Celestine’s POV Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Umaga na at nakahiga pa rin ako sa ibabaw ng aking hospital bed. Kaagad kong inilibot ang aking paningin sa buong kwarto at nakita ko kaagad si Mama na nagbabalat ng ilang mga prutas. Kaagad siyang napatingin sa aking direksyon dahilan upang lapitan niya kaagad ako. “Good morning, anak. Kumusta na ang lagay mo?” Nakangiti niyang tanong sa akin habang pinagmamasdan ang aking mukha. “Ayos na po ako, Ma.” Binigyan niya ako ng isang basong tubig na kaagad ko namang tinanggap. Nanunuyo na rin kasi ang lalamunan ko. Ibinigay ko ulit kay Mama ang baso atsaka nilibot ulit ang aking paningin sa buong lugar. “Okay ka lang ba? Are looking for something?” Tanong sa akin ni Mama atsaka kinuha ang mga prutas na hiniwa niya. I’m actu