Chapter 3

1544 Words
Hazel Tuluyan kong naituon ang buong atensyon ko sa kanya nang malalim niya akong titigan. Napa-ayos ako ng upo nang bigla-bigla na lang siyang tumayo. “Maaari ka ng umalis.”wika niya pero parang mas naging utos ito sa pandinig ko dahil sa kanyang magaspang na tono. Tumango ako, at tumayo mula sa kama. Pero natigil ako at linibot ng paningin ko ang kabuuan ng kwarto. Napalunok ako dahil napakalawak ng lugar at mga mamahaling gamit ang nasa loob nito. “Nasa private suite ba ako ng hospital?”maingat kong tanong, pinipigilan kong maging histerikal. “Yes.”sagot niya. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Ibinaba ko rin ang kamay ko. “Magkano kaya ang bill ko?”kaagad kong tanong para makapaghanda ako bago ako pumunta sa cashier. “Don’t ask that anymore, besides, I’m already allowing you to go home.”sagot niya. Umiling naman ako, konting pera lang ang meron ako pero hindi ako abusada na ipabayad ito sa doctor na tumulong sa akin. “Magkano nga-“ “Wala kang kahit na anong hinahawakan ngayong pera, paano ka makakabayad?” Nakagat ko ang labi ko nang mapagtanto ko ito. “Pwede ko naman siguro na kunin na lang ang bill tapos magsusulat na lang ako ng letter na ise-settle ko rin ngayong araw-“ Pinisil niya ang sentido niya tsaka niya rin binaba ang kamay niya. “You really want to pay your bill?”paninigurado niyang tanong. “Oo.”sagot ko. “All right.”wika niya at nagtungo siya gilid. Dinukot niya ang cellphone niya at lumayo sa akin. Pinanood ko lang naman siya habang nakikipag-usap siya sa kabilang linya. Umupo ulit ako habang patuloy ko siyang pinapanood. Palihim kong binasa ang pangalan niya sa suot niyang roba. Kumunot ang noo ko at medyo inilapit ko ang mukha dahil hindi ko mabasa- Umiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa akin. Kunwari’y binibilang ko ang mga prutas sa basket na nakapatong sa bed-side table. Kapagkuwan, unti-unti kong iginawi ulit ang ulo ko sa kanya. Nang makita kong nasa mga prutas ang paningin niya, kaagad kong sinipat ang roba niya. Wade- Mabilis akong nagkunwaring pumapatay ng lamok nang gumawi pabalik ang ulo niya. “Private suite ba talaga ito. Daming lamok.”sabi ko habang patuloy na pinapalakpak ko ang mga palad ko. Nakakunot ang noo niya sa akin kaya umayos ako ng upo. Hindi na ako muling tumingin sa kanya baka mabisto na niya ako ng tuluyan. Basta Wade ang pangalan niya. Ba’t gusto kong malaman ang pangalan niya? Ano lang…pandagdag sa listahan ng alam kong pangalan. Lumipas ang mga minuto pero hindi pa dumadating ang bill ko. Tumayo ako nang makaramdam ako ng pagka-inip. Pa-ika-ika akong nagtungo sa bintana at tumingin sa labas. May malawak na garden sa kanang bahagi. Tumingin ako sa kaliwang bahagi- “Swimming pool!” Binuksan ko ang bintana at naitakip ko na lang ang kamay ko sa bibig ko. Lumingon ako sa kanya. “May swimming pool dito sa hospital?”namamangha kong tanong. Lumapit siya sa akin, “It’s not something for you to be stunned about it.” Napa-iling ako, “Ngayon lang ako nakakita ng hospital na may swimming pool.” Hinawakan ko ang ulo ko, mahal yata itong hospital na ito. Luminga ako sa dinding ng kwarto. Jusko, may mga painting pang nakasabit. Lumipat ang mga mata ko sa mga vase na nakalagay sa mga napiling bahagi ng kwarto. “Anong pangalan ng hospital na ito?”tanong ko na. “Fabro Medical Center.”sagot niya ikinalaki ng mga mata ko. “Iyong sikat na hospital dito sa bansa?!” Tumango siya, na iyong tingin ay ‘Oh ano ka ngayon?’ “Wait lang, kung nandito ako sa private suite ng medical ceter, ibig sabihin-“ Natutop ko ang bibig ko. Jusko! Hindi ito maaari! Hindi ako para dito, mga elitista lang ang nakakapasok dito. Dahan-dahan ko ring binaba ang kamay ko, “Nandito ako sa loob ng HeartCrest?”halos patanong kong sabi. “Iyong VIP building ng Fabro Medical Center?”paninigurado ko. “Yes and yes.”sagot niya. I’m doomed. Nakasuklay na ang pareho kong kamay sa buhok ko. Sakto namang may kumatok at pumasok sa loob. “Ano ba itong pinapagawa mo sa akin. Para saan ito-“ Natigil ang lalakeng pumasok, nakasuot ito ng business suit. Tumingin ako sa bill ng hawak niya. Ilan kayang zero ang babayaran ko? Mabilis akong lumapit sa lalake dahil na-estatwa na siya sa kinatatayuan niya. Kukunin ko na sana ang bill nang kumilos din ito. Kumunot ang noo ko nang pindutin niya lahat ng lock ng pinto. “Who is this woman?”tanong ng lalake. Magsasalita na sana ako pero muling nagbigay ng reaksyon ang doctor. “Sh*t! This is disaster!” Umatras ako dahil sa gulat ko. “Wait lang.”dinukot niya ang cellphone niya. “F*ck, emergency!”ninenerbyos ang lalake habang kinakalikot ang cellphone niya. “Relax, she’s a patient.”wika nung Wade, kinuha niya ang bill na hawak ng lalakeng dumating at binigay sa akin. “This is your bill. Pay it to the cashier and you can go out from this place.”sabi pa niya sa akin na walang kahit na anong halong emosyon sa boses niya. Kinuha ko naman ito at mabilis kong tinignan ang bill statement ko, ninerbiyos ako kaagad nang makita ko ang halaga ng perang babayaran ko. Natulos na ako sa kinatatayuan ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. “Umalis ka na.”narinig kong pagtataboy ni Wade sa kasama niya. Kumunot ang noo ko nang makita kong may mga wrong spelling. "Ito ba talaga iyong bill? Bat may mga wrong spelling?"takang tanong ko. Tumingin si Wade sa kasama niya. "Ah, nagmamadali iyong counter kanina." Nagtataka parin ako- “Pasyente mo ba talaga siya?" “Oo, umalis ka na.” Kahit nagdududa na ako sa bill, itinuon ko na ang buong atensyon ko dito. “Parang hindi naman yata-“ “I don’t have enough patient at this moment.” “Ito na nga, aalis na.” Inisa-isa ko ang mga babayaran ko at kinalkula sa utak ko kung talagang ganitong halaga ang babayaran ko. “Scream if you needed to.” Tumingin ako dun sa Wade, napalabas na niya ang kasama niya. Kaya naman hindi ko na pinigilan ang sarili ko. “Two-hundred thousand talaga?”hindi makapaniwala kong tanong. “Yes, nandiyan ang breakdown.”sabi niya. “Nandito nga at alam kong mahal ang hospital na ito pero ganito talaga kalaki?” Tumingin ako sa bill. “Lalo na itong doctor’s fee, one hundred thousand talaga-“ “That’s my pay. Iyan na nga ang pinakamababang bayad ko kung sakali.” “Your pay?”gulantang kong tanong. Grabe, akala ko mabait siya pero todong-todo iyong paniningil niya. “Sa ekspresyon mo pa lang, kita ko ng nagrereklamo ka.” Umiwas ako ng tingin. Siya ang tumulong sa akin. Kung hindi niya ako tinulungan, malamang mas malala ang nangyari sa akin. Mali na, i-question ko pa siya- Hinarap ko siya, “Masyadong mahal ‘to, grabe ka maningil.” Naitikom ko rin ang bibig ko pagkatapos. Ayaw talagang papigil itong bunganga ko. Nakamot ko ang ulo ko, “Ang ibig kong sabihin, bakit ganito ka-mahal.” “I spent my 20’s for me to gain that amount of pay as a surgeon.” Napatango ako, “Gets ko ‘yun, pero paano naman ang mga mahihirap?” “Ang Fabro Medical Center ay para sa mga mahihirap, marami itong natutulungan. Kahit tignan mo pa sa internet. Ang HeartCrest ay sadyang nagawa para sa mga mayayaman.” “Eh bakit kasi dito mo ako dinala? Mukha ba akong mayaman?” “I guess so. Makutis ang balat mo, hindi rin mumurahin ang damit mo, at nakasuot ka ng gold-pendant na kwintas.” Napatawa ako sa hangin, “Mga mayayaman lang ba pwedeng magkaroon ng makutis na balat, damit at kwintas na ganito.” Nagkibit-balikat siya, “Kaya nga hindi na kita oobligahin sa bill-“ “Babayaran ko ito!”inis kong saad. “You don’t need to-“ “Babayaran ko nga. Okay naman siguro ang installment dito.” Napahilamos siya, “Why do you need to go to that length when you can just go home and rest in peace-“ “Rest in peace?! Wow!” Pinapatay na rin niya ako. “I mean, magpahinga ka na walang iniisip na bayarin. Mas okay sa akin iyon. This is bothersome, you know.” Ikinuyom ko ang kamay ko, “No, I will pay no matter what. Mahirap magka-utang loob sa kagaya mong matapobre.”wika ko at tinungo ko na ang pintuan nang pigilan niya ako. “Get out from this room without catching an attention.” Nakagat ko ang labi ko dahil ubos na talaga ang pasensya ko sa kanya. Muli ko siyang hinarap pero tumunog ang cellphone niya. “Professor.”bungad niya ng sinagot niya ang tawag. “Kasama ko siya.”narinig ko pang sabi niya. Kapagkuwan, bumuga siya ng hangin at pinatay ang tawag. “Gusto raw tayong maka-usap ni professor.”saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD