MIKA
Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad at hindi mapakali rito sa may living area. It's twelve midnight and my brothers are not yet home.
I know that they're grown-ups already, but this is the first time that didn't leave a text or call to inform me that they'll be coming in late.
Hindi man lang ba nila naisip na may nag-a-alala sa kanila? Alam naman nilang palagi ko silang hinahanap lalo na kapag wala si Dad sa bahay. I just want to make sure that my brothers are safe.
Napabuntong hininga na lang ako nang muli akong huminto para tignan ang vintage wall clock na nakatayo sa gilid. Mas lalo akong nag-alala. Sana naman walang nangyaring masama sa kanila.
"Maupo ka nga muna," saway ni Manang Cora sa akin na kanina pa ako pinapanuod. "Kanina ka pa palakad-lakad d'yan. Nakakahilo kang bata ka."
Matagal na naming kasama si Manang Cora rito sa bahay. Bata pa lang daw si Dad, siya na ang nag-alaga sa kanila. Siya rin ang nag-alaga sa amin nina Kuya Johan noong bata pa kami kaya malapit kami sa kanya.
"Kasi naman ho, Manang, kanina pa ako nag-aalala kina Kuya."
"Teka nga't ikukuha muna kita ng maiinom."
Tumango lang ako. Pabalik-balik pa rin ang tingin ko sa oras. Pagbalik ni Manang Cora, napangiti naman ako dahil nakita kong may dala rin siyang cheesecake bukod sa juice.
"Ito, kumain ka muna. Hindi ba't paborito mo 'yan?"
"Opo, salamat," ngiti ko. "But I would feel so much better if I'll hear from my brothers."
"Ang mga kuya mo talaga, ang hilig na pinag-a-alala ka. At ikaw naman, hindi ka na nasanay. Baka low batt ang mga cellphone nila, o kaya naman baka nasiraan lang ang sasakyan na dala nila."
"Sana nga po gano'n lang," I sighed once more. "Kayo po, Manang, please rest. It's past twelve. Masama po kayong mapuyat."
"Mamaya na," iling niya. "Hindi naman kita pwedeng pabayaan mag-isa rito. Sasamahan na muna kita."
"Manang, alam ko pong maghapon ka nang pagod sa mga gawain sa bahay. You don't have to worry about me. Kaya ko na po ang sarili ko."
"Sigurado ka ba, Hija? Wala namang problema sa akin kung dumito muna ako. Hindi pa naman ako inaantok," sabi niya pa and I gave her an assuring smile.
"Opo. Kaya sundin niyo na po ako, please? Baka sa inyo naman po may mangyari. Alam niyo naman po na ayaw namin 'yon."
"Napaka bait mong bata. Nagmana ka talaga sa mommy mo."
Napangiti ako nang mabanggit ni Manang Cora si Mommy. Nakakatuwa kapag sinasabi nilang may resemblance kami kahit hindi ko siya nakilala.
"Oh siya, aakyat na ako. Magpahinga ka na rin maya-maya pagdating ng mga kuya mo," sabi niya pa niya at tumango na lang ako.
"Sige po. Good night po."
Nang umalis si Manang Cora, muli akong napatingin sa orasan. Ala una na pero wala pa rin sina Kuya Johan.
Napatayo agad ako nang marinig kong pumihit ang pinto. Nagulat ako sa bumungad sa akin nang salubungin ko sila, puro sugat at galos ang mga kapatid ko. May punit pa sa mga damit nila.
Imbis na maawa ako, sinigawan ko pa sila at pinaghahampas. Hindi sila magsasabi kung ano ang nangyari tapos uuwi sila nang ganito?!
"ANONG NANGYARI?! NAKIPAGBASAG-ULO KAYO?"
Sabay-sabay silang napangiwi at napatakip sa mga tainga nila.
"Mika! Nakita mong puro sugat na nga kami tapos gagawin mo pa yata kaming bingi sa pagsigaw mo. Pwede ba, papasukin mo muna kami nang payapa?" reklamo ni Kuya Shaun na sinang-ayunan naman ni Kuya Nikko pati ni Kuya Johan.
"Sino bang may kasalanan n'yan, ako ba? Pasaway kasi kayo. Halika na nga! Pumasok na tayo sa loob!"
Grabe, itong mga kuya ko yata ang magiging dahilan ng pagtanda ko ng maaga!
Inalalayan ko sila papasok sa bahay at inupo sa sofa. Napailing-iling na lang ako habang kumukuha ng first aid kit sa cabinet.
Inuna kong gamutin si Kuya Johan. At habang ginagawa ko 'yon, wala akong ibang narinig do'n sa kambal kung hindi puro reklamo.
"Hoy, Mika! Favoritism, ah?! Pare-parehas lang naman kaming nasugatan dito," puna ni Kuya Nikko. I glared at him.
"Hindi ko naman kayo kayang asikasuhin nang sabay-sabay," sabi ko pa.
Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Kuya Johan. Ipinagpatuloy kong linisin ang mga natitira niyang sugat. Hindi naman gano'n karami, pero may ibang malalim. Nagtataka tuloy ako. Saan kaya galing 'to?
"Aray, Mika! Ang hapdi! Dahan-dahan naman," daing niya.
"Isa ka pa, Kuya Johan! Bakit kasi kayo nakipag-away tapos ang dami niyong reklamo ngayon? Ano bang nangyari? Saan galing 'tong mga sugat na 'to?!"
"Nikko and Shaun will explain..."
"Kuya Johan naman! Ikaw tinatanong eh, bakit kami na naman?" reklamo ni Kuya Shaun habang nilalagyan ko ng ilang band-aids ang ibang sugat ni Kuya Johan.
Lumipat naman ako sa kambal at sabay silang ginamot. Bilib talaga ako kay Kuya Nikko, wala siyang galos sa mukha, puro sa katawan lang. Talagang pinandigan niya na prized-possession niya ang mukha niya.
"Kaya niyo na 'yan," sabi na lang Kuya Johan.
Napairap naman ako dahil sa ginagawa nila. Magpapaliwanag na lang, nagtuturuan pa. Pakiramdam ko tuloy, parang may inililihim sila sa akin.
"Are you hiding something from me?!" taas-kilay kong tanong.
"Wala!" sabay-sabay pa sila. Tinaasan ko na lang sila ng kilay. I really smell something fishy here. Something is definitely not right.
"So... ano na?" naiinip na ako, ang tagal-tagal nilang sumagot.
"Fine. I'll explain," pag-vo-volunteer ni Kuya Nikko. Napatingin tuloy kaming tatlo sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Ah.. eh kasi.. ano.. ahm.. kasi..."
Diniin ko ang cotton na may alcohol sa sugat niya sa may braso na naging dahilan ng pagngiwi niya. Ang kulit kasi, ang daming paliguy-ligoy.
"Aray! Pwede bang mag dahan-dahan ka naman d'yan, Mika?" sabi pa niya.
"Ayaw mong magsalita nang maayos. Kung sinasabi mo na, sana tapos na tayo."
Napakamot siya sa batok niya, sabay buntong-hininga.
"Ito na, ito na!" he replied before glancing sideways to give Kuya Johan and Kuya Shaun a look.
I think these three are really hiding something from me. I'm sure!