Chapter 12

1318 Words
Hazel Natanaw ko si mommy sa loob ng tarangkahan namin habang naglalakad pa kami ni Lyka patungo dito. Parito't paroon ang lakad niya. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko binuksan ang gate. Napatingin naman si mommy sa direksyon ko. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin. "Mommy, ba't kayo nagmamadali?"nababahala kong tanong. "Akala ko, umalis ka na anak. Akala ko iniwan mo na ako."naluluhang saad ni mommy. Kaagad ko naman na yinakap si mommy. "Ano ka ba, mommy. Kung ano-ano ang iniisip niyo. Ba't ko naman 'yun gagawin sa inyo." Umiling-iling si mommy. "Hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang ate mo." Humarap sa akin si mommy. "Tapos kaaga-aga, pumunta na rito ang banko, tatlong araw ang palugit sa atin. Kung hindi raw tayo makakapag-bayad, kukunin na raw sa atin ang bahay pati na rin ang parmasya." Mahigpit ang pagkakahawak ni mommy sa palad ko, at ramdam ko ang panginginig niya. "Hazel, may mga iba pang bangko na hiniraman ang ate mo. Anong gagawin natin?" Hinawakan ko kaagad si Lyka nang maramdaman kong aalma na siya. "Kaka-usapin ko si Ate. Siya ang debtor kaya dapat narito siya para lutasin ang ginawa niyang problema, mommy."mariin kong saad. Nagkamali ako na hayaan si Ate na magdesisyon ng lahat. Siya ang panganay kaya inakala ko na siya dapat ang magdesisyon na ng lahat pero hindi, lumubog kami dahil sa kanya. Tumango si mommy sa akin. Ngumiti ako sa kanya at dinala ko na siya sa loob ng bahay namin. Tsaka rin kami humayo ni Lyka. "Iyang ate mo talaga. Wala na talagang ginawang tama. Kinuha na nga niya ng buo ang parmasya, hindi pa niya inalagaan ng tama."nanggigigil na saad ni Lyka habang tinutungo namin ang parmasya ni Ate. "Sa kanyang pangangalaga talaga ang parmasya. Wala akong interes dito-" "Dahil iyon ang gusto ng pamilya mo, ang mawalan ka ng interes sa parmasya." "Lyka."pagpapatigil ko sa kanya. "O hindi ba, every summer na iniiwan ka sa Lola niyo para matuto sa mga halamang gamot." Bumuntong-hininga ako, matagal nang nangyari ang mga panahong iyon at nagpapasalamat na lang din ako dahil napamahal ako sa gawaing ito. Sabi nga ni Lola, itong propesyon na ito ay para talaga sa akin. Pero nagulantang ako nang abutan namin ni Lyka ang mga ilang tao sa harap ng parmasya. Nasindak ako ng makita ko pang binabato nila ang parmasya. Mabilis akong tumakbo papunta sa harap nila. Sumunod naman sa akin si Lyka. "Anong ginagawa niyo?!"nanlalaki ang mga mata kong sigaw sa kanila. "Nasaan ang ate mo? " Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa amin." "Ang sabi niya magbabayad na siya sa mga utang niya sa amin!" Napaatras ako dahil galit na galit ang mga ekspresyon nila sa akin. Pero pinatibayan ko ang loob ko. "Huwag niyong idamay ang parmasya. Ako mismo ang magpapaharap kay Ate sa inyo-" "Sa tingin mo maniniwala kami?! Hinihila na ng banko ang bahay niyo pati narin itong parmasya!" Muli silang pumulot ng mga bato at ibinato na sa amin ni Lyka. "Magbayad kayo ng utang niyo! Ang kakapal niyo na nagagawa niyo pang magpakita rito ngayong hindi niyo alam magbayad ng utang!" "Eh mga bobo pala kayo! Hanapin niyo ang babaeng humiram ng pera sa inyo at huwag kayong mag-eskandalo rito!"bulyaw ni Lyka sa kanila. "Iyang pamilya ni Hazel ang malaking eskandalo dito! Wala ng ginawa ang pamilyang iyan kundi kahihiyan dito sa atin!" Nangunot ang noo ko sa tinuran ng isa "Iyang Nanay mo, mang-aagaw kaya tignan mo ang nangyari sa kanyang buhay. Makukuha mo rin ang masamang pinunla niya. At iyang si Albert, namatay ng maaga dahil sa kanyang katarantaduhan kaya siguro naging malas narin ang anak niya." Sinugod ko ang nagsalita. "Wala kayong karapatan na pagsalitaan ng ganyan ang pamilya ko. Babayaran namin kayo kaya umalis na kayo kung ayaw niyong sampahan ko kayo ng panggugulo sa harap ng parmasya namin!" Nanlaki ang mga mata ko nang may magsimula bumato ulit sa akin. Mabuti na lang at kaagad akong umilag nang may lumipad patungo sa direksyon ko. Gayunpaman, napa-igik parin ako dahil nadaplisan ako. "O sige, magsampahan tayo ng kaso, tignan natin kung sino mananalo."sugod pa ng isa sa akin. Humarang si Lyka. "Lumapit ka pa at nang maipalagay ko na kayo sa kulungan."pagbabanta ni Lyka. Nasapo ko ang noo ko nang maramdaman ko ang hapding nagmumula dito. Mabilis akong pinasok ni Lyka sa loob ng parmasya. At kaagad niyang tinignan ang noo ko. Napatingin ako sa loob ng parmasya namin, basag lahat ng salamin at kalat-kalat ang mga gamit. Nameywang si Lyka sa harapan ko matapos niyang gamutin ang noo ko. "Saan ba nagpunta iyang ate mo?"galit niyang tanong. "Hindi ko alam. Ang akala ko nandito siya."wala sa sarili kong sagot. Bumuga ng hangin si Lyka. "Magkano lahat ng utang ng ate mo?" Hindi ako nakasagot. "Hazel."untag niya sa akin. Nanghihina ako sa nangyayari ngayon kaya hindi ako maka-imik. "Kung kukunin ng isang pinag-utangan niyang banko ang bahay at parmasya ninyo, malamang milyon-milyon ang utang niya." Tumango ako sa tinuran ni Lyka, at naikuyom ko ang kamay ko. "Lahat ng iniwang pera ni Daddy, naibayad na ni Ate kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganun kalaki parin ang utang namin sa banko." Tumingin ako kay Lyka. "Ang alam ko, konti na lang ang natira sa hiniram namin. Sa katunayan nga, iyong nasa savings account ko ang huli kong ibabayad para matapos na ang utang namin. Pero...." Humugot ako ng malalim na hininga. "Pero humiram pa sa ibang banko si Ate kaya sa totoo lang hindi ko alam kung anong banko ang humihila sa bahay at parmasya namin." Mahigpit ang pagkakadaop ng mga palad ko. "Kaya nga magkano lahat?" Napahilamos si Lyka. "Hazel, bukod sa mga banko, marami pang ibang tao na pinag-utangan ng Ate mo tapos ngayon, hindi siya mahagilap. Umayos ka nga at mag-isip." Kinuha ko ang bag ko at inilabas lahat ng sobreng dumating sa bahay namin. "Natatakot akong buksan at basahin ang mga ito, Lyka. Baka hindi ko makaya."naiiyak ko ng saad. Kinuha sa akin ni Lyka ang mga sobre at inisa-isa niya itong binuksan. "Jusko Hazel! Ang lalakeng halaga ng pera ito! Bwisit! Demonyita talaga ang ate mo!" Pinakita niya sa akin ang mga papel at mas lalo akong nanghina nang mabasa ko ito. "At ito, kita mo ito, guarantor ang nanay mo!" Natulos ako sa kina-uupuan ko. "Ako na ang pupunta sa polisya, ako mismo ang magpapa-blotter sa Ate mo!" Tumayo ako, "Lyka naman-" "Hazel, gamitin mo nga ang utak mo ha? Sa dami ng banko at ng mga taong pinag-utangan niya, sa tingin mo magpapakita pa 'yon dito!" Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Ate. "Pustahan tayo, hindi ka niyan sasagutin. Kaya habang maaga pa, habang hindi pa nakakalayo ang ate mo, ipahanap natin siya sa police." Tumutol ako sa tinuran ni Lyka, mas magdudulot ito ng dagok kay mommy. "Hazel, hindi ko hahayaan na ikaw ang haharap sa problemang ginawa ng kapatid mo at nanay mo!"nagpupuyos na saad ni Lyka. "Hindi ito katanggap-tanggap."sikmat pa niya. Binaba ko ang cellphone ko dahil hindi talaga sumasagot si Ate. "Sa panahon ngayon, normal na lang na maging masama ang ibang tao sa iyo, na iwanan ka sa ere pero ito, sarili mong kapatid, kadugo mo siya! Ni kahit sentimo sa iniwang pera ng Daddy niyo, hindi ka binigyan pati kita ng parmasya, ipinagkait sayo tapos ikaw pa ang sasalo sa mga utang niya!" Tuloy-tuloy na sermon ni Lyka sa akin. "Wala akong magagawa-" "May magagawa ka, Hazel." Tinignan ko siya. "Isipin mo rin ang sarili mo." Tumango ako. Alam ko naman na iniisip ng kaibigan ko ang kalagayan ko. Noon pa man, siya na ang tagapagligtas ko. Yinakap niya ako. "Pero Lyka, bibigyan ko pa ng isang araw si Ate-" Mabilis akong hinirap ni Lyka. "Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa kanya. Pagkatapos nito, wala na."saad ko. Napabuntong-hininga si Lyka pero tumango rin siya sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD