Celestine’s POV Nasa iisang mesa kami nina Ate Danica, Kuya Denver atsaka ni Xyler. Katabi namin ang aming mga kapares kaya medyo awkward and dating—o baka ako lang yung naa-awkwardan dito. Dominique suddenly pull my chair closer to him kaya ang kinalabasan ay sobrang lapit namin sa isa’t-isa. He placed his right arm above the back rest of the chair. Kaya ang kinalabasan ay parang inaakbayan niya ako. “Let me fix your hair, sweetheart.” Medyo nagulat ako ng haplosin ni Dom ang aking pisngi gamit ang likod ng kanyang hintuturo bago inayos ang aking buhok. He tucked some of my hairs behind my ear which almost made me flinch a little. Nakikiliti kasi ako dahil sobrang gaan ng kanyang mga daliri. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Dom ngayon pero parang sinasabi ng kanyang mga mata