Chapter 13

1411 Words
Hazel Nang bumalik ako sa bahay, nadatnan ko si mommy sa salas. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone at pansin kong balisang-balisa siya. "Mommy."untag ko. Tumingin naman sa akin si Mommy. Nakatingin lang din ako sa kanya. All this time, alam niya ang panghihiram ni Ate sa iba't-ibang banko pero hindi man lang niya binanggit sa akin ito. Hanggang kailan ako bibiguin ni mommy ng ganito? "Anak."tawag niya sa akin. Tumingin ako sa gilid at bumuga ako ng hangin. Gusto ko siyang tanungin at sumbatan pero alam kong mas along ikakasakit nito ng kanyang loob. Pinigilan kong manubig ang mga mata ko bago ako humarap sa kanya at ngumiti. "Kumain na ba kayo?"tanong ko. "Hindi pa, anak. Sa dami ng iniisip ko, hindi na ako makaramdam ng gutom."nanghihinang saad ni mommy. Natusok ang damdamin ko sa tinuran ni mommy kaya pinasigla ko ang boses ko. "Magluluto ako ng paborito mong ulam, mommy."ngiti kong sabi sa kanya. Mabilis akong nagpunta sa palengke para bumili ng sangkap sa lulutuin ko. Nagluto ako kaagad nang makarating ako sa bahay. "Mommy."tawag ko kay mommy nang makapaghain ako. "Anak, hindi parin sumasagot ang ate mo."lapit sa akin ni mommy. "Mommy, kumain po muna kayo." "Pero anak-" Binigay ko kay mommy ang plato. Ngumiti naman siya sa akin at tinanggap ito. "Maswerte ako sa iyo, anak. Kahit anong mangyari, hindi mo ako iniiwan." Umupo siya at hinawakan ang kamay ko. Bumuntong-hininga siya. "Lahat ng problema natin ay matatapos kung magpapakita lang sana ang ate mo." Kumunot ang noo ko. "Anong ibig niyong sabihin, mommy?"tanong ko. "Ang totoo'y, may kilala ang kaibigan ko na handang tumulong sa parmasya natin." Napa-ayos ako ng upo dahil nabuhayan ako ng loob sa ipinaalam ni mommy. "Sino mommy?"tanong ko. Hinawakan ni mommy ang ulo niya. "Hindi ko na maalala ang pangalan, anak. Basta ang alam ko investor siya ng mga lumulubog na kumpanya. Mabait at tinutulungan ang iba't-ibang klaseng tao."sagot ni mommy. Nag-alinlangan ako dahil hindi ko inaasahan na may ganung investor na handa paring magpasok ng pera sa papalubog ng kumpanya. "Philanthropy!"nagulat ako sa boses ni mommy. "Iyon ang tawag sa kanya, anak."dagdag pa ni mommy. Napatango naman ako. "Kaya dapat anak, matawagan natin ang ate mo at maka-uwi ngayon para maka-usap ang kakilala ng kaibigan ko."nababahala nang turan ni mommy. At muli sanang tatawagan ni mommy si Ate pero pinigilan ko siya. "Mommy, please, kumain muna kayo-" "Anak, aalis din bukas ang kakilala ng kaibigan ko. Mamayang gabi ang pagkakataon na lang ng ate mo na maka-usap siya." Tumayo si mommy. "Hindi na dapat tayo mag-aksaya ng oras, hanapin na natin ang ate mo." Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan din ito. "Ako na po ang kaka-usap sa kakilala ng kaibigan niyo." Natigil si mommy at tinitigan ako tsaka siya napayuko. "Mommy, kumain na tayo." Tumango siya pero nagtaka ako dahil umupo na siya ng hindi ako tinitignan. Ilang ulit akong napalunok nang makarating ako sa harap ng hotel na sinabi sa akin ni mommy kung saan ko makaka-usap ang kakilala ng kanyang kaibigan. Inilabas ko ang cellphone ko nang tumunog ito. Sinagot ko ito nang makita kong si mommy ang tumatawag. "Anak, nakarating ka na ba?"kaagad na bungad ni mommy sa akin. "Nandito na ako mommy."sagot ko naman. "Mabuti naman kung ganun." Nagdikit ang labi ko, at nagdalawang-isip pero dahil sa kaba ko, natanong ko rin si mommy. "Mommy, siguro ba kayo dito?" Hindi ako sigurado kung tama ba na dito sa hotel ang meeting place para sa pag-uusap tungkol sa negosyo. "Oo anak, sabi ng kaibigan ko na matutulungan niya tayo basta maayos ka lang kausap." Napatango naman ako . "Kinakabahan ka ba anak?" "Hindi po, mommy. Kaya ko po ito."sagot ko dahil ayoko ng mag-alala pa siya. "Sige anak, tawagan mo ako pagkatapos." "Opo mommy."sagot ko at pinatay ko na ang tawag. Muli ako bumuo ng malalim na hininga bago ako tuluyang pumasok sa loob. Luminga ako sa paligid nang marating ko ang lobby ng hotel. Kapagkuwan, pasimple kong sinisipat ang sarili ko at inaayos ang suot ko. "Miss Hazel?" Napa-angat ako nang may tumawag sa akin. "Ikaw ba si Hazel?" Dumaan ang mga mata ko mula ulo hanggang paa ng taong lumapit sa akin. Kulay pula ang long-sleeve niya, at hindi pa maayos ang pagkakatupi nito tapos may nakapatong na shades sa ulo niya. "Ikaw si Hazel hindi ba? Anak ni Lourdes?"muling tanong ng lalake. Tumango naman na ako. "Opo, kayo po ba 'yung tinutukoy ng mommy ko?"balik ko namang tanong. Nagkamot ang lalake. "Ay hinde, tauhan lang ako, boss ko 'yung tinutukoy ng nanay mo." Napatango naman ulit ako. "Lika na, hatid na kita sa room ng boss ko." "Room?"kunot noo kong tanong. "Hindi ba dun sa restaurant ng hotel kami mag-uusap ng boss mo?"turo ko pa sa tanaw kong restaurant ng hotel. "Ay naku-naku hindi siyempre."naka-ismid na saad ng lalake. Mas lalo akong nagtaka. Saglit naman na natigil ang lalake. "Ang ibig kong sabihin, maraming dudumog sa boss ko kung diyan kayo sa restaurant mag-uusap." Napaatras ako nang lumapit lalo ang lalake. "Sikat siya eh, daming umaaligid sa kanyang babae."mahinang sabi ng lalake. Lalake ang kakilala ng kaibigan ni mommy. "Ah ganun ba."nasabi ko. Medyo ayaw na ng pakiramdam ko kaya kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko. "Wait lang, tawagan ko lang ang mommy ko."sabi ko. Baka hindi alam ni mommy na sa isang room ng hotel kami mag-uusap ng tinutukoy niya. Nagulat ako ng hawakan ng lalake ang kamay ko, mabilis ko namang iwinaksi ang kamay niya. "Halika na miss, aalis din ang boss ko, wala siyang panahong maghintay." "Wait at kaka-usapin ko-" "Bahala ka miss, binigyan na kayo ng pagkakataon ng boss ko kahit marami siyang pinagkaka-abalahan ngayon." Medyo napatigil ako sa sinabi niya. "Since ayaw mo namang sumunod, sasabihin ko na lang sa boss ko." Nataranta naman ako sa sumunod niyang sinabi. "Teka-teka."alma ko rin. Kung mabubulilyaso ito, wala na akong ibang paraan pa para isalba ang parmasya. Kung tutulungan kami ng boss ng lalakeng ito, maaari ko pang mapigilan ang paghila ng banko sa bahay namin. Deretso lang akong tinignan ng lalake. Kaya ibinalik ko rin ang cellphone ko sa bag ko at sumunod sa kanya. "Dito na tayo, miss."sabi ng lalake pagkatapos niyang huminto sa harap ng isang kwarto. Binigay niya sa akin ang key card. "Pagbutihin mo kung gusto mong isalba ang parmasya niyo."wika ng lalake bago siya tumalikod at umalis sa harapan ko. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga bago ko tinapat ang key card sa pinto. Naging kabado ako nang bumukas ang pinto. Hinakbang ko ang mga paa ko papasok tsaka ko sinara ang pinto. Maingat akong naglakad. At napatigil ako nang makita ko ang matandang lalake na naka-upo sa sofa. Bumaling naman siya sa akin at maamo siyang tumingin. "Halika iha, at umupo."magaan niyang sabi. Tumalima naman ako. Umupo sa sofa na nasa harap niya. "Ikaw ba ang anak ni Lourdes?"tanong ng matanda. "Opo, sir."sagot ko naman. Mahigpit ang pagkakadaop ng palad ko nang nanatili ang mga mata niya sa akin. "Kinakabahan ka yata."ani niya. "Hindi po, sir."tanggi ko. "Heto iha, uminom ka muna ng soda para mawala ang kaba mo. Hindi naman ito job interview, pag-uusapan lang natin kung paano ang pagpapatakbo ng parmasya."wika ng mata at nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag. Medyo gumaan naman na ang loob ko. Masyado lang yata talaga akong nag-iisip ng kung ano-ano. "Meryenda ka, Hazel. At tatawagan ko ang secretary ko para sa kontrata." "Opo."sagot ko pero nanatili akong naka-upo. Hanggang sa inabutan niya ako ng biscuit bago niya pinindot ang telepono sa tabi niya. Tinanggap ko na lang ito at kinain. "Ayan iha, mag-soda ka rim."tumango naman ulit ako. Seryoso niyang ini-instruct ang secretary niya tungkol sa kontrata. Nagpatuloy lang naman ako sa inalok niyang meryenda. Pero bigla-bigla na lang akong nakaramdam ng hilo. Nabitawan ko ang biscuit at napahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ako. At bukod sa pagkahilo, nakakaramdam din ako ng init, parang nagliliyab ang katawan ko. Kumurap-kurap ang mga mata ko. At nakita kong binaba na ng matanda ang telepono at humakbang palapit sa akin. Tulong! Kinapa ko ang maliit na unan sa tabi ko at pinilit kong tumayo. Nasindak ako nang akmang hahawakan na ako ng matanda- Pero bago pa niya ako mahawakan may tumadyak na sa matanda. Sapo ko man ang noo ko, tumingin ako sa taong gumawa nito. "Wade?"namutawi sa labi ko nang maaninag ko ang bulto. Lumapit naman siya sa akin. "Ako nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD