-aaral doon. Natural na matahin ng mga ito at pag-tripan ang isang tulad niyang nakakapag-aral lang sa unibersidad dahil sa scholarship at nakabibili lang ng mga kailangan sa school dahil sa pagiging working student niya. Ilang taon nang tumutulong ang CSC sa mga estudyanteng mahihirap talaga na katulad niya. At para lalong makatulong, maliban sa scholarship, ay nag-aalok ang mga ito sa ilang mga estudyante na magtrabaho sa unibersidad— sa paraan man ng paglilinis o admin jobs. Kabilang na roon ang paglilinis sa mga comfort rooms tuwing hapon pagkatapos ng mga klase, pagbunot ng damo sa field, o pagwawalis sa stadium at mga corridors. Oh, of course mayroon silang ilang mga janitors para sa mga gawaing iyon. Pero paraan lang din iyon ng eskwelahan para makapag-bigay ng cash assistance sa mga tulad niyang desididong magtapos sa pag-aaral subalit hirap sa pinansyal na aspeto. Pero hindi naman araw-araw na sa comfort room siya na-a-assign. Lima silang mga working students sa highschool department at kada isa sa kanila ay naka-toka sa isang trabaho kada araw. At ang schedules at assignments niya kada linggo ay: Monday - Assistant librarian during lunchtime. Tuesday - Canteen assistant during lunchtime. Wednesday - Magpupulot ng kalat sa stadium after classes. Thursday - Magwawalis ng corridor sa first-floor ng high school building after classes. Friday - Maglilinis ng ladies' room sa ground floor ng high school building. At maliit na bagay lang ang mga iyon sa kaniya. Sanay siya sa hirap at pagbabanat ng buto. Ang trabahong ginagawa niya sa CSC ay maliit na bagay lang kapalit ng allowance na natatanggap niya sa mga ito kada linggo. “Well, that only means na hindi ka makakasama sa imbistayon sa iyo ni Nikko na mamasyal sa bayan?" Ibinalik niya ang pansin kay Mimi nang marinig ang tanong nito saka bagot na sumagot, "Definitely no. At alam ni Nikko, pati ng lahat ng mga ka-klase natin na wala akong interes sa kahit na kaninong lalaki ngayon. I am busy with my life and have no time for boys." Tumayo na siya at ini-sabit ang bag sa balikat. "Now, if you'll excuse me— I have a toilet to map and clean." Nagmartsa siya sa harap ng mga ito na nakataas ang noo habang ang iba nilang mga ka-klase ay napapa-ngiti lang sa pakikipag-tarayan niya sa mga bratinella. Alam ng lahat na hindi siya papayag na basta na lang i-bully ng kahit na sino. She's a strong, independent woman— hindi siya tatagal sa mundo kung magpapakahina siya. Paglabas ng classroom ay nakahinga siya nang maluwag nang hindi na humabol ang tatlo sa kaniya. Isaksak nila sa baga nila si Nikko, aniya sa isip. Alam niyang hindi talaga siya type ng ace player ng high school basketball team na si Nikko Marquez. Hula niya'y pinag-pustahan lang siya nito at ng ka-team mates para subukan kung bibigay ang isang tulad niya sa isang sikat na estudyanteng tulad nito. Alam kasi ng lahat na wala siyang interes sa mga lalaki kaya siguro na-challenge ang mga ito sa kaniya. She smirked. They're stupid if they think I'll take the bait. Binilisan niya ang paglalakad pababa ng hagdan para magtungo sa Friday assignment niya nang mula sa pinaka-ibaba ay may nakita siyang lalaking estudyante na paakyat, bitbit ang ilang mga makakapal na libro sa maskuladong braso. She held her breath and stopped to give way to the great Kane Madrigal. Kane Madrigal was a second-year college student at CSC. Nag-aaral ito sa kursong Business Management at kilalang-kilala sa university bilang genius. Simula nang mag-aral ito roon noong junior high ay hindi na mabilang ang mga parangal na dinala nito sa unibersidad. He would always win countless academic competitions and get the highest, if not the perfect, scores in the exams. Kane was a Mathematician and a multilingual. She heard that he could speak at least four languages —French, Mandarin, Japanese, and German. Hindi pa kasama ang English at Tagalog doon! He's good at almost everything— Math, Science, Literature, History, and Geography. And top of it all, he's very, very attractive. Kahit magsuot ito ng reading glasses ay hindi nababawasan ang lakas ng dating nito. He's very tall, too! Halos anim na talampakan ang tangkad nito at may malaking pangangatawan. Ang buhok nito'y naka-gupit ng maiksi na yaong sa mga sundalo. Ang mga mata nitong natatakpan ng reading glasses ay tila nangungusap. Ang ilong nito'y maganda ang hulma at ang mga labi nito'y tila nangangako ng kung anong ligaya... She blushed at the final thought. HIndi niya alam kung bakit niya na-isip ang bagay na iyon. Oh, well, totoong wala siyang interes sa kahit na kaninong lalaki sa unibersidad— pero hindi lang din niya maiwasang ma-impress kay Kane Madrigal. He was just too perfect in her eyes. Nang dumaan ito sa harap niya ay napa-kurap niya. Kahit ang mamahaling amoy ng perfume nito ay nakakapagdala ng kung anong sensasyon sa kaniya. Oh, kung alam lang ni Kane Madrigal kung papaanong saya ang dala nito sa tuwing nagpupunta ito sa library tuwing Lunes. Alam niyang tuwing lunchtime ay sa library naglalagi si Kane Madrigal. He would often eat his lunch there while reading a book. Doon niya ito unang napansin noong ma-assign siya sa library. Lunes iyon at siya ang naka-tokang palitan ang librarian sa pananghalian. Nang dumating si Kane roon at nang una niyang naamoy ang perfume nito ay hindi na niya napigilan ang sariling sundan ito ng tingin. His perfume smelt like fresh, ocean breeze, new laundry clothes, and a minty bath soap combined. Hindi niya maipaliwanag—basta malinis ang amoy nito. And she was simply impressed by him. Matalino na, good looking na, macho at mabango pa! Sino ang hindi ma-i-impress dito? Kaya naman Lunes ang paborito niyang araw sa lahat— dahil iyon ang schedule of assignment niya sa library—ibig sabihin ay makakasama na naman niya ito sa loob ng isang silid. Oh, if only she had the courage to say hello to him and be his friend. Alam niyang mabait ito at palakaibigan, kaya hindi imposible iyon. Pero magkaiba sila ng lebel, okay lang kaya iyon? Napa-buntonghininga siya saka naka-yukong itinuloy ang pagbaba. Sana dumating ang araw na kahit papaano ay ngitian niya ang isang tulad ko... "Uh, excuse me?" Natigilan siya at biglang ginapangan ng kilabot sa katawan. Did she just hear someone with a deep, sexy voice speak behind her? Kabado siyang humarap sa nagsalita at halos himatayin nang makitang nakalingon sa kaniya si Kane, with a tender smile on his sexy lips. She swallowed hard. "A—Ako ba?" Gusto niyang sapukin ang sarili. Sino pa nga ba eh siya lang naman ang taong naroon at pababa ng hagdan? Tumango ito. "Where can I find Mr. Rodriguez's room? He's the new teacher and I'm here to speak to him. Ang sabi ng napagtanungan ko ay narito lang iyon sa second floor." "He's... in the last room to the left," turo niya habang pilit na kinakalma ang sarili. Nginitian siya nito dahilan upang mapasinghap siya. "Thank you," anito bago tumalikod at sinunod ang direksyong sinabi niya. Hindi makapaniwalang sinundan niya ito ng tingin. Wishes do come true! she screamed in her head. Now, can I get more of that smile, please? * * BINILISAN ni Dreya ang pagpupunas ng salamin sa loob ng ladies room nang makita ang oras sa relos. Mag-a-alas sais na ng gabi at kailangan na niyang umuwi dahil marami pa siyang kailangang gawin sa