Chapter 9: Cheers

1812 Words
"Anong problema nun?" bulong ko sa sarili habang nananatiling nakatingin sa nakasarang pinto. Minsan hindi ko na talaga maintindihan kung anong ugali ang meron ang boss ko. Mula kagabi hanggang kanina maganda pa ang mood niya pero ngayong nasa opisina na kami nagiba na naman ang ihip ng hangin. Pati pinto pinagbubuntunan niya ng galit. Siguro ay hindi lang siya nakatulog ng maayos kagabi kaya mainit na naman ang ulo. Ipinagkibit balikat ko nalang ang nangyari at muling itinuon ang isip sa mga regalong nasa ibabaw ng lamesa ko. Napakunot noo ako nang maalala ko yung sinabi ni Sir kanina "style nila bulok". Ano kayang bulok dun? ang sweet nga 'eh. Ang dami na naman niyang pinadalang regalo sakin tiyak na matutuwa na naman sila shala nito. Napangiti ko. Sino nga kaya talaga ang nagpapadala ng mga regalo sa akin? Nahihiwagaan na ako sa kanya gusto ko ding malaman kung ano ang intensyon niya para gawin ito. Maghapong hindi lumabas ng opisina si Sir Lei. Kahit ipatawag o utusan ako ay hindi niya ginawa. Tuwing may kailangan siya ay ini E-mail lang niya ako ni tawagan sa telepono ay hindi niya ginagawa. "hhhaaayyyy" buntong hininga ko. Ano na naman kayang nagawa ko at mainit na naman ang ulo niya. Pabalik ako ngayon sa aking table pagkagaling sa comfort room ng makita ko si Sir Lei. Nakatayo sa pinto ng kanyang opisina nya habang nakapamewang. Kunot ang kanyang noo habang isa isang tinitignan ang mga empleyado niya. Nagmadali akong lumakad palapit sa kanya at baka may kailangan siya. "Sir, may kailangan po kayo? sorry nagCR lang po ako saglit." sabi ko. nagtaka ako dahil parang wala siyang narinig. Tinignan lang niya ako pagkatapos ay umuling at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng opisina niya. Napanganga nalang ako sa kinatatayuan ko. Napanguso ako. Ano ba kasing nagawa ko. Sa mga sumunod na araw ay mas naging abala pa ako. Tinambakan kasi ako ng trabaho ni Sir Lei at lahat daw yun ay "urgent" kaya naman nagagahol ako sa trabaho. Ultimo pagkain ay nakakaligtaan ko na dahil sa pagiging abala. Napipilitan din akong mag OT ng isa hanggang dalawang oras para lang matapos ang trabaho. Wala pa ring nagbago sa pakikitungo niya sakin hindi parin niya ako kinakausap thru Email parin ang ginagawa niya pag may kailangan siya. Sa araw na ito nakatanggap na naman ako ng regalo. Isang box ng donut, tatlong pirasong iced bottled coffee at isang bouquet ng white roses ang inabutan ko sa aking table pagkarating ko kaninang umaga. Gusto ata akong patabain ng secret admirer ko sa mga regalo niya sakin. "Hindi ko alam na malakas pala ang dating ng sekretarya ko sa mga lalaki" napaigik ako pagkarinig ko sa pamilyar na boses. Nilingon ko siya sa aking likod. "U-uhmm G..goodmorning po sir!" bati ko rito ng may maliit na ngiti. Wala manlang kasing reaksyon ang mukha niya kaya hindi ako pwedeng magpabibo ngayon baka lalo akong samain. Lumapit siya sa table ko at tinignan yung mga regalong nakaibabaw dito. Narinig ko pa ang pag palatak ng dila nito saka ngumiti ng mapait. Pagkaraan ay bumaling siya sa akin ng may masamang tingin saka naglakad papasok ng kwarto niya at nilagpasan ako. Tinignan pa niya pa ulit ako ng mariin bago tuluyang isara ang pinto. "speaking of....akala namin di ka na magbreak" sabi ni Eloisa. umupo ako sa tabi niya pagkalapag ng bag ko sa lamesa. "anyarrreeee girl? lunchbreak palang pero parang uwian na ang awra mo" pang aasar ni shala. "grabe!!!! pagod na ako. Ang daming tinambak na trabaho sakin ni Sir Lei malapit na akong ugatin sa table ko" sabay himas sa aking batok at balikat. "halata nga girl. Parang pinahihirapan ka ng boss mo. May kasalanan ka siguro" sabi ni Tina. napakunit noo ako.'ano namang kasalanan ko?' "oh sya wait lang oorder lang ako" akma na akong tatayo ng biglang marinig ko ang boses ni miguel. "ohhh san ka pa pupunta? umupo ka na diyan inorderan na kita" sabi ni Miguel. Napatingin tulot samin sina shala at ngumisi ng parang may kahulugan. "Aba! nakakatampo naman. Tagal na nating magkaibigan pero hindi mo kami pinagsilbihan ng ganyan" pagmamaktol ni Shala. "ikaw naman nagtampo ka na agad. Hayaan mo pag nalate ka din ng break ioorder din kita basta babayaran mo ha?" sagot ni miguel na ikinatawa namin. kakatapos ko lang magdasal at magsisimula ng kumain ng bigla akong sikuhin ni Eloisa sa tagiliran. Napatingin ako sa kanya saka nginuso ng pinto ng cafeteria. Napalingon kaming lahat ng makita namin si Sir Lei palakad sa dereksyon namin. Napatayo ako sa kinauupuan ko at mariin siyang tinignan habang papalapit samin. "may kailangan po ba kayo sir?" tanong ko pagkahinto niya sa table namin. Walang reaksyon ang mga mata niyang nakatitig lamang sa akin. "Sumama ka sakin may pupuntahan tayo" sagot nito. Napakapit ako ng madiin sa lamesa namin dahil sa sinabi niya. 'jusko naman sir. nagugutom na ako pwede bang kumain muna?' bulong ko sa sarili.. "pero sir hindi pa ako kumak.........." "Sorry to disturb you guys, but can I excuse Ms. De Guzman?" putol niya sa pagsasalita ko. sabay tingin sa mga kasama ko sa lamesa at nginitian sila. "ayy opo naman sir. ano ba kayo secretary nyo yan 'eh, oh sya cielo gumora na kayo ni Sir" pagtataboy sakin ni Tina. Pasaway talaga itong mga 'to. Walang salita niya akong hinatak bigla sa aking braso habang papalabas ng Empire building. Kita ko pa ang masamang tingin ni Miguel dahil sa paghatak na ginawa ni sir sa braso ko. Halos makaldkad na ako sa bilis niyang maglakad. Napapayuko nalang din ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga empleyadong nadadaanan namin. Pagdating sa kotse niya ay walang pagiingat niya akong tinulak papasok sa passenger seat at saka pabagsak na isinara ang pinto ng kotse. Walang pakealam kung maipit ako ng pinto. "dahan-dahan naman sir. Wala manlang kalambing lambing" singhal ko sa kanya. tinignan lang niya ako saka sumakay sa driver seat. "your seatbelt, Ms. De Guzman" utos nito na hindi ko naman ginawa. Nakahalukipkip lang ako at deretsong nakatingin sa harap ng kotse. "alam mo sir nakakainis ka" pauna kong salita saka siya tinignan ng masama. "Hindi pa ako kumakain tapos ikakarag mo na naman ako kung saan? Nagugutom na kaya ako!" busangot ang aking mukha habang sinasabi yun. "Bakit sa tingin mo hindi rin ako nagugutom? hindi pa rin ako kumakain" sigaw niya. "Ang dami-dami mong kasing pinapagawa sakin sana naman sinabihan mo ako kanina na isasama mo ako kung saan para nakapag........." nanlaki ang mata ko at natigil ako sa pagsasalita dahil biglang nasa harap ko na ang mukha niya halos isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin. "Are you complaining again Ms. De Guzman?" bulong niya habang nakatitig sa mata ko pababa saking mga labi. Halos ihinto ko ang aking paghinga dahil sa ginawa niyang iyon. Maya maya pa'y hinatak niya yung seatbelt sa gilid ko saka ikinabit. "the next time I hear you complain I won't hesitate to kiss you" he smirked. saka siya umayos ng pagkakaupo at pinaandar na ang sasakyan. Huminto ang kanyang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto at naglahad ng kamay para alalayan akong bumaba babawiin ko na sana yung kamay ko pero hindi ko nagawa dahil mas hinigpitan pa niya ang hawak dito. Habang naglalakad kami papasok ng restaurant ay inayos niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatingin ako dun kaya naman tinignan niya rin ako pabalik saka nginitian. Ang kaninang mga kamay namin ngayon ay magkasalikop na at malambing itong hinahaplos ng kanyang hinlalaki. Nakaramdam naman ako ng kiliti sa bawat haplos ng daliri niya sa kamay ko. Ilang beses ko pang binawi yung kamay ko pero hindi niya pinapakawalan. Sa tuwing magtatangma akong bawiin yun ay tinitignan lang niya ako saka tatawanan at sasabihin huwag daw akong makulit. Hinatid kami ng receptionist sa table na pinareserved ni Sir Lei saka kami inabutan ng menu. Tinanong ako ni Sir Lei kung anong gusto kong kainin pero sinabi kong siya na ang bahala. Kung anong order niya ay ganun nalang din ang sakin. Ayoko din kasing tignan yung menu nila baka pag nakita ko yung gaano kamahal yung presyo ng pagkain 'eh baka hindi ko yun magawang lulunin. Habang namimili ng pagkain si Sir Lei ang mga mata ko naman ay lumilibot sa buong restaurant. Ito ang unang beses na makapasok ako sa isang mamahaling restaurant dahil bar at fastfood chain lang ang napupuntahan. Yun lang din kasi ang afford ng budget ko. Hindi tulad dito na ang isang putahe ata ay katumbas na ng isang linggong sahod ko. Pumukaw sa mga mata ko sa isang bagay na nasa gitna ng stage. Nangiti ako sa idea na naisip ko. Napabalik lang ako sa wisyo ko ng biglang tumikhim si Sir Lei. "You look happy what are you thinking huh?" tanong niya. Inilingan ko lang siya saka ngumiti ng malaki. Nang makuha na ng waiter yung order nmin sinabihan niya kami na five to ten minutes pa daw ang hihintayin namin bago dumating ang order namin. "uhmm excuse me" pagkuha ko ng atensyon sa waiter. " yes mam?" tanong niya. "gumagana ba yung grand piano sa stage? pwede bang gamitin yun ng mga guest nyo dito?" tanong ko dito. Malaki ko siyang nginitian na parang positibong sagot ang gusto kong marinig mula sa kanya. Kita ko naman sa sa gilid ng mata ko si Sir Lei na para bang gustong magprotesta. "Yes mam gumagana po yan. Actually para po talaga yan sa mga guest namin na gustong tumugtog we allow them to use it as long as they want" paliwanag niya na nagpaningning ng aking mata. "gusto nyo po bang gamitin mam? I will accompany you." Tumango ako at sinabi ko sa waiter na gusto kong tumugtog. Sinabihan niya ang manager nila sa gusto kong gawin at pumayag naman ito. Nagpaalam din siya saglit ibibigay lang muna daw niya yung order namin sa chef para maprepare na iyon. "Ms. De Guzman, please huwag kang magkalat dito" buska ni Sir Lei sakin. Inirapan ko lang siya ng mata. "magkalat ka diyan? diba nadinig mo na akong kumanta sa elixir? mukha ba akong nagkakalat dun?" mataray kong sabi dito "nakakainlove kaya ang boses ko" pagmamayabang ko pa sabay flip ng buhok ko. "tsk" tugon niyang may ngisi sabay iling ng kanyang ulo. Inilapit ko yung mukha ko sa kanya sabay lagay ng kamay sa bandang bibig na waring may ibubulong ako. "Brace your self. Baka after nito inlove ka na sakin" sabay tawa ko. "you wish" ngumisi siya at sinandal ang likod sa upuan at ang dalawang kamay ay ipinamulsa sa kanyang pants. Maya maya pa ay dumating na yung waiter na magAssist sakin. Nagpaalam ako kay Sir Lei saka tumayo. "cheer for me okay?" sabay kindat ko dito kita ko pang namula ang punong tenga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD