Celestine’s POV Dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Nararamdaman kong nakahiga ako ngayon sa ibabaw ng isang malambot na bagay. Hindi pamilyar sa akin ang bango ng buong paligid pero nanunuot talaga sa aking ilong ang amoy ng alcohol na sinamahan ng antiseptants. Nasan ba ako? Hindi naman siguro ito ang langit hindi ba? “She’s awake!” “Oh god, Celestine!” Isang babae ang kaagad akong niyakap habang nakahiga ako. Nanghihina pa rin ako at medyo inaantok. Ano ba ang nangyari sa akin? Hinaplos ng isang babae ang pisngi ko habang may tumutulong luha mula sa kanyang mga mata. “M-Mama?” Mahinang pagbigkas ko ng maaninag ko na ang kanyang mukha. Halata pa rin ang labis na pagod mula sa aking boses. I felt so weak and tired like I just woke up from a deep slumber. Nilibot ko