Chapter 4: Cafeteria

1611 Words
I yawned and stretched my arms up. I haven't done anything for more than two hours. Tanging pagtingin lang sa social media at pagtanaw sa mg abalang empleyado ang ginawa ko. Mas gusto ko yung tambak ang trabaho. Sanay kasi ako ng maraming ginagawa mas bumibilis kasi ang oras pag abala ka. Hindi tulad pag ganitong walang ginagawa nakakainip pakiramdam ko tuloy ang haba ng araw na ito. Kung alam ko lang na wala akong gagawin ngayon sana pala nagdala ako ng mga handouts para nakapagaral ako kahit konti "Are you tired?" I almost fell into my seat when I heard his voice. Bigla kasi itong lumabas mula sa kanyang opisina. "Sorry! Antok lang po sir. Wala po kasing ginagawa." tango lang ang ginawad niyang sagot sakin. "may ipapagawa po ba kayo?" tanong ko habang siya naman ay tumatanaw sa kanyang relong pambisag. "it's 12:00 o'clock you can have you're lunch" Pagkatapos niya akong sabihan na mag lunch break na ay agad naman na akong tumayo at inayos ang aking mga gamit. Sa sobrang pagkaburyong ko hindi ko namalayang tanghalian na. Kaya pala kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Hindi ko na kasi nagawa pang magluto ng almusal at baka malate ako. Tanging kape at tinapay laman ang kinain ko. Tinuro naman na sakin ni Ms. Fajardo yung floor plan ng company. I just need to be familiar with the place para hindi ako maligaw. Sumakay ako ng elevator pababa sa cafeteria. Dito ko naisipang kumain ngayong tanghalian. Ayoko ng lumayo, dahil sayang ang oras kung lalakad pa ako sa labas para maghanap ng kakainan. Puno ng tao ang buong cafeteria. Karamihan siguro ng empleyado ay dito malang din kumakain. Mahaba ang pila para makaorder at malamang nasa pinaka dulo ako nito pero mabuti nalang at may ilang mga empleyado na pinauna na ako sa pila siguro dahil sa alam nilang bago lang ako dito. I ordered chicken afritada, two cup of rice, bake mac and one bottled mineral water for lunch. Malakas talaga akong kakain hindi lang talaga siguro ako tabain pero dahil sa tight ang budget ko tipid tipid muna. Malapit na rin kasi ang 2nd sem kailangan kong makaipon para sa enrollment ko. Malaki laki din ang magagastos ko. Sa pang dalawahang lamesa ako umupo dahil ito nalang din naman ang nakita kong bakante. Wala pa din akong mga kakilala kaya magisa lang akong kakain ngayon. May lang mga empleyado ang napapatingin sa kinauupuan ko, yung iba nginingitian ako may ilang dedma lang tapos yung iba iniirapan ako. Hindi talaga siguro maiiwasan na may mga ganoong tao sa isang kumpanya lalo na sakin na bagong salta. It is true that you can't please everyone all you can do is just to believe in your self. Hindi ko na inabalang tanungin si Sir Lei kung kumain na siya dahil paniguradong hindi naman siya kumakain na ganito. 'Mayaman yun 'eh.' I sat quietly and laid my bag on the table. tinanggal ko mula sa tray yung mga inorder kong pagkain. Nagdasal muna ako bago simulang kumain para magpasalamat sa biyayang muli kong natanggap kay Lord. "Lord, Thank you po hindi niyo po ako pinapabayaan sa lahat ng aking pangangailangan. Amen!" After I pray, I noticed the astonished look of the employees on me. Ano bang problema ng mga 'to. "Can I join you?" Napaigik ako sa gulat ng may narinig akong nagsalita sa likod ko. Nilingin ko iyon at laking gulat kong nakatayo si Sir Lei sa gilid kung saan ako nakaupo. May dala siyang tray na may lamang pagkain. "U-u-uhmm ikaw pala sir sige po upo po kayo" aya ko dito. Naglakad siya papunta sa kabilang side ng table at saka umupo. Hindi ko alam kung matutuwa ko na kasabay kong kakain ang boss ko ngayon o hindi. Dahil sa atensyong binabato ng mga empleyado na nandito sa loob ng cafeteria parang gusto ko nalang kainin ng lupa. Nanlaki ang mata nila at halata ang pagkagulat sa kanilang mga reaksyon. Hindi siguro siya kumakain dito kaya nagtataka sila kung bakit ito narito ngayon at sakin pa talaga sumalong kumain. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong cafeteria. Walang nagbago ganun parin ang mga tingin nila sakin mas lumala pa nga dahil yung mga babaeng iniirapan lang ako kanina ngayon ay iniismiran pa ako. Natigilan lang ako sa pagtingin sa kanila ng kuhanin ni Sir Lei ang atensyon ko. "Eyes on our table Ms. De Guzman, Don't mind them" utos nito halata ang pagkairita sa kanyang boses. Hindi ko maiwasang hindi siya tapunan ng tingin. Nakatungo ang ulo nya at tahimik na ngumunguya. "malakas ka palang kumain. Hindi halata sa katawan mo" tinapunan niya ako ng tingin saka ngumisi. Pinamulahan ako sa sinabi niyang yun. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili. Pano ba naman kasi kalalaki niyang tao pero Vegetable Salad with Grilled Chicken lang yung kinakain niya samantalang yung sakin pang construction lang ang peg. "U--Uhmm O-o-opo, hindi po kasi ako nakapag almusal kanina bago pumasok" paliwanag ko rito siya naman ay tumango tango lang. Napapatingin ako sa kanya habang kumakain iniisip ko kung mabubusog ba siya diyan sa kinakain niya. Napansin niya siguro ang pagtingin ko kaya nagangat siya ng tingin sakin. "What?" maigsing tanong nito. Umiling lang ako saka uminim ng tubig. "Iniisip ko lang kung mabunusog ka ba diyan sa kinakain mo. Ang yaman yaman mo pero puro damo ang kinakain mo hindi ka naman kambing" seryoso kong sabi sa kanya. Nangiti siya sa sinabi ko pero nagulat ako dahil yung ngiti niya kanina at naging malakas na tawa. Napalingon tuloy yung mga tao samin. Namumula ang buong mukha niya at halos naiiyak na sa kakatawa. Ilang beses din siyang naubo siguro nasamid. "oh tawa ka kasi ng tawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko" binuksan ko yung bottled mineral water na binili ko at iniabot ko sa kanya. "Nakakatawa kasi yung reaksyon ng mukha mo Ms. De Guzman. Saka hindi talaga ako kambing. Kasi walang kambing na ganito kagwapo" "aaayyyy ibaaaahhhh din! talagang taas noo mong binitawan yung mga salitang yun ah" "Why not? am I not handsome to you?" pinanliitan ko siya ng mata habang kunwaring tinitignan ang kabuoan niya. "Gwapo naman, hindi nga lang kita type" "WOW! of all the women you were the only one who said that I'm not your type. Ganda mo ha" "Excuse me, Maganda talaga ako. kakasabi mo nga lang kanina diba?" maarteng sabi ko sabay hampas ng likod kong palad sa aking baba. Lalong lumakas ang tawa namin dahil sa kalokohan naming dalawa. Hindi alintana yung mga tao sa paligid na nakamasid lamang sa ginagawa at pinaguusapan namin. Nagtataka siguro sila kung bakit parang napaka kumportable na namin sa isa't isa. "Nga pala sir, pwedeng magtanong? " you already asking" sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan. "ang sungit mo! kanina lang tawa ka ng tawa diyan" asik mo sabay nguso. May sapi ata tong boss ko paiba-iba ng mood. "hindi ako masungit, Ikaw tlaga. Tell me, what is it?" "Ganito kasi yun sir. Sabi kasi ni Ms. Cathalina sayo ko daw po tanungin kung magkano daw po yung sahod ko." "20,000 thousand" mabilis nitong sagot. 20,000 thousaaaaannnndddd?" napanganga ako sa gulat. "Oo bakit ayaw mo?" "Gusto syempre" sabay ngumiting aso. "Sinisigurado ko lang baka binubudol mo ako 'eh!" nakangisi kong sagot dito. Bumaling siya sakin at sinamaan ako ng tingin "ikaw nga ang nagbudol sakin. Parang ginisa mo ako sa sarili kong mantika. Ako na ang nabangga ako pa nagbigay ng trabaho sayo para lang mabayaran mo ako. Tsk" namumula ang buo nyang mukha sa pagkakasabi nun napapailing iling nalang siya. "oo nga noh? ngayon ko lang naisip yun?" natatawa kong sabi. "kaya ko nga pala naitanong yung sa sahod sir makikiusap saka ako kung pwedeng may konting matira sakin. Pang gastos ko sana pag pumapasok ako." "ok no problem, kahit hindi mo tanungin yun din naman ang gagawin ko. Sabihan ko nalang din sa HR Department." tumango tango lang ako. "Eto pwera biro! Thank you sir kasi kahit may atraso ako sayo mabait ka parin sakin. Totoo naman yung sinabi mo ako yung nakaperwisyo sayo pero binigyan mo parin ako ng pabor. Kung iba siguro ang nabangga ko malamang talaga nasa kulungan na ako ngayon." seryoso akong nakatingin sa mga mata niya gusto kong maramdaman niyang sincere ako sa mga sinabi ko. " sayang ang beauty ko" natatawa ko pang dagdag. "No worries, wala namang may gusto sa nangyari aksidente yun. Just be careful next time para hindi na maulit baka sa susunod hindi lang yun ang mangyari sayo. Take care of your self okay?" "Noted sir! hayaan mo sir pagbubutihan ko trabaho ko para hindi sayang ang pasahod mo sakin." Ginulo nito ang buhok ko saka ngumiti. Napangiti nalang din ako sa kanya. Hindi ko aabusuhin ang kabutihang pinapakita niya sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya pagbubutihan ko ang aking trabaho. Tapos na kaming kumain at ngayon ay naglalakad kami pabalik ng opisina. "Sir Lei 'oh!" sabay abot ng chocolate wafer. "ano yan?" "panghimagas, pampawala ng umay sa kinain mong damo" nakangising sabi ko habang nakalahad ang kamay. "oh! pambihira wag mong sabihing hindi ka kumakain nito? o pati pagbubukas nito trabaho ko pa?" tulad kanina ayaw niyang abutin yung binibigay ko.. 'anong arte yan sir?' "tsk." sabay bukas ng wrapper ng chocolate. Inabot naman nya agad pagkatapos kong buksan. "baka sa susunod pati pagpapaligo sayo trabaho ko pa 'ah" nagpakawala ako ng malalim na hininga saka ko siya sinamaan ng tingin. "bakit hindi? magandang idea yun?" lumitaw ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi 'sanay na sanay talaga siyang bwisitin ako' "PERVERT!!!!" sigaw ko, "diyan ka na nga"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD