Chapter 3: First Day

1835 Words
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ng cellphone ko. Bahagya kong minulat ang mabibigat na mata dahil sa antok. Nagpabaling baling ako ng ulo para pakinggan kung saan nanggagaling ang tunog. Marahan kong kinapa ang kama ko at doon natagpuan ang hinahanap sa gilid ng aking unan. Kinuha ko ito at agad na tinurn off ang alarm. Tumingin ako sa screen ng cellphone ko para tignan ang oras "ala sais ng umaga" mahinang usal ko. Bumalik ako sa pagkakahiga ko at muling nagtalukbong ng manipis na kumot. Halos ala una na kasi ng umaga ako nakatulog kagabi kaya antok na antok pa ako ngayon. Late na kasi ako nakauwipp galing sa Elixir. Malaki ang kinita ng bar dahil blockbuster kami kagabi kaya nagpainom si Mama Ten sa mga tauhan niya. Maaga nga sana akong magpapaalam umuwi dahil magaaral pa ako pagdating sa bahay. Kaso hindi nila ako pinayagang makatakas. Minsan lang naman daw kaya pinagbigyan ko na rin. Nagpresinta din naman si Leo na ihahatid ako pauwi dahil mahirap daw kung magmomotor ako ng nakainom dahil baka makabangga na naman ako. Kaya ang ending tulog na ako paguwi sa bahay. "OMG! Speaking of bangga......" sigaw ko sabay balikwas ng bangon sa kama. Tumayo ako at agad na kumuha ng towel at undergarments sa cabinet. Dumeretso ako sa banyo at nagumpisa ng maligo. Ang malamig na tubig na nagmumula sa gripo ang tuluyang gumising sa natutulog kong diwa. Ito ang unang araw ng pasok ko sa trabahong inalok sakin ni Sir Lei kagabi para daw makabayad ako sa kanya. Sa totoo lang nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko o hindi yung trabahong alok niya. Una, baka mahirapan akong pagsabayin ang pag-aaral ko at pagtatrabaho sa kumpanya niya. Nagaalala akong baka mapabayaan ko ang aking pag-aaral lalo't hindi pa ako graduate ng Law School baka kung kailan last school year ko na ngayon baka doon pa ako magkaproblema. Pangalawa, pano ang trabaho ko sa Elixir? hindi ko naman yun pwedeng bitiwan basta basta baka maging dahilan pa yun ng pagtatampo nila mama ten at Leo. Isa pa buhay ko na ang pagbabanda, yun ang bumuhay sakin mula noon hanggang ngayon. Yun ang tumustos sa mga gastusin ko sa pagaaral. Sayang ang kita sa Elixir pang tuition din yun. At pangatlo, Si Sir Lei mismo. Yung itsura niya, ugali niya at presensya niya. Hindi ko maipaliwanag. Basta I feel something strange about him for the first time I laid my eyes on him. "hhhaaayyyy! bwisit na yun" angil ko sa sarili Naalala ko na naman kasi yung ginawa niya sakin kagabi. Kinikilabutan ako.Hindi ko maintindihan kung bakit masyado akong apektado sa presensya ng taong yun samantalang kagabi lang kami nagkakilala at sa hindi pa magandang sitwasyon. Tapos na akong maligo at kasalukuyan akong nagsisipilyo ngayon habang nakaharap sa salamin. "Pansamantala lang naman daw Cielo! kapag nakabayad ka na pwede ka ng umalis. Konting tiis nalang malapit ka na sa pangarap mo" positibo kong pag alo sa sarili. Isinuot ko ang isa sa pinaka magandang damit na meron ako. Hindi mo mahahalata na sa ukay-ukay ko lang ito nabili dahil maganda ito at napaka kumportable. Kailangan kong maging presentable sa unang araw ko sa trabaho lalo na at hindi ko alam kung anong ugali ng mga magiging katrabaho ko at kung paano ko sila pakikisamahan. Sabi nga sa isang quote na nabasa ko "Dress how you want to be addressed because you will never get a second chance to make a first impression" Habang nasa byahe ako. Kinuha ko mula sa aking bag ang calling card na binigay ni Sir Lei sa akin. I tried to search the internet about their company so that I could somehow get an idea of ​​the job I was going to get. Lee Empire Development Corporation is one of the largest companies not only here in the philippines but also abroad. Nakilala sila sa mga condominium na pinatayo nila pero hindi lamang yun may pagmamay ari din silang mga hotels, resorts and malls sa iba't ibang panig ng pilipinas. Marami ding mga sikat na establishments na sila ang nagdevelop kaya kilalang kilala sila. At the age of twenty three years old he became the CEO of Lee Empire at sa loob pa lamang ng dalawang tao mas napalago na niya ang kumpanya nila. Kaya naman napasama siya sa Asia's top 50 most Eligible Bachelors. Sigurado akong proud na proud sa kanya ang mga magulang niya. Pagkababa ko ng taxi mataas na building agad ang tumambad sa akin. Halos dalawangpung palapag siguro ito o higit pa. Pagpasok ko sa malaking glass door malawak na lobby ang agad na bumungad sa akin. Sapat ang laki nun para akupahin ang dami ng mga empleyadong paro't parito. Agaw atensyon din ang isang fountain na napapaligiran ng mga bulaklak sa gitna ng lobby. Nagmistulang hotel ang building na ito at hindi company sa sobrang ganda. Agad akong nagtungo sa front desk para magtanong kung saan floor ko makikita si Ms. Cathalina Fajardo siya daw kasi ang mag-aassist sakin sabi ni Sir Lei. They gave me a visitor's ID and sent me to the 16th floor where the HR department is located. Naiilang akong sumakay ng elevator dahil sa mga kasakay ko. They stared at me intently from head to toe na para bang gusto nila akong kainin ng buhay. Napatingin ako sa suot ko. I felt a little bit conscious to what I was wearing. Halata sigurong galing sa ukay-ukay ang suot ko. "Hi! Good Morning, I'm looking for Ms. Cathalina Fajardo andito na ba siya?" pagbati ko sa magandang babaeng nakaupo sa office chair habang nakaharap sa computer. Busy na busy sa kanyang ginagawa. "Good Morning, Yes I'm Cathalina what can I help you?" nakangiting tugon ntio sakin. "uhhmm pinapunta po ako ni Sir Lei dito, hindi ko lang po sure kung nainform na niya po kayo" pagiimporma ko. "Ikaw yung CL?" magpagtataka sa mukha nyang tanong sakin. "Opo, Alora Cielo De Guzman po ang tunay kong pangalan." sabay ngiti. Hindi manlang nga pala kami nakapag pakilala manlang sa isa't isa kagabi. Yung pangalan ko pa sa bar ang alam nya. "aahh CL lang lang kasi ang binanggit ni sir sakin. By the way I'm the HR manager here and you can just call me Miss Fajardo tulad ng tawag ng iba sa akin. Tama nga si Mr. Lee, you're beautiful. Kaya siguro kinuha ka nya agad bilang secretary." natatawang banggit nya. Medyo nakaramdam na ako ng hiya sa sinabi niya na maganda ako. Inabot ng isa't kalahating oras ang orientation sakin ni Ms. Fajardo tungkol sa company at sa magiging trabaho ko dito. Hindi sapat ang salitang paghanga para masabi ko kung paano nila napalago ang kanilang negosyo lalo na kay Sir Lei na sa murang edad ay nagagawa ng makipag sabayan sa mas batikan na sa larangan ng negosyo. She also mentioned that I will be Sir Lei's new personal secretary. It is said that his former secretary was transferred to another department dahil hindi daw gusto ni Sir Lei ang trabaho nito. Nagkaramdam tuloy ako ng pagaalinlangan para sa aking sarili. Baka mentras makatulong ako sa kumpanya ay maging pabigat pa ako. Pagkatapos ng orientation ko kay Ms. Fajardo ay pinaakyat na niya ako dito sa top floor. Nainform na niya kanina si Sir Lei na dumating na daw ako kaya sinabihan daw siya nito na agad akong papuntahin sa opisina pag katapos namin. Medyo napahaba ang orientation sakin ni Ms. Fajardo kaya baka naiinip na daw ito kanina pa daw kasi ako inaantay ni Sir Lei. Nasa tapat ako ngayon ng pinto ng opisina ni Sir Lei. Hindi ako mapakale sa pagkakatayo ko. "kakatok na ba ako?" "umuhi muna kaya ako?" "s**t kinakabahan talaga ako" bulong ko sa sarili habang naka akmang kakatok. Samo't saring emosyon kasi ang nararamdaman ko ngayon "s**t I need to pee" akma na akong tatalikod ng biglang bumukas ang pinto sa opisina ni Sir Lei. Bakas sa muka namin parehas ang pagkagulat dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina. Walang gustong masalita at parehas napako ang nga mata sa isa't isa. Sinubukan kong tumikhim para mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "uhmm Hi!" "O--ohhh H-hi!" napaubos pa siya bago bumati. "Good Morning please come in" He widely opened the door of his office for me to come in and asked me to go inside. Pagkapasok ko'y nilibot ko pa ang mata sa kabuoan ng opisina niya. Pagsara ng pinto parehas naming hinarap ang isa't isa. Ilang segundo pa siyang napahinto na para bang may iniisip. Then he held out his hand to introduce himself. " I'm Mr. Philip Kalei Lee CEO of Lee Empire Development Corporation nice to meet you" nakangiting pakilala nito sakin. "Nice to meet you too Mr. Lee, I'm Alora Cielo De Guzman" tugon ko sa kanya ng may ngiti saka ko inabot ang kanyang kamay. "uhm i may look stupid but, sorry miss but your face looks familiar pero yung pangalan mo parang bago sa pandinig ko. Sorry 'ah but are you one of our new clients or investors?" may pagtataka tanong niya sa akin. "Am I that beautiful for me to look like one?" natatawang sagot ko sa kanya. Marahil dahil sa mask na suot ko kahapon kaya hindi niya ako nakilala. "Y-ye-ah! Of course your beautiful...." may sasabihin pa siya pero pinutol ko na ito dahil agad akong pinamulahan sa sinabi niya. "I'm your new personal secretary... CL remember?" bakas sa mukha niya ang pagtataka sa sinabi ko. Nagulat man siya nung una kalaunan din ay unti unting umusbong ang ngiti sa kanyang labi. Natatawang napakamot nalang siya ng sintido. "So, tinanggap mo pala ang offer ko? "You leave me no choice" "so kasalanan ko pa?" nagkatitigan kaming dalawa at parehas na natawa sa mga reaksyon namin. Para kaming mga bata mag-asaran. Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko sa oras na yun. Nabawasan ang pagaalala at takot ko sa kanya dahil sa pagtawa niya. Kahapon kasi napaka seryoso niya. Ilang mga paalala pa tungkol sa aking trabaho ang sinabi niya sa akin. Pati ang mga Do and Don'ts sa pagihing secretary ko ay sinabi din ni Sir Lei. Masasabi kong tama si Ms. Fajardo sa sinabi niya mahigpit nga talaga si Sir Lei pagdating sa trabaho. We went out of his office and showed me the table that would be my table. The equipment listed here is complete. I have my own computer, printer and telephone. Malapit sa aircon ang pwesto ko at nasa likod ko naman ang malaking salaming bintana na tanaw ang buong ka maynilaan. Sa kabuoan ay kumportable naman ako sa pwesto ng ibinigay niya sakin. It's also close to his office so it's easy for me to go right away when he needs something . He told me to rest first because he hasn't asked me to do anything yet. I just nodded in response to what he said. I looked at his eyes then I genuinedly smiled at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD