Celestine’s POV Tapos na ang huling araw ng semi final tests namin. May mental health break naman ang aming paaralan kaya wala kaming pasok ng apat na araw. Sobrang saya ko ngayon dahil nasagotan ko lahat ng mga tanong sa test. Lumabas din yung mga pinagpuyatan kong questionnaires para sa araw na ‘to kaya sobrang worth it ng lahat. “Grabe ang hirap ng test namin,” pagmamaktol ni Aki sa gilid habang umiinom ng juice. Tumatambay na naman kaming apat dito sa school grounds bago kami magsiuwian. “How about you, Tine?” Tanong niya sa akin. Napalingon ako sa direksyon ni Achilles bago magsalita. “Ayos lang nama—“ “Nako! Perfect yan sigurado! Siya yung unang natapos sa klase namin kanina eh,” pagsasabat ni Sasha sa gilid habang kumakain ng chichirya. “That’s good to hear, I’m proud of