Celestine’s POV “Ma! Kailangan pa ba ‘yan? Andami ko ng alahas,” pagrereklamo ko sa kanya. Pinasuot na niya ako ng kwintas, bracelet, at singsing, kulang nalang pati anklet bigyan niya ako. Eh hikaw lang naman sapat na para sa suot ko ngayon. Masyado lang talagang magarbo si Mama. “This is your first time attending the ball, Celestine. Hayaan mo na lang akong bihisan ka.” Napakamot ako sa aking batok. To be honest, this is too much. “Please Ma, let me be myself. Alam mong ayaw ko ng mga ganito, hikaw lang sapat na para sa akin.” Ilang beses pa akong nagmamatigas hanggang sa tuluyan ng napagod si Mama. She finally gave up and let me do things on my own. Hindi rin nagtagal ay natapos na kami sa aming preparasyon. The party will start exactly within an hour. May sapat pa kaming oras par