Celestine’s POV Panibagong araw na naman ngayon at mas lalo kong itinuon ang aking buong atensyon sa pag-aaral at kompanya. Don na umiikot ang buong mundo ko ngayon. Kung wala na akong ibang magawa sa condo dahil tapos ko na ang mga activities ko, pumupunta ako sa kompanya nina Papa. Mas gugustohin ko pang maging abala buong araw kesa ang walang magawa. Maiisip ko lang kasi ulit ang pangyayaring ‘yon... “Fiona, ano sa tingin mo ang kailangan nating gawan ng aksyon sa lugar na ‘to? Maganda naman ang kanyang location dahil over looking, ang problema lang ay wala itong titulo. Mas magiging matagal ang pagproseso ng mga papeles ne’to. Mura nga lang ang lupa pero mabibigatan naman tayo sa pagbabayad ng proseso,” wika ko sa kanya matapos ibinigay ang isang folder na ang laman ay ilang litrat