Chapter 5: Coffee

1458 Words
My first two weeks in Sir Lei's company were not easy napaka daming adjustment ang ginawa ko pagdating sa schedule ganun din sa routine ko sa school at sa trabaho. Kahit week ends ay busy parin ako. Laking pasasalamat ko nga dahil napakiusapan ko yung mga professor ko na kung pwede kong iSit in sa ibang araw o oras yung klase nila na hindi ko mapapasukan dahil sa trabaho ko. Pumayag naman sila. Sayang daw kasi kung magLOA pa ako halos isang semester nalang. Nauunawaan naman daw nila ang kalagayan namin dahil karamihan talaga sa mga law students ay puro mga nagtatrabaho. Naikwento ko na rin kila Mama Ten ang pagtatrabaho ko sa Lee Empire and they suggest na bitawan ko muna daw ang Elixir pansamantala hanggat hindi pa ako nakakabayad kay Sir Lei baka daw kasi bumigay ang katawan ko sa sobrang pagtatrabaho. Pero hindi ako pumayag, kailangan ko din kasi ang kita ko sa Elixir para naman sa pang gastos ko sa bahay at sa school. Kaya ang nangyari nagbawas nalang ako ng workload sa Elixir tanging yung mga araw nalang na dagsa ang tao ang kinuha ko. "Hi sir, Good morning" pagbati ko. Nandito ako ngayon sa loob ng opisina niya dahil kailangan kong magpapirma para sa Proposal ng Engineering Department na binigay ni Mr. Aguilar. "Ok wait for a moment I'll read it first." inabot ko ang folder na agad naman nitong binuklat. Tahimik lamang akong naghihintay sa gilid habang tinitignan ang opisina ni Sir Lei. Napaka tahimik dito sa loob at tanging tunog lamang ng aircon ang maririnig mo kaya nakakahiyang gumawa ng ingay. Tambak din ng mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya. Tanda na marami siyang trabahong tinatapos. Seryoso ang kanyang mukha habang nagbabasa. Bahagyang nakakunot ang noo habang nakaawang ang mga labi. "Coffee sir?" alok ko sa kanya habang siya ay seryosong nagbabasa. "Sure, no sugar please, Thank you Ms. De Guzman." nagangat siya ng tingin sa akin saka ngumiti. Agad naman akong nagpunta sa mini kitchen sa loob ng opisina niya para ipagtimpla siya. Pero agad din akong napabalik dahil wala na pala siyang mga supplies dito. "Sir wala na po pala kayong supply sa kitchen nyo. Bibili nalang din po ako pagkahatid ko nyan sa Engineering Department." sabi ko. "Hindi mo na kailangang gawin yun iuutos ko nalang sa iba yung mga supplies dito para hindi ka mapagod. Sa cafeteria mo nalang muna ako ikuha ng coffee ko. Isabay mo na 'to". Pagkaabot niya sa akin ng folder ay nagpaalam na ako agad. Akmang pipihitin ko na ang pinto ng tawagin niya ulit ako. "Ms. De Guzman?" "Yes Sir?" lumingon ako ng may pagtataka sa mukha. "Bagay sayo yung suot mo. Mas lalo kang gumanda." biglang sabi nito na nagpangiti sa akin. Ramdam kong pinamulahan ako ng mukha dahil sa papuring sinabi niya sa akin. "Thank you sir, UK lang yan" sabay ngiti. "anong UK?" tanong nito. "Ukay-Ukay" sagot ko habang tumatawa palabas ng opisina niya. pagka galing ko sa office ni Sir Lei dito na ako dumeretso sa Engineering Department para ibigay itong papeles kay Mr. Aguilar. Napasinghal ako sa gulat pag pasok ko ng opisina nila dahil napatingin agad sa akin ang mga emoleyado dito. Karamihan sa kanila ay lalaki at infairness lahat sila gwapo. Isang lalaki naman ang agad na sumalubong sakin. Matangkad ito at gwapo din. "Excuse me Miss naliligaw ka ata? "Huh? Engineering Department 'to db? napakunot noo ako at iniisip ko kung tama ba yung floor na pinagbabaan ko. "Oo pero naliligaw ka. "Hindi, dito talaga ako pupunta hinahanap ko si Mr. Aguilar" "Naliligaw ka nga talaga miss.....andito ka kasi sa puso ko" di ko pa na gets nung una yung sinabi niya. NagpiPick up line pala siya. "Pumipick up line ka ah. Ang corny!" tumatawa kong biro sa kanya. "Corny ba?" may pa sad face pa. "Yaan mo sa susunod gagalingan ko." dagdag pa nito habang tumatawa. "Para ba kay Mr. Aguilar yang dala mo?" tanong nito. "Biro lang yun ano ka ba? Oo andiyan ba siya ngayon? pinapapirmahan niya kasi ito kay Sir Lei urgent daw kaya dinala ko na dito." "Nasa site si Sir ngayon ako nalang ang magbigay niyan sa kanya. Secretary niya ako. Ako nga pala si Miguel" sabay lahad ng kamay niya. "I'm so happy I finally meet you Ms.Alora Cielo De Guzman." nagulat ako kasi kilala niya ako samantalang ako ngayon ko lang siya na kita at nakilala. "Nice to meet you too. Bakit mo ako kilala 'eh ngayon lang tayo nagkita?" takhang tanong ko sa kanya. " Hindi mo ba alam? Sikat ka dito sa building natin. Marami kang taga hanga lalo na sa Department namin" nakangising sagot nito. Habang namula naman ang kanyang mga tenga pagkatapos niyang sabihin yun. "Para pala akong artista dito. Nakakahiya naman!" ngumingisi kong sabi habang nagkakamot ng batok. "Matagal ka na naming gustong makilala ng mga kaibigan ko kaso parang lagi kang busy. Saka laging nakabakod si Mr. Lee sayo kaya hindi ka namin malapitan." tumatawa nitong kwento. "Grabe sa makabakod hehe sino ba yang mga kaibigan mo gusto ko silang makilala" "talaga? naku siguradong matutuwa sila Shala niyan. Taga marketing Department naman sila. Minsan sabay ka saming maglunch sa cafeteria." pag aaya nito. "Oo ba walang problema lagi lang din naman akong kumakain dun. Oh 'sya pano mauna na ako miguel. Pabigay nalang yan kay Mr. Aguilar may pinapagawa pa kasi si Mr. Lee. Nice to meet you again Miguel see you around." ngumisi ako saka ako kumaway bilang pagpapaalam sa kanya. Dito ako dumeretso sa cafeteria pagkatapos kong makipagusap saglit kay miguel at maibigay yung proposal na pinirmahan ni Sir Lei. Paniguradong hinahanap na ni Sir yung kape niya. Kaya agad akong nagtimpla ng kape tulad ng request niya. Patapos na ako ng bigla kong maramdaman ang mga bulto ng tao na nasa likod ko. Marahil magtitimpla din sila ng kape dahil oras na ng coffee break ngayon. Dali-dali kong inangat sa lamesa ang mainit na tasa ng kape. Hinarap ko sila at nginitian bilang pag bati. Lalakad na sana ako paalis ng harangin ako ng isang babae. Nakahalukipkip ang kanyang mga braso at nakataas ang isang kilay. G1: "Look who's here kung sinuswerte ka nga naman pinaguusapan lang natin kanina ngayon nasa mismong harap na natin." hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy nila hindi ko naman kasi sila kilala at wala naman akong atraso sa kanila. G2: "Para ba kay Sir Lei yang tinimpla mong coffee? uugghhhh! how thoughtful." sarkastiko silang humalakhak. G3: "Ikaw yung bagong secretary si Sir Lei diba?" tanobg naman nung isa. "oo ako nga, may kailangan ba kayo kay sir?" ani ko. G1: "kay sir wala pero sayo meron" G1: "ako nga pala si Gladys ex-personal secretary ni sir Lei. Ako lang naman yung pinalitan mo." "I'm sorry I didn't know" "I'm sorry???" sarkastiko siyang tumawa. "alam mo bang dahil sayo kaya ako nilipat ng ibang department. Okay na ako sa position ko pero dahil sayo bumalik na naman ako sa umpisa." nanggagalaiti nitong sumbat sakin. Nanlilisik at namumula ang kanyang mga mata na nakatingin sakin. "hindi ko alam yung sinasabi mo I'm sorry" G1: "hindi ko alam kung anong pinakain mo kay Sir Lei para mapapayag mo siya o baka naman bumukaka ka sa harap niya kaya naging secretary ka niya ng walang kahirap hirap samantalang lamang naman ako sayo. Kaya kong magtrabaho hindi lamang sa opisina kundi pati na rin sa kama." pagmamalaki nito. "Miss, Wala akong kinalaman sa kung ano man ang nangyari sayo kung may problema ka bakit hindi si Sir Lei ang kausapin mo. Wala akong kasalanan sayo. Sorry mauuna na ako." pag hingi ko ng paumanhin. Agad na akong lumakad dahil ayoko ng humaba ang usapan. Galit siya, kaya kahit anong ipaliwanag ko siguradong hindi naman siya makikinig. malakas niya hinampas yung lamesa malapit sa amin dahilan para makakuha kami ng atensyon mula sa ibang mga empleyado na nandito. Nakatingin lamang sila sa amin na para bang nanonood ng teleserye at ako talaga ang artista. "Hindi pa tayo tapos." Sigaw nito sakin saka niya ako malakas na tinulak sa aking braso. Kaya naman tumapon mula sa balikat ko hanggang dibdib yung mainit na kape ganun din sa aking braso at kamay. "aaaahhhhhh" napa hiyaw ako dahil sa sobrang init. Naguunahan na ring tumulo ang mga luha sa mata ko dahil sa sakit na nararamdaman. Nanginginig ang aking mga kamay sa hapdi. "Cielo" umalingawngaw sa buong cafeteria ang pangalan ko dahil sa sigaw ng taong yun. Agad niya akong dinaluhan habang nanginginig ang mga kamay. "Cielo are you okay? tara dadalin kita sa clinic" naramdaman ko nalang ang mga kamay nito na kumapit sa aking braso at bewang at marahan niya akong inalalayan. 'Miguel?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD