I just blinked with his response. I honestly didn't expect him to agree... I mean, I look simple. Hindi naman ako gano'ng kaganda. Inaasahan ko ng tatanggi siya kaya rin may parte sa akin na malakas ang loob na magsabi ng gano'n.
Malakas ang loob? Sino ang niloloko mo, Cristina? Your legs are literally shaking right now!
"So... wala ka bang ibang sasabihin?" he asked and puffed on his cigarette again.
"Ahm... a-actually, I was just kidding," I mumbled and avoided his gaze.
Eron chuckled and caressed his nape. "How disappointing, Cristina. Hindi pa tayo nagsisimula, nagba-back out ka na?" tanong nito, tila nanunukso.
"I-I'm sorry... my joke had gone too far," I mumbled and fixed my eyeglasses.
"It's fine. Mukha rin namang hindi ikaw ang tipo na nagse-settle sa gano'ng setup." He smirked at me. "I didn't take your words seriously in the first place anyway."
I just bit my lower lip and nodded... This is too awkward. He can keep the conversation going smoothly and here I am, acting like an awkward teenager at this age.
"So... aren't you going to sleep yet?" he asked and puffed on his cigarette for the last time before he put it on the ashtray.
"I can't sleep," sagot ko na lang.
"Why? Do you want to talk about it?" he asked and tapped the space beside him.
I just gulped and gripped the shirt I'm wearing tighter. He's so calm and cool with this. How is it possible that he doesn't feel awkwardness at all? Or maybe he doesn't feel anything on my presence? I don't know... and I don't know why I'm overthinking over this small matter.
"Damn, girl. You're stiff and awkward." Eron chuckled and scratched his eyebrow.
He noticed it too. My goodness.
"I'm sorry," sinabi ko na lang saka napahawak sa braso ko.
"Hmm... maybe I still look harmful and dangerous to you." He stood up and went to my direction.
Napalunok na lang ako habang nakatitig sa kan'ya. Bakit ba hindi ako mapakali sa presensya n'ya?
"Let's go to the kitchen," sabi n'ya saka nilagpasan ako at nauna ng maglakad papuntang kusina.
Nagtataka man ako, sumunod na lang ako sa kan'ya. I don't know what he's up to but I guess he won't harm me... I hope so.
"Dangerous-looking guys becomes less dangerous if they know how to cook, right?" he asked and faced me when we're finally in the kitchen.
I blinked twice. "I-It doesn't make sense, Eron."
Eron chuckled and tilted his head. "Is that so? Well... basta 'yon na 'yon... I'll cook for you Ms. Cristina Miranda. Choose anything you like to eat in the ref. I'll cook it for you," he said and wriggled his eyebrows.
Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi n'ya. Halatang natigilan si Eron saka napangiti habang nakatingin sa akin.
"Hey, you should smile more often."
"Bolero ka," sabi ko na lang saka napakagat sa loob ng pisngi ko upang pigilan ang sarili ko na muling mapangiti.
"Kung hindi babaero... bolero naman. Sige, okay lang. Sino ba naman ako, diba?" nagda-dramang sabi n'ya saka napahawak pa sa dibdib n'ya.
Sinubukan kong pigilan na tumawa pero hindi ako nagtagumpay. Napangisi na lang si Eron habang nakatingin sa akin.
"So... Ms. Miranda, what do you want me to cook for you?" Lumapit siya sa ref saka binuksan 'yon at ipinakita ang laman no'n sa akin.
Muli akong tumawa. "Wala namang laman ang ref mo maliban sa water at eggs."
"Hey, don't talk to my ref like that... May hotdog din kaya," pagyayabang n'ya saka kinuha mula sa chiller ang pack ng hotdog.
He took one hotdog from it and showed the hotdog to me.
"Wow, your hotdog is huge, Eron," I said while looking at his hotdog.
Eron coughed and touched his throat. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kan'ya dahil mukhang nasamid siya.
"Are you alright?" I asked, a little worried.
Eron tilted his head and bit his lower lip. "Damn, I can't believe an innocent woman like you made a joke about being my f**k buddy," he muttered.
"H-Huh?" I didn't get him.
"Nothing. So, what do you want me to cook?" tanong na lang n'ya.
I smiled and shook my head. "You don't have to cook for me. Kung may gatas ka sana, okay na 'yon. Kahit anong gatas mo, okay lang," sabi ko na lang.
"G-Gatas? What do you mean?" he asked. His forehead creased.
"Gatas, like powdered milk... gano'n," sabi ko na lang.
"Damn, why am I being so dirty-minded?" he murmured and shook his head.
"Hmm?" tanong ko na lang.
Eron scratched his nape. "I'm sorry, Cristina. I don't have milk here, hindi ako nainom no'n..." sabi na lang n'ya.
"Oh, is that so?" Napatingin ako sa mesa. Napangiti ako nang makitang may mga prutas do'n na nakalagay sa lagayan. "We can eat these instead," I said and pointed the fruits.
Eron chuckled and nodded. "Okay, I can't say no to my guest." Kinuha n'ya ang lagayan ng prutas.
Umalis na kami ng kusina at bumalik sa living room. Umupo na si Eron sa couch saka inilapag ang prutas sa mini table. Tumingin siya sa 'kin saka marahang tinapik ang pwesto sa tabi n'ya. Umupo na lang ako ro'n dahil ayoko ng magmukhang awkward sa kan'ya.
I can smell his manly cologne. I don't know if it's cologne or his natural scent but he really smells good. Lalo pa mukhang kakagaling n'ya lang sa pagligo. I can still smell his shower gel... I just cleared my throat and tried to act normal even though his presence, everything about him, affects me so much.
"Magkwentuhan muna tayo hanggang sa antukin ka." Eron took a piece of grape and ate it.
I just cleared my throat and nodded... Kinakabahan ako dahil wala naman akong maiku-kwento sa kan'ya dahil puro aral at trabaho lang naman ang ginagawa ko noon sa buhay ko.
"Eron, bakit kaunti lang ang mga gamit dito?" tanong ko saka nilibot ng tingin ang kabuuan ng bahay n'ya.
"It's because I rarely come here... Actually, I'm a soldier in the Philippine Army... kaya minsan lang din akong nakakauwi," paliwanag n'ya.
Napasinghap ako sa sinabi n'ya. "Wow... sundalo ka?" tila hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
"Oo, hindi ba halata sa muscles ko?" nakangising tanong n'ya saka marahang tinapik ang biceps n'ya.
"Kung gano'n palagi kang nasa giyera? Buti na lang at walang nangyayaring masama sa 'yo." Inayos ko ang salamin ko.
"Well, hindi naman sa pagyayabang, pero kayang kaya ko ang sarili ko," sabi na lang n'ya. "How about you? Ano'ng trabaho mo?" tanong n'ya.
"Well, I'm currently unemployed right now. Kakaresign ko lang sa trabaho kasi gusto kong magpahinga muna... Masyado kong ginugol ang mga taon ko sa pag-aaral at pagtatrabaho kaya gusto ko namang mag-relax since nagawa ko na naman ang lahat ng kailangan kong gawin," sabi ko na lang. Natigilan pa ako nang mapansin kong masyado yatang mahaba ang sinabi ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka napaiwas ng tingin sa kan'ya.
Eron laughed and took a tangerine. Kumuha siya ng isa saka kinain 'yon habang marahang natatawa sa akin. "Go on... Mas maganda nga ang gan'yang dumadaldal ka," sabi na lang n'ya. Hinati n'ya ang tangerine saka inabutan ako ng kalahati no'n.
I just bit the insides of my cheeks and took the tangerine from him. Eron smiled and took another bite and relaxed his back on the backrest. Ipinatong n'ya pa ang braso sa ibabaw no'n. Napapitlag na lang ako nang dumikit ang bisig n'ya sa batok ko... para tuloy siyang nakaakbay sa akin.
"Ano ng plano mo ngayong nagawa mo na ang mga kailangan mong gawin?" tanong ni Eron habang nakatingin sa akin.
"I-I don't know yet," I mumbled and gave him an awkward smile. "How about you? Nagbabakasyon ka lang ba galing sa trabaho?" tanong ko.
He nodded. "You can say that." He took a bite on the tangerine again.
Napatango na lang din ako at kinain ang tangerine... Wala na 'kong masabi. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin o itanong sa kan'ya. Baka isipin n'ya pa na masyado akong feeling close.
"Madalas ka bang pumupunta sa CAD Bar?" biglang tanong n'ya.
I shook my head. "It was actually my first time there. Ahm, to be honest, first time ko 'yon na nakapunta sa bar," tila nahihiyang sabi ko saka napakamot sa batok ko.
Eron chuckled and tapped the side of my eyeglasses with the tip of his index finger. "I'm not surprised... Sabi mo nga, you spent your life studying and working," sabi na lang n'ya.
I smiled shyly and nodded.
"You can go there more often, well, only if you want to. Palagi rin naman akong nando'n. Pwede tayong magkita ro'n or something."
Natigilan ako at napatingin sa kan'ya. "P-Parang natatakot na 'ko magpunta sa mga bar."
"Don't worry, alam na ng may ari ng bar ang nangyari. He always make sure that his bar will be a safe place for his customers so he already made necessary actions about it... I mean, if you just want to hang out with me or what, you can go there anytime. Palagi naman akong nandoon," sabi pa n'ya.
Napangiti na lang ako saka napakamot sa batok ko. "We will hang out... but why? We're not friends or anything," I mumbled in a weak voice.
"Hindi pa ba tayo magkaibigan? Nakakalungkot naman," tila nagdadramang sabi nito.
Napatitig na lang ako sa kan'ya saka napakagat sa loob ng pisngi ko. "O-Okay lang naman sa 'kin, as long as you're harmless... So, are we friends now?"
Eron smirked at me and nodded. "Of course. Welcome to my life, my friend."
I just hope... this won't get me in trouble.
KINABUKASAN, AGAD na rin akong naligo at sinuot ang damit ko. Hindi pa rin ako comforable dahil medyo maikli 'yon pero pwede na rin naman.
"Ihahatid na kita."
Natigilan ako at napatingin kay Eron nang makarating ako sa living room. I looked at him from head to toe... He's really charismatic and attractive. Simpleng t-shirt at pants lang ang suot n'ya pero ang lakas pa rin ng dating n'ya. Kahit sino yata ay mapapalingon sa kan'ya.
"I don't want to bother you any longer, Eron," sabi ko na lang saka inayos ang salamin ko.
Eron laughed and put his hand in his pocket. "I thought we're friends, Cristina."
Hindi na lang ako nakapagsalita sa sinabi n'ya. Ngumiti na lang n'ya saka sinenyasan na akong sumunod sa kan'ya. Napabuga na lang ako ng hangin at sumunod sa kan'ya palabas ng bahay n'ya... Nang makalabas kami, doon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang bahay n'ya. Hindi ko nga alam kung tama pa bang tawaging bahay 'yon, para na 'yong mansyon.
Napaawang pa ang labi ko nang makarating kami sa garage dahil ang daming kotse ro'n... Mukhang mas mayaman siya kaysa sa iniisip ko.
Pinagbuksan n'ya ako ng pinto ng kotse n'ya. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat saka sumakay sa loob. Pakiramdam ko naaamoy ko na rin si Eron sa paligid ng kotse n'ya. Mukhang pati rito kumapit ang amoy ng pabango n'ya. Napabuga na lang ako ng hangin at napailing... Tumingin ako kay Eron nang makasakay na siya sa kotse.
"Ikaw lang ba ang nakatira dito?" tanong ko nang paandarin na n'ya ang kotse n'ya.
Tumango siya. "Hmm, ako lang mag-isa."
Hindi ko maiwasang mamangha nang kusang bumukas ang gate ng bahay n'ya, kusa ring sumara 'yon nang makalabas na ang kotseng sinasakyan namin. Tahimik na tumingin na lang ako sa bintana at hinabol ng tingin ang mga nadadaanan namin. Mukhang nasa exclusive villa kami dahil puro magaganda at naglalakihang mga bahay lang ang nakikita ko.
Ilang saglit lang, nakarating na kami sa apartment na tinutuluyan ko. Agad na bumaba si Eron at pinagbuksan ako saka hinawakan ang kamay ko para alalayan ako pababa. Naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko pero pilit akong umaktong normal. Ngumiti na lang ako saka nagpasalamat sa kan'ya.
"Thank you for the help and everything, Eron. Sorry din sa inconvenience," sabi ko na lang bago ako pumasok sa apartment.
Ngumiti si Eron saka tumango. "No worries. So, I'll go ahead now. Bye, Cristina... I hope to meet you again," sabi nito saka kumaway bago pumasok sa kotse n'ya at pinaharurot 'yon.
Hinabol ko na lang ng tingin ang papalayo n'yang sasakyan. I don't know why I'm suddenly disappointed... Sana nga ay magkita pa kami ulit.
* * *
"Bakit bigla kang nagyayaya sa bar, Cristina?" nakataas-kilay na tanong ni Irish.
I just bit my lower lip and fixed my eyeglasses. Halos tatlong araw din akong nagkulong dito sa apartment. Ngayon ko lang niyaya si Irish na magpunta sa CAD Bar. Sa totoo lang three days ago ko pa gusto magpunta ro'n pero pinalipas ko muna ng tatlong araw dahil ayokong isipin ni Eron na masyado akong excited na makita siya.
"Wala... for a change," I mumbled and combed my hair with my fingers.
"Ay sus, gusto mo na ng jowa?" tanong pa n'ya.
Hindi ako nakasagot. Natatawang umiling na lang ako saka tiningnan ang sarili ko sa salamin. Simpleng off-shoulder top at jeans na lang ang sinuot ko. Bahala na kung masyado akong magmukhang out of place sa bar na 'yon. Hindi talaga ako komportable magsuot ng dress.
"Gusto mo bang tulungan kita maghanap ng potential jowa? Expert ako riyan, sis," sabi ni Irish saka umakbay sa akin pagpasok namin sa bar.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Eron. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil sa pagkadismaya nang hindi ko siya makita... Mukhang wrong timing ang pagpunta ko rito.
"Huy, akala ko ba nandito ka para maghanap ng jowa? Hindi ka makakahanap ng fafa kung nagmumukmok ka lang diyan," pananaway sa akin ni Irish.
"Go ahead, o-order na lang ako ng drinks," sabi ko na lang saka tipid na ngumiti sa kan'ya.
"Okay, girl. Hahanapan na rin kita ng potential jowa habang lumalandi na rin ako at the same time."
Natatawang napailing na lang ako sa sinabi n'ya at hinabol siya ng tingin hanggang sa magpunta siya sa dance floor. Napabuga na lang ako ng hangin at nanatili rito sa counter kahit wala naman talaga akong o-order-in na drinks.
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaupo rito. Gusto ko na sanang umuwi kaso baka sabunutan na ako nang tuluyan ni Irish.
"Hey... You're here."
Natigilan ako at halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Napalunok na lang ako at pilit na pinakalma ang naghuhuramentado kong puso... Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, agad ko namang nalanghap ang pamilyar na amoy ng pabango n'ya.
I looked at him and did my best to smile naturally. "H-Hello, Eron." Inayos ko ang salamin ko saka napatikhim.
"Hi, Cristina... Why aren't you drinking anything?" tanong n'ya.
Umiling na lang ako. "Wala ako sa mood."
"Oh, you're bored, aren't you?" nakangising tanong n'ya.
"Kinda," tipid na sagot ko.
"Doon ang table ko... Gusto mo bang doon na tayo umupo?" tanong n'ya saka itinuro ang table mula sa di kalayuan, wala namang tao ro'n.
Sumunod na lang ako kay Eron at nagtungo ro'n dahil medyo magulo rin naman sa counter. Nagtungo na kami ro'n saka umupo sa couch. Inangat ni Eron ang braso n'ya saka ipinatong 'yon sa taas ng backrest. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil para na naman siyang nakaakbay sa akin, mukhang hilig n'ya talagang gawin 'yon.
Pasimple kong kinuha ang phone ko para i-text si Irish at sabihan na may kasama na ako. Baka mag-alala 'yon dahil bigla akong nawala sa counter.
"Akala ko hindi ka na ulit pupunta rito," sabi ni Eron saka ininom ang alak sa baso.
"Ahm... niyakag ako ng kaibigan ko, sumama na lang ako." I'm sorry, Irish.
Eron nodded and scratched his eyebrow. "Good thing you're here. Ilang araw na kitang inaabangan dito. Akala ko hindi ka na pupunta."
"Y-You're waiting for me?" I asked and looked at him.
Wrong move yata iyon dahil halos maduling ako dahil magkalapit na lang ang mukha naming dalawa. I cleared my throat when I accidentally inhaled his minty breath. It smells like mint with a mix of cigarette and liquor... I just avoided his gaze and bit my lower lip. My pulse raced for some unknown reason.
"You don't act like a friend at all," I mumbled in a soft voice. I don't know if he heard that.
"Really? What do you think I'm doing then?" tanong n'ya saka mas lumapit sa akin.
Naglakas-loob akong tumingin sa kan'ya muli saka nakipaglabanan ng titig sa kan'ya... "You're low-key flirting with me."
Eron chuckled. "Am I?" He touched his nape.
I bit the insides of my cheeks while staring at his sexy hazel eyes. I can't take my eyes off them... Parang may humihila sa akin na mas tumitig pa sa mga mata n'ya. Mas bumibilis din ang t***k ng puso ko at bumibigat ang paghinga ko... nararamdaman kong gano'n din siya.
"W-What are you implying?" tanong ko na lang sa kan'ya.
"Don't you feel the s****l tension between us, Cristina? It's too strong... it's pulling us together," he muttered and gently touched my jaw with his index finger. Halos nagtayuan ang mga balahibo ko sa ginawa n'ya at may kakaiba akong naramdaman, tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
"Friends don't feel something like that towards each other..." I mumbled.
Eron laughed sexily and bit his lower lip. "Of course, they do, Cristina... I will ask you for the last time and I want you to answer it seriously this time..." Inilapit n'ya ang ilong sa pisngi ko. Ang bisig n'ya na nasa backrest ay unti unting bumababa sa balikat ko. Marahan n'ya akong hinila palapit sa kan'ya saka bumulong sa tainga ko. "Since we're friends now, we can't be just some f**k buddies don't you think?" Naramdaman kong dumikit ang labi n'ya sa tainga ko. "How about friends with benefits?"
I gulped and stared at him. Eron distanced his lips on my ear and stared at me too... This time it feels different... Siya ang unang nag-initiate, it's less embarrassing this way.
I bit my lower lip before I responded... "S-Sure... why not?" I said, imitating what he said last time, acting like I'm cool with even though my knees are literally shaking right now.
Eron grinned at me and held my cheek. "You better not take it back, Cristina... I'm serious as f**k this time."
I just let out a gasp when he suddenly cupped both of my cheeks and aggressively crushed his hot lips on mine.