Chapter 2: Elixir

2727 Words
Mula sa employee's entrance dali-dali akong naglakad papunta sa dressing room namin. Dinig na dinig dito ang malakas ng tugtugan mula sa loob ng bar. "Naku sa wakas dumating ka na akala namin di ka na darating" bungad sakin ni Miya isa din sa mga vocalist ng banda. "Nasaan sila?" tanong ko kay Miya habang binababa ang mga dala kong gamit sa locker. "Nasa loob na sila dalian mo at maguumpisa na tayo. Mauna na ako sayo" paalam nito sakin saka lumabas ng dressing room. "sige sige magbihis lang ako. Sunod nalang ako dun" sagot ko naman dito habang papunta sa banyo. Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush. Nagpalit na agad ako ng damit. Isang black ripped jeans, dark gray crop top, army green colored jacket at white shoes ang suot ko ngayon. Kitang kita ang kumikinang na navel peircing ko dahil sa crop top na suot ko. Naglagay ako ng light make up para magkakulay naman ng ang aking mukha. Pinusod ko pataas ang harapang bahagi ng buhok ko samantalang nanatiling nakalugay ang likod na bahagi. Bahagya ko ring kinulot ang mga nakalugay ko na buhok para magkaroon ng texture. And to complete our OOTD for tonight's event sempre hindi mawawala ang aking black mask. Sa ilang taon kong pagtatrabaho sa Elixir naging trademark ko na ata ang pagsusuot ko ng mask at black cap tuwing kakanta. Ako lang ata ang nagiisang vocalista na gumagawa nito. For my own safety kaya ako napilitan sa ganitong porma. Noong una nahihirapan pa akong kumanta dahil dito. Hindi ako makahinga ng maayos at hindi maganda ang tunog nito sa mic. Sa katagalan at nasanay na rin ako at nagamay na kung paano makakakanta ng maayos. Ilang minuto nalang ang inaantay at maguumpisa na kami. Pumasok ako sa loob ng bar at tumayo malapit sa stage kung saan nakapwesto na rin ang mga kabanda ko. Malakas na tugtog at mga makukulay at mapag larong mga ilaw ang nagbibigay ng sigla sa buong paligid ng bar. Kapansin pansin din ang mas madaming bilang ng tao ngayon. Halos wala na ngang maupuan ang ilan, yung iba mas pinili nalang na tumayo habang hawak ang kanilang mga inumin at masayang nakikipag kwentuhan sa mga katabi. Napuno ng mga halakhakan at kwentuhan ang buong paligid. Napasinghap ako ng biglang may yumakap mula sa aking likod. Mahigpit at malambing ang pagkakayakap niya sa akin. "hindi kita napansin na dumating. bakit ngayon ka lang?" tanong ni Leo sakin. "may nangyari kasi 'eh mamaya pagkatapos ng gig ikwento ko sayo" sagot ko dito. Tumango lamang siya bilang tugon habang nananatili paring nakayakap sakin habang dinadampian ng halik ang aking ulo. Hindi rin nagtagal at naglakad na kami paakyat ng stage. Kinuha ko ang aking guitara at umupo sa isa sa tatlong bar chair na nakapwesto sa harap ng stage. Sa bandang gitna nakaupo si Erick , sa kanan naman nakaupo si Miya. Si Leo ang nakapwesto sa keyboard na nasa bandangblikod ko at yung dalawa pang lalaki ay sa guitara at bass guitar. Maya maya pa'y tumutok na sa amin ang lahat ng ilaw. Nagumpisa na rin magsalita si Erick bilang pagWelcome sa lahat ng guest ngayong gabi. "Hi guys good evening. We would like to say thank you to each and every one of you for being here with us today. We are very pleased to be able to welcome you to ELIXIR Liquor & Music Bar." Pagtapos iWelcome ang lahat ng guest at maipakilala ang mga member ng band nagumpisa na rin kami. Ang lakas ng mga hiyawan at palakpakan ng mga guest namin ngayon. Lalo tuloy kaming ginaganahan. Ako ang unang kakanta para first song namin ngayon gabi. (Now Playing: This Love by Marron 5) Ms. Gigi De Llana's Cover I was so high I did not recognize The fire burning in her eyes The chaos that controlled my mind Whispered goodbye as she got on a plane Never to return again but always in my heart, This love has taken its toll on me She said goodbye too many times before And her heart is breakin' in front of me And I have no choice, 'cause I won't say goodbye anymore Whoa, whoa, whoa I tried my best to feed her appetite Keep her coming every night So hard to keep her satisfied, oh Kept playing love like it was just a game Pretending to feel the same Then turn around and leave again, but uh-oh This love has taken its toll on me She said goodbye too many times before And her heart is breakin' in front of me And I have no choice, 'cause I won't say goodbye anymore Whoa, whoa, whoa I'll fix these broken things, repair your broken wings And make sure everything's all right (It's all right, it's all right) My pressure on your hips, I'm sinking my fingertips into Every inch of you 'Cause I know that's what you want me to do This love has taken its toll on me She said goodbye too many times before Her heart is breakin' in front of me And I have no choice, 'cause I won't say goodbye anymore ------- Alas onse y media ng matapos ang gig namin. Halos manakit ang aking mga daliri sa pagtugtog at mamaos naman ang boses sa pagkanta. Hindi kasi namin inaasahan ang dami ng tao ngayon kaya pati ang mga song request ay madami din. Bumaba kami sa stage at umupo sa nakalaang couch para sa amin. Kumuha ako ng isang bottled water na nakalagay sa ibabaw ng lamesa at pabagsak sa umupo sa couch. Binuksan ko yung bottled water at agad itong tinungga. Halos maubos ko na ang laman nitong tubig sa sobrang uhaw at pagkahapo. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at nilapait ang aking likod sa sandalan ng upuan para saglit na makapag pahinga. Mayamaya ay magpapaalam na ako para umuwi dahil marami pa akong rereviewhin na case para sa isang subject ko. Ilang minuto palang akong nakapag papahinga ng may isang waiter na lumapit sa tabi ko. Marahan nya akong tinapik sa braso na naging dahilan para imulat ko ang aking mata. "Ms. CL, pasensya na naabala kita. May lalaki po kasing kanina pa nagaantay sa inyo. Lei daw po ang pangalan yung nabangga nyo daw po kanina." mariing sabi ng waiter sa tabi ko. Napaayos agad ako ng upo sa sinabi nya. Muntik ko ng makalimutang pinapunta ko nga pala siya para makapag bayad ako. Tumayo ako sa aking pagkakaupo. Saglit akong dadaan sa opisina ni Mama Ten para bumale ng pambayad sa lalaking yun bago ko siya puntahan. "Uuwi ka na?" tanong ni Leo sakin. "Hindi pa puntahan ko lang si Mama Ten" sagot ko kay leo. "sige, hintayin na kita sabay na tayong umuwi" sagot sakin ni Leo. Agad naman akong tumango bilang tugon sa kanya. Pagkatapos kong bumale ng pambayad kay Mama Ten agad kong pinuntahan yung lalaking nabangga ko. "H--hi sir kanina pa kayo?" bungad kong bati sa kanya medyo nauutal pa dahil sa kaba. "medyo" maikling sagot nito. Seryoso ang kanyang mukha at halos wala kang emosyon na makikita. "uhm.. pasensya ka na at natagalan ok lang ba kung sa labas tayo magusap?" tanong ko sa kanya. Maingay kasi dito sa loob dahil nagsisimula ng magpatugtog ang DJ baka hindi kami magkarinigan. "ok, no problem" maikli at walang emosyon nyang tugon. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at marahang naglakad palabas ng bar. Hindi pa manlang kami tuluyang nakakalabas ng pinto may humarang na agad na dalawang bouncer samin. "Saan mo dadalin si Mam CL?" tanong ng isang bouncer sa kanya. Nagangat ito ng tingin sa bouncer at salubong ang kanyang mga kilay. Kitang kita ang pagtataka sa kanyang mukha. "Kasama ko siya kuya, maguusap lang kami sa labas" paliwanag ko sa bouncer. Nakita ko pa ang pagsulyap niya sakin dahil sa pagsagot ko. "Ah, ganun ba mam? kala ko kasi...Sige po pasasamahan ko nalang din po kayo sa isang bouncer para sigurado" tugon ni kuya bouncer kala niya siguro isa siya sa mga guest na nanghaharass sa amin. "sige kuya salamat," maigsing sagot ko. Sabay kaming naglakad papunta sa kotse niya para magusap. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit kita ko na agad yung naging pinsala ng kotse nya. Hindi ko kasi yun ganong nakita kanina dahil na rin sa halo-halong emosyon. First time ko kasing makabangga tapos sa sports car pa. Minsan gusto ko na ring kaltukan ang sarili sa pagiging tanga. Saglit na namayani ang katahimikan. Kapwa kaming nakatingin lang sa isa't isa. Tumikhim ako para basagin yun. Naglayo ako ng tingin sa kanya at nagkamot ng ulo. Nanatili sakin ang mga titig niya wala itong emosyon kaya hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. "ang laki pala ng maging tama ng sasakyan mo." panimula ko ng paguusap. Wala manlang kasi siyang kibo kinakabahan tuloy ako hindi ko alam kung paano siya kakausapin. tinignan ko sya at inaabangan ang isasagot nya pero nanatili lang siyang nakatitig sakin. Ano bang problema ng taong ito. Bakit ganyan siya makatitig sakin. Dahil mukha namang wala siyang balak magsalita, dinukot ko sa bulsa ng aking pantalon yung perang binale ko kanina at iniabot ko sa kanya. "ito sir, pasensya ka na yan lang po ang nabale ko sa amo ko" tugon ko sa kanya. Tinignan nya saglit yung pera sa kamay ko at ibinalik ulit sa akin ang tingin. Pinagpag ko iyon para kuhanin ulit ang atensyon nya. Napansin ata niya yung ginawa ko kaya tumingin ulit siya sa pera na hawak ko at inabot un ng kanang kamay nya ng hindi tinatanggal ng titig sakin. Kita kong binilang nya yung pera at lumitaw ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Napamaang ako sa naging reaksyon nya. "tsk. seriously? ito lang ang ibabayad mo sakin?" tanong niya sakin habang winawagayway yung perang binilang niya. "Oo, bakit kulang pa ba? kung kulang pa dadagdagan ko nalang ulit sa sahod ko." tanong ko sa kanya. Ganun ba kamahal ung kotse niya at kulang pa yung five thousand pampagawa. Aksidente naman yung nangyari at hindi ko sinasadya. Hindi ko tuloy maiwasan na muling tignan ang sasakyan niya. Hindi kasi ako pamilyar sa mga sasakyan kaya wala akong idea kung magkano ang dapat kong ibayad. Hindi naman siguro gawa sa ginto yang sasakyan nya para maningil siya ng malaki. "Ahaha!" nagulat ako ng isang mapang uyam at malakas na tawa ang naging tugon nya sa tanong ko. "alam mo miss itong binayad mo sakin tip lang ito sa gagawa ng sasakyan ko" seryoso nyang pagpapatuloy. "What?" taas kilay akong reaskyon sa sinabi niya. "Bakit ano bang akala mo sa kotse ko? FYI miss it's a limited edition sports car at ilan palang kami dito sa pilipinas ang meron nyan. Kung susumahin ko ang naging damage ng sasakyan ko ng......" bigla syang huminto sa pagsasalita. Dahan dahan syang lumapit sakin. Halos ilang dangkal nalang ang pagitan namin sa isa't isa. Yumuko sya sa harap ko para magpantay ang aming mata. Ang mga kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. Malikot na nakatitig sa akin ang kanyang mga mata. "DAHIL SA PAGBANGGA MO!" mariin pero halos pabulong nya lang itong sinabi sapat na para marinig ko at magdulot ng kilabot sa buo kong katawan. Naramdaman nya siguro ang pagkailang ko kaya umayos siya ng tayo sabay tumawa. "more or less....? 300 thousand ang gagastusin ko. Ngayon, ikaw ang sumagot sa tanong mo. Kakasya na ba itong 5k na bayad mo?" dagdag nito. Napalumok nalang ako ng laway sa narinig ko. Parang gusto akong takasan ng mga dugo ko sa katawan ng marinig ang presyo ng pinsalang nagawa ko. 300 thousand saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga. Nagbibiro ba siya. Pwes hindi nakakatawa. "P..p-pero sir, wala akong three hundred thousand." nauutal kong sabi. "Ni singkong duling wala na ako ngayon dahil binayad ko na sayo yung 300k pa kaya? saang kamay ng Diyos ko naman kukunin ung ganun kalaking halaga aber?" pasigaw kong sabi sa kanya. "ibang klase ka din 'no?" matalim ang matang nakatitig sakin at nagngangalit ang mga ngipin nyang sumagot sakin. "Ikaw na nga ang nakabangga, ikaw na ang nakaperwisyo ikaw pa ang galit? Lagay na yan parang ako pa ang may atraso sayo." Namumula ang buo nyang mukha at leeg dahil sa mahabang nya sinabi. Bakas sa mukha nya ang pagkainis. Nawalan ako ng kibo sa pagsigaw na ginawa nya. Nakaramdam ako ng takot. Medyo napalakas din yun at maging dahilan para makuha namin ang ating ng bouncer na kasama ko. Sinenyasan ko siyang ok lang ako nung makita kong pahakbang na siya papunta samin. Binalik ko ang tingin sa kanya. Nagulat ako dahil nakayuko na ulit siya sakin. Ang mga mata niya'y walang kurap na salitang tinititigan ang magkabila kong mata. Halos isang dangkal nalang ang layo ng kanyang mukha kaya naman mas kitang kita ko ang kabuoan ng kanyang mukha. Saglit kong tinitigan ang magaganda nyang mata, matangos na ilong at mapupulang labi. "Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaeng sinisigawan ako?" lalo pa nyang ibinaba ang mukha nya malapit sa tenga ko. Naramdaman kong bahagyan lumapat ang mga labi nya sa punong tenga ko. "I kiss her.....TORRIDLY" bulong nya sa nakakaakit na tono. Napapikit nalang ako sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko. Pakiramdam ko'y naipon ang lahat ng dugo sa pisngi ko. "If you want, we can just settle this in other way yung parehas tayong maliligayahan." dagdag pa niya. Natahimik ako bigla at hindi nagawang kumibo dahil sa mga sinabi niya. Maya maya pa ay narinig ko siyang tumawa. "Ano natameme ka? ahahaha lakas ng loob mong sigawan ako. Kulang nalang umiyak ka diyan". "uu--hhmmm sorry" maikling sagot ko. Hindi ko na kasi alam ang isasagot ko. Mukha kasing pinaglalaruan nalang ako ng taong ito. "Work for me!" biglang sabi nito. "what?" nagguguluhang tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga salitang binitawan niya. "I said work for me. Magtrabaho ka sakin. para may pambayad ka sa utang mo." "pero may trabaho po ako" "Alam ko, pero sa tingin mo ba kakasya yang sinasahod mo pambayad sakin? hindi k na ba kakain? ung mga bills mo pano mo babayaran? saka pansamantala lang naman. Pag bayad ka na pwede ka ng umalis." Sabagay may punto siya sa sinabi niya. Hindi kakasya ang sinasahod ko sa Elixir para makabayad sa kanya. Sa laki ng three hundred thousand baka uugod ugod na ako hindi pa rin ako bayad sa kanya. "pano kung hindi ko tanggapin?" "simple lang IPAPAKULONG KITA! ayaw mo namang sigurong makulong diba?" "may choice ba ko?" "WALA!" walang emosyong sagot nito. "ok!" "good" nakangising aso niyang sagot sakin. "kelan ako magsisimula?" "BUKAS!" "B--Bbukas?" "agad agad?" "sir naman puyat ako sa gig oh?" "so? bakit ako ba hindi puyat?" taas kilay niyang tanong rin sakin. "no more buts okay?" naghalukipkip na lamang ako at pinaikutan siya ng mata. Hindi na ako kumontra at baka ipakulong pa ako ng tuluyan. Kita ko pang kumuha ito ng isang calling card sa wallet niya at ibinigay sa akin. "Pumunta ka jan sa building na yan hanapin mo si Ms. Cathalina Fajardo. I will inform her about you. She will assist and accompany you tomorrow. So be there before 8:00 o'clock in the morning maliwanag?" bilin niya sakin. Hindi pa manlang din ako nagsisimula may utos na agas. tinignan ko ang maliit na papel na binigay niya sa akin at pinasadahan ng basa. "Philip Kalei Lee Chief Executive Officer Lee Empire Development Corporation" Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Kaya naman pala ganito siya umasta may maipag mamayabang naman pala talaga. Totoo ngang kayang kaya niya akong ipakulong oramismo kung gugustohin niya. Nanatili ng ilang segundo ang mata ko sa calling card na ibinigay niya. Nagulat nalang ako ng bigla niyang inangat ang baba ko gamit ang kanyang hintuturo dahilan para maiangat ang mukha ko mula sa pagkakayuko. Sa huling pagkakataon muli niyang tinitigan ang mga mata ko. Medyo nagtagal iyon saka siya nagsalita. "Nag Enjoy ako, Thank you Miss Face Mask. Good Night!" kinindatan niya ako sabay ngiti. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. May kung ano akong naramdaman sa mga sinabi niya. Ngunit ang mas nagpatindig ng balahibo ko yung sunod niyang ginawa. He kiss me in my forehead.... napapikit ako ng maramdaman ko yung mainit niyang labi sa noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD