Chapter11

1489 Words
Hazel  Abala ako sa paghahanda ng umagahan nang lumabas si Lyka mula sa kwarto na hinahawakan ang kanyang ulo. "Frenny, ilang bote ba ang nainom ko kagabi? Parang nabibiyak na itong ulo ko sa sakit."wika niya habang lumalapit sa mesa. Tinignan ko siya, at inirapan siya. Napatango naman siya, "Marami nga."wika niya rin na nakangiting parang maamong tuta. "Akala ko ba may self-control ka na? Sabi mo hindi ka na iinom na parang huling gabi mo na sa mundo? Ha? Asan na ang one-thousand mo na pinusta mo ha."panenermon ko na habang inaabot sa kanya ang sabaw na kaaga-aga kong ginawa. "Frenny naman, kita mo namang heartbroken ako."saad niya at umupo na Naningkit ang mga mata ko. "Kailan ka pa uminom na hindi heartbroken." Ngumiti lang siya sa akin at humigop na ng mainit na sabaw. Napa-iling ako, "Heartbroken daw. kung makalingkis kay Wade-" Natigil siya at tumingin sa akin, "Wade?"kunot-noo niyang tanong. Napatikhim naman ako, "Eh, naririnig ko ang pangalan na Wade sa bibig mo kesa sa pangalan ng ex mo."patay-malisya kong sagot. Humigop siya ng sabaw habang napapa-isip. Hanggang sa bigla ulit siyang napatigil. "Wait lang-wait lang."eksaherada niyang saad at napatayo siya. Napatingin siya sa gilid ng mesa. "Oh my gosh, ano itong pumapasok sa isipan ko, parang totoo."natataranta niyang sabi. "Ang alin?"tanong ko naman. "Nandito si Wade."saad niya. "Pinagsasabi mo-" "Parang nandito si Wade kagabi, nahawakan ko pa siya."nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi ito. Bumuga ako ng hangin, "Higupin mo na nga yang sabaw kung ano-ano sinasabi mo." "Shocks, parang totoo talaga."turan niya pa at humigop na ulit siya ng sabaw. Nagdikit ang labi ko hanggang sa nagawa ko ring magtanong kay Lyka. "Sino ba si Wade?"pakeme kong tanong. "Actor ba siya? Singer-" Isang mabagsik na tingin ang pinukol sa akin ni Lyka. "Ikaw pa sana ang mas may kilala sa kanya eh." Napa-ayos ako ng upo, "Ako?"patay-malisya ko paring tanong. "Etong babaeng ito. Surgeon siya, ikaw itong nasa field ng medisina, hindi mo siya kilala." Tumikhim ako, "Nasa herbalism course kaya ako, tsaka ang daming surgeon dito sa pinas, alangan naman kabisaduhin ko-" "Wade Maximillian Fabro, ang pinakasikat na surgeon sa bansa." Nagtagpo ang mga kilay ko. Fabro? "Siya ang unang apo sa ikatlong henerasyon ng kanilang angkan at sila ang nagmamay-ari ng Fabro Medical Center-" Nagulantang ako, naibaba ko ang mangkok hindi dahil napaso ang dila ko kundi sa gulat. "Ayos ka lang? Gulat na gulat ka, ayan kase ni paggawa ng social media, hindi mo magawa." Ang ibig sabihin sa kanila ang medical center na pinaglagyan niya sa akin. Napatango ako nang mapagtanto ko na rin kung bakit ganun na lang ang lakas ng kanyang loob na hindi ako pagbayarin sa bill ko. "Hazel."untag sa akin ni Lyka, napabalik naman ang atensyon ko sa kanya. "Kung nagulat ka na sa ganyang klaseng impormasyon tungkol kay Wade baka di mo kayanin kung malaman mo pa kung anong club ng bansa siya nabibilang." Kunot-noo kong tinignan si Lyka. "Alam mo ang High Society,hindi ba?" Nanlalaki ang mga mata ko at naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. "High Society? You mean iyong grupo ng mga elitista sa bansa?"hindi makapaniwalang tanong ko. "Nakuha mo, kabilang siya sa mga elitistang may bilyon-bilyong yaman." Nahigit ko ang hininga ko. Imposible! Ang bilyonaryong iyon ang pumupunta dito sa herbal clinic ni professor para sa tsaa na pampatulog. He has all the means to cure his insomnia. Mabilis akong napa-iling. "Imposible iyang sinasabi mo. Kailangan mo pa ng sabaw para mahimasmasan ka." "Anong imposible? Totoo nga. Duh. Ginaganyan mo ang Daddy Wade ko." Tumayo siya, "wait lang." Kinuha niya ang bag niya sa kwarto at lumapit sa akin habang hinahalungkat niya ang bag niya. Hanggang sa nailabas niya ang cellphone niya. "Oh eto ha para patunayan ko sa iyo."wika niya at kinakalikot na niya ang cellphone niya. Kapagkuwan, hinarap niya ang screen ng cellphone niya sa akin. "Ayan ang list ng members ng High Society, nandiyan ang pangalan niya, ayan pa mga picture niya sa gatherings ng club." Binawi niya rin ang cellphone niya. "At kung hindi ka pa naniniwala, may ilalabas ang club na magazine ni Wade."wika pa niya. "Wait at ipapakita ko sa iyo ang preview ng magazine. Hindi ka naniniwala sa akin eh matagal ko na siyang pina-follow." Tumingin siya sa akin, "Pero bakit nga ba hindi ka naniniwala?" Nagkibit-balikat ako. Bumuga siya ng hangin, "Teka lang-"tumingin na ulit siya sa screen ng kanyang cellphone. Pero napansin kong nagtatagpo ang mga kilay niya. "Bakit?"tanong ko na. "There's a strange article about him." "Strange?"naguguluhan ko namang tanong. "Top surgeon Wade Maximillian Fabro was seen sneaking to albularyo at midnight. Professional crisis?"basa ni Lyka. Napatayo naman ako at kinuha ang cellphone mula sa kanya. Muli kong binasa ang article. "Hazel, iyang picture ng bahay-kubo diyan ay ito, hindi ba? Itong herbal clinic ni professor?" "Ah parang hindi naman, kamukha pero iba."tanggi ko. "Ha? Iyan nga."kuha niya sa akin ng cellphone niya. Humakbang siya patungo sa pintuan at binuksan ito. Pero malakas niyang naisara rin ito. "May mga reporter sa labas!" Mabilis kong hinakbang ang mga paa ko at tinakpan ang bibig ni Lyka. "Wag kang maingay." Binaba niya ang kamay ko. "Akala ko ba kamukha lang."nanggigigil niyang sabi. "Mamaya na ako magpapaliwanag sa iyo."sabi ko at inilock ko na ang pinto. Mabilis kong sinunod na iligpit ang hapag-kainan. "Talagang pumunta dito si Wade? Hindi ko iyon hallucination, ha?"kulit na tanong niya sa akin. "Hazel."tawag niya sa akin. Tinignan ko na siya, "Oo, pumunta siya dito. Kaya tulungan mo na ako dito para makaalis na tayo."wika ko. Tumalima naman siya hanggang sa mailigpit na namin ang lahat. "So paano tayo makakaalis dito kung may mga reporter sa labas?' Nagngitngit ang ngipin ko, "Akala mo naman kasi artista-" "Mahusay siyang surgeon at apo siya ng Fabro Medical Center, ang pundasyon ng medisina dito sa bansa."pagtatanggol pa ni Lyka kay Wade. Napabuntong-hininga ako. "Oo na, oo na, sikat na iyang Daddy Wade mo."sikmat ko. "Halika na, sa likod tayo dadaan para makalabas dito." "Sa kakahuyan tayo maglalakad?"angal niya. Nagtitimpi ko siyang tinignan. "Eto na nga susunod na. Pero ikukwento mo sa akin kung bakit pumunta dito si Wade."ngiti pa niya sa akin. Hindi ako umimik at nauna na akong lumabas sa kubo. Tiniyak ko munang nakakandado lahat bago kami humayo ni Lyka. "Ano nga Hazel? Bakit nga pumunta si Wade dito?"kulit na tanong sa akin ni Lyka habang binabagtas na namin ang daan palabas. Namomoblema ako sa kinalabasan ng pangyayari. Kung pinapaligiran ang garden ni professor, makakapasok pa kaya ako? May mga customer pa bang dadalaw? Napasuklay ako sa buhok ko- "Hazel. Hindi ako susunod sa iyo kung hindi mo sasabihin-" Liningon ko na si Lyka. "Pumunta siya kagabi sa kubo para dalawin si professor. Dati raw siyang estudyante."sabi ko lang dahil hindi ko pwedeng sabihin pa kung anong pakay ni Wade lalo na't may pagbabanta ang boses niya ng sinabi niyang hindi ko dapat sasabihin sa kahit na sino ang kondisyon niya. Nakita kong tumitipa na si Lyka sa cellphone niya kaya mabilis kong hinablot ito at binura ang tina-type niya. "Huwag na huwag kang magkokomento tungkol dito."mariin kong sabi kay Lyka. "Paanong hindi, kung ano-ano na ang sinasabi ng mga tao diyan sa comment, puro naman walang picture." "Kahit na, hangga't hindi naglalabas ng statement si Wade. Wala kang ikokomento na kahit ano kung talagang gusto mong protektahan iyang pinapantasyahan mo." "Eto naman."sabi niya. Ibinalik ko naman sa kanya ang cellphone niya. Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad. "Maiba ako Hazel, kilala mo ba si Wade personally?"tanong niya. "Anong ibig mong sabihin?" "I mean, bakit parang pamilyar na siya sa iyo, eh kung iisipi ko kagabi lang kayo nagkita? Tska ako, may dahilan ako na maglakad na ganito ka-layo pero ikaw, hindi mo naman kailangan gawin. Pwede ka na lang lumabas sa kubo at harapin ang mga reporter." "Sabi ko na sa iyo, hindi pa gumagawa ng statement si Wade, kung sasagot ako sa mga reporter pwedeng lumiyab pa ang isyu niya."sagot ko. "Kaya nga, eh ano naman sa iyo kung ganun ang mangyari." Saglit akong napahinto pero sumagot din ako sa huli. "Maaapektuhan ang clinic ni professor, sa akin niya iniwan ang pangangalaga dito kaya dapat lang na protektahan ito." Ubos na ang mga halaman ko sa bahay. At ang pangangalaga ko clinic at garden ni professor ang tanging hanap-buhay ko na lang ngayon. At isa pa kung magtatagumay ako sa pinapagawa sa akin ni professor, ibibigay niya sa akin ang clinic. Ang pangarap kong clinic ay makakamit ko kaya dapat maging maingat ako sa mga kilos ko. "So ano pa lang nangyari kagabi? Nakakahiya, parang ang daming kahihiyan ang nagawa ko kagabi." Liningon ko siya, "Aba, bilis mong iwaksi sa isipan mo ang ex mo. Ibang lalake ang naglalaro sa isipan mo ngayon-" "Ouch! Ang sakit parin sa heart ko."dama niya sa bandang puso niya, napa-ikot na lang ang mga mata ko sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD