Chapter 6: Burn

2019 Words
Ilang minuto nalang bago maglunch break pero nandito parin kami sa clinic. Hindi na nagawang makabalik ni Miguel sa trabaho niya dahil sinamahan niya ako dito. Sinabi ko sa kanya na pwede na niya akong iwan dahil nasa clinic naman na ako at ginagamot ng nurse pero hindi siya pumayag. Wala naman daw sa opisina si Mr. Aguilar at tapos na rin siya sa kaniyang mga ginagawa ipapaliwanag nalang daw niya ang nangyari kay Mr. Aguilar kung sakaling dumating ito. Hindi rin daw siya makakapagtrabaho ng maayos kung ang isip niya ay nakatuon dahil sa pagaalala sakin. Kasalukuyang nilalapatan ng gamot ng nurse yung mga paso na natamo ko. Pasalamat daw ako dahil first degree burn lang ang inabot ko. Nakatulong din siguro na makapal yung tela ng suot kong blouse kaya hindi masyado naapektuhan yung balikat at dibdib ko. Tanging yung nasa braso at kamay ko ang talagang nagkaron ng malaking pinsala dahil wala namang tela o anong bagay ang nakatabing dito kaya derekta itong natamaan ng mainit na kape. Pinainom na rin ako ng pain reliever para mawala daw ang kirot nung nga paso. Uminom nalang daw ulit ako pag nakaramdan ulit ng kirot. Niresitahan din ako ng company doctor ng mga gamot na dapat kong inumin at ointment pamahid. Iwasan ko nalang daw na maimpeksyon yung mga paso para hindi lumala. Pagkatapos akong gamutin ng Nurse umalis na ito sa pwesto ko. Agad ko naman ng isinuot ng maayos yung blouse ko baka kasi may pumasok bigla. "How's your feeling?" tanong ni Miguel pagpasok nya sa pwesto ko na natatabingan ng kurtina na naghihiwalay sa isa pang bed sa kabilang pwesto at sa receiving area ng clinic. "I'm fine Miguel. Thank You!" sagot ko dito sabay ngiti. Lumapit siya sa tabi ko at umupo din sa kama na kinaroroonan ko. Kahit may pagaalala sa mukha niya ay hindi parin nabawasan ang ka gwapuhan niya. Napaka bait pa ni Miguel kahit kanina lang kami nagkakilala inasikaso niya akong mabuti. "Mabuti naman, I'm so worried about you. Buti nalang at naisipan kong bumaba sa cafeteria kung hindi baka napagtulungan kana nila gladys." "Oo nga 'eh buti nalang talaga dumating ka Miguel. Maraming salamat sa tulong mo. Napaka buti mo sakin." Ilang sandali pa kaming nanatili sa clinic. Noong sinabi ng Doctor na mabuti na ang lagay ko ay agad na rin kaming lumabas. May pag iingat akong inalalayan ni Miguel sa paglalakad. Sa totoo lang hindi naman na niya dapat yun gawin dahil hindi naman ako baldado may paso lang ako pero nakakapag lakad naman. Pero mapilit si Miguel alam daw niyang makirot pa ang mga paso ko kaya hayaan ko nalang daw siya na gawin yun. Iilang oras palang kaming magkakilala pero nakita ko na agad ang magagandang katangian ni Miguel kita sa kanyang mga mata na totoo lahat ng pinapakita niya sakin. He is so caring and gentleman swerte ang girlfriend niya sa kaniya kung meron man. Sabay kaming sumakay ng elevator paakyat sa opisina. Kinakabahan ako dahil ilang oras din akong nawala sigurado akong hinahanap na ako ni Sir Lei. Malamang galit na yun sakin. Wala naman din kasi akong number niya kaya hindi ko manlang siya nainform sa nangyari. Magpapaliwanag nalang siguro ako sa kanya pagdating ko sa kanyang opisina. Habang nasa elevator kami sinabihan ko si Miguel na hindi na niya ako kailangang pang ihatid sa opisina namin dahil mas unang madadaanan yung floor nila. Kailangan na rin kasi niyang bumalik dahil baka pati siya mapagalitan ng boss niya dahil sa akin pero sa pangatlong pagkakataon tumanggi ulit siya at sinabing ihahatid niya ako. Kung papagalitan man daw siya lulubusin na daw niya ang pagtulong sakin. Ang tigas talaga ng ulo. Sa top floor ang pinaka opisina namin. Pagkalabas namin ng elevator ay muli akong nagpasalamat kay Miguel. Iniabot niya sakin yung brown paper bag na may lamang reseta, gamot at ointment na binili ko sa clinic. Inayos din niya ang pagkakatupi ng blouse ko para hindi iyun sumayad sa mga paso ko. Nasa ganong tagpo kami ni Miguel nang makarinig ng sigaw. "What the f**k are you two doing?" nagulantang kami sa malakas na sigaw ni Sir Lei. Namumula ang kanyang buong mukha. Kitang kita din ang mga ugat niya sa leeg dahil sa pagsigaw. Salubong ang mga kilay at matalim na nakatingin sa amin. Igting ang panga at nagngangalit ang mga ngipin. "I've been waiting for you for two hours tapos ganito ang aabutan ko?" nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sakin. Galit na galit ang awra na para bang nahuli niya kami na may ginagawang masama. Nakakuyom ang kanyang mga kamay na para bang gusti niyang manapak. Nakatingin lamang kami sa kanya ni Miguel para kaming naestatwa sa kinatatayuan namin. Hindi manlang kami nakapag salita dahil sa takot sa pagsigaw niya. Maski na ang paghinga ay hindi ko na magawa sa halo halong emosyon. Ngayon ko lang siya nakitang magalit kaya natatakot ako sa kanya. "Oras ng trabaho pero wala kayong inatupag kundi maglandian at sa harap ko pa talaga!" Inaasahan ko naman ng magagalit siya at inihanda ko na mula kanina ang tenga ko para sa mga sermon niya. Pero ang hindi ko inaasahan ay yung ganitong awra niya kapag galit siya at mga salitang hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig niya. Masakit para sakin ang paratang niya na nakikipaglandian ako. Hindi manlang muna niya tanungin kung anong nangyari. "I'm sorry sir something......-" Paliwanag ni Miguel na naputol dahil sa sigaw ulit ni Sir Lei. "I'm not talking to you Mr. Miguel Cruz and I don't need you here. So get your f*****g ass out of my office. NOW!" tinignan ko si Miguel at sinenyasan siyang umalis na para hindi na siya madamay sa galit ni Sir Lei sa akin. Wala naman siyang kasalanan tumulong lang siya. Ako ang may pagkukulang kaya ako lang dapat ang masisi at mapagalitan. Ngunit mahigpit ang pagkakakapit ni Miguel sa braso ko na parang nagsasabi na hindi siya aalis at sasamahan niya ako. "and you Ms. De Guzman, alam mo ang dahil kung bakit ka nandito sa kumpanya ko. Mahiya ka naman sakin. Matuto kang ilugar yang...." bigla siyang napahinto sa pagsasalita nanlaki ang mga mata niya ng matuon ito sa aking suot na pang itaas damit na may mantsa ng kape at sa braso kong namumula dahil sa paso. Agad niya akong hinablot sa kamay mula sa pagkakahawak ni Miguel sa aking braso para mapalapit sa kanya. Mariin niyang tinignan ang braso at kamay ko saka tumingin sa aking mata. "What happened? bakit may mga paso ka? Tell me, anong nangyari?" sunod-sunod niyang tanong sakin. Ang mga mata niyang nagaapoy sa galit kanina ngayon ay na puno ng takot at pagaalala. Ipinaliwanag ni Miguel ang nangyaring pag kompronta ni Gladys sakin at sa ginawa niyang panunulak na nagresulta ng aking mga paso sa katawan. Napapailing at napapamura nalang si Sir Lei habang nakikinig sa buong kwento. Hindi nagawang bitawan ni Sir Lei ang mga kamay ko marahan niya iyong hinahaplos ng kanyang mga daliri nakatitig lang din siya sa akin na para bang awang-awa sa nangyari. Ilang beses din siyang huminga ng malalim na para bang nagkokontrol ng galit. "Bakit hindi nyo agad sinabi? ugghhh" sabay hilot sa sintido niya. Inilahad niya ang isang kamay niya samantalang angbisang kamay ay nananatiling nakahawak sa kamay ko. Nagangat siya ng ulo at malumanay na tumingin samin. "Look, I'm so sorry. I'm sorry if I got angry right away hindi ko manlang tinanong ang nangyari. Sorry kung nasigawan ko kayo. I'm sorry sa mga salitang sinabi ko. I'm Sorry!" sinserong paghingi ng tawad nito. Kahit nasaktan ako sa mga sinabi niya kanina hindi ko parin maiwasang mapangiti sa ginawa niyang paghingi ng tawad. Hindi nakabawas sa p*********i niya ang ginawa niya. Because of what he did I admired him even more as a person. Who would have thought a CEO of a big company would apologize to his employees. Pagkaraan ng ilan minutong paguusap nagpaalan na si Miguel para bumalik sa trabaho at makapag lunch na din. Ako naman ay isinama ni sir sa loob ng kanyang opisina. Pinaupo niya ako sa pang tatluhang couch. Iniwan niya ako dun saglit at pumasok sa loob ng mini kitchen niya dito sa loob ng opisina. Paglabas niya ay may dala na siyang isang basong tubig marahil ito ay para sakin at hard liquor naman para sa kanya. Iniabot niya sakin ang baso ng tubig at agad ko naman nitong ininom dahil nauhaw ako sa mga titig niya habang lumalagok ng alak este nauhaw ako sa mga nangyari kanina. 'hehe' Inilapag niya ang basong may lamang alak sa center table na nasa harap namin. Umupo siya sa tabi ko at marahan akong iginiya paharap sa kanya. Nagulat ako ng biglang maglandas ang kamay niya papunta sa bitones ng blouse ko. Akma niya itong bubuksan ng bigla kong mapaatras sa pagkakaupo. "anong ginagawa mo sir?" gulat at may pagtataka kong tanong sa kanya. Pero hindi siya nagpapigil at pilit niya paring binubuksan ang mga bitones ng blouse ko. Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya pero parang wala siyang naririnig. "Sir Lei stop please" Huminto siya sa pagbubukas sa pangatlong bitones at hinawi ang kaliwang parte ng blouse ko. Nanlaki ang mga mata niya ng lumantad sa kanya ang mga paso sa aking balikat at dibdib. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha at halos hindi na ako huminga sa hiya dahil sa posisyon namin ngayon. Tinignan ko ang reaksyon ng kanyang mukha kung magbabago pero nanatili itong madilim. Malalim ang mga hiningang binibitawan niya. Mariin siyang nakatitig sa mga paso ko ngunit marahan naman ito kung haplusin. "Damn that lunatic. She will pay for this" wika niya nakaramdam ako ng takot sa mga oras na yun. Natatakot ako sa anyo niya, natatakot ako sa mga sinasabi niya at higit sa lahat natatakot ako sa mga bagay na pwedeng niyang gawin dahil sa galit niya. Pagkaraan niyang makita ang mga paso ko ay agad din niyang ibinalik sa pagkakasarado ang mga bitones ng blouse ko. Marahil dahil sa kuryusidad sa tagpong inabutan niya samin ni Miguel kanina kaya niya ito nagawa. Ibinaba niya ang tingin niya sa mga kamay ko at pinagsalop niya ito sa nga kamay niya. Nagangat siya ng tingin sa akin. Namumula at mapupungay ang kanyang mga mata. "I'm sorry for what happened. Sorry wala ako doon para ipagtanggol ka. Sorry kung nasaktan ka ni Gladys dahil sakin." nakatitig lamang kami sa isa't isa. Kita sa mukha niya ang lungkot sa nangyari. 'Pero bakit? naguiGuilty ba siya? pakiramdam ba niya'y kasalanan niya kung bakit ito nangyari? o may iba pang dahilan?' sa ganoong kaisipan nakaramdam ako ng kung ano sa aking puso na hindi ko maipaliwanag. Kinalas ko ang kanang kamay ko mula sa pagkakasalikop nito sa kamay niya. Inilapat ko ito sa kaliwa niyang pisngi habang marahang hinahaplos ng aking hinlalaki. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mata niya at halatang ikinagulat ang ginawa ko. Napakagat siya sa ibang labi niya na ikinangisi ko naman. "I'm sorry kung pinagalala kita. Hindi na mauulit. Please huwag ka na ring magagalit natatakot ako sayo 'eh. hhhmmmm?" wika ko sa kanya sa malambing na tinig. Tumango lamang siya saka ngumiti. Pagkaraan nun ay inangat niya ang mga kamay namin magkasalikop at tatlong beses niya pinatakan ng halik ang kamay ko. Yumuko ako bahagya dahil naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha at nahihiya akong makita niya akong ganito. Nadinig ko ang mumunti niyang tawa kaya nagangat na ako muli ng mukha para tignan kung bakit siya tumatawa. "your blushing" panunukso nito. sabay inundayan ko naman siya ng mahina at pabirong suntok sa sikmura na kunwaring ininda niya. Akala ko magagalit na naman siya sa ginawa ko pero hindi, mas ikinatawa pa niya ito. Mainit na labi ang sunod kong naramdaman sa aking noo tulad nung una kaming nagkakilala. Saglit lamang itong dumampi. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa couch at ginulo ang aking buhok saka tumawa. Sinabihan niya akong huwag ng umalis dahil oorder daw siya ng pagkain at sabay na kaming maglunch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD