Chapter 11: Jealous

2025 Words
Magandang panahon ang bumungad sakin paglabas ko ng apartment. Maaga akong nagising ngayong araw kaya naman maaga din akong nakapag handa para pumasok. "In my office now!" bungad na wika ata ni Sir Lei. Hindi manlang ako tinapunan ng tingin at deretso lang sa paglalakad papasok ng kanyang opisina. Umagang umaga pero mukang masama na naman ang timpla niya. Iniwan ko ang aking ginagawa. Bitbit ang planner book ay agad akong tumayo at dali-daling naglakad papunta sa opisina ni sir sungit. "Ms. De Guzman please cancel all my appointments this week. I will attend an important conference this coming wednesday" I noded while writing it down on the planner book. "and I want you to come with me on that conference." napaamang ako at nanlaki ang mata sa narinig. Nagangat ako ng tingin para siguraduhin kung tama ba ang narinig ko mula sa kanya. "Im sorry sir, Pero sir may pasok po ako sa Elixir hindi po ako pwedeng umabsent" I look at him intently with protest. "that's why I'm telling you now. You still have two days to inform them that you will not be able to come to work" aniya. "sa ayaw at sa gusto mo isasama kita" Araw ng martes, maaga akong pinauwi ngayon ni Sir Lei para daw makapag ayos na ako ng mga dadalin kong gamit sa pagalis namin bukas. I packed all my personal belongings from formal attire to sleepwear pati pang OOTD hanggang sa under garments and other personal stuff dala ko. Tatangayin ko din paalis yung acoustic guitar ko hindi naman siguro mamasamain ni sir kung dadalin ko ito. Inabot ako ng tatlong oras sa pagaayos ng aking mga gamit first time ko kasing makakapag out of town kaya wala akong idea kung anu ano ang dapat dalin at kung gaano kadami. Pang tatlong araw na gamit kasi yung pinadadala ni Sir Lei sa akin. Nagdala nalang din ako ng extra para kung sakaling gagala ay may damit ako. kasalukuyan akong naglilinis ng katawan bago matulog ng tumunog ang aking cellphone hudyat na may nagtext. Kumunot noon ako at nagisip. Sino naman ang magtetext sa akin ng ganitong oras. from unknown number: "wake up early I'll pick you up at 4:00 o'clock in the morning at your apartment" basa ko sa text. Si Sir Lei siguro yun. Saan naman kaya niya nakuha ang number ko. Hindi ko na ito nagawang replayan dahil wala naman akong load at wala na rin akong mapagpapaloadan ng ganitong oras. Nagkibit balikat ako at tinapos na ang paglilinis ng katawan. kasalukuyan akong nagbibihis ng muling tumunog ang cellphone ko. Nagbaba ako ng tingin sa cellphone kong nasa ibabaw ng kama kung kanina ay ringtone ng text ang umalingawngaw ngayon naman ay ringtone para sa tawag. "Hel-----" inilayo ko sa aking tenga ang cellphone dahil sa lakas ng ng boses sa kabilang linya. "Bakit hindi ka nagrereply sa text ko?" pasigaw na bungad nito. "Sorry sir, wala po kasi akong load. Gabi na rin wala na po akong mapagpapalodan dito" pagdadahilan ko. "Bakit po kayo napatawag sir?" "N--nothing!" maikling sagot nito na parang may gusto pang sabihin pero hindi na itinuloy. "Uhmm I j---just wa....nna s....say uggrrhh! just Go to sleep Ms. De Guzman! maaga pa tayo bukas. Huwag kang malelate kung hindi iiwan kita bye!" aniya sabay patay sa tawag. Hindi na hinintay pa ang sagot ko. Nakahiga na ako sa kama at handa na sa pag tulog ng maalala kong hindi ko manlang pala naitanong kay Sir Lei kung sang lugar gaganapin yung conference. Ang dami ko pa namang dalang gamit baka mamaya dito lang din pala sa manila. Natawa ako sa kaisipang iyun. Sunod-sunod na malalakas na katok mula sa pintuan ng apartment ko ang gumising sa akin. Hindi pa tumutunog ang alarm ko kaya siguradong maaga pa. Kinapa ko ang cellphone ko sa gilid ng kama para tignan ang oras. Alas dos y media palang ng madaling araw. Sino naman kayang damuho ang mambubulahaw ng ganitong oras. Bahagya akong nakaramdam ng takot. Magnanakaw? baka kaya rapist? tanong ko sa isip. Bumangon ako at hindi na nagabala pang tignan ang sarili sa salamin o di kaya ay magpalit ng damit. Dali-dali kong kinuha mula sa ilalim ng kama yung baseball bat na binigay sakin ni Leo pang self defense. Nagpunta ako sa likod ng pinto. Hinanda ang baseball bat para kung sakali ay madami kong ipupukpok ito sa ulo ng damujing kumakatok sa pinto ko. Tinanggal sa pagkakalock ang pinto. Handa ng buksan ang pinto......1......2.......3......Go! hinampas ko agad yung baseball bat sa lalaking nasa tapat ng pinto ko. Laking gulat ko ng masino ang lalaki. Nanlaki ang mata ko, napanganga ako at naitakip ang isang palad sa bibig. "Oh s**t!" "What the hell Ms. De Guzman!!!!!" Sigaw niya habang nakasangga yung braso niya sa baseball bat na nakatapat sa ulo niya. "balak mo ba akong patayin ha? at baseball bat pa talaga ang gamit mo tsk!" nanggagalaiti nitong sigaw sakin. " S--sooorrryyyy! S-sorry! S-sorry sir! hindi ko po sinasadya. Sorry po talaga" pag hingi ko ng paumanhin dito. Pinapasok ko siya sa loob saka chineck ung brasong pinang sangga sa pagpalo ko . "Alin ang masakit? ito ba? ito? ito?" may pagaalala kong tanong sa kanya. Tinitignan ko siya habang marahang hinahaplos ang parte ng brasong tinuturo ko. "ito masakit ba to? o ito? tell me masakit ba?" Sa tuwing tinatanong ko yun ay oo lang ang sagot niya at umaarte na talagang nasasaktan siya. Napansin ko ang mga ngisi niya. Napagtanto kong umaarte lang pala siyang nasaktan. Samantalang ako na abot-abot sa pagaalalaa sa kanya ay nagmukhang uto-uto na nagpadala sa mga drama niya. "Bwisit ka talaga" untag ko dito sabay hampas sa braso niya. Inirapan ko siya na mas ikinatawa pa niya. Nagkakape siya sa pang dalawahang sopa habang hinahantay akong matapos sa pagaasikaso ko ng sarili. Alas kwatro ang usapan naming dadaanan ako dito sa apartment pero alas dos y media palang ay nandito na siya. Ayaw niyang aminin pero mukhang excited siya sa lakad ngayon. Siya ang nag drive ng kotse niya papunta sa pagdadausan ng conference hindi na siya nagabala pang magsama ng driver dahil ilang oras lang naman daw ang byahe. "Matulog ka muna, malayo pa tayo" aniya. Umiling ako at sinabing hindi ako inaantok. Tahimik lang kami sa byahe. Paminsan minsan ay tumitingin siya sa pwesto ko. Ako naman ay deretso lang sa daan ang tingin at tahimik na nakikinig sa music. "san nga pala gaganapin yung conference sir?" tanong ko sa kanya. "sa quezon" maikling sagot nito. Habang deretso paring ang tingin sa kalsada. "quezon province?" nagningning ang mga mata ko. Binalingan ko siya ng tingin para kumpirmahin kung quezon province nga. Hindi maitago sa aking mata at mga ngiti ang saya. Kilala kasi ang quezon sa kaninang mga tourist attraction pati ang mga pagkain dito ay masarap din. Matagal ko ng gustong pumunta doon dahil sa sunflower farm nila at mga water falls. "Ms. De Guzman I know what you're thinking. Ipapaalala ko lang ha? trabaho ang pupuntahan natin dun hiindi gala" napalabi ako at nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay may kahit isang araw ay makakagala kami. Buong buhay ko kasi ay hindi ko pa nararanasan makapamasyal sa iba't ibang lugar. Lalo na nung nawala ang mga magulang ko. Puro trabaho at pagaaral lang ang nasa isip ko. Sayang, mukhang wala na talaga akong pagasang makita at mapuntahan manlang yung gusto kong lugar. "hhhaaayyy all right" buntong hinika nito saka ako binalingan ng tingin. "Basta may bakante tayong oras mamamasyal tayo. Huwag ka ng bumusangot diyan. Ang panget mo" pinanliitan ko siya ng mata pero nangiti na rin ako sa huli dahil sa sinabi niyang mamamsyal kami. After four hours of travel nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin for three days. Dito din gaganapin ang conference na aattendan namin kaya halos fully booked na ang mga rooms. Isang luxury room lang kasi ang pinabook niya nung isang araw. Nakalimutan daw niyang magadd pa ng isa. Tinanong niya ako kung okay lang ba sakin na magkasama kami sa kwarto. Wala naman na akong magagawa kung hindi sumangayon. "Do you like it?" tumango ako bilang tugon. Napaka ganda ng room na kinuha niya.Hindi mo iisipin na hotel ito dahil para ka talagang nasa loob ng isang malaking bahay. Kumpleto at magaganda ang gamit sa loob nito. Mukhang napagastos siya ng malaki sa room namin pero sabi niya huwag ko daw problemahin kung gano ka mahal ang gusto daw niya ay maging kumportable ako sa pag stay namin dito. "mukhang nakakarami ka na ah?" sinilip niya ang mukha ko at may pagtataka niya akong tinignan. Itinuro ko yung mga bisig niyang nakapulupot sa aking bewang. "ohh sorry!" niluwagan niya ang braso niyang nakayakap sa aking maliit ng bewang kaya naman nakakalas agad ako mula rito. Ngumisi siya saka nagkamot ng batok. Alas Diyes ng umaga magsimula ang conference kaya naman may oras pa kaming umidlip saglit at makapag pahinga sa aming kwarto. Halos isang daang katao ang participant sa conference na ito mula sa iba't ibang kumpanya. Nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ang iba sa kanila dahil kay Sir Lei. Karamihan kasi ng mga CEO na nandito sa conference ay mga kakilala at kaibigan niya. "kaya mo pala ako sinama dito ah?" wika ko sa kanya. Nakangisi niya akong tinignan. Hindi ko alam na nakakaantok palang umattend sa conference. Oh baka dahil sa first time ko ito kaya naiinip ako sa pakikinig. Sa pangalawang araw ay ganun parin ang takbo ng conference mas nakaramdam nga lang ako ng antok ngayon dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kumportable naman ang higaan pero dahil sa kaisipang iisang kama lang ang hinihigaan namin ni Sir Lei ay binalot ng ibang ibang emosyon ang damdamin ko pati ang utak ko ay hindi naiwasang magisip ng kung anu-ano. "you look sleepy," panalingon ako sa narinig kong boses. Nakangiti ito sa akin habang ang dalawang kamay ay may hawak na kape mula sa kilalang coffee shop. "Here, I bought you coffee" sabay abot sakin nung isang kape na hawak niya. Nagaalangan pa akong tanggapin nung una. Dahil sa ganda ng ngiti niya ay tinanggap ko na rin. Sino ba naman ako para tumanggi diba? nagmamalasakit lang naman yung tao. "Thank you Sir Johnson, sana po hindi na kayo nagabala pang bilhan ako napagastos pa po kayo." nahihiya kong wika sa kanya. "It's all right miss. Naalala kasi kita noong nasa coffee shop ako kanina kaya naisipan kong bilhan ka. Tamang tama naman dahil mukhang puyat ka. Hindi ka ba pinatulog ng boss mo?" nakangisi nitong sabi. para bang may iba pang kahulugan ang tanong niya. "What do you mean sir?" nagtatakang tanong ko. "ahaha Nothing..... it's nice to meet you Ms. De Guzman. I'll go ahead. Baka abutan pa ako ng boss mo" pagpapaalam nito. "By the way, You're beautiful I no longer wonder why your boss is fencing you off" ngumingising dagdag nito. Napapailing nalang ako at winaksi ito sa aking isip iba kasi ang pakiwari ko sa mga sinabi niya. "Umalis ka?" kunot noong tanong ni Sir Lei na kadarating lang. Umiling ako saka siya binigyan ng nagtatakang tingin. "Saan galing yung coffee mo?" "ito po ba? binigay po ni Sir Johnson" sabay turo ko sa direksyon ni sir johnson. Nilingon niya ito saka umiling iling. Hindi na siya nagabala pang umupo at agad na hinablot sa kamay ko yung kape. Umalis siyang bitbit yung kape na binigay ni Sir Johnson na wala manlang sinasabi. Nasa kalagitnaan na ng program nang dumating si Sir Lei. Deretso siyang naglakad papunta sa table namin. Gulat at pagtataka ang bumalatay sa mukha ko ng mapatingin ako sa kanya ng bigla niyang nilapag sa harap ko ung apat na klase ng kape at isang box ng blueberry cheesecake. "ano 'to sir? Bakit ang dami?" wala siya ni isang salita na isinagot sakin. Mariin niya lang akong tinignan saka ako inikutan ng mata. "Sa susunod kung may gusto ka sabihin mo sakin agad. Kaya kong bilin kahit ilang libong pirasong kape pa yan. Kahit yung mismong coffee shop kaya kong bilin kung gusto mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD