Chapter 14

1330 Words
Wade Pagpasok ko pa lamang sa Velmoré Hotel, sinalubong ako kaagad ni Akiro. "You're not answering my calls."nagtitimpi pero mariin na saad niya sa akin. "You're more cruel than the reporters. Why would I answer you?"tugon ko at deretsong tingin ang pinukol ko sa kanya. Mula kaninang umaga, kinukulit niya na ako sa totoong dahilan ko kung bakit nagpunta ako sa botanical clinic ni professor. And I would never tell the truth. It's my weakness. As soon as the public knows my condition, Heartcrest will never be mine. And grandma will never make me the heir of the whole Fabro Medical Center. I would have say that I am visiting my professor, but I know reporter will dig information, and more likely, they'll find out that my professors is in a project a week ago. "Tigas din talaga ulo mo."may taas na tono ng tugon niya. "My pleasure. Shall we go?"tukoy ko sa banquet hall na pagdadausan ng magazine launch. Bumuga ng hangin si Akiro. "Wade, after your magazine launch later, they will interview you for sure, but we couldn't write script because you are not telling me truth."muling pagpapa-intindi niya sa akin. And I do understand that...but no.. I will never tell a word about it. "You can just make any reason that is believable to the public." I reasoned out. Hinilot ni Akiro ang noo niya bago niya tinawagan ang PR team niya at sabihan sa paggawa ng script ko sa interview mamaya. "You know what, I regret making you a member."iritado niyang saad at nauna na siyang naglakad papunta sa banquet hall. Nagkibit-balikat naman ako. I'm his cousin, but I'm still paying millions for his service. Akmang susunod na ako nang mahagip ng mata ko si Hazel. Tumigil ako at hinarap ang kinaroroonan niya. Kumunot ang noo ko nang may lumapit sa kanyang lalake. Nanatili akong nakatayo sa ganoong posisyon nang mag-usap ang dalawa. "Ano pang tinatayo mo diyan---pesteng araw talaga. Isa rin itong may-ari ng hotel na ito. I warned him not to accommodate that filthy old man."lapit sa akin ni Akiro. Bumaling ako sa kanya at kulang na lang bumuga siya ng apoy habang nakatingin na sa gawi nila Hazel. "Anong ibig mong sabihin?"tanong ko. "Tauhan iyan ni Quacinto." "Jaime Quacinto? Iyong drug lord."paninigurado kong saad. Bumaling na ako kay Hazel. Ang baliw na babaeng ito! Bakit magkakilala sila ng pesteng matandang iyon. "Siya nga. And apparently, he's fooling young women, helping them in exchange of sex." The f*ck! Muli akong napabaling kay Akiro dahil sa tinuran niya. "Pumunta ka na sa dressing room ng banquet hall at kakausapin ko ang may-ari nito. Hindi maganda sa negosyo niya ang pagpapapasok sa mga taong halang ang bituka." Wala na si Hazel sa lobby nang tignan ko ulit ang gawi niya. Asan na 'yung babaeng iyon? "Wade, ano pang hinihintay mo? Wala ako sa mood kaya sumunod ka sa utos ko o pagbabayarin na lang kita ng milyon-milyon."nagbabanta ng saad ni Akiro. Bumuga ako. That woman is not really thinking. Iwinaksi ko na ito sa isipan ko at tinungo ko na ang dressing room ng banquet hall. Inaayusan na ako pero pumapasok parin sa isipan ko ang babaeng iyon. Sa mukha ng babaeng iyon, parang hindi naman siya nagpapaniwala agad. Grabe mag-overthink 'yun eh. How come she was with them? Bumuga ako at humalikipkip. "May hindi po ba kayo nagugustuhan sir?"lapit sa akin ng isang staff ni Akiro. "Nothing."sagot ko. "Ah sige sir, gusto niyo po ba ng coffee sir-" Tumayo ako, "I need your security team." "Po?"hindi maintindihang tanong ng staff. "I said, call your security team."muli kong sabi at lumabas na ako sa dressing room. Saktong nakasalubong ko naman si Akiro at ang may-ari ng hotel. "Where is Quacinto's room?" Nagkatinginan ang dalawa. "And give me the key."wika ko pa. "Aanhin mo-" "I don't have time for your questioning, I need it now."may bigat kong saad kay Akiro. Bumuga siya ng hangin. "But for me, I don't have any reason to do you a favor."naka-ismid na sabi naman ng may-ari ng hotel. Walang pasensya akong tumingin sa may-ari. "Mr. Valerio, it's not a favor. It's also your business." Nakipagsukatan ng tingin sa akin ang may-ari. "Give it to me or you'll see your hotel in the different tabloids tomorrow?"subok ko sa kanya. Naningkit man ang mga mata niya sa akin, sinabi niya rin sa akin ang room number ng lecheng matandang iyon at ang keycard ng kwarto. "I need your security team."wika ko kay Akiro bago ko mabilis na tinungo ang kwarto. Kaagad kong tinapat ang keycard sa pinto nang marating ko ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hitsura ni Hazel at ang pagtatangkang hawakan siya ni Quacinto. Halos inisang hakbang ko ang pagitan namin at buong pwersa kong tinadyakan ang matanda, natumba naman siya sa gilid. Lalapitan ko na sana ang matanda nang tawagin ni Hazel ang pangalan ko. "Wade." Lumapit ako sa kanya, "Ako nga." Hinawakan niya ang braso ko. At nahihirapan siyang lumapit lalo sa akin. "Naiinitan ako."mahina niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya para amuyin ang labi niya. Tang*na! May pina-inom sa kanyang gamot. Naikuyom ko ang kamay ko. P*tang*na talaga! Nagdilim ang paningin ko nang tignan ko ang mesa. "Akin 'yan." Tumunog ang panga ko nang marinig ko pa si Quacinto. Binitawan ko muna si Hazel. At hinarap ang matanda. "Anong sinabi mo?"tanong ko. Humalakhak ang matanda, tsaka siya tumayo. "Binayaran ko ang nanay niya para maangkin ko siya ngayong gabi, Kung gusto mo bilhin mo siya sa akin pagkatapos ko-" Humakbang ako palapit sa kanya at mabilis na dumapo ang kamao ko sa mukha niya. At walang segundo ang sinayang ko. Dapat mabura ang mukha ng matandang ito! Hinaklit ko ang kwelyo niya, at isinandal sa pader. "Demonyo kang matanda ka! Ako mismo ang maghahatid sa iyo sa impyerno."saad ko at binuhat ko ang vase sa side table na malapit sa amin. "Wade! F*ck, man! Tumigil ka!"narinig kong sigaw sa akin ni Akiro. I gritted my teeth., "I will not stop, not until sending this shitty old man to hell." Inamba ko ang vase- "Wade."boses ni Hazel. Lumingon ako sa kanya. She's looking at me, with her hurtful eyes, then a lone tear escaped on it. Sa isang iglap, nabitawan ko ang vase. Mabilis akong linapitan ni Akiro at hinila ako palayo sa matanda. "Gago ka, ano bang nangyayari sa iyo-" Tinanggal ko ang kamay ni Akiro sa braso ko at linapitan ko na si Hazel. Naglaglagan ang mga luha niya nang makalapit na ulit ako sa kanya. "It's fine now-" Nahigit ko ang hininga ko nang yumakap siya sa akin. I was stunned and couldn't move at all. Yet I allowed her to cry, leaning to me. Pero mas tumindi ang pag-iyak niya. Sinenyasan ako ni Akiro na yakapin si Hazel, sinamaan ko naman siya ng tingin. Muli niya akong sinenyasan at pinanlakihan ng mata. Iniwas ko na ang mata ko. Pero naipatong ko rin ang kamay ko sa likod ni Hazel at tinungo ng isa ang buhok niya para haplusin ito. "Hush, you'll be fine now."I assured her. Dumating narin ang security team na may dalang malaking storage box. At mabilis nilang inilagay dito ang matanda. Hinakot din nila ang mga nasa mababang mesa. "Move discreetly."utos pa ni Akiro sa security team. "I want him rot in jail."turan ko naman bago sila tuluyang lumabas. Tinignan ko si Akiro. "Postpone my magazine launch." Nag-isang linya ang labi ko nang isiksik ni Hazel lalo ang katawan niya sa akin. Tumango siya at tumingin siya kay Hazel, "Sino ang ba babaeng iyan?" tanong niya. Sinenyasan ko siyang umalis na lalo na't mas lalong sumisiksik sa akin si Hazel. Napahinga ako ng malalim nang tinungo na ni Akiro ang pinto- Tumigil siya kaya napamura na lang ako ulit. "Pero sino ba talaga siya?" "Get out, Akiro. Get out."walang pasensya kong utos sa kanya. Tang*na, kanina pa ako nahihirapan dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD