Chapter Five

770 Words
NIKKO "Dali na, Kuya!" pangungulit ni Mika habang inaalog-alog niya ang balikat ko. I have to make up a good excuse right now. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. She doesn't need to know what really happened. Ang kulit naman kasi nito. Kanina pa ako nagpapaliguy-ligoy pero ayaw pa rin niyang tumigil. Nangungulit pa rin, nananakit pa. "Well, we went to a bar..." panimula ko. "Right?" Tumingin ako ro'n sa dalawa, naghihintay ng back up. Nag-a-alangan pa nga yata sila kasi nagpunta naman talaga kami sa bar, pero syempre hindi ko naman sasabihin lahat. They have to trust me on this. "Ah, yeah... kaya lang, nagkaro'n ng gulo. There's this drunk group and things got messy. Nagkapikunan," pagpapatuloy ng kambal ko. "Nauna silang manggulo. Of course, we have to fight back." "Paano kung may nangyaring masama sa inyo?! You should've called or texted!" inis naman niyang sabi. "Tapon niyo na lang kaya mga phones niyo? Wala namang silbi." Nagkatinginan na lang kaming tatlo habang umaandar na naman ang pagiging nagger ng bunso namin. She's the youngest but she becomes a mother figure every time she scolds us. "Okay, okay Mika. Calm down," saway ni Shaun sa kanya. "Next time, we'll call, okay? Sorry for making you worry." She sighed and then she nodded. Good. Mabuti na lang talaga at naniwala siya sa palusot namin. "Please be more careful next time, okay? Kapag naulit 'to, ako na mismo ang bubugbog sa inyo," sabi niya pa at napatawa na lang kami sa sinabi niya. Minsan, lumalabas boyish side nito kapag kami ang kasama. "Alam ni Dad?" tanong naman ni Kuya Johan kay Mika at umiling siya. "Not yet. Ayokong mag-alala si Daddy lalo pa't malayo siya sa atin ngayon," sabi niya pa. "Should we inform him about what happened?" Nasa Hong Kong si Daddy ngayon para sa business meeting niya. Sa totoo lang, kanina pa niya alam ang tungkol dito. Ang totoong nangyari sa amin. Alam niya rin ang plano namin para kay Mika. He was against it at first. Syempre, Gio's still a guy after all. But we have no choice. We just have to trust him on this. "No. Don't worry about it," sabi naman ni Kuya Johan. "You better rest. It's two am already, go to your room. May review class ka pa bukas." Mika has her own private teacher because she is home-schooled. She already has her high school diploma, she's just reviewing for her upcoming college entrance exams in some prestige universities. "Alright. Pagod na rin ako. Hinintay ko lang talaga kayo," ngiti niya. "I'll go upstairs. Good night!" Lumapit siya sa amin at yumakap. Hinalikan naman namin siya sa noo niya dahil ito na ang nakasanayan naming gawin. "Good night, Mika." Ngumiti siya at umakyat na papunta sa kwarto niya. Nang isara niya ang pinto, kinausap agad kami ni Shaun. "I kinda feel bad for lying," mahinang ni Shaun. "We're doing this for her," sagot ko. "This is to protect her. We'll tell her everything when the time is right. But we have to make sure that she's safe first," sabi naman ni Kuya Johan. "Paano kung magalit siya? Paano kung hindi niya tayo maintindihan?" tanong naman ni Shaun. Kung kailan planado na ang lahat, tsaka pa siya nag-i-isip ng kung anu-ano. "She's old enough, I'm sure she'll understand," sagot ko at napaisip naman ako bigla. "Why don't we execute the plan now? The earlier, the better." "You're right. Bago pa nila tayo maunahan. They're already here, I'm sure they'll look for her," sabi pa ni Shaun. "Sa tingin ko nga kailangan na nating i-execute ang plano ngayon," sang-ayon niya pa. "Okay, let's do it," pagpayag ni Kua Johan. "Let's execute the plan." "But Gio's still sleeping," kunot-noong sabi ni Shaun. "Let's give it a shot. This is actually a good idea since Mika is asleep. At least, we can just carry her and put her in the car then we'll just drive her all the way to the place," paliwanag naman ni Kuya Johan. "What if she suddenly wakes up?" tanong pa ni Shaun. "Mika is a heavy sleeper, remember?" paalala ko sa kanya. "So, it's possible that Kuya Johan's suggestion might work." "I should call Gio," sabi naman ni Kuya Johan at inilabas niya ang phone niya para i-dial ang number ni Gio. "Hello?" "Kuya, put it on loudspeaker so we can hear him," utos ko. "You're on loudspeaker, Gio. Naririnig ka ng kambal," sabi pa ni Kuya Johan nang sagutin ni Gio ang tawag. "HI DUDE! GOOD MORNING!" sigaw namin ni Shaun sa tapat ni Kuya Johan. Buti na lang sanay siya sa mga kalokohan namin ni Shaun kaya hindi na lang niya kami pinansin. "What?! Ang aga-aga! Hindi ba makakapaghintay 'yan mamaya?" iritadong balik niya sa amin. "Gio, ngayon na natin gagawin ang plano," kalmadong sabi ni Kuya Johan. Saglit na natahimik si Gio sa kabilang linya. Pagkalipas ng ilang minuto, napasigaw siya at napamura. "s**t! A-ANO?! NGAYON NA? BAKIT NAMAN BIGLAAN?!" Okay, we know it's a sudden decision, but it has to happen now. This work without him. He can't back out now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD