Chapter One
Cristina Miranda
"Ms. Miranda, paki-encode nga nito."
I fixed my eyeglasses and nodded. I stood up and took the files needed to be encoded from our manager... Sa totoo lang hindi naman ito parte ng trabaho ko, pero ginagawa ko na lang din, matagal ko na namang ginagawa 'to at isa pa, malapit na rin akong mag-resign.
Bumalik na ako sa table ko saka nagsimulang mag-encode. Hindi ko mapigilang mapailing habang pasimpleng napapatingin sa ilang mga kasamahan ko na panay ang kwentuhan... I'm used to it, but sometimes I find it unfair. Hindi na lang ako nagsasalita sa mga nakalipas na taon dahil ang mahalaga lang naman sa 'kin ay magtrabaho para kumita ng pera.
"Ms. Miranda, wala ka na bang ginagawa? Will you please buy coffee for us?" Ms. Tiago asked and smiled at me.
"A-Actually, I'm still encoding some—"
"Here's the money and the list of coffee you have to buy... You can buy a coffee for yourself too... Thank you!"
I was stunned when she finally turned her back on me and went back to her table. I just sighed and bit my lower lip... I took the money and the piece of paper with it. Inayos ko na lang ang mga gamit ko sa table bago tumayo at nagtungo sa elevator. Napabuga na lang ako ng hangin at napaismid saka inayos ang salamin ko sa mata.
I've been working at this company's marketing management for almost ten years, but it feels like I was just an errand girl here. Pakiramdam ko nasayang ang pinag-aralan ko pero hindi naman ako makaalis dito dahil sayang din ang kita. Tiniis ko na lang din dahil hindi naman madali para sa akin ang maghanap ng trabaho dahil palagi akong bumabagsak sa interview.
"Two americano, two frappuccino, one espresso, three cappuccino..." I mumbled while reading the piece of paper. I fought the urge to roll my eyes... Iniisip ko pa lang na bibitbit na naman ako nang ganito karami, sumasakit na ang ulo ko.
Nagtungo na ako sa malapit na coffee shop sa kompanya namin saka um-order na ng mga kape. Umupo na lang ako sa isang upuan habang hinihintay ang mga in-order ko. I took my phone from my pocket when it suddenly vibrated. A smile immediately formed on my face when I saw my brother's name on the screen. Agad kong sinagot ang tawag. Kahapon ko pa hinihintay ang tawag n'ya.
"Hello, ate..."
Naramdaman ko na tila matamlay ang boses n'ya. Napangiti na lang ako kahit na hindi n'ya 'ko nakikita. "Caspian Miranda... diba sinabi ko na sa 'yo na ayos lang kay Ate kahit hindi ka makapasa sa bar exam. Hindi na lang muna ako tutuloy sa pagre-resign," sabi ko na lang para pagaanin ang loob n'ya.
"Ate, ang totoo n'yan..." natigilan siya, "Nakapasa ako! Nakapasa ako, ate! Top 3! Ito pa, may mga law firm ng nag-aalok sa akin, 'yung iba bigatin pa!"
My eyes grew wider and my mouth agape. I stood up and shouted loudly out of excitement, not minding the other customers inside the coffee shop. My mind was clouded for a second... Hindi ko na maalala kung kailan ako sumaya ulit nang ganito.
"Oh my God, Caspian! Ate is so proud of you! Attorney!" nakangiting sinabi ko pa. I fought the urge to jump out of excitement... Magmumukha na talaga akong tanga kapag gano'n.
"Ito pa, ate... Kakapasa lang ni Cheryl sa board exam pero natanggap agad siya sa ospital na pinag-apply-an n'ya sa Canada, magiging nurse na siya ro'n! Tapos na ring gawin ang bahay natin dito sa Batangas. Saka napag-usapan namin ni Cheryl na kami na ang bahala sa kotseng hinuhulugan mo rito. Kami na ang tatapos sa paghuhulog do'n kaya hindi ka na dapat mag-alala."
Napatakip ako sa bibig ko habang pinipigilan ang sarili ko na maluha. Pakiramdam ko nagbunga na ang lahat ng ilang taon kong pinaghirapan... All those years that I worked my ass off, all those sleepless nights, all those hardships that I experienced through the years... all of it are worth it... Parang naalis ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko sa mga nakalipas na taon.
"Ate, thank you sa lahat, ah. Thank you sa mga ginawa mo para sa amin at sa mga sakripisyo mo... Kaya kami na ni Cheryl ang bahala ngayon. Magbakasyon ka muna. 'Yong mga pera na inipon mo at na sa 'yo pa ngayon, h'wag mo na ipadala. Gamitin mo na lang 'yan para makapag-relax ka naman... Kami naman ang magpo-provide ni Cheryl ng mga kailangan dito sa bahay. Kami na rin ang bahala sa pag-aaral ni Clyde. Future summa c*m laude 'yon ng civil engineering department nila. Next year graduate na."
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang todo pigil sa sarili ko na mapahagulgol ng iyak. Nabuhay kaming apat na walang nagsusustento sa amin. Maaga kaming iniwan ni Papa dahil sa sakit at si Mama naman ay pumanaw nang ipanganak ang bunso na si Clyde... Bilang panganay sa 'ming magkakapatid, naranasan ko ang lahat ng klase ng hirap bago ko napagtagumpayan ang lahat ng 'to. Naranasan namin na walang makain, na mabaon sa utang, na matulog sa kalsada... Kaya ginawa ko ang lahat para mapag-aral silang tatlo.
Hindi lang naman ako ang naghirap, kahit sina Caspian din. Graduate siya ng accountancy pero nag-take din siya ng law pagkatapos. Hiling n'ya na iyon sa akin kaya kahit kayod-kalabaw na ako sa pagtatrabaho, ginawa ko para lang mapag-aral siya sa law school. Nagtatrabaho rin naman siya habang nag-aaral kaya alam kong naging mahirap din sa kan'ya ang pinagdaanan n'ya.
"S-Salamat din sa inyo, Caspian. Salamat dahil ginawa n'yo ang lahat para hindi masayang ang lahat ng hirap ko... A-Ang swerte ko dahil kayo ang mga kapatid ko," saad ko habang pilit na nagpipigil ng luha.
"Wala naman 'yon kumpara sa lahat ng ginawa mo para sa 'min, ate... Kaya ang gusto namin nina Cheryl at Clyde na magpahinga ka na ngayon sa mga responsibilidad dahil wala ka ng dapat alalahanin... Bumili ka ng mga damit, magbakasyon ka, bilhin mo ang lahat ng gusto mo... sarili mo naman ang intindihin mo ngayon, ate... Saka palagi kaming magpapadala sa bank account mo. Kami naman ang magpo-provide para sa 'yo ngayon."
I couldn't explain what I'm feeling right now... This is beyond happiness. I've never felt this kind of fulfillment before, I know I deserve this. I worked so hard for this, but this won't happen without my siblings. Talagang ipinaramdam nila sa akin na worth it ang lahat ng naging sakripisyo ko.
"And I think this is also the time for you to have a boyfriend if you want to, Ate. Kakaintindi mo sa amin, hindi mo na nagawang magkaroon ng love life," natatawang sabi ni Caspian.
"Wala na akong panahon doon, saka wala na 'ko sa kalendaryo. 'Yung mga ka-edaran ko puro may mga pamilya na. Saka okay na sa akin kahit wala no'n, masaya na 'ko na makitang successful kayo," sabi ko na lang saka napangiti.
To be honest, there's a phase in my life that I wanted to have a boyfriend. But I just brushed it off because romantic relationship isn't something that I need, it wasn't a necessity... but it doesn't mean I don't to experience that. I'm now 32 years old, wala na sa kalendaryo... Sinasabi naman ng iba na bata pa iyon at may makikilala pa 'ko, pero sa totoo lang wala rin talagang nagkaka-interes sa akin. Dahil siguro hindi ako kagandahan at hindi rin pala-ayos... pero hindi ko na iniisip pa 'yon. Gagawin ko na ang gusto kong gawin ngayon.
I want to travel and take a long break. Hindi naman talaga iyon ang goal ko pagkatapos kong mapag-aral ang mga kapatid ko, pero sa tingin ko deserve ko naman ang magpahinga at magbakasyon. Iyon din naman ang gusto ng mga kapatid ko na gawin ko.
"Here's your coffee!" masiglang sabi ko saka inilapag sa table nila ang mga kapeng binili ko.
Natigilan sila at napatingin sa akin. I just tilted my head and bit my lower lip. Maybe that was a little too cheerful. Malamang nanibago sila dahil palagi naman akong tahimik at walang kibo.
"Did something good happen to you, Ms. Miranda?" my co-worker asked.
I nodded and smiled, I can't stop myself from smiling. "Yes po. My brother passed the bar exam and my sister is finally a nurse in Canada." I bit my lower lip to suppress myself from smiling widely.
"Congrats," bati nito saka ininom na ang kape n'ya.
I just went to my table and continue encoding the files. I know they don't care about my achievements in my life, hindi ko rin naman sila close lahat sa ilang taon kong pagtatrabaho rito pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging proud sa mga nagawa ko.
"You're resigning?" our manager asked.
I smiled and nodded. "Yes, Sir."
"Are you sure? Mahihirapan ka ng maghanap ng trabaho sa iba. Alam mo namang itong kompanya na 'to lang ang tumanggap sa 'yo kahit hindi ganoon kaganda ang educational background mo."
Kung nasa normal na sitwasyon ako, malamang na-offend na ako sa sinabi n'ya... But I'm really in a good mood right now. My mind couldn't process insults at this moment. Nakangiti pa nga ako ngayon kahit pa pasimple akong iniinsulto ng manager namin ngayon.
"I'm sure, Sir... Magbabakasyon naman po ako at magpapahinga," sinabi ko na lang saka ngumiti sa kan'ya.
Wala ng nagawa ang manager kundi tanggapin ang resignation letter ko. Naging mabilis naman ang process no'n dahil wala naman akong naiwan na workloads sa kompanya. Hindi ko rin kasi ugali ang mag-procrastinate.
Pagkatapos kong mag-resign, inayos ko na ang mga gamit ko sa table ko. Nagpaalam na rin ako sa mga ka-trabaho ko kahit hindi ko sila gaano kasundo. Hindi ko naman sila masisisi dahil naging distant talaga ako sa kanila. Masyado akong nag-focus sa trabaho at pagkita ng pera ng mga nakaraang taon kaya wala akong kaibigan sa kanila.
"Saan ka naman magbabakasyon, teh?" tanong ni Irish. Siya lang yata ang nag-iisa na naging kaibigan ko. Naging kaibigan ko siya simula nang tumungtong ako rito sa Maynila. Mabait naman kasi siya at malaki rin ang naitulong n'ya sa 'kin lalo na nu'ng mga panahong baguhan ako rito.
"Hmm, kahit saan. Gusto ko nga magbakasyon sa ibang bansa, e. Kaso titingnan ko muna kung kakayanin ko... I know there's a lot of documents or papers needed to be taken care of first. So, titingnan ko muna... Saka aasikasuhin ko muna ang pagpapalagay ko ng contact lenses," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.
Mukhang madami rin pala akong dapat asikasuhin bago makapagbakasyon. Plano ko na rin kasing bumili nang maaayos na mga damit... Ito naman talaga ang mga gusto kong gawin sa oras na wala na 'kong dapat intindihin sa mga kapatid ko.
Pagkatapos naming mamili ni Irish, nagpatingin na ako ng mga mata para sa contact lenses. Mahirap din kasi ang palaging nakasalamin. Tinitiis ko lang talaga na hindi bumili ng contacts dahil nagtitipid ako.
"OMG, ang ganda mo lalo kapag wala kang salamin!" Irish excitedly exclaimed and clasped her palms together.
"You're overwhelming me." I avoided her gaze and scratched my nape.
I'm already wearing contacts. For how many years, this is the first time I saw myself clearly without wearing eyeglasses so it feels kinda awkward, but I think Irish was right... I look a little bit prettier without eyeglasses.
"Ngayon naman, bibili tayo ng magagandang damit mo... I will help you with that, my friend. Trust your fashionista friend," Irish said and tapped her own shoulder.
Irish has a good fashion sense. Hanggang ngayon nga ay napapaisip ako kung paano kami naging magkaibigan dahil magkaibang magkaiba talaga kaming dalawa.
"OMG, ang ganda mo naman pala kapag naaayusan, Cristina!" excited na sabi ni Irish.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. I'm wearing a satin halter mini dress paired with high heels. I have a light makeup on my face too. I feel a little uncomfortable, hindi pa naman kasi ako nakapagsuot nang ganito kagandang damit.
Sa tingin ko nga ay damit lang ang maganda sa akin... Medyo buhaghag ang buhok ko, maganda lang siya tingnan ngayon dahil naplantsa iyon. I have bushy eyebrows but Irish trimmed it a little so it looks kinda neat now. Tama lang ang ilong ko, hindi katangusan. My lips are perfectly proportioned. My face is somewhat rounded and my cheeks are kinda chubby. Malaman naman kasi talaga ako lalo na ang mga hita at dibdib ko, kaya rin palaging malalaking damit ang isinusuot ko.
"B-Bagay ba talaga sa akin?" tanong ko kay Irish. Sinubukan kong ayusin ang salamin ko sa mata pero natigilan ako dahil naka-contacts na nga pala ako.
"Oo nga, ang kulit. Hindi mo pa rin ba nakikita ang sarili mo sa salamin? Magkaka-jowa ka na talaga n'yan! Nako, pumunta tayo sa bar. May alam ako na pwede nating puntahan, matinong bar 'yon... 'Yung CAD Bar."
Napangiwi ako sa sinabi n'ya. I've never been in a bar, club, or something like that before.
"Hindi naman ako naghahanap ng jowa," sabi ko na lang saka napakamot sa braso ko.
"Sus, sinasabi mo lang 'yan pero alam kong gusto mong maranasan magkajowa kaya let's go. I got you, girl."
Wala na akong nagawa at nagpatianod na lang kay Irish. Alam kong matagal na n'ya akong gustong mag-ayos at intindihin ang sarili ko kaya mas excited pa siya sa akin sa mga oras na 'to.
"Ang ingay naman dito, Irish," reklamo ko habang nakahawak sa kamay ni Irish.
"Of course. Magtaka kung tahimik sa bar," pamimilosopo n'ya.
Hindi na lang ako nagsalita at napaismid. I'm not comfortable here. Siguradong mamaya lang ay magyayaya na 'kong umuwi.
"Look girl, may mga tumitingin sa 'yo, oh," bulong ni Irish sa akin.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko... Pakiramdam ko kay Irish naman nakatingin ang mga 'yon at hindi sa akin... Bakit naman nila ako titingnan?
Sinubukan kong mag-enjoy gaya ng sabi ni Irish pero hindi talaga ako komportable. Napabuga na lang ako ng hangin at napatingin kay Irish na nainom ng alak habang nililibot ang tingin. Naghahanap yata siya ng bagong jojowain dahil hiwalay na sila ng boyfriend n'ya.
"Irish... uuwi na 'ko ha. Gusto ko na ring magpahinga. Bukas ko na lang kukunin sa 'yo ang mga pinamili ko." Iniwan ko kasi sa kotse n'ya ang mga pinamili ko.
"Okay, if that's what you want. Mukhang hindi ka talaga ccomfortable. Text mo na lang ako kapag nakauwi ka na."
I just nodded and smiled. "Okay, bye!"
I didn't waste time. I immediately went out of that noisy bar. That bar actually looks a little decent, medyo iba siya sa bar na tipikal na pumapasok sa isip ko.
Lumabas na lang ako ng bar at agad naghintay ng masasakyan. Mukhang mahirap maghintay ng masasakyan do'n kaya naglakad-lakad pa ako hanggang sa makahanap ng jeep o tricycle na pwedeng sakyan. Medyo nahihirapan pa ako sa suot kong heels.
Natigilan na lang ako nang may mapansin na makakasalubong ako na dalawang lalaki... they seem suspicious. Nagbubulungan pa sila habang papalapit sa direksyon ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at pasimpleng tumingin sa paligid, wala ng gaanong tao sa nilalakaran ko. I just turned my back on them and started walking faster. Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko nang mapansing bumilis din ang lakad nila.
Napakapit ako nang mahigpit sa suot kong damit... Huminga ako nang malalim habang pilit na naglalakad nang mabilis. Agad na naghuramentado ang puso ko nang mapansing tumatakbo na ang dalawang lalaki. Agad naman akong tumakbo pero walang silbi 'yon dahil sa suot kong heels. Tila nabuhayan ako nang pag-asa nang makitang malapit na ako sa CAD Bar.
"T-Tulong--hmmp!" Napasinghap na lang ako nang mahablot ng isa ang braso ko saka tinakpan ang bibig ko... Amoy alak silang pareho.
"Sakto, ayos ang isang 'to... Sexy," tila nakangising sabi ng lalaking nakahawak sa braso ko.
I gasped when I felt him squeezed my butt. I tried to escape from his grip but the other guy held my other arm too. His hand went on my waist and caressed it... Agad na nanlabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha sa mga mata ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at pakiramdam ko bibigay na ang nanlalambot kong mga tuhod ano mang oras.
"Miss, h'wag kang matakot. Hindi ka naman namin sasaktan."
"Grabe, 'tol. Ang swerte naman natin dito, ang laki ng boobs," sabi naman ng isa.
Akmang hahawakan pa nito ang dibdib ko ngunit agad kong inuntog ang ulo ko sa noo n'ya. Napahiyaw ito sa sakit. Sa galit nito, agad ako nitong sinampal nang malakas sa pisngi. Napaigik na lang ako sa lakas ng sampal na 'yon, pakiramdam ko nasugatan ang gilid ng labi ko.
Halatang na-distract sila nang makarinig ng mga yabag. Napatingin ako ro'n. May lalaking naglalakad papalapit sa amin, may sigarilyo ito, at talagang matangkad at mas malaki ang katawan kaysa sa dalawang lalaking may hawak sa akin ngayon. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at puting t-shirt sa loob, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil madilim... Kahit nanginginig ang mga tuhod ko, hindi ko inaksaya ang pagkakataon at agad na kumawala sa pagkakahawak ng dalawa nang lumuwag iyon. Agad akong tumakbo papalapit sa direksyon ng lalaki saka nanginginig ang mga kamay na napakapit sa braso n'ya.
"K-Kuya... t-tulungan n'yo po ako." I can't even talk properly because my voice is literally shaking.
"Pare, h'wag kang makialam. Away mag-syota lang 'to," sabi ng isang lalaki na nagpanginig sa akin.
The mysterious man puffed on his cigarette before he dropped it on the floor and stepped on it. I gulped when I realized he reeks of alcohol too, but oddly, his perfume or maybe his natural manly scent is more dominant... Lalayo na sana ako sa kan'ya at tatakbo ngunit agad nitong nahawakan ang braso ko.
Natigilan ako nang ipinasok ng lalaki ang kamay n'ya sa loob ng leather jacket n'ya, gano'n na lang ang gulat ko nang baril ang inilabas n'ya mula ro'n... Ngunit ang mas nagpagulat sa akin ay ang basta na lang n'ya pagbaril sa isang lalaki na nagsalita kanina. Napaawang ang labi ko nang bumagsak ang lalaki sa sahig nang matamaan ito sa tiyan, kumalat ang dugo nito sa sahig... Mahina lang ang tunog ng baril, tila may silencer iyon... Natulala na lang ako, halos hindi nagproseso sa isip ko ang nasaksihan.
Halatang nagulat din ang isang lalaki sa nangyari at nanlalaki ang mga matang napatingin sa lalaking bumaril sa kasama n'ya. Agad itong tumalikod at tumakbo pero agad naman siyang nabaril sa likod ng lalaking katabi ko ngayon... Agad na nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa dalawang lalaki na nakahiga na sa sahig ngayon. Kumakalat na ang dugo nila sa kalsada.
"D-Did you just... kill them?" I asked and looked at the man who killed those two without any trace of remorse.
"Aww, you're shaking, you seem scared... Are you scared?" biglang tanong nito saka tumingin sa akin.
I know this is not the right time to compliment his deep and husky voice but I don't know why I still managed to appreciate it in amidst of my situation... I must be insane.
"O-Of course! T-Talagang matatakot ako, patay na sila... Pinatay mo sila..." tila hindi pa rin makapaniwalang sabi ko.
Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to... kung dapat ba akong tumakbo o tumakas... pero paano kung barilin n'ya rin ako?
"H'wag kang matakot na patay na sila... matakot ka kung bigla silang mabuhay at bumangon diyan," he said and chuckled as if what he did wasn't a big deal to him.
"Y-You're insane... Y-You're... insane," nauutal na saad ko.
"Yes, I'm insane..." inilapit n'ya ang mukha sa akin, "...insanely handsome."
Doon ko lang naaninag ang mukha n'ya nang tuluyan... ngunit agad ding nanlabo ang paningin ko kasabay ng matinding panginginig ng mga tuhod ko... I just found myself being caught by his arms as everything around me went blank.