Chapter 7: Condo

2049 Words
After what happened between me and gladys we just heard that she had been fired. Naglakas loob akong magtanong kay Sir Lei kung dahil ba sakin o sa nangyari kaya tinanggal sa trabaho si Gladys. He said that he should have done that before but out of pity he gave her another chance kaya nilipat nalang niya ito sa ibang department. Pero ngayon na may nasaktan sa ginawa niya hindi na daw niya yun mapapalagpas pa. Hindi daw dapat tinotolerate ang ganung ugali sa loob ng company niya. Kahit ganoon ang nangyari sa pagitan namin ni Gladys hindi maiwasang makaramdam ako ng awa sa kanya. Malamang may malalim siyang dahilan kaya siya nagalit hindi lang siguro tama ang naging action niya. Gustohin ko man na magsorry sakanya ay hindi ko na nagawa dahil nakaalis na siya. Isang linggo na naman ang lumipas at mas lalo kaming naging busy sa opisana. The company has been doing well this month we have a lot of new investors and clients. Iilang beses lang din kung magpunta si Sir Lei dito sa opisina dahil halos araw-araw nasa business meeting siya. Naiiwan ako sa opisina dahil marami siyang pinapatapos na mga reports and presentation para sa mga meeting niya. Nadagdagan din ang mga kakilala ko dahil nameet ko na din ang mga kaibigan ni Miguel tulad niya napaka bait din nila Tina, Eloisa at Shala (sherwin). Hindi na ako magisa tuwing kumakain dahil lagi nila akong isinasabay tuwing break time. Masarap silang kasama walang dull moments dahil puro sila kalog. Naging tampulan din ako ng tukso dahil sa secret admirer ko 'kuno' . Ilang beses na kasing may nagpapadala ng flowers and chocolates sakin pero hindi ko naman kilala kung sino. Sa sobrang dami halos pinamimigay ko na nga yung iba. Hindi kasi ako madalas kumakain ng chocolates dahil makakasama sa boses ko. Pagkatapos naming magcoffee break nakatanggap ako ng tawag sa opisina mula kay Sir Lei pinapadala niya yung nga documents, reports and presentation para sa Maharlika Residence project hindi na daw kasi siya makakapunta na opisina dahil nasa meeting pa siya. Kaya ako nalang daw ang magdala sa Condo niya. Pasado ala singko y media na ako nakapag out dahil tinapost ko pang iprint yung ibang reports inantay ko pa din yung ibang papeles galing sa ibang department para mapirmahan na rin ni sir mamaya. Nagaabang ako ngayon ng taxi papunta sa condo ni sir napapailing ako dahil hindi ako nakapag dala ng extrang pera. Sakto lang kasi palagi ang dinadala ko para iwas sa gastos. Hindi ko rin dala ang motor ko dahil nasa pagawaan pa ito. Wrong timing pa dahil sira daw yung company car. 'meged' Hihiram nalang siguro ako kay Sir Lei ng pera pamasahe. After kong madala ito sa condo ni sir ay sa Elixir ang deretso ko may gig pa kasi ako kaya kailangan kong makauwi agad. Nasa harap ako ng pinto ng condo ni Sir Lei. Kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas. Wala akong cellphone number ni Sir Lei dahil lagi lang naman sa telephone ng opisina siya tumatawag pag may kailangan siya sakin. Kaya hindi ko manlang siya maitext o matawagan para sabihing nandito na ako. Napahinga ako ng malalalim at nakaramdam ng pagod "Nasa meeting pa kaya si Sir Lei?" bulong ko sa sarili. Sinubukan kong kumatok ulit pero wala talaga. Ilang mabibigat na hininga pa ang binitawan ko. Napasandal nalang ako sa pinto dahil sa panlulumo. 'Nakakainis naman 'oh pano ko pupuntang Elixir nito.' "hhhhhaaaayyyy!" buntong hininga ko ulit ng biglang magbukas ang pinto! "aaayyyy kabayong malaki" usal ko ng mapahiga ako sa sahig. Mariin akong napapikit at napahawak sa likod ng aking ulo dahil sa sakit. Mahina akong napamura habang kinakamot ung ulo kong nauntog. Nagmulat ako ng mata at akma sana akong babangon ng manlaki ng todo ang mata ko. "SH*T!!!! SH*T!!!! SH*T!!!!" nagpakawala ako ng sunod sunod na mura. Habang nagmamadaling bumangon. Hinagod ko ang buhok kong tumatabing sa mukha ko at inayos ang aking damit. Lumuhod ako para pulutin yung mga folder na dala ko na nagkalat dahil sa pagkakahiga ko. "Ms. De Guzman!" tawag niya sakin "Double Sh*t" mahinang mura ko habang nananatiling nakatungo habang pinupulot yung iba pang folder. "Ms. De Guzman!" tawag niya ulit sa mas matigas na tono. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang mga folder dahil sa pagkabigla sa nakita ko. "Triple Sh*t" hindi parin ako nagaangat ng tingin sa kanya. Hindi ko magawang tumingin dahil nahihiya ako. Lalo na sa itsura niya ngayon. 'my gulay' "Ms. De Guzman!" napahinto ako sa pagpulot ng folder dahil inapakan niya yung huling folder na pupulutin ko. Nagangat ako ng tingin sa kanya sabay sigaw. "SIR NAMAN 'EH NAKAKAINIS" padabog akong tumayo sabay talikod sa kanya. Ramdam ko sa sarili ko ang sobrang pamumula ng aking mukha at tenga. Naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para bang gusto ng lumabas sa rib cage ko at kumaway sakin. Nilulunok ko ang laway ko pero parang wala akong nararamdaman. Namimingi na rin ako hindi ko madinig ng maayos ang mga sinasabi niya. Napasinghap ako na bumalik sa wisyo nung marinig ko ulit ang boses ni Sir Lei. "Ms. De Guzman your trembling are you okay?" tanong niya ng may tonong ngisi. "O--Ooop--pPpoo okay lang po ako medyo masakit lang ang ulo ko pero okay po ako" nauutal kong sabi. Lord! Kunin niyo na po ako sobrang kahihiyan na ito "Talaga? 'eh bakit hindi ka makatingin bakit nakatalikod ka sakin?" nakangisi niyang tanong habang nakacross arm at yung kanang hinlalaki ay kinakagatkagat ng kanyang mga ngipin. hindi ko magawang ibuka ang bibig ko sa sobrang kaba pakiramdam ko'y naputulan na ako ng dila. Ilang beses pa akong nagpakawala ng malalalim na hininga. pumikit ako ng mariin saka lumunok ng sarili kong laway. Parang mas mahirap pang sagutin yung tanong nya kesa sa bar exam question "Eh kasi naman sir. Hindi mo naman sinabing may papandesal ka dito edi sana nakaorder ako ng kape at pansit bago pumunta dito." idinaan ko nalang sa biro yung sagot ko dahil naku bibigay na talaga yung tuhod ko sa sobrang tensyon. ilang sandali kong inantay ang isasagot niya sa sinabi ko pero wala akong ni isang salita na narinig. Nagtaasan ang balahibo ko ng maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko kaya mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko. Lalo na at naiimahe ko ang itsura niya ngayon. Nakatapis lamang ng puti at maliit na tuwalya ang ibabang parte ng katawan. Basa ang buhok habang may mga butil ng tubig na tumutulo pa sa kanyang mukha at dibdib hanggang sa mga namumutok niyang abs. Naramdaman ko nalang ang pag amoy amoy niya sa buhok ko hanggang sa tumapat ang mukha niya sa pagitan ng balikat at leeg ko hanggang sa lumapat ang labi niya sa likod ng punong tenga ko. Napapikit ako ng mariin at nakaramdam ng pangingilabot sa aking katawan mula paa hanggang ulo. Damang dama ko ang init ng bawat hiningang pinapakawalan niya na nagdulot din ng init sa aking katawan. "Sorry hindi ko pinamimigay ang pandesal ko" bulong niya sa senswal na tinig. Sabay tumawa ng pagak. Kunot noo akong humarap sa kanya, kuyom ang aking mga kamay habang sinasamaan siya ng tingin. "tong gagong 'to pinaglalaruan ako. Pasalamat ka boss kita kundi hhhmmm nakuuuuu!!! nanggigigil ako sayo sir" bulong ko sa sarili. -------- Tahimik lang akong nakaupo sa malaking couch na nasa gitna ng sala nitong condo ni Sir Lei. Malaki ang sukat nito kumpara sa mga mga normal na couch na nakikita ko sa mall o sa magazine. Napaka kumportable din nitong upuan para tuloy akong hinahatak ng antok sa sobrang lambot nito. Kung tutuosin para na talaga itong kama sa akin. Mas malaki at mas malambot pa kasi ito kesa sa higaan ko sa apartment na tanging papag lang ay may manipis na foam. Naglikot ang mga mata kong pinasadahan ang kabuoan ng condo unit ni Sir Lei sobrang laki nito parang dalawampung beses ang laki nito sa apartment ko. Napaka manly din ng interior design nito tanging black, white and gray lang ang combination ng kulay ng lahat ng gamit niya at pintura ng dingding. Ang gaganda din nga mga appliances at mga decoration halatang mamahalin. Parang nakakatakot hipuin ang mga ito pag nabasag mo siguradong sa kulungan ang bagsak mo. Tumayo ako at marahang lumakad papunta sa balcony katapat ito ng living room ni Sir Lei. Meron itong malaking glass door na naghihiwalay sa sala at balcony. Pagkalabas mo dito bubungad agad sayo ang isang malaking couch na pang sampung tao nalapaligiran yun ng iba't ibang klaseng halaman. Sa haliwang bahagi ay may mahabang lamesa at mga upuan. Sa kanang habagi naman ay may nakalagay na dalawang hanging chair na puno ng mga unan. Nasa tipat nito ang isang infinity pool. Naglakad ako papunta sa glass railing para mas lalong makita ang buong tanawin. Ang ganda dito lalo ngayon na pagabi na kitang kita ang papalubog na araw ganun din ang nagsasayawang ilaw ng mga sasakyan at ilaw ng mga kalapit na building nito. Pumikit ako para damhin ang paligid. Hinahampas ng malakas na hangin ang mahaba kong buhok malamig ito at napaka sarap sa balat. Napayakap tuloy ako sa aking sariling katawan dahil sa naramdaman kong ginaw. Napadilat ako at biglang hindi nakakilos dahil sa dalawang matigas na brasong pumulupot sa maliit kong bewang mula sa aking likod. Ramdam ko ang mainit niyang katawan na nakalapat sa akin samantalang ang mukha niya ay nakasandal sa pagitan ng aking balikat at leeg. Tahimik lang kami parehas ng mga sandaling iyon tanging mabilis na paghininga lang ang madidinig saming dalawa. Mahigpit ang yakap na ginawad niya sakin. Habang ang mga daliri niya'y malambing na humahaplos sa aking tiyan. Puno ng pagtataka at mga taong ang isip ko dahil sa mga kinikilos ni Sir Lei. Hindi ko maintindihan kung bakit minsan napaka sweet niya sakin. Minsan naman wala siyang ginagawa kundi manginis. Hindi ko din maintindihan ang sarili kung bakit hindi ko magawang tumutol o magreklamo sa ginagawa niya. Kahit pa naiilang ako hindi ko siya magawang itulak o itaboy para bang nagugustuhan ko pa ito. "Malamig dito, pasok na tayo sa loob baka magkasakit ka" aya niya sa malambing na boses habang nananatiling nakayakap sakin. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko ay akayin papasok. pagkapasok namin dumapo agad ang mga mata ko sa kabuoan niya. Nakatalikod siya sakin at kitang kita ko mula dito ang lapad ng kanyang likod at laki ng mga muscle dahil sa suot niyang white sando at gray sweatpants. Magulo din ang kanyang buhok na para bang sinuklay lang ito ng daliri na mas nagpalakas ng dating niya. I like him more with his messy hair. Umaalingasaw din sa buong condo niya yung masarap na amoy ng kanyang pabago. Mas lalo tuloy siyang sumarap sa aking paningin. Napayuko ay sa hiya ng biglang kumalam ang sikmura ko alam kong nadinig niya din yun dahil napaka tahimik dito sa condo niya. Napasinghap ako nang bigla nalang itong humarap siya sakin ng nakangiti. "Naguguton ka ba? anong gusto mo? oorder ako ng food natin." "Huwag na po kaung magabala sir dinala ko lang naman po ang mga ito aalis na din po ako" sabay abot ng mga folders and usb na pinapadala niya. Humarap siya sakin at pinanliitan ako ng mata. "who said you were leaving?" tanong niya na nagpapanganga sakin. "Po?" "Hindi ka aalis, may ipapagawa pa ako sayo" "Pero kasi sir....." putol niya sa sasabihin ko sabay tinaasan ako ng kilay. "What?" "may pasok po kasi ako ngayon sa elixir kaya po hindi-----" "Then call them, tell them you can't go to work" "pero sir...." "No more buts Ms. De Guzman your my secretary and that's part of your job kaya sundin mo nalang ako. I have a lot of work and I need all that tomorrow so I need your help to finish it." wala na akong nagawa sa pakiusap na yun ni sir kaya naman agad kong tinawagan si Leo para ipaalam na hindi ako makakapasok ngayon. Wala naman daw problema sabi niya bawi nalang daw ako next time madami na rin daw kasing nagaabang na customers sakin sa bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD