Chapter 1

1381 Words
Hazel Narinig ko ang pagbuga nito ng hangin. Hanggang sa nagtungo siya sa kabinet. Alam niya kung saan nakalagay ang mga gamit dito. Nag-ooverthink nga lang ba ulit ako? Nagulat ako ng ibigay niya sa akin ang flashlight. “What? Sabi mo gusto mong hanapin si professor.” Hindi ako naka-imik at nakatingin lang sa kanya. “Tayo na bago mo maisip na naman na masama akong tao. At mukhang may alam ka sa paggagamot gamit ang mga dahong ito kaya sumama ka na in case lang na sugatan nga si professor.” Tumango ako sa kanya. “Nasa moderno na tayong panahon, hanggang ngayon umaasa pa kayo sa mga dahong ito.” Umawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa pang-iinsulto niya ngayong nandito siya mismo. “What?”masungit niyang tanong. “Nagtataka lang po ako kung bakit kilala ka ni Professor sa ugali niyo pong iyan.” “Ugali ko? Bakit anong mali sa ugali ko?” “Nagtanong ka pa po.” Umismid niya. “Hindi kaya ikaw ang may maling ugali. Ang inosente mong mukha at ang magalang mong pananalita ang gamit mo para mang-insulto ng tao.” “Ano pong sabi niyo?” “Huwag mo akong pinopo! Ilang taon lang ang ikinabata mo sa akin. At sa mukha mo, mas nagmumukha ka pang matanda.” Nagngingitngit ang loob ko pero minabuti kong humakbang na lang paalis. Mas mabuting umalis na ako kesa makipag-usap sa lalakeng ito. Naramdaman ko namang nasa likod siya habang binabagtas ko ang daan papunta sa bundok. “Professor!”tawag ko habang ginagalugad ko na ang bundok. Naririnig ko rin ang boses niya sa kabilang panig. Habang tumatagal, bumabangon ang kaba ko. Baka may nangyari na nga talagang masama kay professor. “Professor!” Binitawan ko na ang payong at paunti-unti na akong umaakyat. “Professor!”Ilang ulit kong tawag bago ako lumilipat sa ibang panig ng bundok. Matinding ulan na ang bumubuhos, at maghahating-gabi na rin yata. Kumapit ako sa mga puno habang umaakyat ako dahil padulas na padulas na ang lupa. Jusko! Nanlalabo ang mga mata ko sa bagsak ng ulan sa mukha ko. “Aw!” Napa-igik ako nang tuluyan akong madulas. Dumausdos ako pababa. Pinilit kong tumayo kahit ramdam ko ang kirot sa bandang hita ko. “Are you okay?”tumingala ako. “Ayos lang ako.”sagot ko nang makita ko ang lalake. Tinulungan niya akong tumayo. “Malapit na rito ang dampa ni professor. Baka nandoon siya.” “May dampa ba talaga dito si professor?”tanong ko. “Hindi ito ang tamang oras na paghinalaan mo ako.” Itinikom ko ang bibig ko sa sinabi niya. “Professor!”tawag niya nang marating namin ang dampa. Inalalayan parin niya ako habang pumapasok na kami sa loob. Iginaya niya ako sa upuang gawa sa kahoy. Nang linilibot na niya ang dampa, kaagad kong tsinek ang hita ko. Dahil sa giniginaw na ako, nanginginig ang kamay ko habang bahagya kong itinataas ang suot kong bestida. Ngumiwi ako ng makita ko ang umaagos kong dugo mula sa sugat ko sa bandang hita ko. “Wala dito si professor.” Mabilis kong inayos ang laylayan ng damit ko nang marinig ko ang boses niya. “Pero sigurado ako na nandito nga siya sa loob ng bundok, may pagkain sa kusina, malamig man pero tiyak akong kaluluto ito ngayong araw."tumango ako sa tinuran niya. “May sugat ka?”tanong niya nang mapansin niya sigurong hindi ako mapakali. Tinakpan ko ang bandang hita ko na may sugat. “Nagasgasan ako-“ Lumapit siya sa akin. “Patingin.”saad niya. “Hanapin mo na lang si professor.” “Masyadong malakas na ang ulan at matindi rin ang bugso ng hangin. Sa panahong ito at sa dilim ng paligid, delikado ng hanapin pa si professor. Kailangan nating pahupain muna ang ulan.” Napatango-tango ako sa kanya dahil naghahalo na ang kirot at lamig sa katawan ko. “At isa pa, sa daloy ng dugo diyan sa binti mo, natitiyak akong hindi lang iyan gasgas.”wika niya at yumuko na siya. “Ako ng bahala dito.”pagtataboy ko sa kanya tsaka ako tumayo, napa-igik ako at muntik na ako napahiyaw dahil sa sakit. Natitiyak naman ako na may mga herbal si professor para sa ganitong sugat. Hahakbang na sana ako ng pigilan niya ako at paupuin ulit. “Isa akong doctor.”pagpapakilala niya sa kanyang sarili. “Isa akong herbalist.”pagpapakilala ko naman sa sarili ko. “Isa ka mang herbalist, mas may alam parin ako na tumingin ng sugat, kung gaano ito katindi at anong lunas ang dapat na ibigay dito. Nung naramdaman mo na sana kanina ang kirot, tinalian mo na sana kaagad at hindi hinayaang bumulwak pa ang dugo.” Tuluyan na akong hindi nakasagot. Bahagya niyang itinaas ang laylayan ng bestida ko kaya kaagad ko namang tinakpan ang mga mata niya gamit ang isang kamay ko. “Hoy bastos!“ “Miss, paano ko titignan ang sugat mo kung hindi ko itataas ha.” “Ni hindi ko nga alam kung doctor ka nga talaga, malay ko ba kung babastusin mo ako.”sagot ko sa kabila ng matinding ginaw at kirot na nararamdaman ko ngayon. Pwersahan niyang binaba ang kamay ko. “Kung hindi lang talaga ako doctor, nunka na tutulungan kita. See, nilalamig ka pero tagaktak ang pawis mo. Kahit itago mo man iyan, makikita at makikita ko ang epekto nito.” Ngumuso ako. Bumuga siya, “Ipipikit ko ang mga mata ko at ikaw na tumingin sa sugat mo, at sabihin mo sa akin kung gaano ka-lalim.” Binitiwan na niya ang damit ko kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. Nanginginig ang mga kamay kong itinataas ang damit ko. Lumukob ang kaba at takot sa akin nang makita kong rumaragasa na ng dugo ang sugat ko. “Gaano kalalim ang sugat mo? Nasa second degree or third degree?” “Hindi..ko..alam..”walang lakas kong sagot. Halos nababalutan na ng dugo ang hita ko. “Paanong hindi mo alam, tignan mo. Baka may kahoy o kung ano mang nakaipit pa diyan.” “Kahoy?!”histerikal kong sigaw. “Kumalma ka, you need to check it now.”ma-awtoridad niyang saad. “Ayoko.”mangiyak-ngiyak kong sabi. “This woman.” “Ang dami ng dugo. Anong gagawin ko dito?”halos histerikal ko ulit na tanong. “I will open my eyes now-“ “Wag-wag!” Tinakpan ko kaagad ang mga mata niya. “Miss, mauubusan ka ng dugo kung hindi ko pa titignan iyan.” Tinignan ko ang hita ko. Hanggang sa dahan-dahan ko ring tinanggal ang kamay ko sa mga mata niya. “Calm down, miss.”wika niya. Kaagad niyang tinignan ang sugat ko. “May kahoy nga-“ Tuluyan akong napaluha sa takot. Tiningala niya ako. “Huwag kang gumalaw.” Sa kabila ng sinabi niya, naiiyak parin ako. “Huwag kang gagalaw, tatanggalin ko ang kahoy.”ulit niya. “Tatanggalin?”nasisindak kong tanong. Bumaling siya sa labas ng bintana. “Sa lagay ng panahon, hindi ko na pwedeng ipa-abot ito sa hospital.”sagot niya at tumayo na siya. Sa nahihilo kong paningin, sinundan ko ang mga kilos niya. Nakita kong nagpakulo siya ng tubig, pagkatapos naghugas siya ng kamay, at bumalik sa akin dala ang isang maliit na batya. Yumuko siya at sinimulan niya ipahid ang basang panyo sa paligid ng hita ko. Ang mga mata ko’y nakatutok sa hita ko habang patuloy niyang pinapahid ang panyo. Bigla akong napalunok ng maramdaman ko ang palad niya. Naiinitan ako. Ano itong pakiramdam na ito? Dala ba ito ng sugat ko? Ipinilig ko ang ulo ko at tumingin sa gilid. Iyon nga lang hinahatak ako ng mga mata ko pabalik sa ginagawa niya. Napansin ko ginagalaw niya ang ulo niya dahil pumapatak ang tubig galing sa basa niyang buhok at bumabagsak sa hita ko. Gumalaw ang kamay ko at deretsong hinawi ang buhok niya. Napatingin siya sa akin pero binalik niya rin atensyon niya sa hita ko. Sa ayos naming dalawa, naging senswal na ang dating sa akin ng ginagawa niya. Hazel! May sugat ka na nga kung ano-ano pang kahalayan ang nasa isip mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD