Chapter VI: Wrong Escape

1814 Words
Xyler’s POV I puff a smoke from a cigarette and drank a glass of whiskey as I roamed my eyes on the entire golf course. Napatingin ako sa isang direksyon kung saan matatanaw ang dalawang lalake at isang babae na naglalaro ng golf. It’s Mckenzie, Danica, and Dominique, my younger cousins. “Xy, are you having fun?” tanong sa’kin ni Denver ng tapikin niya ako sa balikat. “I am, don’t worry,” sagot ko sa kanya. Isang ngiti ang isinukli niya sa’kin bago sumindi rin ng sigarilyo. “Buti talaga at nakabalik ka rito sa Pinas, it’s been a decade since the last time you visited here.” He’s right, I was around 17 that time. “Nga pala, tuloy ang camping trip natin next week ha? Dapat kumpleto tayo sa araw na ‘yon, makakasama rin pala natin sila Celestine at Sasha. Ayos lang ba ‘yon sa’yo?” tanong sa’kin ni Denver. I see, so that girl named Celestine. “Ayos lang sa’kin,” tugon ko sa kanya. “Kuya Denver! The golf car!” Sabay kaming napatingin sa direksyon ni Danica ng sumigaw ito mula sa malayo. Denver excused himself and took the golf car towards their direction. Mukhang napagod na sila sa kakalaro ng golf at gusto ng bumalik. I crashed the cigarette butt into the ashtray as I took a last sip on the whiskey. May kung ano akong nakapa sa bulsa ng aking shorts gamit ang isa kong kamay kaya kinuha ko ang isang bagay doon. Isang silver bracelet na may letrang ‘C’ ang nakacarved doon. “Celestine,” I whispered while looking intently into the bracelet. Nakita ko ito sa kama noong dali-dali siyang umalis kaninang umaga. That girl seems very interesting to know. Celestine’s POV Nasa unibersidad na ako ngayon at naglalakad sa isang hallway papuntang parking, napag-isipan ko na dito na lang hihintayin si Sasha kesa ang mabagot sa loob ng library. Nandon kasi siya kasama ang grupo niya sa research. Buti na lang talaga at gumaling kaagad ako mula sa lagnat dahil kung hindi, mapipilitan talaga akong umabsent hanggang ngayon. Iba talaga mag-alaga si Sasha, ang pamamaraan niya ay katulad lang ni Nana Ysabel. Napahinto ako ng makita ko si Dominique na may kasamang ibang babae. Huminto silang dalawa atsaka siya mabilis na hinalikan ng babae sa labi bago ito umalis, kumaway naman si Dominique sa kanya habang nakangiti. Hindi ko maiwasang magselos, buti pa ang babaeng ‘yon ningingitian niya. Huminga ako ng malalim atsaka naglakad ulit. Napatingin siya sa direksyon ko, nang magtama ang tingin naming dalawa ay kaagad na nawala ang ngiti sa kanyang labi. Pinagpatuloy niya rin ang kanyang paglalakad hanggang sa ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. Deretso lang ang aking tingin at nilagpasan siya na tila isa siyang estranghero sa aking paningin. Hindi ko pala siya na greet nong birthday niya, eh mukhang ayaw naman niya ring makatanggap ng isang pagbati mula sa akin kaya hinayaan ko na lang din. Pagkalagpas ko sa kanya, wala akong narinig na kahit na ano mula sa kanya. Siguro nabunutan din ‘yon ng tinik dahil first time kong hindi siya pansinin sa public. Gusto ko si Dom, pero minsan kasi napapagod din ako at gustong magpahinga. Nakakatawang isipin na ngayon ko lang napagtanto ang katangahang ginagawa ko sa loob ng ilang taon. Sobrang tanga kong maghabol pa sa isang lalakeng ilang beses ng ipinamukha sa akin kung gaano niya ako hindi gusto. Wala na rin akong maipagmamalaki sa kanya dahil sa nangyari nong gabing ‘yon. Isang malaking pagkakamali ko ang tuluyang ibigay ang aking sarili sa lalakeng hindi ko naman lubos na kilala. “Celestine!” Bigla akong nabalik sa reyalidad ng may humablot sa braso ko. “Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” Salubong ang kilay ng isang lalakeng kaharap ko ngayon. It’s Oliver, the last man I flirted with. Binawi ko ang braso mula sa kanya atsaka siya tinignan sa mata. “We’re done, Oliver,” sambit ko atsaka tumalikod sa kanya. Bwiset! Nang dahil sa lalim ng aking iniisip, nagkaroon tuloy ng tiyempo si Oliver na makalapit sa’kin ng hindi ko namamalayan! “No! Hindi ako papayag,” pagmamatigas pa niya atsaka ako hinabol. “Hindi lang ikaw ang pwedeng magdesisyon sa relasyon na ‘to!” sigaw pa niya. Anak ng! Maraming estudyante na ang napatingin sa direksyon namin dahil sa pagsigaw niya. Inis ko siyang nilingon. “Anong relasyon? Walang ‘tayo’ Oliver, alam mong hindi ‘yon seryoso,” may diin kong sambit atsaka siya tinalikuran muli. Kaagad niyang kinuha ang braso ko at sapilitan akong pinaharap sa kanya. “Pero seryoso ako sa’yo, Celestine. Come on baby, let’s talk about this, wag naman ‘yong ganito.” Napapikit ako ng madiin. Nalintikan na talaga, sobrang na attached ang lalakeng ‘to sa set-up namin. “Bakit? May iba na ba? Tang*na, kung meron man iharap mo sa’kin ‘yang lalakeng ‘yan! Kahit kailan hindi ako pumayag na maghiwalay tayong dalawa!” Bwakangina! Ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa ‘tong hayop na ‘to. Hindi ko na siya sinagot pa atsaka tuluyan ng tumalikod at naglakad ng mabilis papunta sa sasakyan ko. Kaagad naman akong hinabol ni Oliver kaya mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa tuluyan na nga akong napatakbo. “Stay away from me!” sambit ko sa kanya. Ito na ata ang karmang sinasabi nila. Lumiko ako sa kanan at napag-isipan na lumabas na lang ng university. May dumaan na grupo ng mga estudyante kaya naisipan kong makibilang sa kanila. Palinga-linga naman si Oliver ng hindi na ako mahagilap. Kitang-kita ko kung gaano niya inis na ginulo ang kanyang buhok bago tumakbo sa ibang direksyon. Dali-dali naman akong naglakad papuntang highway at tinext si Sasha na mauuna na lang ako sa condo at magkocommute na lang. “Celestine!” Napatalon ako sa gulat ng may sumigaw sa pangalan ko mula sa malayo. Bwiset talaga! Andiyan na naman si Oliver! Wala pa ring taxi ang dumadaan! May nakita akong nagmomotor na nasa di kalayuan at papunta sa direksyon ko. Kaagad ko siyang hinarang sa kalsada para huminto. “Kuya! Pakisakay! E-Emergency lang talaga!” Hindi ko na siya hinintay na tumango pa at dali-dali na ngang umangkas sa kanyang likuran. “Celestine!” Tangina, ang laki naman ng motor ng isang ‘to! Nahirapan tuloy akong umangkas! Big bike kasi. “Kuya, bilis!” Tinapik ko ang balikat niya ng ilang beses ng makita kong ilang hakbang na lang ang layo ni Oliver mula sa akin. Kaagad naman niya itong pinaharurot paalis na ikinahawak ko kaagad sa bewang niya. Kung hindi ko pa ‘yon nagawa, baka naiwan pa ako sa kalsada! Tila nabunutan ako ng isang malaking tinik ng tuluyan na kaming makaalis. Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat, gabi na rin kasi. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa side mirror ng motor at tignan ang lalakeng nagdadrive. In fairness, ang bango-bango ng lalakeng ‘to. Pero teka lang, bakit sobrang pamilyar naman ata ng pabango niya? Parang naamoy ko na ito noon pero hindi ko maalala kung saan at kailan. Narealize ko na sobrang higpit pala ng pagkakapit ko sa kanya kaya kaagad na akong dumistansya, baka isipin pa ne’to na chumachansing ako sa kanya. Bigla siyang bumwelo na ikinagulat ko kaya napakapit kaagad ako pabalik sa kanya. “Kung magpapakamatay ka wag mo po akong idamay!” sigaw ko sa kanya para marinig niya ako. Wala pa naman akong helmet! Iniliko niya ang motor sa kaliwa na ikinakunot ng aking noo. Hala! Hindi ko pala siya nasabihan na kailangan ko ng bumaba. Sobrang layo na pala ng dinaraanan niya mula sa condo ko, hindi ko ito napansin kaagad dahil nage-enjoy ako sa pag-angkas ng kanyang motor. Ngayon lang kasi ako naka-angkas ulit ng motor. “Kuya, bababa na po ako. Itabi niyo na lang po sa gilid,” wika ko sa kanya pero parang bingi ata ‘tong si Kuya dahil hindi niya talaga itinabi. Kapansin-pansin naman na nasa madilim na parte na kami ng daan, wala na kami sa highway dahil lumiko siya sa isang eskinita. Bigla akong naalarma, pucha baka rapist ‘tong lalakeng ‘to at may balak pang masama sa’kin! “Kuya, bababa na talaga ako!” Hindi siya nakinig at patuloy lang sa pagdadrive. May isang malaking gate ang bigla na lang bumukas, naisip ko na tatalon na lang sa oras na huminto siya ngunit hindi ‘yon nangyari dahil mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo. Sa likod ng malaking gate na ‘yon ay may isang mahabang daan na papunta sa isang malaking bahay, sobrang modern nitong tignan. Napaawang ang aking bibig habang minamasdan ang paligid, parang nasa Italya lang kami. Ang istilo ng bahay, landscapes, kahit ang mga light posts na nagsisilbing liwanag sa maganda at malinis ne’tong paligid ay halatang mula sa Italy ang desenyo. Alam ko ito dahil ilang beses na rin akong nakapunta ng Italya kasama si Mama, tsaka bet na bet talaga ni Mama ang mga imprastraktura ng Italya. Huminto ang motor sa bungad ng isang malaking bahay, mas malaki ata ‘to sa mansyon namin. May isang matandang lalake na nakasuit at may puting telang nakasabit sa kanyang braso ang sumalubong sa amin, may dalawang babaeng maid din sa magkabilang gilid niya. Salubong ang aking kilay habang minamasdan silang nakatingin sa aking direksyon na tila ba naguguluhan. Tumikhim ang matandang lalake kaya kaagad akong inalalayan ng isang babaeng bumaba mula sa pagkaka-angkas. Kahit naguguluhan, nagpatianod na lang ako sa babaeng maid. “Ikinalulugod namin ang muli ninyong pagbabalik, Youngmaster,” sambit ng matanda atsaka sila sabay na yumuko sa lalakeng nakahelmet. Hanudaw? Youngmaster? Apaka sosyal naman! Neneng nga lang ang tawag sa’kin ng mga tagasilbi sa amin eh. Ako na naman ‘yong tumikhim na ikinatingin nilang lahat sa akin. “A-Ano kasi, saan ang daan papuntang exit? K-Kailangan ko na kasing umuwi,” sambit ko atsaka napakamot sa aking batok. Salubong ang kilay ng dalawang maid sa akin habang wala namang ekspresyon ang matandang lalake. Narinig kong bumuntong hininga si Kuyang nakamotor na ikinalingon namin sa kanya. “Escort her to my room,” aniya atsaka dahan-dahan na tinaggal ang helmet. Sinuklay niya ang kanyang mahabang buhok atsaka ito ibinigay ang helmet sa matandang lalake na kaagad naman nitong kinuha. Bumilog ang aking mata sa aking nasaksihan. “I’ll be there in a few minutes,” dagdag pa niya. Napalunok ako atsaka siya tinuro. “I-Ikaw? Ikaw na naman?!” Tinignan niya lang ako ng may maramdaman akong dalawang kamay na kumuha sa magkabila kong braso. “T-Teka lang! Uuwi ako! Ayoko rito!” Pagpapalag ko ngunit huli na dahil nakapasok na kami sa loob ng kanyang mansyon. It’s none other than Xyler Gutierrez! The man who accidentally took my virginity!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD