Chapter Six

868 Words
GIO Ang sarap ng tulog ko kanina pero nagulo ako dahil sa tawag ni Johan. Hindi niya ba alam na oras ng tulog ng matinong tao ngayon? Ano na naman kaya ang kailangan nito sa akin? Sa susunod talaga isa-silent ko na talaga 'tong phone ko. Sinagot ko ang tawag niya kahit labag sa loob ko. Baka kasi importante, magalit pa 'to sa akin. "Hello?" rinig kong sabi ni Johan sa kabilang linya. "Yo?" naghihikab ko namang balik. "HI DUDE! GOOD MORNING!" sigaw naman ng kambal tuko. Annoying! "What?! Ang aga-aga! Hindi ba makakapaghintay 'yan mamaya?" iritadong balik ko sa kanya. "Gio, ngayon na natin gagawin ang plano," kalmadong sabi ni Johan. Sandali akong natahimik. Pagkalipas ng ilang minuto, gulat akong napasigaw at napamura nang maunawaan ko ang sinasabi nila. "s**t! A-ANO?! NGAYON NA? BAKIT NAMAN BIGLAAN?!" "We're running out of time. We have to do this NOW," sagot ni Johan. Agad na kumunot ang noo ko. Ano na naman bang nangyayari? s**t! What have I really gotten myself into?! * * * Flashback * * * SHAUN "We'll go ahead. 'Wag mong kalimutan ang plano natin," paalala ko kay Gio nang lumabas kami mula sa bar. "Sige, bro. I better get going, too. Inaantok na ako," sabi niy naman at tinapik niya pa kami sa balikat. "Oo na, hindi ko kakalimutan." Sumakay sa taxi si Gio dahil nasa repair shop ang sasakyan niya. Sumunod naman kami ni Shaun kay Kuya Johan para pumunta sa sasakyang dala namin. Napahinto kami sa paglalakad dahil may napansin kaming anino. Habang palapit kami nang palapit sa isang eskinita, unti-unti namin silang nakilala. Paniguradong ito ang mga tauhan ng mafia na nakabangga namin. Ang dami nila. There are almost twenty men in here against the three of us. They really don't play fair. Lahat sila nakasuot ng itim na suits at itim na shades. Matikas silang nakatayo sa harap namin pero hindi man lang kami natinag o natakot. Sanay na kami. We're just worried for Mika because she's the target. "Arias'," diretsong tawag ni Kuya Johan sa kanila. "What can we do for you?" tanong niya pa. Mukhang seryoso sila sa pagpapatahimik sa amin. Noon, puro death threats at videos lang ang natatanggap namin mula sa kanila. But this is different. This is a warning that they're really after us. "You know why we're here," ngisi ng isang miyembro sa amin. "Stop meddling with us and our illegal transactions. Or else..." "...our else what? Is this all you can do? Threaten us? Can't you come up with something better?" ngumisi si Kuya Nikko sa kanila na para bang naghahamon pa. "We're not threatening you. We're serious about this," diretsong sagot ng isa pang member ng mafia. "And you know that we are really after your sister. So, if you don't stop this, you already know what will happen," dagdag niya pa. We clenched our fists, handang-handa na kaming sumugod. At talagang desidido sila sa paggamit kay Mika para lang umatras kami. "Just settle this with the three of us! You don't need to involve her!" sigaw ko at sumugod naman sina Kuya Johan. "Not my face, you ass!" sigaw ni Kuya Nikko nang may akmang susuntok sa mukha niya. Tinutukan ako ng baril ng isang mafia member nang mawala ang atensyon ko sa kanya. Agad niyang kinalabit ang trigger at nakaiwas naman ako. "Not so fast," I smirked. Dali-dali kong sinipa ang kamay niya kaya nabitiwan niya ang baril na hawak niya. Bago pa siya makatayo, sinunggaban ko agad siya ng isang suntok kaya natumba siya. Lumingon naman ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "Okay pa, bro?" Tumango ako sa kakambal ko. Hindi naman ako natamaan kaya ayos pa ako bukod sa kaunting galos at sugat. Nakita naming hinila ni Kuya Johan ang collar nung member na nagbabanta tungkol kay Mika kanina. "Don't you ever try ang lay your filthy fingers to our sister! Do even try to go near her!" banta ni Kuya Johan bago niya itinulak nang malakas ang lalaki. Medyo mahina na rin siya kaya bumagsak agad. "And tell your boss that we're not going to stop meddling with your illegal transactions until you're caught!" duktong ni Kuya Nikko. "Let's go. We have better things to do," aya ko sa kanila. * * * End of flashback * * * "Gio! Hey! Are you still on the line?!" pangungulit ni Shaun sa kabilang linya. "What the actual f**k!" mura ko havang sinusubukan kong i-absorb ang kuwento nila tungkol sa mga nangyari. "What?" sabi naman ni Nikko. I know how to defend myself, but my skills are nothing compared to these three. They are trained while my skills are only by instincts. Ano namang magagawa ko para sa kapatid nila? "Ano, Gio? Are you still doing this?" tanong ni Johan. "Nagbitiw ka ng salita sa amin, baka nakakalimutan mo." duktong niya pa. Wala naman akong sinabi na umaatras ako. Pero aaminin ko, talagang naiisip ko ngayon ang pag-atras. Hindi ko yata 'to napag-isipang mabuti. This is not a joke. This is really dangerous. Ginulo ko ang buhok ko. Kung hindi lang nakakahiyang bumali ng salita sa mga kaibigan, ginawa ko na. Pero tama si Johan, nangako ako kaya kahit anong mangyari, dapat tuparin ko ang sinabi ko. I am a man of my words; I keep my promises. "Oo na, oo na! Hintayin niyo ako r'yan. Papunta na ako," sagot ko. "Pack your things. Pupunta na tayo sa lugar kung saan kayo mananatili ni Mika," sabi naman ni Shaun. "Bibigyan ka na rin namin ng overview sa bahay dahil maraming security gadgets na naka-install do'n para sa safety niyo," dagdag niya pa bago ko ibinaba ang tawag. This won't be good. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD