Chapter 2

1708 Words
Hazel Napahinga ako ng malalim ng tumayo na rin siya sa wakas. “Stay awake, huwag mong ipipikit ang mga mata mo.”utos niya. Tumango naman ako. Pero nanlalabo na talaga ang mga mata ko, at sobrang bigat ng ulo ko. Tinapik-tapik ko ang pisngi ko. Papikit na ang mga mata ko nang maramdaman ko ang yabag niya pabalik sa harapan ko. "Sabi ng huwag mong ipikit ang mga mata mo." "Hindi ko mapipigilan-Aray!"hiyaw ko dahil bigla na niyang kinurot ang pisngi ko. Nanlilisik ang mga mata ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at binaba niya ang bitbit niyang batya pero laman nito ang umuusok na tubig, nakababad dito ang gunting. Tsaka siya lumuhod ulit sa harapan ko. Tumingala siya at tumitig sa akin. “I’m going to remove it now.” Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ito sa balikat niya. “Put all your strength to me.”wika pa niya. Tanging tango lang ang nagawa ko. Naikuyom ko ang kamay ko sa balikat niya nang simulan niyang tanggalin ito. “Ohhh.”ininda ko kaagad, dulot ng matinding kirot na nararamdaman ko ngayon. Tumigil siya at tumingin sa akin. Tsaka rin siya yumuko at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. “Hindi mo pa natatanggal?”nahihirapan kong tanong. Muli akong umungol sa sakit. “Woman, stop making that sound.”iritable niyang utos. “Ano?”nanghihina kong tanong. Nang tumingala siya sa akin, masamang tingin ang pinukol niya sa akin. Tsaka rin siya nagpatuloy. “Ahhh, awwww.” “Ano ba!?”galit niyang sigaw sa akin. “Ano rin ba!? Problema mong lalake ka! Dumadagdag ka pa. Sobrang sakit, parang nahihiwa ang kalamanan ko, ang bigat-bigat ng ulo ko! Doktor ka ba talaga!?”hinihingal kong sigaw sa kanya at nangingiyak na. “Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong humuhusga talaga! Paano ako makakapag-concentrate kung napaka-ingay mo ha!” Mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Mahaba ang pasensya ko pero sa katulad ng lalakeng ito, talagang mauubusan ako. “May sugat ako, may kahoy sa loob, siyempre iindain ko lalo na’t wala ka namang anesthesia!” “Kanina mo pa ako sinisigawan, mas matanda ako kaysa sayo!” “Sumisigaw ka rin, at hindi ba, ang sabi mo mas nagmumukha akong mas matanda kesa sayo!” Bumuga siya ng hangin, “Tama nga ang sabi nila, looks can be deceiving.” Magsasalita na sana ako pero nauna na siyang magsalita ulit. “Tumigil ka na, uurong pabalik ang kahoy.”maawtoridad niyang saad. Umawang ang labi ko pero itinikom ko na lang ang bibig ko para matapos na. Sa bintana na ako tumingin. Malakas parin ang ulan, at ang pabugso-bugsong hangin. Sa ganitong sitwasyon ko, bakit ang klaseng taong ito pa ang kasama ko? "Natanggal ko na, papatigilin ko na lang ang pagdurugo nito."wika niya. "Salamat."sabi ko. "Labas sa ilong."sagot niya habang patuloy niyang ginagamot na ang sugat ko. Saglit ko siyang tinignan. "At least nagpasalamat ako." saad ko. Nagitla ako ng bigla niya akong pangkuin. “At anong ginagawa mo?”tanong ko sa kanya. “Just zip your mouth.”utos niya. “Hoy!Hoy!”histerikal kong sigaw nang igaya niya ako sa kwarto ng kubo. “Bitiwan mo ako! Baboy ka! Sugatan na ako tapos lalapastanganin mo pa ako!”nahihintakutan kong sigaw sa kanya. “The hell! Kumalma ka ngang babae ka, gusto mo bang magdamag na umupo o itapon na lang kaya kita sa labas. Ni hindi ka nga kagandahan!” “Maganda ako!”pasigaw koring sagot sa kanya. Marami kayang nagagandahan sa akin. Pila ang mga manliligaw ko. Akala nitong lalakeng ito. Ibinaba niya ako sa kamang gawa sa kahoy. “Sinong nagsabi sa iyo na maganda ka, mga magulang mo-“ “Hindi, mga manliligaw ko. MGA as in marami.” “Ah may mga manliligaw ka, sa ugali mong iyan.”ma-insulto niyang sabi. Tumitig ako sa kanya, “Mabait ako sa mabait, pero para lang iyon sa mga mababait ding tao.”wika ko. “Self-proclaim ka rin pala, miss-“ “Wade, mabait talaga si Hazel.” “See.”ngumiti ako at tumango-tango. Ah wait lang, tumitindi ang pagkahilo ko. “Mahinhin, maalaga, marespeto, at higit sa lahat mapagmahal.” Sa kabila ng labis na pagkahilo ko, tumingin ako sa taong nagsasalita. “Tama ka diyan-“ “Professor!”tawag ko nang mamukhaan ko si professor na nakatayo sa pintuan ng kwarto, basing-basa. Lumapit sa akin si professor. “Anong ginawa mo kay Hazel?” Ngumuso ako. Tsaka ako tumingin sa lalake. Ano ka ngayon, Hahaha. “You’re unbelievable. Dahil sa paghahanap sa iyo, kaya nadisgrasya iyang babaeng iyan.”pagpapaliwanag kaagad ng lalake. “Hinahanap niyo ako?”gulat na tanong ni professor. Sumimangot ako kay professor nang maalala ko ang puno’t dulo ng pagpunta ko dito sa bundok. “Professor, alam niyong may bagyong parating, bakit pa kayo nagtungo dito sa bundok.” “Ikaw ba’t ka pumunta sa botanical garden ngayong alam mong may bagyo.” “Eh sabi niyo pong ngayong araw ko na lang kukunin ang halaman at may mahalaga din kayong sasabihin sa akin.” “Sinabi ko nga na pumunta ka pero hindi dito sa bundok. Lagi akong kumukuha dito ng mga halaman, sanay na sanay na ako dito.” Tuluyang nagtagpo na ang mga kilay ko. “Paanong hindi ko kayo hahanapin , napakalakas na ng ulan at hating gabi na pero wala pa kayo, akala ko may nangyari ng masama sa inyo.” Tumingin si professor sa lalake tapos balik sa akin tsaka siya tumawa. “Ito pala ang sinasabi nilang gantimpala ng pagiging guro. Ang swerte ko pala na may ganitong estudyante ako." Ngumiti ako kay professor. Kapagkuwan, napahawak ako sa ulo ko, tumindi ang bigat nito kaya naipikit ko na ang mga mata ko. Pagmulat ko puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Sapo ko ang noo ko nang bumangon ako. “Mabuti’t gising ka na.”napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, Nakita ko naman ang lalakeng nakatagpo ko sa botanical garden ni professor, prente siyang naka-upo sa sofa. "Nasaan ako?"tanong ko. "Nasa mental health center ka." Kaagad na nagngitngit ang kalooban ko pero pinigilan ko dahil kahit sa anong anggulo, siya ang tumulong sa akin. Kaya kalma lang ako dapat- "Doc., gising na po ang pasyente." Kinuha ko ang unan ko at ibabato ko na sa kanya pero hindi ko rin nagawa dahil sa dextrose ko. Lumapit siya at tinulungan ako sa dextrose ko. Naagaw ng pansin ko ang suot niyang roba. Doctor nga talaga siya. "Siguro naman hindi mo na ako pinagdududahan ngayon. As you can see, I'm a doctor here." Luminga ako sa paligid at tumikhim ako. Pero binalik ko rin ang mga mata ko sa kanya. “Sorry kung pinaghinalaan kita. Ikaw naman kase-“ “Nagkamali ka, ‘yon na yon. No petty reasons needed.” Aba! Ang lalakeng ito talaga. Lord, palayuin niyo sa akin ang lalakeng ito. Alam niyong mabait akong tao pero pagdating sa lalakeng ito, magiging masama talaga ako. Lumapit siya sa akin. “Sinubukan kong tawagan ang pamilya mo pero hindi sila sumasagot.”wika niya at inabot sa akin ang cellphone ko. Kinuha ko ito at mabilis kong tsinek. From: Mommy Nak, huwag mong kalimutan iyong halaman. Kailangan ko iyon sa Sabado. From: Ate Where are you?! Kahapon pa kita hinahanap. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. “Kailangan ko ng umuwi.”sabi ko at umupo na ako sa gilid ng kama. "You will, pagkatapos kong tanggalin ito.”wika niya sabay hawak sa dextrose na nakakabit sa kamay ko. Binitawan niya rin ito. Hinila niya ang trolley na nasa gilid. Pinapanood ko lang naman siya. Nagsuot siya ng gloves. “Ikaw ba dapat talaga ang gumawa nito, hindi ba nurse ang usually na may trabaho nito.”may kuryosidad kong saad. Saglit akong napapikit nang marinig ko ang tunog ng pagsusuot niya ng gloves. “That’s why you’re lucky.” Tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit lang naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at sinimulan na niyang tanggalin ang dextrose. At dahil malapit lang siya sa akin, nalalanghap ko ang amoy niya. Nakaka-intriga talaga na ang sarap sa ilong ang ganitong amoy ng mga doctor. Tinignan niya ako na nagtataka, tumikhim ako, “Kayo bang mga doctor, alcohol talaga ang pabango niyo.”patay-malisya kong sabi. "Oo, bakit gusto mo rin? Bigyan kita ng isang galloon."saad niya. Literal na tumunog ang panga ko. Nakakainis! Naging tahimik na ako at hinihintay ko na lang siyang matapos. Pero kapagkuwan, napatingin ako sa mukha niya. Ngayong napakaliwanag na ang paligid, maliwanag na maliwanag narin ang mukha niya. Napatango pero napa-iling din. Gwapo nga talaga siya, walang duda. Sa appeal niyang ito, talagang may pinaghuhugutan ang kanyang kayabangan. Nahugot ko ang hininga ko nang humarap siya sa akin. “Bakit?”tanong ko. “Tapos na akong tanggalin ang dextrose, tapos ka narin bang titigan ang mukha ko?” Inatras ko ang mukha ko sa hiya. “Curious lang ako na may pangit parin talagang doctor.”sabi ko, inismiran niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. Umikot ang mga mata ko, "Oo na, gwapo na kayo." Tumayo na siya at inilagay ang dextrose sa basurahan nasa gilid ng trolley kasama na ang gloves niya. Tapos may dinampot siyang reseta sa trolley at binigay sa akin. “Sundin mo iyang nakasulat diyan sa preskripsiyon, lalo na ang paglagay mo ng ointment, makakatulong 'yan na mawala ang marka ang tahi mo.”wika niya. "Tinahi ang sugat ko?" "Yes. Don't worry, ako ang tumahi niyan, mawawala rin ang markang iyan." Lumapit siya at umupo ulit sa tabi ko. Kinuha niya sa akin ang reseta. Nakatuon lang naman ako sa kanya nang detelyado niyang ipinaliwanag sa akin ang dapat kong gawin. Mga dapat at hindi ko dapat gawin. "And don't do strenuous activities on the next few days." Ang lalakeng ito...mabait din pala. "Kung hindi magiging matigas ang ulo mo, tatlong buwan o dalawang buwan, mawawala 'yan." Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Salamat."wika ko. Napukaw ang atensyon ko nang tumitig siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD