Chapter 4

1383 Words
Hazel “Kailangan nating pumunta sa clinic ni professor, gusto niya raw tayong maka-usap.” “Narinig ko.”pambabara ko sa kanya. Tinignan niya ako, “Miss, I saved you, and that’s how you going to pay me back.” “Pera ang ibabayad ko sa iyo, huwag kang mag-alala.”naiiinis ko paring saad sa kanya. “Kung tutuusin, kikita ka kaya wala akong utang na loob sa iyo.”sikmat ko pa sa kanya. Siya naman ngayon ang natawa sa hangin. “Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na hindi mo kailangang bayaran-“ “Para ano, para alipustahin mo ako.” “Miss, hindi kita inaalipusta. You are misunderstanding me-“ “Tama na-tama na, ayoko ng makipag-usap sa matapobreng katulad mo.”wika ko at akmang bubuksan ko na ang pinto nang pigilan niya ulit ako. “Saan ka pupunta?”tanong niya, “Eh saan pa, kundi magbabayad para makapunta na ako kay professor. Ano hindi ka lang matapobre kundi bangag ka narin.” Narinig ko ang pagtunog ng panga niya. “I shouldn’t have save you-“ “Oh, mamamatay tao ka narin.” Nameywang siya. “Bayaran mo kaagad ang bill mo dahil hanggang sa araw na lang ito ang pasensya ko sa iyo. Ayokong makita ulit ang pagmumukha mo.” “O talaga.”wika ko pero lihim akong napalunok. Saan akong makakakuha ng pera ngayon? Akmang hahakbang na ako ng pigilan niya ulit ako. “Lalabas ka na naka patient gown?”pagalit niyang tanong. Aba, ang lalakeng ito. “Eh iyong damit ko ba?” “Pina-laundry ko.”iritableng sagot niya. Saglit akong natigil, tumikhim din ako sa huli. Napa-iling siya at may tinawagan ulit siya. “Bring clothes here.”magaspang na utos nito sa kausap niya. “Kahit na anong damit ng babae.”walang pasensya niyang wika pa. Tinungo ko ang sofa na hindi na umiimik. Mababayaran ko ang bill ko kung gagalawin ko iyong savings account ko pero nailaan iyon para sa iniipon kong pambayad sa utang namin sa banko. Napabalik ako sa presensya ko nang may pumasok sa kwarto. “O eto na ang damit. Tama talaga ako, hindi lang pasyente ang babaeng kasama mo-“ “Shut up.” Kinuha nung Wade ang damit at inabot sa akin. “Get change.” "Thank you."medyo nahihiya kong pagpapasalamat sa kanya. Kahit saang banda ko tignan, tinutulungan niya ako. "Labas sa ilong-" Umiling ako kaagad. "Galing sa puso ko."ngiti ko sa kanya bago ko tinungo ang washroom. Nang buksan ko ang pinto pagkatapos kong magpalit, narinig kong nag-uusap sila. Nanatili ako sa gilid ng pintuan at pinakinggan sila. “Sino nga kase ‘yon?” “Lumabas ka na,” “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin.” “Umalis ka, isa.” “Secret girlfriend mo-“ “Damn you, mukha ba akong magkakagusto sa babaeng iyon.” Nagngitngit ang ngipin ko ng marinig ko ito. Na-offend ako dun ah. “Bakit hindi? Ang ganda niya kaya, hubog na hubog pa ang katawan niya—” “Tarantado ka, lumayas ka dito! Hindi ka na nahiya sa mga lumalabas diyan sa bunganga mo.” Narinig kong umiigik ang kasama niyang doctor. “Lakas ng tadyak nito, nagsasabi lang naman ako ng totoo, hindi ko naman siya gugustuhin kung type mo siya.” “Dati siyang estudyante ng professor ko. I only helped her, but as you can see, she’s so ungrateful. I tend her wound, I carried her to the foot of the mountain, and brought her here, only to be disrespected by her.” Lumabas na ako at hinarap siya. “Thankful ako sa iyo pero kanina, siyempre grabe ka mang-alipusta.” “Hindi kita inaalipusta.” “Anong hinde, pinamukha mo na nga sa akin na hindi ko kayang bayaran ang bill ko.” Mas lumapit na ako sa kanila at tumango. “Kahit na sinong tao, magpapasalamat sa taong tumulong sa kanila. At kahit na sinong tao, gugustuhin talaga na malibre sa bayarin ng hospital. Pero naisip ko, sobra-sobra na, magiging abusada na ako sa pagtulong mo sa akin.” “Did I tell you that it was too much for me? Diba ang sabi ko sa iyo, maaari ka ng umuwi.” “Oo nga, pero iyang paraan ng pananalita mo. Grabe ka mangbaba ng tao.” Tumingin siya sa kasama niyang doctor. “Sige, sabihin mo sa amin kung sinong mali dito?" Nagkamot ang doctor at pumagitna sa amin. “Insan, ikaw talaga ang may mali. Girls are always right.”Tapos tumingin sa akin. Mas uminit ang bunbunan ko sa sinaad ng pinsan niya. “Ah, miss. I’m his cousin, pagpasensyahan mo na siya.” Inabot niya ang kamay niya sa akin pero inirapan ko siya at linagpasan. Dere-deretso akong lumabas sa kwarto. "Saan ka pupunta?"habol niya sa akin. Saglit akong tumigil sa harap ng elevator at bumuga ako ng hangin. "Itong bill ko, babayaran ko muna."wika ko na nagpipigil. Pumunta siya sa gilid ko at kinuha sa akin ang bill. "Ni wala ka ngang dalang pera."saad niya at may itinapat siyang card sa gilid ng elevator, bumukas naman ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinadyakan ko na siya, “Aray ko!”inda ko. Nakaka-inis, nagamit ko ang paa kong may tahi. “This woman, ikaw pa talaga ang uma-aray, ako kaya ang natadyakan.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Masakit kaya.”sikmat ko. Bumuga siya ng hangin. “Ito ang napapala mo dahil sa masama mong ugali.”wika niya at yumuko. “Masamang ugali? Hoy-“ “Hoy?”hindi makapaniwalang tanong niya sabay tingin sa akin. “Ikaw na babae ka, hinohoy mo ako, tinutulungan na nga kita.” Itinikom ko ang bibig ko nang mapansin ko ang madilim at iritable na niyang mukha. “Stretch mo paa mo.”utos niya na naiinis parin. Sinunod ko na lang ang sinabi niya. “Hoy!Anong ginagawa niyo? Hoy.” Nagulat ako sa pagsulpot ng pinsan niya. Dumilim ang ekspresyon na niya, “Ano bang ginawa ko, at hinohoy na lang ako-“ Mas lalo akong nawindang ng dali-dali kaming itulak ng pinsan niya papasok sa elevator. “You’re crazy, sa mismong hallway pa talaga!”sigaw ng pinsan niya nang mapindot na niya papasara ang elevator. “Ano na namang iniisip mo?”napipikon na tanong niya, “Gusto mong lumubog ang kumpanya ko, ha!”nanggigigil na sigaw ng pinsan niya. Napahawak siya sa kanyang batok, umatras naman ako, dahil mukhang mag-aaway na ang dalawa. “Ilang araw na lang ilalabas na ang magazine mo.” “And? May ginagawa ba akong masama?” Saglit na tumingin sa akin ang pinsan niya. “Miss, this is not to offend you and I’m not against of your relationship.” Magsasalita na sana ako para itama ang sinasabi ng pinsan niya pero muli itong nagsalita. “Kapag nalaman nilang may girlfriend ka, sa tingin mo may bibili pa ng magazine mo.”balik ng pinsan niya sa kanya. “It’s not what you think-“ “Sinasabi ko sa iyo, hindi lang ako ang babagsak kundi pati ikaw. Ni piso, hindi kita babayaran at hihingi pa ako sa iyo para sa collateral damage kung sakali." “You're overthinking, hindi nga, ilang ulit ko bang sinabi na hindi ko siya type-“ Nagdilim ang paningin ko sa kanya, hindi sa nasaktan ako pero nandito ako, respeto naman kaya. “Maniwala ka sa kanya, hindi kami.”wika ko parin na parang hindi ako naapektuhan sa tinuran niya, tumingin sa akin ang pinsan niya. “Hindi niyo kailangang itago, okay lang naman sa akin basta hinay-hinay lang bago mailabas ang magazine niya-“ “Hindi nga kami, walang kami, at hindi ko rin siya type. As in hinde!”singhal ko. “Oh.”sapo ng pinsan niya ang dibdib nito. “Naiintindihan ko na, ma’am. Pasensya na po.”paumanhin pa ng pinsan niya. Ibinaling ko na ang ulo ko sa gilid dahil kumukulo ang dugo ko sa kanilang dalawa. “I told you, she’s crazy-“ Madilim na tingin ulit ang binalik ko sa kanya, tinakpan naman ng pinsan niya ang bibig niya. “Sorry po ulit, ma’am.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD