Chapter 10: Weak

1962 Words
Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad papuntang stage. Hindi ko alam kung bakit ang saya ko. Parang ang gaan ng pakiramdam at puso ko. Dahil ba sa kinakausap na ako ulit ako ni Sir Lei sa tagal na hindi niya ako kinibo? o dahil sa kaisipang makakatugtog ulit ako gamit ang grand piano na ang huling beses na nakatugtog ako nito ay noong panahong buhay pa ang mama ko? May ilang crew ng restaurant ang tumulong sakin para icheck yung grand piano na gagamitin ko. Humingi din ako ng pabor na kung pwedeng makagamit ako ng mic dahil balak kong kumanta habang tumutugtog ng piano. Nagtinginan pa muna sila na para bang nagulat sa hiniling ko at sa huli ay ngumiti sakin at binigyan ako ng mic na nakalagay sa stand. Habang inaayos namin yung mga gagamitin ko ay napasulyap ako sa table namin ni Sir Lei. Kitang kita ko mula rito ang malalamlam niyang mata na walang kurap na nakatitig sakin. Kinawayan ko siya saka nginitian. Napangiti siya sa ginawa ko. Pagkaraan ay nakita kong pinasadahan niya ng dila ang ibabang labi niya saka parang kinagat ito para itago ang ngiti. Nagiwas ako ng tingin at ibinalik ko ang atensyon sa mga crew sa tabi ko dahil naramdaman kong pinamulahan ako ng mukha sa ginawa niya. Nang matapos sa pagSet up yung nga crew sinabihan na nila akong ready na yung mga gamit at pwede na akong magsimula. Nagpasalamat ako sa kanila saka umupo sa tapat ng grand piano. Sinulyapan ko ang mga guest na nasa loob ng restaurant. Ang ilan sa kanila ay takang taka sa mga nangyayari sa paligid. May ilan namang busy kumain at makipag usap sa mga kasama sa hapag. Bago ako magumpisang kumanta ay nagbigay muna ako ng pagbati sa kanilang lahat. "Hi Good afternoon everyone. I know all of you are wondering why I'm here. I am not a professional singer or a musician but I just wanted to sing for you. By the way my name is Alora and I'm going to sing Weak by Brian Alexander Morgan. I hope you like it. Thank You!" Simula nung araw na yun ito ata ang unang beses na kakanta ulit ako na walang mask na nakasuot sakin aking mukha. Kaya medyo nanibago ako sa aking sarili. (Now playing: Weak-Moira Dela Torre cover) I don't know what it is that you've done to me But it's caused me to act in such a crazy way Whatever it is that you do when you do what you're doing It's a feeling that I want to stay habang tinitipa ko sa piano ang bawat chords ng kanta ay nakapikit lamang ako at ninanamnam ang bawat musika na nililikha ng pianong nasa harap ko. 'Cause my heart starts beating triple time With thoughts of loving you on my mind I can't figure out just what to do When the cause and cure is you Hindi ko alam kung bakit mukha ni Sir Lei ang nakikita ko habang ako ay nakapikit. Napapangiti nalang ako habang kumakanta. I try to control my self hindi ko alam bakit parang kinikilig ako sa mga oras na ito. I get so weak in the knees I can hardly speak (I do) I lose all control (control) And something takes over me (takes over me) In a daze, your love's so amazing (amaze) It's not a phase I want you to stay with me (stay with me) Dinig ko ang malakas na palakpakan ng mga guest sa restaurant. Nagmulat ako ng mata para tignan sila. Nilibot ko ang aking tingin at nakita kong lahat sila ay huminto sa pagkain at nakangiting nakatingin lamang sakin. By my side, I swallow my pride (my pride) Your love is so sweet It knocks me right off of my feet Can't explain why your love, it makes me weak Time after time after time I tried to fight it But your love is… sa huli ay sa iisang tao ko lang tinuon ang aking mga mata. Kapwa kaming nakatitig lang sa isa't isa habang nakangiti na para bang ang bawat lyrics ng kantang ito ay sinasabi ko lamang sa kanya. I get so weak in the knees I can hardly speak (I do) I lose all control (control) And something takes over me (takes over me) In a daze, your love's so amazing (amaze) It's not a phase I want you to stay with me (stay with me) Lalong naginit ang pisngi ko dahil hanggang sa matapos akong kumanta ay hindi inalis ni Sir Lei yung mga titig niya sa akin pati ang mga ngiti sa labi niya ay hindi rin nawala. Nagrequest pa ulit ang mga guest ng isa pang kanta. Tinignan ko si Sir Lei kung okay lang sa kanya na pagbigyan ang mga guest baka kasi naiinip na siya. Tinanguan niya ako bilang sagot na pumapayag siya. Wala pa din naman yung pagkain namin kaya pinagbigyan ko na yung request ng mga guest. Natutuwa akong makita na nageenjoy sila. May ilang mga guest pa nga ang tumayo at sinayaw ang mga partner nila kahit may mga edad na at sweet na sweet pa rin. Nakakakilig at nakakainggit silang tignan. Dalangin ko na sana kapag umedad ako ay ganyan din kami kasweet ng magiging kapartner ko. "oh laway!" akmang sinahod ko ung palad ko sa baba niya sabay wagwag. Tinignan ko siya habang abot tenga ang ngiti ko. "are you inlove to me now?" dagdag kong pangaasar dito. Natatawa lamang ako sa pag busangot ng mukha niya at hindi na nagawang magsalita. "stop teasing Ms. De Guzman" pagbabanta nito sakin. huminto na ako sa pagaasar sa kanya at nanatili nalang na tahimik. 'eh pikon' ilang sandali pa ay dumating na ang inorder niyang pagkain. Tahimik lamang kami habang isa isang inilalapag ang mga pagkain sa lamesa. Nakakagana ang masarap na amoy ng mga ito at pati ang itsura ay nakakatakam din. Parang mas lalo tuloy akong nakaramdam ng gutom. "satin ba ito lahat?" nagtatakang tanong ko na tinanguan lang niya bilang tugon. Ang dami niya kasing inorder kung para sa aming dalawa lang. He ordered Grilled tuna and beef stroganoff meron ding lasagna and vegetable salad saka plain rice dahil hinsi raw ako mabubuhay ng walang kanin. 'at totoo naman un'. Nagpa additional order pa siya ng Creamy Peanut butter mousse for dessert na tlaga namang nagpalaway sa mga mata at bibig ko. "wooooow! alam mo bang favorite ko ang peanut butter?" namamangha kong kwento sa kanya. Hindi na ako nakapag pigil at agad ko na itong binawasan. Napaungol pa ako at umarteng kinikilig sa sarap. Natawa siya sa inakto ko at sinabing iorder niya pa ako nun for take out. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng lumapit sa table namin yung waiter kanina kasama yung manager nila. They gave me a Lemon Raspberry cheesecake as a token para sa pagkanta ko kanina. Naging maganda ang feedback sa restaurant nila dahil marami daw natuwang guest na ginawa ko. She also offered me a part time job as a singer sa restaurant nila kung sakali daw na kailanganin ko. I said that I will conaider their offer. "What a beautiful couple" dinig namin mula sa taong nagsalita malapit sa table namin. May edad na ito pero kita parin ang pagiging matikas at kagandahang lalaki. Nasa tabi naman niya ang isang ginang na maganda ang postura malaliwalas ang mukha at may magandang ngiti. "Oh hi Mr. Montecarlo, how are you?" pagbati ni sir Lei nagpunas siya ng bibig at saka tumayo para iabot ang kanyang kamay sa lalaki. "Im Philip Kalei Lee of Lee Empire nice to see you here sir." pagpapakilala niya habang nakikipag kamay. "Yeah, who doesn't know you? your one of the asia's eligible bachelor ofcourse I know you young man" nakangiting bati nito sabay tapik sa balikan. Pagkaraan ay humalik naman si Sir Lei sa pisngi ng ginang at binati din ito. Ako ay yumuko lang sa harap nila at bumati. nagulat ako ng biglang hinaplos ng ginang ang aking buhok at hinawakan ang aking pisngi "You're so beautiful hija" nakangiting sabi nito. "your a lucky man hijo you have a very beautiful and talented girlfriend" turo sakin ni Mr. Montecarlo habang silang tatlo ay nakatingin sa akin. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa hiya dahil napagkamalan pa akong girlfriend ni sir. "ayyy..sorry po sir pero nagkakamali po kayo secretary niya lang po ako." pagtatama ko dito. "Oh just like we are" sabay kindat sa kangang asawa. "My lovely wife is also my secretary when I fall inlove with her. We have gone through many trials but look at us now we grow old loving each other. And I admit I am still madly in love with her." nakangising kwento nito sabay halik sa likod na kamay ng kanyang asawa. I look at them, then smiled. Their love story is an image of happy ending. They conquer all trials, pain and judgement of others because of their love for each other. They make me realized that to love is to fight. Ipaglaban mo kung mahal mo even if it cost alot of tears and pain. Loving someone is like dealing with war if you are not brave enough, you will lose. If you will back out, you will suffer and If you will not fight, you will die. "but if the two of you doesn't really have any relationship ibig sabihin may pagasa pa pala ang unico hijo ko" sabay halakhak nito. Natawa lang din kami sa sinabi niya maliban kay Sir Lei na parang hindi nagustuhan ang sinabi nito at sinamaan pa ako ng tingin sa pagtawang ginawa ko. Tumahik ako at lihim na tinapik ang bibig. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin sila Mr. Montecarlo hindi na daw sila magtatagal dahil may out of town trip pa daw sila ng kanyang asawa. He said that he is looking forward to have a partnership with Lee Empire na sinangayunan naman ni Sir Lei. Nabanggit din ni Mrs. Montecarlo na kukunin niya akong guest singer sa mga event ng company nila at ng makilala ko din daw ang anak nila. Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanila. Nakaupo na ulit kami at tinapos ang pagkain. Nagangat ako ng tingin kay Sir Lei. Pansin ko na hindi na niya ginalaw ang pagkain. Nakahawak lamang ito sa kanya baso at minsanang sumisimsim dito. Walang emosyon ang kanyang mukha na nakatitig lamang sa akin. Huminto ako sa pagsubo. nagpunas ako ng bibig at uminom ng tubig. "may problema po ba? hindi mo na ginalaw yung pagkain mo?" nagaalala kong tanong dito. Nagbaba siya ng tingin at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. Hindi siya umimik. hindi siya kumibo. nakatungo lang ang ulo nila. Hindi ako mapakali kasi hindi na naman niya ako pinapansin. "ui! sir? galit ka ba? may nagawa na naman ba ako? may nasabi ba akong masama?" sunod sunod na tanong ko pero wala manlang siyang sinagot. Hinuli ko ng tingin ang mata niya pero wala parin itong emosyon. "sorry na! wag ka ng magalit!" paglalambing ko dito. pero nanatili siyang walang kibo. "May pagasa pala ah!" paguulit niya sa biro ni Mr. Montecarlo kanina. "gustong gusto rin" paghihimutok nito saka ako tinaasan ng kilay. Ano na naman kayang arte niya ngayon. Nagseselos ba siya dun sa anak ni Mr. Montecarlo? sineryoso naman niya masyado yung sinabing biro nung matanda. "nagseselos ka ba?" isina wika ko ung salitang nasa isip ko lamang. Mukhang hindi niya napaghandaan yung tanong ko. Bahagya siyang naubo dahil sa biglaang paginom ng tubig. Ang pinipigilan kong tawa ay kumawala sa aking bibig. Sinamaan niya ako ng tingin pero patuloy parin ako sa pagtawa. "Ang cute mong magselos" natatawang pangaasar ko dito. "Shut up or else I'll kiss you" aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD