The Alexandros Series
Book 1 - MY HEART REMEMBERS (Ryu Donovan's story)
Book 2 - MISSING PEACE (Kane Madrigal's story)
*****
Kane just silently stared at the people around him, pacing back and forth, talking about something he couldn't properly hear. The neighbours were standing behind the yellow tapes surrounding the house, staring at him questionably as if he was the one who caused all the trouble.
He shook his head and looked down. Hindi niya kayang salubungin ang tinging ipinupukol sa kaniya ng mga tao. Sandali niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang pananakit ng mga iyon. Nawawala ang salamin niya at hirap siyang aninagin ang paligid. Pero ang malinaw sa kaniya sa mga oras na iyon ay ang ilaw mula sa mga police cars na nasa paligid, ang mga usyuserong mga kapitbahay, ang mga naka-unipormeng police na rumisponde sa eksena at ang dalawang body bags na inilalabas ng mga ito mula sa loob ng kanilang bahay.
He looked away when he saw those bags being carried outside their house. Hindi niya magawang titigan iyon nang matagal. He's seen enough. Enough to give him nightmares for the rest of his life.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata, na lalo lamang nagpalumo sa kaniya. Back in his mind, he could still see the oozing blood and the gun shells on the floor. His senses could still smell the gun powder and the blood in the air, and in his ears, he could still hear how those two consecutive gun shots ruined the peaceful night.
Sinapo niya ang ulo at muling mariin na ipinikit ang mga mata. The unsightly scene, smell, and sound were crawling in his mind like a parasite, eating every cell in his brain, causing him intolerable pain and eventually— numbness.
"Kane? Where's Kane? Where is my nephew?!"
Napamulat siya nang marinig ang tinig ng tiyuhin. Hinanap niya ito ng tingin at nakita itong humahagulgol habang nakasunod sa dalawang body bags na buhat-buhat ng forensic team patungo sa isang sasakyan.
His Uncle Damien is his father's younger brother. At ito na lamang ang natitira niyang kapamilya ngayong pareho nang wala ang kaniyang mga magulang.
Nakita niya kung papaanong naglupasay ang tiyuhin sa lupa, crying his heart out. He could understand why his uncle was acting like that.
Malapit ang Uncle Damien niya sa daddy niya. Walang araw na hindi magkasama at magkausap ang mga ito at alam niyang mahal na mahal nito ang kaniyang ama. Ang makitang nasa loob ng body bag ang taong malapit sa'yo, duguan at basag ang bungo, ay talaga namang naka-panghihina.
He frowned at himself. Why did I suddenly feel so empty? Why can't I feel anything anymore?
Bakit parang bigla na lang ay nawala lahat ng pakiramdam niya? Parang unti-unti siyang nanlamig, as if all his feeling were fading away. Pakiramdam niya ay para siyang butas na dam ng tubig na unti-unting nauubusan ng laman.
What is... happening to me?
"Kane? Kane!"
Muli siyang nag-angat ng tingin at nakita ang hangos na paglapit sa kaniya ng tiyuhin. Nang makalapit ito ay kaagad siya nitong niyakap at pahagulgol na nagsalita. "I'm sorry. I'm sorry that this happened to your mom and dad, Kane."
Hindi siya umimik. What is there to say anyway? Nangyari na ang nangyari. Nasaksihan niya ang hindi dapat masaksihan. His mind has been stained already. What is there left to say?
Hinawakan siya ng tiyuhin sa magkabilang balikat at hinarap. Punung-puno ng hinagpis ang mukha nito. "Don't worry, I will be here for you. Ako at ikaw na lang ngayon. We will get through this, okay?"
Nah. It's fine. I'm fine... bulong niya sa isip. Parang wala na siyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Everything was just numb and cold.
Naramdaman niya ang mariing pagpisil ng tiyuhin sa balikat niya. "We will get through this..." naiiyak pa rin nitong sambit, probably convincing himself more.
Tango lang ang isinagot niya saka muling yumuko.
All he could see and feel at that moment was darkness.
Get through this, huh? Easier said than done.
*****
"Kane!"
Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakayuko sa sahig nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon mula sa bumukas na pinto ng pribadong silid ng police station. Inimbitahan siya roon ng mga pulis para sa ilang mga katungan tungkol sa nangyaring kumitil sa buhay ng kaniyang mga magulang.
"I heard the news," anang bagong dating na dalaga. Lumuhod ito sa harap niya at pilit na sinalubong ang kaniyang mga mata. "I'm sorry about your parents. I'm sorry, Kane. How are you feeling?"
He could see tears in her eyes as he stared at her face. Nagtataka siya sa sarili. Why did he suddenly feel irritated just looking at her? Dati ay halos hindi siya mapalagay kapag hindi nakikita ang magandang mukha nito sa isang araw, ngayon ay naiirita siya at nais niya itong itaboy.
Umiwas siya ng tingin at muling niyuko ang sahig.
"I want to be alone." Iyon lang ang lumabas sa kaniyang mga bibig.
Subalit hindi ito natinag sa malamig niyang pakikitungo at nanatili pa ring nakaluhod sa kaniyang harapan. Hinawakan nito ang mga kamay niya at dinala iyon sa pisngi nito.
"Please... don't push me away, Kane. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo at narito ako para samahan ka."
Hindi niya mahanap sa sarili ang kasiyahan sa kaalamang naroon ito para sa kaniya. Had she said that in different times and in different circumstances, he would be very happy. But not now. Not today.
Inalis niya ang kamay mula rito at pinasiklop iyon. "Leave me alone."
Subalit nagpumilit ito at muling kinuha ang mga kamay niya. "Please, Kane. Don't push me away. Alam kong kailangan mo ng kasama ngayon—"
"I don't need anyone and I don't need you! Just leave me alone!"
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito matapos niya itong pagtaasan ng boses.
Kahit siya ay natigilan at nagulat sa sinabi at naging reaksyon.
Damn. Huli na ba para bawiin niya ang mga sinabi?
Nakita niya kung papaanong bumukal ang mga luha sa mga mata nito. He could see pain in her eyes but he couldn't find the urge to apologise for what he just did. He didn't want to be rude to her but he couldn't help himself, he has no control over his actions at that time. At gusto lang niyang mapag-isa sa mga oras na iyon, bakit ba kasi hindi iyon maintindihan ng mga tao sa paligid niya?
"N-Naiintindihan kong nasasaktan ka ngayon, Kane," anito saka tumayo. "So, I won't leave. Dito lang ako." Naglakad ito patungo sa kaharap na upuan at doo'y naupo.
Sa mahabang sandali ay naroon lang siya at nakayuko sa sahig samantalang ito naman ay nanatiling nakatitig sa kaniya at tahimik na umiiyak.
Oh, her cry sounded so annoying. Gusto niyang takpan ang mga tenga para hindi marinig ang nakaka-inis na pag-iyak at pagsinghot nito. Hanggang sa hindi na niya natiis— marahas siyang tumayo at tinitigan ito ng masama.
"You are annoying me! Just go and leave me alone, I don't need you here! You are just making me feel worse!"
Muli, ay nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito.
Si Damien na kapapasok lang sa silid kasama ang isang pulis ay nag-aalalang lumapit sa pamangkin at hinawakan ito sa braso. Nag-alala itong baka sugurin nito ang dalagang mangiyak-ngiyak na nakaupo sa silya kaharap nito.
Ang pulis na kasabay na pumasok ni Damien sa silid ay pumagitna at nagtanong kung ano ang nagyayari.
Kane was angry and he wasn't thinking straight. All he needed at that moment was to be alone in peace! Iyon lang ang nais niya pero ayaw pa ibigay sa kaniya!
Si Damien ay binalingan ang dalagang hindi pa rin makapaniwala sa mga salitang lumabas sa mga bibig ni Kane.
"I think you should go. Thank you for coming but Kane needs to be alone for now."
Ang pulis na pumagitna ay inalalayang tumayo ang dalagang bagaman nagulat ay nag-aalala pa ring nakatitig kay Kane na muling naupo at sinapo ang ulo.
"You... You know where to find me should you need someone to talk to, Kane," sabi ng dalaga bago humakbang palabas ng silid.
But Kane didn't hear anything. At that time, he was surrounded with darkness and grief that he just wanted to be alone.
Alone to take all the darkness in.
*****