tinitirhan niya. Hindi siya maaaring lumampas ng alas siete, she would be in trouble. Kanina pa dapat siya nakauwi. Kaninang-kanina pa dapat kung hindi lang dinumihan ng mga bratinella ang salamin sa ladies room! Sigurado siyang ang tatlong bratinella niyang mga ka-klase ang nag-vandalize sa salamin gamit ang pulang lipstick ng mga ito. They have written something on the mirror and it took her a long time to clean it! Sabi na nga ba at may kutob siyang masama nang lapitan siya ni Mimi kaninang uwian at tinanong tungkol sa paglilinis niya sa comfort room. May ginawa pala talaga ang mga ito doon para matagalan siya at mahirapan sa paglilinis noon. Oh, those wicked witches! Bukas kayo sa akin! Ang nakakainis pa roon ay ang mga isinulat ng mga ito sa salamin. Malalaking salita, tulad ng 'Dreya The Maid', 'Dreya The Broom-lady', 'Dreya The Loser'. "Ipinanganak lang kayong mayaman!" galit niyang singhal sa salamin. Nawala na ang mga nakasulat pero galit pa rin siya sa mga nabasa at sa oras na nasayang at ginugol niya upang linisin ang ginawa ng mga ito roon. Hindi pa naman madaling alisin ang mantsa ng lipstick! "Ugh!" Padabog siyang bumaba mula sa pagkakasampa sa ibabaw ng lababo nang matapos sa pagpupunas. Mahirap ding labhan ang mga basahang ginamit niya upang linisan ang salamin at kakain na naman iyon ng oras. Muli niyang sinulyapan ang oras sa relos at napa-ungol. She badly needed to go home. Pero hindi niya pwedeng iwan ang trabaho nang ganoon na lang. Mabilisan siyang kumilos at nilabhan ang mga basahan. Tapos na siyang mag-map sa loob, malinis at mabango na ang buong ladies room at iyong mga basahan na lang ang kailangan niyang labhan at isampay sa sampayan na nasa likod ng high school building. Pagkatapos ay maaari na siyang umuwi. Pawisan na siya at gulu-gulo na ang mahaba at kulot niyang buhok sa pagmamadali. Her sweat was streaming down her face and to her neck. Nararamdaman na rin niya ang basa niyang likod at ang pagdikit ng puti niyang uniform sa balat. Pero hindi niya inalintana iyon. Hindi na rin mahalaga kung ano ang itsura niya, wala na rin naman gaanong estudyante sa ganoong oras kaya wala nang makaka-kita sa kaniya. Matapos labhan ang mga basahan ay halos takbuhin niya ang palabas ng ladies room bitbit ang mga pinigang basahan at isang malaking trash bag. Subalit pagdating niya sa pinto ay bigla siyang napatda sa nakita. Sa tapat ng pinto ng ladies room ay ang men's room naman, apat na metro lang ang pagitan, at palabas mula roon ang taong pinaka-huli sa listahan ng mga hindi niya nais makita sa mga oras na iyon. Si Kane Madrigal! Palabas ito ng rest room habang nagpapahid ng basang kamay gamit ang panyong hawak. Natigilan din ito nang makita siya, tila nagulat na may tao pang naroon. Pero una itong nakabawi at ngumiti. "Hi," bati nito. Hindi alam ni Dreya kung babatiin din ito, tatakbo at itago ang magulong itsura pabalik sa loob, o ang yumuko na lang at magpanggap na walang narinig o nakita. Matindi ang pagka-pahiyang naramdaman niya sa mga oras na iyon dahil alam niyang para siyang loka sa itsura niya bitbit ang malaking trash bag at tumutulo pang mga basang basahan sa mga kamay. Ang kulot niyang buhok ay lalong nag-riot sa pinaghalong pawis at tumalsik ng tubig habang ang basa niyang uniform sanhi ng pawis ay halos naka-dikit na sa kaniyang balat. Overall, she looked like a mess she just wanted the ground to open up and consume her. "Do you need help with that?" sabi pa nito na bumaba ang tingin sa hawak niyang trashbag. Tulala pa rin siyang umiling. Si Kane ay nakangiting muling nagsalita. "Ikaw iyong napag-tanungan ko kanina, hindi ba?" Tumango siya. “At ikaw rin iyong assistant librarian tuwing Lunes." Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito. Kane Madrigal noticed her somehow! "Don't be too shocked, I observe my surroundings," nakatawa nitong sabi na muli niyang ikina-singhap. Ano’ng mayroon sa araw na iyon at nag-krus ang landas nila ni Kane Madrigal sa high school building, kinausap siya nito, nginitian ng hindi lang isang beses, at nakita pa niyang tumawa? She's having a great day so far! Nawala na ang inis niya sa tatlong mangkukulam na mga ka-klase— dahil sa nagawa ng mga ito'y na-late siya sa pag-alis at nag-krus muli ang landas nila ni Kane. "So, you are one of the working students here?" muling tanong nito bago isinuksok ang hawak na panyo sa likod ng suot na slacks uniform. At muli, ay tango lang ang naisagot niya. "Very inspiring," he said. "I have so much respect for hardworking people like you. Sana lahat ay katulad mo." A smile, a laugh, a 'Hi' and a compliment. What a great day, indeed. Doon siya nagpakawala ng tipid na ngiti. "Thank you." Nakita niya ang unti-unting pagpalis ng ngiti sa mga labi nito at ang bahagya pagkunot ng noo. At malakas na kumabog ang dibdib niya nang makita itong naglakad palapit sa kaniya at huminto ng ilang dipa. She inhaled softly. She's never been that close to Kane Madrigal before and she was trembling. In a positive kind of way, though. Napatingala siya rito at doon niya napagtanto kung gaano ito ka-laking tao. Kung hindi ito mukhang mabait ay baka matakot siya sa presensya nito sa mga oras na iyon. Oh, come to think of it... Silang dalawa lang ni Kane ang naroon sa area sa mga oras na iyon at malamang ay sila na lang din ang mga natirang estudyante sa building. Kapag may ginawang masama si Kane sa kaniya ay madali nito iyong mapagtatagumpayan dahil maliban sa malaki itong tao ay hindi rin siya manlalaban. Oh Lord, ano ba itong tumatakbo sa utak ko....? "What's your name?" Natauhan siya nang muling marinig ang tinig nito. Napalunok muna siya bago sumagot. "Dreya..." Napansin niya ang pag-angat ng kamay nito at doon niya pinigil ang paghinga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nito pero handa siya kung ano man iyon. Umangat ang kamay ni Kane sa ulo niya saka naramadaman niya ang bahagyang pag-hawak nito sa kaniyang buhok. Ilang sandali pa ay may ipinakita ito sa kaniya. Kinunutan siya ng noo. Sapot? Sapot ng gagamba? "You have dirt on your hair, Dreya," sabi nito saka muling ngumiti. And that's when she held her breath. Up close, Kane Madrigal was strikingly attractive! Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko? I am not just impressed by him anymore. Something else's starting to develop and— "You shouldn't let your pretty hair get dirty." Oh Lord, I think I'm in love... bulong niya sa isip. "I'm Kane Madrigal, by the way." Muli siyang natauhan at napakurap, saka tumango bilang pagtugon sa sinabi nito. "Are you sure you don't need help with the trash?" Umiling siya. Kane just shrugged his shoulders and then smiled at her again. "Kung ganoon ay mauna na ako sa'yo. See you around." Tulala pa ring sinundan niya ng tingin ang lalaking naglakad sa hallway ng school hanggang sa lumiko ito at nawala sa paningin niya. Hindi niya alam kung titili sa sobrang tuwa, tatalon o sasalampak sa tiled floor ng hallway nang muling mapag-isa. This is such a wonderful day... Gusto niyang balik-balikan sa isip ang nangyaring eksena sa pagitan nila ni Kane nang may maalala. Nanlaki ang mga mata niya at napa-mura. Naalala niyang kailangan na pala niyang umuwi dahil kung hindi ay dila lang niya ang walang latay mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD