Celestine’s POV Nasa outdoor cafeteria ako ngayon at nagbabasa ng libro. Bukas na ang mismong ball at alam na ni Dominique na pupunta ako. Sobrang lawak ng kanyang ngiti nang pumayag ako maging kadate niya bukas ng gabi. Hindi ko kasama si Sasha ngayon dahil may isa pa siyang klase sa araw na ‘to kung saan hindi kami magkaklase. Kaya nagpasya ako na dito ko na lang siya hihintayin. “Hi, Tine! Ba’t nag-iisa ka lang dito?” Napatingin ako sa harap at nakita ko si Achilles na naglalakad papalapit sa akin. “Hi, Aki! Hinihintay ko pa kasi si Sasha rito para sabay na kaming uuwi mamaya.” Tumango siya atsaka tumabi sa akin. Kaagad ko naman siya binigyan ng space. “Nakita kita kanina sa library na nagbabasa ng libro kaya hindi nalang kita inistorbo, pero hindi ko aakalain na hanggang ngayon